Chapter Eight: Hard Pass
Nakatayo ako sa labas ng gate habang pinapanood ang aking mga kapatid na pumasok sa taxi ni Emman. Hindi ko na lang pinansin ang katabi ko ngayon dahil baka masapak ko na sa mukha ng totohanan.
Nirolyo pababa ni Honey and bintana ng kotse. “Paalam na po mommy at daddy!” pagkaway niya sa amin.
Naiilang ako sa pagtawag niya sa akin ng mommy. Lalaki ako. Hilaw akong ngumiti at kinawayan siya pabalik. “Sige na. Mag-ingat kayo ng mga kuya mo. Huwag maging makulit sa school at makinig sa teacher, okay?”
Tango ang sinagot sa akin ni Honey.
Bigla akong nabato sa aking kinatatayuan matapos akong akbayan ni Sir Dmitri. “Enjoy your day at school kids,” nakangiti niyang huma.
Pilit kong inaalis ang kanyang braso mula sa pagkaka akbay sa akin pero binigatan niya ito — sanhi upang hindi ko maisagawa ng maayos ang aking ninais. Walang panama ang aking katawan sa kay Sir Dmitri. Mas malaki siya sa akin at mas mabigat. Hindi naman ako patpatin — sakto lang.
“Bye po sa inyo ulit,” ang maligalig na sabi ni Honey sabay sara pabalik ng bintana ng kotse. Pinaandar na ni Emman ang taksi at sinundan naming dalawa ni Sir Dmitri ng tingin ang taxi matapos nitong bumyahe paalis sa amin.
“Bitiwan mo nga ako!” bulyaw ko sa kay Sir Dmitri sabay malakas na pagtulak sa kanyang katawan. Napabitiw siya mula sa pagkakaakbay sa akin. “What the hell is your problem!?” singhal niya pabalik sa akin.
Parang nabasag ang eardrum ko sa lakas ng pagkakasinghal niya sa akin. Naramdaman ko rin ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Agad kong tinalikuran siya at pumasok sa bahay.
“f**k. Gio? Wait!” panawag niya sa aking pangalan habang sinusundan ako.
Binilisan ko ang aking lakad at huminga ng malalim. Hindi ka pwedeng umiyak, Gio. Kontrolin mo at pigilan mo. Ang pagkausap ko sa aking sarili.
Napakasensitive ko talaga kapag sisinghalan ako. Maiiyak agad ako.
“Gio!” hinuli ni Sir Dmitri ang aking kanang pulsuhan at mabilis akong hinila palapit sa kanya. Sa lakas ng pagkakahila niya sa akin ay bumangga ako sa kanyang katawan at dito ay ikinulong niya ako sa kanyang bilugan at mainit na mga bisig.
“I’m sorry for yelling at you,” paghingi niya ng tawad. “Hi-Hindi. O-Okay lang,” hindi ko na napigilan at bumuhos na ang luha ko.
“Shhh. Stop crying now,” mahinahon niyang pagpapakalma sa akin. Hindi ko namalayan na niyakap ko siya pabalik at mahinang humikbi.
“That’s enough, Gio —”
“Umalis ka na,” mahina kong anas. “I will go home later —” bumitiw ako sa pagkakayakao at matalim siyang tinitigan sa kanyang mga mata, hindi alintana kung may luha mang tumutulo dito. “Ngayon din!” bulyaw ko ulit sa kanya.
Bumuntong hininga siya at napakamot sa kanyang ulo. “You’re such a cry baby,” tinalikuran niya ako at kinuha ang cellphone niya na katabi ng tv.
“My driver will pick you up tomorrow as you work with me —”
“Anong work? Walang work na magaganap!” pinahid ko ang aking luha at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang aking tumbler — na hinugasan ko na at pinalitan ng bagong tubig — at uminom.
“With that attitude of yours, Gio. We will have a problem,” deklara ni Sir Dmitri.
Binalik ko muli sa ref ang aking tumbler at nilingon siya. “Tigilan mo nga ako sa kagaguhan mo, Sir Dmiti. Sira ulo ka ba ha? Hindi nga kita kilala tapos bigla-bigla ka na lang susulpot sa buhay ko — namin na para bang kilalang kilala ka namin? Umayos ka at ilugar mo ang sarili mo,” mariin kong giit.
Nilapitan niya ako habang nakapamulsa. Walang emosyon ang kanyang mata na nakatitig sa akin. Ang bawat hakbang niya ay nagdadagdag sa ritmo ng kaba sa aking dibdib.
Nang nasa harapan ko na siya ay mapang-insulto niya akong sinulyapan mula ulo hanggang paa. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Kahit wala pa siyang ligo kagaya ko ay ang bango pa rin niyang tingnan at amoy ko ang mamahalin niyang pabango.
“Whether you like it or not, you and I are part of each other’s lives now, Gio,” utas niya.
Tinawanan ko siya ng mapang insulto. “You will never be part of me nor our life, Sir Dmitri,” ingles ko na sagot sa kanya.
Kumibit-balikat si Sir Dmitri at tinawanan ako. “Let’s see, Gio. You’ll crawl yourself to me and begging for my help. Mark my words,” at demonyo siyang ngumiti sa akin.
Napakuyom ako sa aking kamao. “Kung nalinlang mo ang aking mga kapatid at pinalabas mo na sinuntok kita ay baka totohanin ko na talaga ngayon para amanos na tayo,”
Humikab siya na parang nababagot. “Are you done?”
“Hindi pa —”
“You know what, you should be thanking me, Gio dahil pinagbati ko na kayong magkakapatid,” mahangin niyang panunumbat sa akin. “Ano? Hindi kami nag-away — misunderstanding lang — simula ng dumating ka. Dahil ikaw ang puno’t dulo ng lahat ng ito,”
Pumalakpak siya sa ere na tila ay namamangha sa aking sinabi. “Sounds clever but late reaction. You should know better, Gio,”
Hindi na ako nakapagtiis kaya binigwasan ko siya sa mukha pero mabilis siyang nakaiwas at sinangga ang aking kamay. “Try harder maybe?” pang-iinsulto niya sa akin.
“Gago ka!” singal kong muli sabay suntok sa kanya gamit ang kabila kong kamay pero sinangga niya lang ito at malakas na itinapon ang aking kamao sa ere dahilan para mawalan ako ng balanse at mapaupo sa sahig.
“Aray!” malakas kong daing.
“If you want it in a hard way, I can demonstrate you plenty of ways,” nilapitan niya ako at pinamewangan.
“Hindi ka namin kailangan ng mga kapatid ko, Sir Dmitri. Kung wala kang pamilya ay bumuo ka — o kung meron man, pagtuunan mo sila ng pansin at huwag kami. Maliban na lang kung hindi ka mahal ng sarili mong pamilya,”
Napayuko siya kasabay ng pagtangis ng kanyang panga. “What did you say?”
Natatakot man ako pero hindi ako nagpadala. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at pinagpag ang aking pang-upo.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Galit na galit si Sir Dmitri. Magsasalita na sana siya pero tinuhod ko siya.
“f**k!” napaluhod siya sa sahig. Hawak-hawak ang kanyang itlog.
Ngumiti ako at mahinang tumawa. “Umalis ka na. Ngayon din o baka gusto mo pang masaktan?” panghahamon ko sa kanya.
Alam ko na sa oras na totohanin niya at masuntok ako sa mukha ay siguradong mawawalan ako ng malay. Pero tinapangan ko lang ang sarili ko.
Dahan-dahan siyang tumayo at lumabas mula sa bahay. Isasara ko na sana ang pinto ng marinig ko siyang magsalita.
“You’ll work for me tomorrow. That’s an order,”
“Hard pass,” sagot ko at padabog na isinara ang pinto.