Chapter Seven: Working At His Mansion

1293 Words
Chapter Seven: Working At His Mansion   Nakatulog ako ng mahimbing kagabi dahil sa sarap ng ulan. Sa lahat ng pagkakataon na umuulan ay gustong-gusto ko ito lalo na kapag gabi at matutulog na ako — free air con, ika nga nila. Sa himbing ng aking pagkakatulog ay nakalimutan ko na may kahati pa la akong matutulog sa aking kama. Naalimpungatan ako matapos na may parang hibla ng buhok na kumikiliti sa butas ng aking ilong. Sininghot ko ito. Mabango naman at amoy mayaman. Napamulat ako sa aking mga mata sa sobrang pagkagulat ng mahinuha ko kung ano ang sininghot. “s**t,” mahinang bulong ko sa ere. Nakasubsob ang aking mukha sa kili-kili ni Sir Dmitri habang nakahubad baro itong natutulog. Hindi ko naman ito nalawayan dahil hindi ako naglalaway pag tulog. Inobserbahan ko ang aming pwesto. Nakayakap ako sa kanyang katawan habang nakahiga sa kanyang bilugang braso. Para kaming mag-asawa sa aming pwesto ngayon na kakatapos lamang mag pulot-gata. “Gago,” pagmura ko ulit na pabulong. Natutulog pa rin si Sir Dmitri habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Mahaba ang kanyang pilikmata at makapal ang kanyang kilay. Lahing latino yata siya o may dugong kastila. Kulay moreno ang kanyang kutis at walang ka pores-pores ang kanyang mukha. Makinis ito at nangingintab na parang kada buwan nagpapafacial. Labis akong nagulat ng bumuka ang kanyang mata at sinalubong ang aking mga titig. Sa sobrang pagkataranta ay ipinikit ko ang aking mga mata, hindi gumalaw at humilik ng malakas. Kunwari ay natutulog. Nanindig ang lahat ng balahibo sa aking katawan matapos akong pangilabutan dahil hinaplos ni Sir Dmitri ang aking ulo na parang natutulog na bata. Hindi pa siya nakuntento at ginawaran niya ng mainit at puno ng pag-iingat na halik ang aking ulo. Dito ay bumulong siya sa aking tenga. “I’ve been awake for a couple of hours ago before you did. Malakas ka pa lang humilik mapapeke man na pagtulog o totohanan. Even your drool is all over my armpit. Para kang koala kung makayakap sa akin pag gabi. I thought you despise me sharing your bed, Gio,” mahina siyang tumawa. “A-Anong ginagawa mo?” itinulak ko ang aking sarili papalayo mula sa kanya. “Maang maangan?” mapang-insulto siyang tumawa. Kumulo ang aking dugo sa pagkainis. “Lumayas ka na sa pamamahay ko, Dmitri,” buong tapang kong saad sa kanya. Humalukipkip siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “After you took advantage of me last night, you’ll just throw me like a piece of s**t?” “Anong take advantage? Huy! Hindi kita ginalaw —” sumingit siya. “Not yet, but I can feel you’re almost there so,” tinapik niya ang hinigaan ko kanina. “Chop. Chop. Sleep again in my arm and drool once more in my armpit — which you sniffed more than ten times last night. I guess this made you sleep at ease at all,” nginisihan niya ako. Sa galit ko ay pinakyuhan ko siya at umalis sa kama. “Drool mo mukha mo, gago!”  “Childish, Gio,” komento niya. “Wala akong pake!” umalis ako sa kama at iniwan siyang mag-isa sa aking kwarto habang padabog na isinara ko ang pinto. Napahinga ako ng malalim at napasandal sa pinto. Malakas na kumalabog sa kaba ang aking puso. napapikit ako sa aking mata. Bigla kong nakita ang kanyang mapnuyang ngisi. Agad kong minulat ang aking mga mata dhahil sa inis. “Buwisit ka talaga Sir Dmitri,” kahit sa pagpikit ko ng aking mga mata ay nakikita ko pa rin siya. Mahina akong napailing at tinahak ang daan pababa upang maghanda ng almusal namin ngayon. Kasalukuyan kong piniprito ang daing. Paborito namin itong magkakapatid at tiyak ako na magkakaayos kami dahil dito. “What’s that odd smell?” narinig kong may nagsalita sa aking likod. Hindi ko na nilingon dahil alam ko naman kung sino ito. Ang nag-iisang buwisita sa aming tahanan. Si Sir Dmitri. Nagbingi-bingihan ako at ipinagpatuloy ang pagluluto. Tumikhim siya at maya-maya pa ay narinig ko ang pagkausap niya. “Hello? Yes. Two minutes. Sereve the food here. I’ll text you the address,” sabay putol niya sa tawag. Kumunot ang aking noo. Nilingon ko siya kahit ayaw ko naman sana. Nalaglag ang aking panga sa sahig matapos kong makita ang kanyang kabuuan. “Bata de roba ka ‘yan!” sigaw ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Parang hari siyang umupo sa upuan ng aming mesa habang naka cross ang paa. “Don’t bother cooking. One of my servants will be here to deliver food within two minutes,” sabay tipa sa kanyang cellphone. Pinatay ko ang stove at nilapitan siya. “Hubarin mo ‘yan,” mariin kong utos. “Hubarin ang alin? Maging specific ka,” pabalang niyang sagot sabay lapag ng kanyang cellphone sa mesa. “Pati ba naman personal na gamit ko ay susuotin mo rin?!” nangigigil kong pagkausap sa kanya. Matapos niyang uminom ng tubig gamit ang tumbler ko ay ngayon, sinusuot niya ang paborito kong bata de roba!? “Gio, relax. Even if this cheap robe is quite tight for me — it will work for now. Since I’m used to waking up wearing robe while having breakfast,” umayos siya ng upo at humarap sa mesa. “Susun —” Nagsilabasan ang aking mga kapatid kaya napatigil ako sa pagsalita. “Good morning Sir Dmitri,” ang masiglang pagbati nina Paul at Andrew sa kanya. Sasabihin ko sana na susuntukin ko siya pero biglang nagsidatingan sila. “Morning guys,” sagot niya at nakipag high-five sa dalawa. “Good morning sa inyo Andrew at Paul,” pagbati ko. “Morning,” “Morning,”  Bagot at walang gana nilang sagot sa akin sabay upo sa upuan ng mesa. “Princess! Good morning,” sinalubong niya ng yakap si Honey. “Good morning daddy,” at humalik ang bata sa kanyang pisngi. Bumitaw si Honey sa pagyakap mula kay Sir Dmitri at niyakap ako. “Aw. Good morning, Honey,” niyakap ko siya pabalik sabay halik sa kanyang ulo. “Good morning din po, mommy,” pagbati pabalik sa akin ni Honey. Kumunot ang aking noo. “Mommy?” Narinig ko ang mumunting halakhak nina Andrew at Paul kaya nilingon ko sila. “Anong mommy, Honey? Kuya Gio. Kuya Gio mo ako,” sa pag-iwas ko ng tingin sa aking mga kapatid ay napadpad ito kay Sir Dmitri. Dito ay sumilay ang nakakalokong ngisi niya sa akin. “Opo. Tutal daddy ang tawag ko kay daddy Dmitri. Eh ‘di mommy na lang din sa’yo Kuya Gio,” “A-Anong —” hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sumingit ang epal na si Sir Dmitri. Kahapon ko pa siya gustong patalsikin sa bahay pero kapag ginawa ko’yun ay baka ako ang mapatalsik. Dahil kuhang-kuha niya ang loob ng mga kapatid ko. “Kids, Gio said sorry to me last night. He was sincere and genuine,” pamungad niya. Pumalakpak sa tuwa si Honey. “Yehey! Bati na ang mommy at daddy ko,” humagalpak ng tawa sina Paul at Andrew. Pinaningkinitan ko sila ng mata para tumahimik pero hindi na tumalab. “Yes, princess,” sabay kindat ni Sir Dmitri kay Honey. “Gio offered na mag trabaho sa akin upang ipakita sa inyo kung gaano siya kasisi sa kanyang pagsuntok sa aking mukha at pagnakaw ng five thousand mula sa akin. Kaya tinanggap ko ang peace offering niya. Gio will be working at the mansion, starting tomorrow,” “Ano!?” napasinghal ako sa pagkagulat. Ano na naman ba ito Sir Dmitri?!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD