Chapter Two: Entrar en el coche

1761 Words
Chapter Two: Entrar en el coche   “Kuya!” “Kuya!” “Kuya!” “Sandali lang,” kanina pa katok nang katok ang tatlo kong nakababatang kapatid sa pinto ng aming banyo. Naiihi kasi ako pagkatapos naming kumain ng agahan. Binilisan ko ang aking kilos at lumabas mula sa banyo. “Oh? Anong sadya ho nila at katok nang katok sa pinto?” pumatunghod ako at kinurot ang matabang pisngi ng nag-iisang prinsesa ng aming pamilya. “Bitiw na, kuya Gino!” nakangiting sita at pilit winiwakli ni Honey ang kamay ko sa pagkakakurot ko sa kanyang pisngi. Nakagawian ko na rin at pinanggigilan na kurutin ang kanilang pisngi. Kagaya ng kanyang pangalan ay sweet si Honey. Siya ang bunso sa aming magkakapatid. Sa edad na pitong taon ay kakitaan siya ng katalinuhan at nangunguna sa kanilang klase bilang grade one student. Mag-isa ko na lang tinataguyod ang aming pamilya. Binawian ng buhay ang aming mga magulang matapos nilang magdeliver ng inani na palay at mga gulay sa aming bukirin — apat na taon na ang nakalipas. Nahihirapan ako pero hindi dapat na sumuko. Wala nang ibang aasahan ang aking mga batang kapatid kung hindi ang nakakatanda nilang kuya — ako. Kinapa ko ang aking likurang bulsa at kinuha ang aking wallet. Kumuha ako ng bente pesos at binigay kay Honey. “Oh, ayan na baon mo. anong sasabihin kay kuya?” nakangiti kong tanong. “Maraming salamat po, kuya!” sabay yakap sa akin ni Honey at halik sa aking pisngi. “Aw. Walang anuman,” bumitiw kami sa aming yakapan. “Kuya, kailan po namin uli makikita si Ate Denise po?” kuryosong tanong niya. “Ah-Eh,” napakamot ako sa aking batok at hilaw na tumawa. Si Denise ang aking nobya at kilala siya ng buo kong pamilya. Close niya rin ang aking mga kapatid. Gayun lang ay… “Bu-Busy ang ate Denise mo, Honey. Baka sa susunod na buwan pa siya makakabisita ulit,” pagsisinungaling ko. Nagpout naman ito. “Iyan po ang sinabi ninyo noong nakaraang dalawang buwan pero hindi po pumupunta si ate Denise,” malungkot niyang tugon. Huminga ako ng malalim. “Busy talaga siya, Honey. Hayaan mo. Susubukan ko siyang puntahan mamaya,” Umaliwalas ang mukha ng bata at nagsisitalon sa tuwa. “Yehey!” “Oh sige na. kunin mo na ang bag mo at hintayin mo kami sa sofa, okay ba ‘yun?” Tango ang kanyang isinagot at sinunod ang aking utos. Napalingon ako sa dalawang nakababata kong kapatid na puro lalaki. “Andrew!” masigla kong pagtawag sa kanya. May pagka bugnutin pa naman ang isang ‘to. Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. “Ihh! Kuya naman eh!” pilit na kumawala si Andrew sa aking yakap pero lalo kong hinigpitan ang aking pagyakap sa kanya. “Hi-Hindi na ako makahinga,” bumitaw ako sa yakap, kahit alam kong umaarte lang ang kapatid ko na hindi siya makahinga. “Ikaw, Andrew ha, hindi porket sampung taon ka na at may crush sa school ay hindi ka na magpapayakap kay kuya Gio mo,” tampo-tampuhan kong anas. Inirapan ako ni Andrew. “Kuya, big boy na ako. Mas big boy pa kaysa sa inyo ni Kuya Paul,” mahinang natawa si Paul at pinalampas ang sinabi ng nakababatang kapatid niya. “Oh siya, sige na. Itong singkwenta oh. Magtabi ka ha at huwag mong ipambili ng bulaklak at chocolates para sa crush mong walang pagtingin sa’yo,” ang pang-gogood time ko sa kanya sabay tawa ng mahina. “Ito talagang si kuya Gio. Imbes na suportahan ako at tulungan ako ay tatawanan lang,” napakamot siya sa kanyang ulo at bumakas ang pagiging bugnutin niya. Hay. Ito talagang si Andrew. “Andrew, ang bata mo pa. Makipaglaro ka muna sa mga kaklase mo sa ilalalim ng mainit na araw at pabayaan ang sipon mo na tumulo mula sa ‘yong ilong,” suhestiyon ko. Ayaw ko na tumanda na sila. Ang bilis ng panahon. Kahit pa man nahihirapan ako na itaguyod ang aming araw-araw ay nanaisin ko na manatili silang bata. Dahil namiss ko na ang makipaglaro sa kanila at makapag bonding dahil sa sobrang busy ng trabaho ko. Kagaya ngayon, si Andrew, ayaw niyang niyayakap ko siya dahil big boy na raw siya. “Kuya Gio naman —” “Sig na, Andrew. Samahan mo muna si Honey sa sofa at sabay na tayong aalis,” pagtataboy ko sa kanya. Sinundan namin ni Paul ng tingin si Andrew habang isinusukbit ang kanyang bag. Kahit may pagka bugnutin si Andrew ay masinop ito sa pag-aaral at hindi ako binibigyan ng sakit sa ulo. Grade four na si Andrew pero kung kumilos ay daig mo pa ang junior high school. At ang pinakagusto kong asarin sa lahat. “Paulo!” sabay gulo ko sa kanyang buhok. “Kakagatin talaga kita mamaya kapag tulog ka kuya!” inis niyang sinampal ang aking kamay at pilit na inaayos ang kanyang buhok. Natawa ako. “Si Paulo naman —” “Paul, kuya. Paul!” pagtatama niya sa akin. “Hay, sige na nga. Paul na kung Paul, Paulo,” nakangisi kong saad. Hindi niya gusto na tawagin ko siya sa orihinal na pangalan niya dahil hindi raw cool at makaluma daw na pakinggan. “Oh, itong isang daan. Magtira ka diyan ha? Huwag kong mababalitaan na tumambay ka ulit sa computer shop at hindi pumasok sa eskwela,” sabay halukipkip ko. Hinablot ni Paul ang pera mula sa akin. “Oo na po, kuya. Hindi na mauulit,” bagot niyang sagot sa akin. Grade seven naman si Paulo at lumalabas na ang pagiging suwail niya. Bilang nakakatandang kapatid ay iintindihin ko na lang kasabay ng pangangaral sa kanya. “Sabihan mo ang mga kapatid mo na maghintay na sa gate at susunod ako,” “Ge,” tipid na sagot ni Paulo. “Sa labas na natin hintayin si kuya Gio. Tara,” pag-aaya niya sa mga nakababatang kapatid namin habang isinusukbit ang kanyang bag. Napahilamos ako sa aking mukha kasabay ng pagkagat ng aking labi dahil sa pagtingin ko sa aking wallet ay sampung piso na lang ang natira. “ ‘Di bale. Maglalakad na lang ako papuntang trabaho,” Isinilid ko pabalik ang aking wallet sa aking bulsa. Wala akong nakikitang problema sa paglalakad ko sa trabaho. ‘Di bale nang ako ang mapagod, huwag lang ang mga kapatid ko. Isa pa, mabuti at nakapagstock ako ng mga pagkain at kinakailangan namin sa bahay. Mag ca-cash advance na lang ako mamaya kay bossing para sa baon ng mga kapatid ko.   Sa paglabas naming apat sa bahay, ay naghihintay na ang taxi ni Emman — ang personal na tagahatid ng mga kapatid ko sa paaralan. At kung minsan naman, ay nagpapahatid ako sa kanya kapag may extra ako. Pero sa ngayon, maglalakad na muna ako. Mahal ang pamasahe at ayaw kong madagdagan ang listahan ng utang namin. “Emman!” pagbati ko sabay bukas ng tarangkahan ng gate. Sumunod na lumabas ang aking mga kapatid. “Oy! Gio!” nag brotherhood hug kami at mahinang natawa. Matalik kaming magkaibigan ni Emman simula pagkabata. Mabait siya at busilak ang kalooban. Ayaw ko na i-take advantage ng aming pagsasamahan dahil hindi ako pinalaking ganyan. “Ikaw na bahala sa mga kapatid ko ha? Pati na rin sa pagsundo mamaya,” saad ko sabay sirado ng aming gate. Tinanguan niya ako sabay ngiti. Hindi nalayo ang itsura namin ni Emman. Matipuno siya at magandang lalaki. Tanging kaibahan lang ay kulay moreno siya at lalaking-lalaki ang kabuuan pero ako ay kulay gatas at medjo patpatin pa. “Sige. Sumakay ka na at ihahatdi ko na kayo,” paanyaya ni Emman. Inutusan ko ang aking mga kapatid na sumakay na sa kotse dahil male-late na sila sa iskwela. “Ahh. Emman, maglalakad na lang ako dahil may pinapabili pa sa akin ang amo ko,” pagsisinungaling ko. Dahil kapag sinabi ko ang totoo na kinapus ako sa pera, ililibre na naman ako ni Emman. At ayaw ko na malugi siya. Mahal ang gasolina at ayaw kong maging pabigat sa kanya. Magkaibigan kami pero hindi ko gusto na i-tale advantage ang aming samahan. “Sumabay ka na lang. Kapagod pa naman maglakad at tingnan mo oh? Masusunog talaga ang kulay porselana mong balat,” sabay haplos niya sa aking braso. Siniko ko siya ng mahina at pareho kaming natawa. “Matatagalan pa ako dahil may pag-uusapan pa kami. Male-late na ang mga kapatid ko pag nagkataon,” naiiling kong saad habang nakangiti. Kumibit-balikat si Emman at nagpaalam. “Sige. Mauuna na kami dahil baka abutan kami ng traffic. Sige! Kita kits mamaya sa basketball court, Gio!” “Sige!” Pinagmasdaan ko si Emman na pumasok sa kotse hanggang sa makalayo na sila sa akin. Bumuntong hininga ako at nagsimulang maglakad. Kinse minutos ng aking paglalakd sa gilid ng kalsada ay napansin ko na may kulay itim na kotse na panay ang pagsusunod sa akin. Hindi ko maiwasang tubuan ng masidhing kaba sa aking puso at pangamba sa aking isipan. Nagkalat ang masasamang tao sa paligid namin at bali-balita rin ang kidnap for ransom. Diyos ko. pagnagkataon na ako ay makikidnap, tiyak hanggang doon lang talaga at walang ransom na magaganap dahil wala kaming pera pangtubos sa akin. Lakad-takbo ang aking ginawa upang subukin kung talagng ako ba ang sinusundan ng kotse o nag-aasume lang ako. Pero, hindi ako nagkamali. Dahil sa paglingon ko sa aking likuran ay binilisan din ng kotse ang kanyang takbo. Alam kong wala na akong pagpipilian kahit pa maraming tao sa aming paligid. Naisipan kong huminto sa paglalakad at puntahan ang kotse na panay sunod sa akin. Huminto ang kotse sa pagharap ko malapit sa bintana ng front seat. “Ano bang problema mo at panay sunod ka sa akin!? Kung kidnap for ransom ang gusto mo ay humana ka ng iba! Taran —” Sa pagrolyo pababa ng bintana ng kanyang kotse ay natiom ko ang aking bibig. Nilukob ako ng matinding pagkahiya sa aking sarili at pagkatakot. Hindi siya ang lalaki na dapat mong banggain. Bali-balita ang mga hindi magandang balita tungkol sa kanyang pagkatao. Yumuko ako sa abot ng aking makakaya at kulang na lang ay mahalikan ko na ang maduming daan. “I-I’m sorry po —” “Entrar en el coche,” Napatingin ako sa kanya ng buong takot. “S-Sir D-Dmitri,” napalunok ako sa kaba. “Pumasok ka sa kotse ko, Gio,” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD