THERESA
Inaya akong sumama ni Blake sa loob ng silid niya at sinabi sa mga kasamahan sa trabaho na magbibihis umano siya at dapat ay tapos na ang dalawa kapag lumabas siya.
Mukhang strikto ang lalaking kasama ko at hindi pumayag na maiwan ako sa labas, habang naroon ang mga kasama sa trabaho niya.
Nagkunwari akong abala sa pag-aayos ng higaan habang nagbibihis si Blake, dahil hindi na naman ako mapakali. Mukhang balewala na kasi sa kanya ang basta na lang naghubad ng suot na damit kanina sa harap ko at nakatapis lang ng tuwalya na mabilis lumabas para naligo.
Ewan kung anong uri ng paliligo ang ginawa ni Blake dahil wala pang ten minutes ay tapos na at heto at nagbibihis na sa harap ko.
"Aalis muna ako, Lara. Babalik rin ako bago mag-lunch time," paalam ni Blake matapos magbihis. "Ako na ang bahala sa pagkain natin mamaya."
"Okay," tipid na sagot ko.
"May gusto ka bang ipabili?" tanong nito kaya umiling ako.
"Gusto kong pumunta sa bayan. Okay lang ba?" tanong ko kay Blake.
Supposed, Hindi ko na kailangang magpaalam. Sanay akong umalis at umuwi na hindi iniisip ang tungkol dito, pero hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para ipaalam kay Blake ang balak ko.
"Ayaw mo ba akong hintayin para may kasama kang lumabas mamaya?" tanong ni Blake habang abala sa pagbibihis.
"Alam ko naman ang daan, gusto ko lang lumabas," tipid na sagot ko.
"Okay, i-charge ko ang cellphone ko sa presinto. Hindi ako sigurado kung masasagot ko agad kapag tumawag ka in case na makapag-charge ka ng phone mo, kasi may operation kami sa barrio, pero ibibilin ko sa kasamahan ko na sagutin kapag nakitang tumawag ka," paliwanag ng kaharap ko.
Nag-dahilan na lang ako kay Blake, dahil ayaw kong magtanong pa siya, lalo na at lalabas at aalis ako. "It's okay, kaya ko ang sarili ko. Beside, pwede kong i-charge ang phone ko sa sasakyan mamaya, kailangan ko lang bumili ng gasolina."
Tumalikod si Blake at may binuksang drawer sa sulok. Minuto lang ang lumipas binigay niya sa akin ang isang susi at sinabing kapag nauna akong umuwi ay makakapasok ako sa bahay.
"Salamat," tipid na sagot ko, habang hawak ng isang kamay ang susi nang bahay niya sa kanang palad ko.
"Mag-ingat ka, ha?" sabi ni Blake na dumukwang at mabilis na hinalikan ako sa labi.
Napakapit tuloy ako sa braso niya dahil pakiramdam ko ay nanghina ako at nanginig pa ang tuhod ko dahil sa ginawa niya.
"Mame-miss kita, Lara," mahinang bulong ni Blake habang gahibla lang ang pagitan ng mga labi naming dalawa.
Napa-kurap ako sa narinig kong sinabi ng kasama ako. Hindi rin ako nakasagot ng muli niya akong siilin ng halik sa labi at pagkatapos ay tumayo nang tuwid at sinabing aalis na.
Naiwan akong tulala dito sa loob ng silid at sisinghap-singhap pa. Natauhan lang ako ng marinig ko ang pagsara ng pintuan, katunayan na lumabas na si Blake at ang mga kasama niya.
Mabilis na lumabas ako ng silid at palihim na sumilip sa bintana. Kahit umuulan, kailangan ko nang simulan ang trabaho ko at mabuting wala si Blake dito sa bahay para malaya akong makakilos at magawa ko ng maayos ang pakay ko.
Mabilis na nagbihis ako at siniguro na maayos ang suot ko. Tumingin muna ako sa salamin ang sarili ko, bago lumabas ng pintuan at ini-lock ito at pagkatapos ay mabilis na sumakay ng sasakyan.
Hindi ko na pinansin ang ilang kapit-bahay ni Blake na nakita kong nakasunod ang mga mata at nadaanan ko. Mabilis na pinatakbo ko ang sasakyan ko at tinungo ang lugar na pakay ko.
Nagpark ako ng sasakyan ko, ilang metro ang layo mula sa bahay ni Mayor Rosales. Malaki ang bahay na pakay ko at kahit nasa probinsya ito at may mga gwardya para protektahan siya, pero nasisiguro kong walang magagawa ang mga tauhan ng walang-hiyang mayor na ito para iligtas ang sarili sa matalas na kuko ko at sa kaparusahang naghihintay sa kanya, sa kamay mismo ng mapanganib na pinuno ng organisasyon na kinabibilangan ko.
Hindi ako lumapit sa bahay ni Mayor Rosales, pero pinagmasdan ko ito mula sa malayo, habang pinag-aaralan ko ang bawat kilos ng mga tao sa paligid.
Matapos ang dalawang oras na pagmamanman ay nagbunga rin ang paghihintay ko na makakuha ng magandang pagkakataon para makalapit kay Mayor Rosales at masimulan na ang trabaho ko.
Nang makita kong lumabas ang itim na sasakyan mula sa bahay ni Mayor Rosales at agad na sinundan ko ito. Siniguro ko na malayo ang distance namin at hindi ako mapapansin ng driver at kasamang bodyguard, para hindi sila maghinala na nakasunod ako.
As expected, sa municipal hall nga ang punta ni Mayor Rosales. Palihim na bumaba ako sa sasakyan ko at kunwari naglalakad at may kausap sa cellphone na nilapitan ko ang target ko.
Mabilis na nakalapit ako sa mamahaling kotse ni Mayor Rosales at walang kahirap-hirap na naikabit ang dalawang tracker na susundan ko. Successful ang first attempt ko at pagkatapos nito ay magiging mabilis na ang development ng misyon ko.
Fully trained ako sa ganitong trabaho. Mabilis at malinis ang naging kilos ko.
Walang naghinala sa ginawa ko, dahil kusa akong lumapit sa security guard at nagkunwaring nagtatanong kung saan ang gas station.
Part ito ng malinis na trabaho ko, dahil kahit mag-imbestiga si Blake, hindi siya maghihinala na may iba akong pakay ay ginawa, dahil totoong magpapa-gas ako ng sasakyang dala ko.
Mabilis at malinis akong kumilos at alam iyan ng big boss ko na si Draven Madrigal, kaya sa akin niya binigay ang misyon na ito. Well, not bad, nag-eenjoy naman akoat exciting pa nga ang pagtira ko dito.
Right after kong manggagaling sa gas station at bumili ng snacks na pwede kong makain habang nasa bahay ni Blake ay umuwi na ako.
Nakapag-charge na rin ako ng cellphone ko kahit paano at nakamonitor na rin ako sa movement ni Mayor Rosales na hanggang ngayon ay naka-park pa rin ang sasakyan sa parking lot sa munisipyo kung saan ko ito nilapitan kanina at palihim na kinabitan ng tracker.
Gaya nga ng sabi ni Blake, umuwi siya bago mag-tanghalian. May dala na siyang pagkain galing restaurant dahil late na umano kung magluluto pa siya.
Nagulat pa ako ng bumukas ang pintuan at pumasok siya dito sa silid, habang hawak ko ang cellphone ko at ginagawa ang trabaho at pagkatapos ay mabilis na hinalikan ako sa labi.
"Mabuti at hindi ka naligaw, Lara," nakangiting sabi ni Blake na mabilis umupo sa tabi ko.
"Driver ako, alam ko magnavigate ng daan, Blake, kaya nakabalik ako dito," proud na sagot ko.
"Mabuti at nakauwi ka kaagad," sabi pa ni Blake, dahilan para tumaas ang kilay ko.
"Paano mo nalaman?" kunot ang noo na tanong ko. "May CCTV ba kayo sa bayan?"
Minabuti kong magtanong ng tungkol dito para maging mas maingat pa ako sa kilos ko. Ngumiti sa akin si Blake at sinabing marami raw buhay na CCTV hindi lang sa bayan, kung 'di maging sa buong lugar nila dito.
"Nakita ka ni Abner sa munisipyo kanina. Nagtanong ka raw sa security guard kung nasaan ang gas station at nasundan ka niya, dahil katulad mo ay nagpa-gas rin siya ng motor, kaya alam kong nakauwi ka agad kasi same rin ang daan ninyo pauwi.
Nalukot ang noo ko at hindi ko nagustuhan ang narinig ko. Meaning, maraming mata si Blake sa paligid at nakasunod sa kilos ko, kaya dapat na maging mas maingat pa ako.
"Pinasusundan mo ba ako, Blake?" seryoso at nag-aakusang tanong ko.
"Hindi, nagkataon lang na kapit-bahay natin si Abner at nakita ka niya kanina," sagot agad ng katabi ko.
"Paano niya ako nakilala at sinabi sa iyo kung saan ako nagpunta, gayong maliban sa dalawang pulis na kasama mo kanina na sumunod sa iyo dito ay wala nang ibang nakakaalam na dito ako nakatira sa bahay mo?"
Napangiti si Blake sa tanong ko. "Daig pa ng mga tao dito sa probinsya ang CCTV, Lara. May nakakita sa atin kahapon sa karinderyang sabay kumain at umalis. Sa isip ng mga tao dito, ako ang pinuntahan mo dito at magkakilala tayo. Malaking patunay doon na naka-park sa labas ang sasakyan mo, kaya nang may nakakita sa iyo kanina sa bayan ay sinabi sa akin ni Abner ng makita ako na pumunta ka raw sa munisipyo."
Seryosong pinakinggan ko ang paliwanag ni Blake. It makes sense nga naman at may point siya, kaya dapat na maging mas maingat pa ako, dahil siguradong may mga matang nakasunod sa akin at sa bawat ginagawa ko.