Chapter Four: Mark My Words

1360 Words
Chapter Four: Mark My Words   Sumapit ang gabi, at naging maingay ang mansion. Anim na oras din kaming nagprepare ni Anders ng birthday party sa anak ni Sir Dmitri na si Ramiro. Sobrang pagod ako at sumasakit na ang aking kasu-kasuan. Hindi biro ang pinagluluto namin kanina. Dahil ang menu ay hindi pangkaraniwan at lalong hindi typical ang birthday party ng bata. Champagne, caviar, 24k gold edible at kung ano-ano pang mamahalin at sosyaling pagkain. Mayordomo pa la si Anders. Gayun lang, hindi siya gaano ka masalita sa akin. Pero sa iba naman ay sobra niyang daldal. Baka ayaw sa akin ni Anders. Marami rin akong nakasamang katulong kanina. May executive chef at sous-chef naman si Sir Dmitri. Nagtaka ako kung ano pa ba ang gagawin ko dito? I mean alam kong magluluto ako pero ang lahat ng niluto namin ay mula sa idea ng executive chef at sous-chef. Naiwan akong mag-isa sa kusina habang hinuhugasan ang mga ginamit namin kanina. Ewan ko ba, parang ang layo ng mga tao sa akin at batid kong hindi nila ako gustong makasama dito. ‘Di bale, pag-uwi ko mamaya ay tatanungin ko ang amo namin sa pastry shop kung pwede pa akong bumalik — hindi naman ako nagresign. Doon, welcome ako ng aking mga katrabaho. Hindi kagaya dito na tikom ang kanilang bibig sa akin at halatang ayaw nila akong makasama. Sa katahimikan ng aking paghuhugas ay kumalampag ang pinto ng kusina. Napalingon ako sa aking likuran. Nakita ko ulit siya. Kinabahan ako. “S-Sir,” pilit akong ngumiti. “Hello, Gio. How are you?” nakapamulsa siyang lumapit sa akin. “O-Okay lang po,” tinalikuran ko siya at bumalik sa paghuhugas ng mga pinggan. Naramdaman ko ang presensya ni Sir Dmitri sa aking likuran. Nakakapaso ang bawat titig niya sa akin. Napahinto ako sa paghugas at napapikit sa aking mga mata. “Are you terrified at me, Gio? Or am I just intimidating?” Hindi ako nakasagot. Ano ba dapat ang isagot ko? Baka kapag mali ang sinagot ko ay baka ipa good job niya ako. Kagaya ng mga balita o istorya na naririnig ko. Napamulat ako at napatalon sa kaba ng pisilin niya ang aking pang-upo. “S-Sir!” may pagtutol sa aking boses. “You are not responding to me. Safe to say the least, you are ignoring me, Gio,” napalingon ako sa kanya. Inilapit ni Sir Dmitri ang kanyang mukha sa akin. “Are you… scared of me, Gio?” para akong nahipnotismo sa kanyang mata sa aking pagtitig. Dama ko ang nakakapasong hangin mula kanyang hininga at amoy ko ang pinaghalong mamahaling alak at tobacco mula sa kanyang hininga. Mahina akong napatango. “Care to share?” hinawakan niya ang magkabilaan kong baywang. Pilit akong kumawala pero lalao itong humigpit. “S-Sir Dmitri,” nanginginig sa kaba kong sambit. “Let out all the words, Gio. Tell me,” “S-Sir —” “Tell me!” nabingi ako sa kanyang pagsigaw. Likas na mahina ang aking emosyon kaya napaluha ako. Oo. Mahina mang tingnan pero ang emosyon ko ang mabilis na matibag sa akin kaya kahit sigawan mo ako ay maiiyak ako lalo na kapag takot ako. Humikbi ako. Tinawanan ako ni Sir Dmitri. “Gio, I —,” huminga siya ng malalim at pumalatak sa kanyang dila.  “Stop crying. I might not control myself. I’m sorry,” agad niya akong binitawan at iniwan na mag-isang luhaan sa kusina. Nagtaka ako sa kanyang ikinikilos. Ipinagpatuloy kong hugasan ang mga nakatambak na hugasin. Hindi rin ako matapos-tapos dahil panay pasok ng mga ginamit na baso, plato at kutsara sa kusina, dala ng mga kasambahay. Tumigil na rin ako sa pag-iyak. Ayaw kong may iba pang tao na makasaksi sa aking kahinaan. “… really? Gusto mong tumira dito?” narinig ko ang malakas na boses at ang mabibigat na yapak papalapit sa aking pwesto. “Opo. Ang ganda po dito sa mansion niyo po! Para akong isang princess!” napalingon ako ulit sa aking likuran ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae. “Honey!” “Kuya Gio!” Karga-karga ni Sir Dmitri ang kapatid kong babae. Sinalubong ko sila at dito ko nakita ang dalawa ko pang kapatid. Sina Andrew at Paul na abalang ginagamit ang bagong cellphone. “S-Sir Dmitri,” panawag ko sa maskuladong lalaki na nakatitig sa akin. “Honey is such a sweet girl. She loves to live here. And Andrew and Paul, pretty sure they do as well,” pagbabahagi niya ng impormasyon sa akin. “Halika rito sa akin, Honey. Kay Ku-Kuya Gio ka na magpakarga —” akmang kukunin ko na sana si Honey mula kay Sir Dmitri pero iniwas niya sa akin ang bata. “Honey,” panawag niya sa akin kapatid. “Yes, daddy Dmitri?” “Tell to your kuya Gio what you told me earlier,” pag-uutos niya sa bata. “Kuya Gio. Gusto ko pong tumira dito. Napakaganda ng mansion at maraming toys! Ang sarap pa ng mga pagkain. Pumayag na po si daddy Dmitri at gusto niya tayong maging isang pamilya —” “Ano!?” malakas kong pagtutol. “Ho-Honey. Hindi. Uuwi na tayo ngayon din,” mariin kong utos. Nilingon ko ang dalawa kong kapatid na lalaki. “Andrew! Paulo! Bitawan niyo ang mga gadget na hawak-hawak niyo at uuwi na tayo!” “Pero, kuya —” “Andrew! Makinig ka sa kuya mo!” pinandilatan ko siya ng mata dahil sa pagkainis. “Panira ka talaga ng kasiyahan kuya!” pabalik na sigaw sa akin ni Andrew sabay lagay ng cellphone sa lamesa at tumakbo paalis. “Galing mo kuya,” bakas ang pagkainis sa mukha ni Paul habang nilapag sa mesa ang cellphone na binigay sa kanila ni Sir Dmitri at sinundan si Andrew. “Andrew! Hintayin mo ako!” panawag ni Paul “Pe-Pero —” natahimik ako ng sumbatan ako ni Honey. “Napaka k.j mo talaga kahit kailan, kuya Gio! Ngayon nga lang ako magkaroon ng maraming toys at magkaroon ulit ng daddy pero ayaw mo pa!” ibinaba ni Sir Dmitri si Honey at inutusang. “Sundan mo ang mga kuya mo sa labas, Honey. Mag-uusap lang kami ng kuya Gio mo,” “Ho-Honey, please,” hindi ko na natapos ang aking salita dahil mabilis na tumakbo palabas si Honey. Bigkang sumulpot si Anders na parang kabute. “Wrap the gifts for the kids and wait for Gio in the car,” utos ni Sir Dmitri. Tango ang sagot ni Anders at kinuha ang cellphone at iniwan kaming dalawa ni Sir Dmitri. “The kids sure do love me, now, Gio,” nakangisi niyang tugon. “Kung may masama kang binabalak sa mga kapatid ko ay dadaan ka muna sa malamig kong katawan —” “Kaya kitang painitin,” bigla niya akong hinalikan. Nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Tinulak ko siya ng malakas at buong pwersa na sinampal. “Walang hiya ka!” sigaw ko. Tinawanan lang ako ni Sir Dmitri. “Huwag na huwag kang lalapit ulit sa pamilya ko, Sir Dmitri at baka makilala mo ang totoong ako,” pagbabanta ko sa kanya. Tinatagan ko ang aking loob kahit pa natatakot ako sa kanya. Alam kong sa gabi na paglisan ko dito sa mansion ni Sir Dmitri ay magbabago na ang lahat. Kinuha ni Sir Dmitri ang kustilyo mula sa tray at itinutok sa akin. Kinabahan ako. Pero nagulat ako ng ibigay niya ito sa akin. “Go on. I dare you to stab me in the chest, Gio! Stab me!” nanginig ako sa kaba. Nginisihan ako ni Sir Dmitri. “I know you can’t hurt me. nor you can to anyone else,” tinapon niya ang kutsilyo sa sahig mula sa aking kamay. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilaan kong pulsuhan. “A-Aray!” napangiwi ako sa sakit. “You listen to me, Gio. Luluhod at luluhod ka sa akin. Mark my words,” malakas niya akong tinulak hanggang sa napaupo ako sa sahig at iniwan niya ako na may mapang-insultong ngiti sa kanyang labi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD