Chapter Nine: Surrendered

1164 Words
Chapter Nine: Surrendered   Sa paglisan ni Sir Dmitri sa aming bahay, ay naligo ako at nagbihis. Kailangan kong pumunta sa pastry shop na pinagtatrabahuan ko at humingi ng dispensa sa kung ano mang maling impormasyon na ibinahagi ni Sir Dmitri — gayun pang sinabi niya sa akin na hindi na raw ako magtatrabaho sa pastry shop. Kilala ko ang may-ari ng pastry shop namin. Mabait si Mam Janika at alam niya na pulido ang aking mga trabaho at hindi ako late sa trabaho. Kung minsan ay nag-oover time pa nga ako ng libre. Pagkababa ko mula sa tricycle na aking sinasakyan ay may nahagilap ang aking mga mata na isang pamilyar na bulto. Nakasuot ito ng kulay putin long sleeves na polo at naka slocks. Ipinagkibit-balikat ko na lang at isinawalang bahala ang aking nakita dahil maraming tao naman ang may taste o sense of fashion na kagaya kay Sir Dmitri. Pumasok ako sa pastry shop. Una kong nakita Una kong nakita ang kaibigan kong si Maria — ang aming kahera. "Maria!" Panawag ko sa kanya. May kaingayan na ang pastry shop kagay ng dati. Marami talagang kumakain dito.     "Gio!" Nakangiti niyang pagtawag sa akin.     Sinalubong niya ako ng yakap tsaka bumitaw. "Saan ka ba nanggaling? Dalawang araw kang umabsent at hindi man lang nagpaalam. Kahit text man lang sa akin ay wala akong natanggap," sabay pout niya.     "Naku. Pasensya ka na, Maria. May inaaasikaso kasi akong importanteng lakad kaya hindi  ako nakapag paaalam sa ito o inupdate kita kubg saan ako pupunta," kamot-batok kong pagsisinungaling.     Tinanguan ako ni Maria. "Ahh kaya pa la,"     Tumikhim ako at iniba ang topic. Alam kong matanong na tao si Maria at baka tanungin niya ako ukol sa aking inaasikaso na importabte at baka mabuking pa na nagsisinungaling ako.     "Asan pa la si Mam Janika? Nasa loob ba siya? Kailangan ko siyang kausapin," sabay sulyap ko sa loob ng working station.     "Ay! Hindi mo ba alam? Oo nga pa la wala ka dito ng dalawang araw. Maraming nagbago. Kagaya na lamang na wala na si Mam Janika —"     "Ano!?" Eksahirada kong sigaw.     Mahinang tinampal ni Maria ang aking balikat. "Gaga ka. Hinaan mo nga ang boses mo at baka mahuli tayo ng bago nating boss,"     Kumunot ang aking noo sa pagkalito. "So sinasabi mo sa akin na okay lang si Mam Janika at may bago na tayong boss? Saan pa la pumunta si Mam at sino ba ang bagong boss natin?"     Magsasalita na sana si Janika nang biglang may sumingit sa aming usapan. "Ako," nanigas ang aking balikat at hindi ko agad nilingon ang lalaking nagsasalita sa aking likuran.     "S-Sir. Magandang araw p-po," ang kinakabahang pagbati ni Maria.     "Go back to work now, Maria. Or you'll see your sorry ass exiting my business," ang pagbabanta ng lalaki.     Dali-daling bumalik si Maria sa pwesto niya sa kahera habang nakayuko ang kanyang ulo.      Para akong mahihimatay sa kaba ng pumwesto siya sa aking harapan. "How are you, Gio?"     "S-Sir D-Dmitri,"      "Who else could it be?" Mapanuya niyang sagot sabay kibit-balikat. Mabilis akong tumalikod at nag lakad papalayo sa kanya.     Nagsalita si Sir Dmitri, dahilan upang mahinto ako sa paglalakad.     "Where are you going? I thought you are eager to speak with Janika? Sorry not sorry. I bought this place now. Technically, that means, I am the new manager and owner now. So, if you have questions, I'll be more than willing to answer you," sabi niya.     Hindi ko siya sinagot. Bumuga ako ng hangin sa ere at mahinang umiling.     Marami namang pwedeng applyan na trabaho dito sa syudad. Sigurado ako na makakahanap ako ng pagtatrabahuan na mas malaki ang sahod at higit sa lahat, hindi si Sir Dmitri ang may-ari.     Papara na sana ako ng taxi nang mahinuha ko na hindi pa la sapat ang pera na aking dala para sumakay ulit ng taxi.     Dahil ang pera na dala ko ay sapat lang papunta sa pastry shop na pinagtatrabahuan ko at pauwi sa bahay.     Napakamot ako sa aking ulo at ipinagpatukoy ang paglalakad sa ilalim ng mainit at tirik na tirik na araw.      Parang dininig ng langit ang aking problema dahil sa aking paglalakadlakad ay may nakita akong hiring sa isang fast food chain bilang isang waiter.     Pinagbuksan ako ng gwardya kasabay ng pagbati niya sa akin. "Good morning po, Sir. Welcome to D Food Stop Shop," magalang niyang sabi.     "Magandang umaga po kuya. Hiring pa po ba kayo ng waiter? Pwede pa bang mag-apply?" Tanong ko.     Tumango siya. "Opo. Pakihintay na lang po ang owner nitong restaurant. Siya po kasi ang mag-iinterview."     Napatango ako. Akmang magsawalita na sana ako ng may marinig akong boses sa aking likuran na napakapamilyar.     "Steven. How's your day?"     Napamura ako sa aking isipan. Ano na naman ba ang ginagawa niya rito? Sinusundan ba niya ako?     "Okay pa po sa alright, Sir! Ay maiba po ako. May gusto po pa lang mag-apply bilang waiter, Sir. Si ano po," napakamot siya sa kanyang batok. "Ano nga pangalan mo?" Tanong sa akin ng gwardyang si Steven.     "Gi—"     "Gio! What a coincidence!?" Sa paglingon ko ay tama nga ako. Si Sir Dmitri.     Kumunot ang aking noo. "Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" Buong pagtitimpi kong sabi.     Sumingit ang gwardya. "Ma-Magkakilala po kayong dalawa Sir Dmitri at Sir Gio?"     "Oo," sagot ni Sir Dmitri.     "Hindi!" Pabulyaw kong sagot.     Palipat-lipat ang tingin sa amin ng gwardya na tila naguguluhan.     "Pwede ba kung balak mo naman sirain ulit ang araw ko ay makakaalis ka na dahil naghahanap ako ng trabaho!" Asik ko sa kanya.     Nginisihan ako ni Sir Dmitri. "I know. And ako ang may-ari ng restaurant na aaplyan mo sana bilang waiter. My answer is no. Hindi kita tatanggapin,"     Napairap ako sa ere. "Edi huwag!"     Naglakad ulit ako papalayo mula sa restaurant niya. Pero tila ay sinusundan ako ng malas.     Naka anim na akong hanap ng trabaho pero ni isa ay hindi ako natanggap. Bakit? Dahil kung hindi si Sir Dmitri ang may-ari ay may koneksyon siya sa may-ari.     Kinakausap niya ito na huwag akong tatanggapin.     Malakas ang kutob ko na talagang sinusubukan ako ni Sir Dmitri. Gusto niya na sa kanya ako magtrabaho. Pero ayaw ko.     I mean, hindi ko siya kilalang lubusan. Tapos bigla siyabg susulpot sa buhay namin? Lalong lalo na ang pagpapalabas niya sa akin na masamang tao sa harap ng mga kapatid ko.     Bagsak ang balikat ko na naghintay ng taxi para umuwi na lang sa bahay. Wala na akong maisip na iba pang solusyon. Kung hindi ang tanggapin ag inaalok sa akin ni Sir Dmitri.     Kung paiiralin ko ang aking pride ay tiyak magugutom ang aking mga kapatid.     Habang naghihintay ako ng taxi para umuwi na sana ay may itim na kotse ang huminto sa aking harapan.     Rumolyo pababa ang bintana. Mapang-insulto niya akong nginisihan.     "Feeling tired yet?"     Bumuntong hininga ako. "Payag na ako," mahina kong sabi.     "What?" Bingi-bingihan niyang tugon.     "Payag na akong magtrabaho sa mansion mo, Sir  Dmitri," malakas itong tumawa. "See? You can't resist me, Gio."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD