Chapter 5

1876 Words
THERESA Naalimpungatan ako nang naramdaman kong nakayakap ng mahigpit si Blake mula sa likuran ko at nakasiksik ang mukha niya sa balikat ko, kaya tumatama ang mainit na hininga niya sa balat ko. Dahan-dahang nagmulat ako ng mga mata at iginala ang paningin sa paligid. Umaga na, pero malakas pa rin ang buhos ng ulan at malakas ang ihip ng hangin. Masarap tuloy matulog at mahiga sa kama habang hubot hubàd na yakap ako ni Blake at nababalot ng kumot, tapos nararamdaman ko ang init ng balat niya. "Good morning, Lara," malambing at paos na bati ni Blake sa akin. "Good morning," mahinang sagot ko at nagtanong sa kanya. "Anong oras na?" Wala kasi akong makitang orasan, tapos naka-off na rin ang phone ko, kaya hindi ko alam kung ano oras na. Ang alam ko lang, umaga na, dahil maliwanag na dito sa silid na kinaroroonan namin. "Seven o'clock na," tila inaantok pa na sagot ni Blake na kinabig ako at mas lalong humigpit pa ang pagka-kayakap sa akin. "Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ko sa katabi ko dahil ganitong oras, bilang goverment employee ay dapat naghahanda na siya para pumasok sa trabaho. "Maaga pa, pwede rin naman akong 'di pumasok para masamahan kita," sagot ng katabi ko, pero umiling ako. "Its okay, kaya ko na. Isa pa, hindi naman ako aalis ngayong araw. Gusto kong magpahinga muna. Bukas ko na lang gagawin ang trabaho ko," sagot ko, para hindi niya ako kulitin. "Talaga, ilang araw kang mag-stay dito bago bumalik ng Maynila?" tila natutuwang tanong ni Blake. "Not sure, baka two to three days," nakapikit na sagot ko. "Mag-file ako ng emergency leave mamaya, para may kasama ka habang narito ka, Lara," bigla ay sabi Blake. Kung gaya sa mga naunang misyon ko, maiirita ako dahil hindi ko gusto ang ganitong ugali ng isang lalaki na nagiging clingy matapos may mangyari sa amin. Walang pinagkaiba si Blake doon, pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon. "It's okay, sa ibang araw na lang. For now, kailangan kong magpahinga at dito muna ako sa bahay mo mag-stay habang naghihintay na magkaroon ng kuryente para makapag-charge ako ng phone ko," sagot ko. "And please, ayaw ko ng makulit, Blake." Malalim na buntong-hininga ng katabi ko ang sumunod na narinig ko. I'm back to my cold self kasi hindi ko nagugustuhan ang epekto sa akin ng katabi ko. "Okay," tanging sagot ni Blake na bumaon sa leeg ko ang mukha at pagkatapos ay hinalikan ako sa balikat. "Maghahanda muna ako ng almusal natin." Hindi na ako sumagot. Naramdaman ko na lang na gumalaw ang bahagi ng kama likuran ko at inayos ni Blake ang takip na kumot sa hubàd na katawan ko. Pinanood ko siyang tumayo at inabot sa dulo ng kama ang nagkalat na damit niyang hinubad ko sa katawan niya kagabi. Not bad, maganda rin pala ang katawan niya, hindi rin pahuhuli sa mga lalaki sa Maynila. Lalong na define ang masculine appearance niya, dahil sa morenong kulay na bumagay sa magandang feature ng mukha, lalo na ang matangos na ilong at ang makapal na kilay. "Anong gusto mong almusal?" tanong ni Blake matapos isuot ang t-shirt. "Don't bother. May protein shake akong dala. Okay na ako doon," sagot ko. "Meaning, hindi ka kakain ng kahit ano ngayong umaga?" tanong na naman ni Blake kaya umiling ako. "May dala rin akong cereal," tipid na sagot ko, pero mukhang hindi iyon nagustuhan ni Blake dahil bahagyang nagdikit ang makapal na kilay niya. "Kaya halos walang laman ang katawan mo at ang payat mo, kasi ganyan pala ang mga kinakain mo, Lara," sabi ni Blake na umiling pa na akala mo naman ay disappointed siya at hindi nag-enjoy sa ibabaw ko kaninang madaling araw. "Breakfast ang pinaka-importanteng pagkain sa araw. Kaya dapat kumain ka ng maayos," sabi pa nito bago hinawi ang kurtina at lumabas. Naiwan akong mag-isa sa silid at hubàd na nakahiga sa kama. Siguro ay sampung minuto rin ang lumipas ng bumangon ako. Napabuga na lang ako ng hangin na inabot ko ang damit pantulog ko at tuwalyang binigay ni Blake na siyang ginamit ko ng maligo kagabi. Nagtapis lang ako ng tuwalya at naka-paa na lumabas ng silid para maligo. Hindi ko kayang basta magbihis lang na walang ligo matapos ang dalawang ulit na nangyari sa amin ni Blake at parehong pagod na nakatulog kaming dalawa. Naabutan kong abala sa kusina si Blake. Dahan-dahan akong naglalakad at sigurado akong wala akong ginawang ingay, pero mukhang matalas ang pakiramdam niya at lumingon agad sa direksyon ko. "Maliligo muna ako," bigla ay sabi ko kahit hindi naman niya ako tinatanong. Nakatitig na naman kasi siya sa akin na para bang natulala pa ng makita ako. "Nag-init na ako ng tubig, pwede mong gamitin pang-ligo," sagot ni Blake na in-off ang apoy sa kalan at humakbang papasok sa banyo sa sulok ng kusina. Sa ginawa niya, nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na kudlit sa puso ko. For the first time kasi, may lalaking nagpakita ng concern sa akin at hindi gaya ng mga nakilala ko na katawan ko lang ang gusto. Hindi ko akalain na may lalaking gaya ni Blake na caring pala na akala mo ay matagal na kaming magkakilala at hindi puro sèx lang ang gusto, kaya nakaramdam ako ng kakaibang kudlit sa puso ko. Mabuti na lang at nag-init si Blake ng tubig dahil ang lamig pala talaga. Nanginig bigla ang katawan ko ng magbuhos ako at nabasa ang ulo at buhok ko. Iba talaga ng temperature dito sa probinsya sa umaga, lalo na at umuulan at malamig ang panahon. Nakahain na si Blake ng lumabas ako. Sumulyap lang ako sa kanya at mabilis na pumasok sa silid niya para magbihis dahil kahit may nangyari na sa amin kagabi ay awkward pa rin sa pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko kung paano niya ako tingnan, dahilan para bumilis ang tîbok ng puso ko. Matapos magbihis at lumabas ako ng silid. "Kain na," yaya sa akin ni Blake. Tahimik na sumama ako sa kanya palapit sa mesa. Nakita kong nagsangag siya at pritong itlog, tapos may adobong manok, kapares ng kape. Hindi ganito ang usual na pagkain ko sa umaga, pero hindi ako dapat maging maarte kasi nakikituloy na nga ako at pinag-handa niya ng pagkain. Alam kong pinagmamasdan akong kumain ni Blake. Mukhang balak pa niyang lagyan ng pagkain ang pinggan ko ng makitang kaunti lang ang kinuha ko, pero tinaasan ko siya ng kilay, kaya itinikom ang bibig at hinayaan ako. Bilang modelo, kailangan kong alagaan ang sarili ko, lalo na ang katawan ko. Mabuti na lang at hindi ako gaya ng ibang kasamahan ko sa runway na mabilis mag-gain ng weight, pero hindi ibig sabihin noon ay okay lang na wala na akong disiplina sa sarili. Inubos ko ang pagkain ko, pati na rin ang kape na tinimpla ni Blake para sa akin. Wala na akong narinig na kahit ano mula sa kanya, kaya matapos kumain ay tumayo na ako. "Tao po, sir!" Malakas na tawag ng kung sino mula sa labas. Nagkatinginan kami ni Blake at pagkatapos ay bumaba sa katawan ko ang paningin niya at sinuyod muna ng mga mata ang kabuuan ko, bago tumayo at tinungo ang pintuan at binuksan. Maliit lang ang bahay ni Blake, kaya malinaw na narinig ko ang sinabi ng taong dumating. "Hindi ka matawagan ng tropa, sir, kaya pinuntahan ka na namin dito," sabi ng isang lalaki. Narinig kong sinabi ni Blake na naka-off ang cellphone niya at tinanong ang mga dumating kung may problema ba at pinuntahan siya ng ganito kaaga. "Oo, sir. Nag-request ang si Kapitan Magno ng evacuation para sa mga bahay na malapit sa ilog," sagot ng isa. "Sige, magbihis lang ako," sabi ni Blake at sinabing hintayin na siya ng mga kausap. "Ah sir, pwede bang makainom ng kape? Kanina pa kami sa ilog, nanginginig na ako, ang lamig kasi," tanong ng isa. "Bakit, wala bang kape sa inyo?" masungit na tanong ni Blake na hindi man lang nag-abalang papasukin ang mga kasamahan sa trabaho. May pagkamasungit rin pala ang isang ito. Kape lang, ipinagdadamot pa. "Bumili na lang tayo ng kape sa karinderya ni Aleng Tekla mamaya," sabi pa nito. Isa-isang inabot ko ang mga plato at nagligpit ng mga ginamit namin. Marunong naman akong maghugas ng pinggan dahil ginawa akong alila ng mga taong kumupkop sa akin matapos namatay sa sunog ang buong pamilya ko, kaya walang problema kung gagawin ko ito. Hindi lang ako sanay na walang gripo, kaya nang akmang kukuha ako ng tubig sa timba para maghugas ng kamay na may sabon, dumulas ang hawak kong baso at nabasag. "Ayos ka lang ba, Lara?" tanong ni Blake mula sa likuran ko na mabilis palang nakalapit sa akin. "Yeah, sorry nabasag ko," nakangiwing sagot ko na nakatingin sa nagkalat na pirasong baso sa sahig, malapit sa paanan ko. "It's okay, ako nang bahala dito. Huwag mo nang pansinin 'to," sabi ni Blake na mabilis inabot ang walis at dust pan para walisin ang nabasag na baso sa sahig. "May magandang bisita ka pala, sir," sabi ng lalaking kanina lang ay kausap ni Blake sa labas. Nabaling ang tingin ko sa kanila. Hindi ko sila kilala at hindi rin ako pamilyar sa kanila, dahil hindi sila ang nakita ko sa presinto ng minsang pumunta ako doon kasama si Agatha para tingnan ang police case sa pagkamatay ng mga magulang niya. "Sinong may sabi sa inyong pumasok?" salubong ang kilay na tanong ni Blake sa dalawa. "Narinig kasi naming may nabasag, kaya tiningnan namin at baka may kalaban dito sa loob kasi kausap ka naman namin sa labas, sir," sagot naman ng isa na hindi ko alam kung nagbibiro ba. Nahiya ako nang magsalok ng tubig si Blake at sinabing maghugas na ako ng kamay. "Ako nang bahala dito, Lara," mahinahon na sabi ni Blake na hinawakan ang kamay ko at gamit ang dulo ng t-shirt na suot ay tinuyo niya. Napatitig na lang ako sa kanya habang nakayuko siya at tinutuyo ang kamay ko. Sabay pa kaming napalingon ng marinig namin ang tikhim ng mga kasamahan niya sa trabaho na narito pa rin pala sa kusina at pinagmamasdan kami kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. "Kung gusto n'yo ng kape, magtimpla na kayo, para makaalis agad tayo," utos ni Blake sa mga kasama na feel at home at mabilis kumuha ng tasa at kutsara para magtimpla. "Kaya pala wala kang pinapansin dito sa probinsya, Sir Blake, kasi napakaganda pala ng girlfriend mo," sabi ng isa habang naghahalo ng kape. Napatingin ako kay Blake na hindi man lang nag-reklamo at ikinailang hindi niya ako girlfriend. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya, maliban sa sinabing manahimik ang kasamahan sa trabaho. "Ma'am, Theo po ang pangalan ko. Kung may kapatid ka pa, baka p'wedeng makilala, single pa po ako," sabi ng maingay na pulis na pabirong binatukan ng kasama, kaya napangiwi ako. Kapangalan pa niya ang lalaking dinukot ni Boss Draven ang mata, kasi nilapitan kami ni Agatha sa pool, which is mahigpit na ipinagbabawal ng aming pinuno. Naalala ko na naman tuloy ang mayabang na lalaking iyon na ipinagmamayabang ang maliit na pagkalalakî niya, eh, kasing haba lang naman ng okrang kinulang sa abono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD