Chapter Five: Don’t Mess With Dmitri Donovan

1293 Words
Chapter Five: Don’t Mess With Dmitri Donovan   Ito na yata ang pinakatahimik na agahan naming magkakapatid. Kagabi, pag-uwi namin ay biglang lumayo ang kanilang loob sa akin. Ilang oras lang nilang nakilala si Sir Dmitri pero nakayanan na nilang talikuran ako bilang kanilang kuya Gio. Wala akong ginawang masama sa kanila kagabi. Misunderstanding lang talaga ang lahat. Huminga ako ng malalim. “Ang tahimik niyo yata ngayon?” tanong ko. Wala man lang tumingin sa akin. Abala pa rin sila sa pagkain. Hindi ko maatim na kumain sa mesa ng napakatahimik. Hindi ako sanay. Dahil bumubungad talaga sa aming agahan at bawat pagsasalo-salo naming apat ay ang bangayan nina Andrew at Paul at ang walang katapusang pagdadaldal ni Honey. Pero ngayon, sa isang iglap, biglang naglaho. “Honey? Gusto mo bang mamasyal tayo ngayon sa parke?” Araw ng sabado ngayon at wala silang pasok. Sarado rin ang pastry shop namin tuwing weekends kaya nasa bahay lang din ako. Iling ang sinagot sa akin ni Honey habang nakatitig sa kanyang pagkain. “Sige. Ah… Andrew? Paul? Laro tayo ng basketball mamaya?” Pero isang nakakabinging katahimikan ang isinagot nilang dalawa sa akin. Umalis si Andrew sa mesa at sinundan ni Paul matapos nilang maubos ang kanilang pagkain. Pinabayaan ko lang sila. Iniwan na din ako mag-isa ni Honey at pinagpatuloy ko na lang ang aking agahan. Matapos kong kumain ay naglinis ako ng bahay at naglaba ng aming mga damit. Wala kasing ibang maaasahan na kumilos sa bahay dahil bata pa ang mga kapatid ko at ayaw kong mapagod sila ‘di bale nang ako. Sumapit ang tanghali nang makatapos ako sa gawain ko, ay nagtungo ako sa likuran ng aming bahay. Nagpahinga ako sa ilalim ng puno habang nakasakay sa duyan na gawa sa lubid. Nakatitig ako sa mga dahon na sumasayaw sa bawat ihip ng hangin. Presko sa pakiramdam at nakakarelax ng isipan. Nasasaktan ako sa pagtatampo ng mga kapatid ko sa akin. Hindi ko naman ninais na masaktan ko ang kanilang damdamin kahit minsan. Kuya nila ako at nag-aalala lang ako para sa kanila. Hindi ko kayang mabuhay na malayo sa kanila. Lalong hindi ko kayang mabuhay na galit sila sa akin. Akala ko, mabait na tao si Sir Dmitri — sa kabila ng mga istorya at balita na naririnig ko. Pero kahapon, lumabas ang totoo niyang ugali. Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa aking mga kapatid. Biruin mo, ilang oras lang na pakikihalubilo niya sa mga kapatid ko ay nakuha niya agad ang loob nila!? Noon ko pa man siya namamasdan na panay punta niya sa pastry shop na pinagtatrabahuan ko. Order siya nang order kahit hindi niya kakainin o nauubos. Hindi sa nag-aasume ako pero, huling-huli ko talaga siya na binabantayan ang bawat kilos ko. Noon una, akala ko normal lang o baka napatitig lang ng hindi sadya pero, hindi eh. Tatlong taon na siyang ganyan. Tatlong taon niyang binabantayan ang kilos ko sa pastry shop. Tapos kahapon, bigla niya akong pinasakay sa kotse niya para magluto sa birthday party ng kanyang anak — na hindi ko talaga nakita dahil nasa kusina lang ako, nag-iisang natambakan ng mga hugasin. At ang mga kapatid ko, paano niya nakilala ang mga pangalan nila? Minamatyagan ba niya kami? Higit sa lahat, paano niya nakuha ang loob nila ng agaran? Nagkrus ang aking kilay ng marinig ko ang malakas na halakhakan ng aking mga kapatid mula sa bahay. Iniwan ko sila doon na nanonood ng palabas sa telebisyon. Puntahan ko na lang sila at hihingi ng tawad. Ayaw kong matapos ang araw na ito na galit sila sa akin. Pumasok ako sa aming bahay. Bumungad ulit sa akin ang kanilang tawanan. Napangiti ako. “Mukhang nagkakasiyahan kayo ah —” napahinto ako sa pagsasalita at paglalakad matapos kong makita ang lalaki na kasama nilang naglalaro ng cellphone. “Gio!” nagtama ang aming paningin. “Come on. Join us,” pag-iimbita niya sa akin. Napakuyom ko ang aking kamay. “Anong ginagawa mo rito?” mariin kong tanong. “Playing games with your brothers and princess Honey,” nilapag niya ang cellphone sa sahig kung saan doon naglalaro ang mga kapatid ko kasama niya. Nginisihan ako ni Sir Dmitri at pumalapit siya sa akin. “Do you have any problem with that?” Hinila ko siya palabas ng aming sala. “Umalis ka na please, Sir Dmitri. A-Ayaw ko po ng gulo. Kung tungkol ito sa nangyari kagabi ay humihingi po ako ng kapatawaran —” “Too late. You shouldn’t have embarrass me in front of your siblings,” nakapamulsang wika niya. “Ano? Anong embarrass? Hindi kita pinahiya —” “Are you apologizing or justifying your rude behavior, Gio? Clean the air,” mahangin niyang saad. “Sir Dmitri, umalis ka na sa pamamahay ko o kakasuhan kita ng tres —” “Trespassing? Go on. My lawyer can cripple you anyway,” natatawa niyang sabi. Napakuyom ako sa aking kamao. “Sir Dmitri —” Bigla niyang sinuntok ang kanyang sarili at nahiga sa sahig. “Ouch, Gio! What the hell!?” malakas niyang pagsigaw. Lumabas ang tatlo kong kapatid na gulat na gulat at nakita ang kawawang mukha ni Sir Dmitri na nakahiga sa sahig habang dumudugo ang ilong dahil sa pagsuntok niya sa sarili niya. “Daddy!” sigaw ni Honey at tinulungan nilang dalawa ni Andrew na makatayo si Sir Dmitri. Nilapitan ako ni Paul at binulungan. “Talaga kuya? Susuntukin mo si Sir Dmitri dahil ayaw mo sa kanya?” “A-Ano? Hindi ko siya sinuntok, Paul! Siya ang maygawa niyan sa sarili niya!” “Sinong lolokohin mo, kuya? Sinabi sa amin ni Sir Dmitri ang lahat. Gaya ng paano mo kinuha ang five thousand mula sa kanyang bulsa,” galit na saad ni Paul. “Ano? Wala akong kinuha mula sa kanya —” Anong five thousand? Baka ‘yung binigay niyang tip sa akin. “Tip niya ‘yun sa akin! S-Sa pastry shop!” Nilampasan ako ni Paul at tinulungang makaupo si Sir Dmitri sa upuan namin. “Sir, huwag po muna kayong aalis. Kukuha lang ako ng yelo para sa mukha mo.” sabi ni Paul sabay pasok sa loob ng bahay upang kumuha ng yelo. “Humihingi po ako ng kapatawaran dahil sa inasta ng kuya Gio ko, Sir Dmitri,” paghingi ng paumanhin ni Andrew. “Kukuha rin po ako ng malamig na tubig para ma relax po kayo,” tango lang ang sagot ni Sir Dmitri habang ipinagpatuloy ang pagpapaawa sng kanyang mukha na parang aping-api talaga sa harap ng aking mga kapatid. “Wa-Wala akong ginawa!” pagtatanggol ko sa aking sarili pero tila… hindi nila ako narinig. “Okay ka lang po ba, daddy? Pasensya ka na po at sinuntok ka ni Kuya Gio. Huwag kang mag-alala po, hihingi siya ng tawad sa iyo,” niliingon ako ni Honey. “’Di ba, kuya Gio? Hihingi ka ng tawad kay daddy Dmitri dahil sa ginawa mo?” “A-Ano? Honey, wala aking ginawa sa kanya! Sinuntok niya ang mukha niya ng kusa —” “Sinungaling ka kuya!” umiiyak na pumasok si Honey sa loob ng bahay. “Ho-Honey!” panawag ko pero… Narinig ko ang mahinang tawa ni Sir Dmitri. “You can’t mess with Donovan’s, Gio. Especially not to, Dmitri Donovan,” “Gago ka talaga!” gigil kong sabi at akmang susuntukin ko na siya pero… “Uh-uh! Baka hindi mo gusto na kunin ko sila mula sa’yo?” “Ano!? Sira ka ba!?” “Crazy? Nah. Psycho is the appropriate term. Gaya ng sabi ko, luluhod at luluhod ka sa akin, Gio,”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD