Chapter Three: I Know Everything About You

1184 Words
Chapter Three: I Know Everything About You   “Si-Sir, hi-hindi po ito a-ang daan patungo sa pinagtatrabahuan k-ko po,” nautal ako sa sobrang kaba. Balot ng malalmig na butil ng pawis ang aking noo at hindi magkamayaw sa panginginig ang aking kamay at tuhod. Hindi ako sinagot ni Sir Dmitri. Tahimik siya pero may malawak na ngisi. Hindi ko maiwasang kabahan sa paraan ng kanyang pagngisi. Gusto kong sumigaw ng tulong at tumakbo dahil sa sidhi ng takot. Mahigit dalawang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin kami humihinto sa pagmamaneho. Natuyo na ang aking lalamunan dahil sa sobrang kaba. “S-Sir Dmitri,” sa aking pagtawag ng kanyang pangalan ay nilingon na niya ako. “What’s the problem, Gio?” kalmado niyang tugon. Nanindig ang lahat ng balahibo sa aking katawan. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko. Ang baritono niyang boses ay nagpangatog sa akin. Wariy nagsasabi na ako ay mag-iingat sa kanya. Hindi ko maatim na makipag-usap sa kanya ng diretso o tumitig man lang. Ibang-iba ang aura niya noong nasa pastry shop siya at ngayon na kasama ko siya sa kanyang kotse. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob bago nagsimulang magsalita. “K-Kung ano man po ang nasabi ko sa inyo kanina, patawad po, Sir Dmitri. Buong puso po akong humihingi ng kapatawaran sa inyo po,” Mahina siyang natawa. “I haven’t done anything to you, yet, you already submit yourself to me,” nilingon ko siya. “H-Ha?” Nantatiling nakapokus ang kanyang paningin sa daan. “Sabi ko, relax. I did not take your words a while ago seriously,” napahilamos ako sa aking mukha dahil tumutulo na ang pawis mula sa aking noo. Sinulyapan ako ni Sir Dmitri at kumuha siya ng panyo mula sa kanyang bulsa. “Is the ac not working or am I just intimidating?” ang kanyang tanong. “Use my towel to wipe your sweats away,” nilahad niya sa aking harapan ang kanyang kulay putting towel. Sa itsura pa lang, alam kong mamahalin na ito kaya tinanggihan ko. “Sa-Salamat po, S-Sir Dmitri pero o-okay na po ako —” “I don’t take no as an answer.” Hininto niya ang kotse at ipinarke sa gilid ng kalsada. “Especially from you, Gio. Take it, now,” pag-uutos niya. Mas natakot ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Kung nakakasugat ang talim ng kanyang titig ay baka naubusan na ako ng dugo. “T-Thank you po, S-Sir,” kinuha ko mula sa kanyang kamay ang panyo. Nag-aalinlangan man akong ipahid sa aking mukha dahil alam kong hindi ko ito kayang palitan ng bago kung madudumihan ito gamit ang aking pawis. “What are you waiting for? Do you want me to wipe the sweats on your face?” hindi ako nakagalaw ng muli niyang kinuha mula sa aking kamay ang kanyang panyo. Labis ang aking pagkabigla ng sinimulan niyang ipahid sa aking mukha ang panyo niya. Napapikit ako sa aking mga mata. Sa paghaplos niya ay marahan ito at puno ng pag-iingat. Hindi ko na namalayan na isang dangkal na lang pa la ang layo ng kanyang mula sa akin at ang kanyang pagpahid ng aking pawis ay bumaba na sa aking leeg. “S-Sir D-Dmitri —” “Shh,” pinatahimik niya ako habang titig na titig sa aking mga labi. “Dumugo na ba ang labi mo, Gio?” “Ba-Bakit po?” “How rude of you to answer me with a question?” nag-iba ulit ang timpla ng kanyang mukha. Nagtangis ang kanyang panga. “S-Sorry po. H-Hindi pa po, S-Sir Dmitri,” halos maihi na ako sa kaba at panawan ng ulirat dahil sa takot na lumulukob sa aking damdamin. Ngumiti siya na parang may binabalak na masama. “Very well,” huminto siya sa pagpunas sa aking mukha at isinilid pabalik sa kanyang bulsa ang panyo na kanyang ginamit. “We’ll go to my mansion, Gio. I need you to do something for me —” “S-Sir m-may trabaho po ako sa —” “That old rusty pastry shop?” tumawa siya. “I already bought your position there, Gio. And starting today, you’ll be working exclusively for me,” Napakunot ang aking noo. “A-Ano po?” Hindi sumagot si Sir Dmitri. Pinaandar niya ulit ang makina ng kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho. Makalpas ang mahigit isang oras, nakarating na rin kami sa mansion na tinutukoy niya. “Wow,” bulong ko sa ere. Namangha ako sa istilo ng mansion niya. Para itong mansion ng mga duke at hari ng ibang bansa. Marami rin akong nakitang bantay na may malalaking armas. “Today is the eleventh birthday of my son, Ramiro Donovan. I want you to organize a birthday party before 6 pm,” utos ni Sir Dmitri. Nauna siyang lumabas mula sa kanyang kotse at sinundan ko siya gamit ang aking mga mata. Huminto siya sa paglalakad. Agad nanumbalik ang aking kaba ng magtama ang aming mga mata at ang kakaiba niyang pagtitig sa akin. Muntik pa akong masubsob sa lupa dahil sa pagkataranta habang sinusundan ko siya. “Hindi ba uso ang salitamg attentive, Gio?” nakapamulsa niyang tanong. “S-Sorry po,” tinalikuran ako ni Sir Dmitri at pumasok sa kanyang mansion. Halos naging literal na buntot ako sa kanya dahil kung saan siya tumungo ay sinusundan ko. “Here’s the kitchen. You’ll be working with Anders here,” lumabas ang matandang lalaki na ‘di na kabakasan ng maraming buhok sa ulo. Nakatuxedo rin siya kagaya ng suot ni Sir Dmitri. “Pleasure meeting you, finally, Gio,” nilahad niya ang kanyang kamay sa aking harap upang makipaghandshake. “P-Pleasure meeting din you po,” ang nahihiya kong tugon sabay shakehands sa kanya. Agad pumagitna si Sir Dmitri at hinila ang aking kamay. “That’s enough,” napaangat ako ng tingin sa kanya matapos humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. “Aray,” mahina kong daing. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi matapos niyang marinig ang aking pagdaing. “S-Sir Dmitri,” pagtawag ko sa kanyang pangalan. Napatitig sa amin si Anders pero hindi siya nakialam. Tumalikod siya at agad nilisan ang aing harapan. “What’s the problem, Gio?” maang-maangan niyang tanong. Hindi ko alam din kung alam ba niya na nasasaktan ako sa higpit ng pakakakhawak niya sa aking kamay. “Ma-Masakit na po ang kamay ko,” napatingin siya sa aking kamay at agad na binitawan. “Oh. Sorry,” labis akong nabigla at natigalgal ng halikan niya ang likod ng aking kamay. “Ako na ang susundo kay Honey, Andrew at Paul, Gio. Para makilala nila ang mga anak ko,” “H-Ha? Pa-Paano niyo po nakilala ang mga kapatid ko?” ang naguguluhan kong tanong. Pumalapit sa akin si Sir Dmitri at bumulong sa aking tenga. “I know everything about you, Gio Brooks,” hinalikan niya ako sa pisngi bago nilisan na nakatulala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD