Chapter Six: The Compensation For His Bad Behavior

1512 Words
Chapter Six:  The Compensation For His Bad Behavior   Hindi ako makapaniwala. Nabilog niya ulit ang aking mga kapatid. Wala akong naging kakampi sa bahay na ito. Bumuntong hininga ako at pinahid ang pawis na tumulo mula sa aking noo. Nagluto ako ng sinigang na hipon at isda — hapunan naming magkakapatid at… si Sir Dmitri. Oo. Hindi siya pinauwi ng mga kapatid ko dahil akala nila, sinuntok ko siya sa mukha kahit hindi ko naman ginawa. Alam ng mga kapatid ko na hindi ako marunong manakit ng sinoman. Wala pa nga akong record sa guidance mula sa elementarya hanggang tumuntong ako ng kolehiyo. Pero tila ba nahihipnotismo sila sa tuwing nagsasalita si Sir Dmitri. Hindi ko alam kung papaano niya nakuha ang loob ng mga kapatid ko — lalong lalo na si Andrew na bugnutin at hindi marunong makipagsocialize. “Try to turn on the stove. It might cook the food rather than you staring at it,” nabalik ako sa aking ulirat matapos kong marinig ang boses niya. Nilingon ko mula sa aking likuran si Sir Dmitri. Binuksan niya ang ref namin kinuha ang personal kong tumbler at binuksan. “Tumbler ko ‘yan!” pagtutol ko pero huli na ang lahat dahil uminom na siya mula rito at kinindatan lang ako. “Why? You seemed healthy. I shall not worry for catching ill from drinking at your tumbler,” “Masusuntok na talaga kita  —” “Ouch!” malakas na pag-arte niya ng daing. Agad nagsitakbuhan ang tatlo kong kapatid at pumagitna sa amin. “Ano na naman ba ginawa mo, kuya?” mariin na tanong ni Paul. “H-Ha? Wala akong ginawa —” “Your kuya Gio is right. I am well, kids,” sabay gulo niya sa buhok ni Paul. Tumawa lang si Paul na labis kong ipinagtaka. “Bakit pag ako gumalaw sa buhok mo ay nagagalit ka. Pero pag si Sir Dmitri ay —” “Kuya. Magluto ka na lang dahil baka nagugutom na si Sir Dmitri,” sabay hila ni Paul sa dalawa naming kapatid pabalik sa sala at nanood ng paborito nilang palabas. Maloko akong nginisihan ni Sir Dmitri. “What can I say? The kids love me well,” kumibit-balikat siya. “Dahil binigyan mo sila ng kanilang mga luho. That’s when bribing has brought to life,” pinaningkinitan ko siya ng mata at tinalikuran. Itinurn on ko ang stove. “Bribing? Well, perks of being rich,” mahina siyang tumawa. Bumulong si Sir Dmitri sa aking tenga. “I just wanted to see your siblings happy,” Sa paglingon ko ulit sa kanya para sumbatan ay hindi sadyang nagbangga ang aming labi. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi nakakilos. Gamit ang hintuturong daliri ni Sir Dmitri ay sinimot niya ang laway ko mula sa kanyang labi. “You can ask a proper kiss from me, Gio. I prefer profound kisses than smack,” pang-aasar niya. Tinulak ko siya papalayo sa akin. “Gago ka,” mahina kong pagmura sa kanya. Ayaw kong marinig ng aking mga kapatid na ang kuya Gio nila ay nagmura. Hindi magandang ehemplo ang aking ipapakita kung nagkataon. “Your lips taste sweet and resembles the color of a rose. Can I have more kisses from you? Why would I ask permision anyway when I can do it right now,” “Umalis ka sa harap ko —” *tsup!* Sinampal ko siya sa mukha ng napakalakas. “Ouch,” mahina siya natawa. “Bastos ka!” nanggagalaiti sa pagladisgusto kong anas sa kanyang mukha matapos niya akong nakawan ng halik sa ikalawang pagkakataon. Gusto ko mang sumigaw at makipagbuno sa kanya pero hindi ko magawa dahil baka lalong lumayo ang loob ng mga kapatid ko sa akin. Dito ko lang namalayan na pumutok pa la ang kanyang labi matapos niyang pahirin ang dugo sa ibabaw ng labi niya.”You’ll pay for this, Gio,” malamig niyang deklara. Tumalikod siya at bumalik sa pakikinood ng telebisyon kasama ang aking mga kapatid. Labis ang aking pagkainis nang sumapit ang gabi at narito pa rin siya sa aming bahay at nakikipaglaro sa aking mga kapatid gamit ang cellphone na binili ni Sir Dmitri para sa kanila. Humalukipkip ako at pinagmasdan sila sa malayuan — actually, nasa entrada ako ng kusina namin at nakatago sa likod ng malaking plorera. “Ayos!” ang masayang sigaw ni Paul. “You got me there kid. You win, I lose,” inakbayan ni Sir Dmitri si Paul at sabay sila na tumawa. “Pano ba ‘yan? May pustahan tayo Sir Dmitri,” nilahad ni Paul ang kanyang kamay sa harap ng ginoo. “Saan na ang payb kyaw?” Payb kyaw? Anong payb kyaw? Nanlaki ang aking mga mata at agad na nilapitan ang dalawa. Walang reaksyon sina Andrew at Honey dahil abala rin ito sa paglalaro ng kanilang gusto. Tumikhim ako at pinamewangan si Paul. “Anong payb kyaw? Tigilan mo ‘yan Paul bago ka akusahan ng pagnanakaw ng mapanlinlang na lalaki sa harapan mo,” Pero tila’y wala siyang narinig at gayundin si Sir Dmitri. “Here you go,” binuksan ni Sir Dmitri ang kanyang wallet at dito ay binigyan niya ng five thousand ang kapatid ko. Akmang kokontrahin ko na sana pero matalim akong tinitigan ni Sir Dmitri. Nanlamig ako at natakot sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “S-Sir Dmitri,” kinakabahan kong tawag sa kanyang pangalan. Ilang segundo pa at malakas na kulog kasabay ng pagkidlat. Namatay ang lahat ng ilaw sa aming bahay at napasigaw sa takot si Honey kasabay ng pagbuhos ng ulan. “Honey? Nasaan ka? Lumapit ka kay kuya Gio mo,” ang nangangaapa sa dilim kong panawag. “Don’t worry, I got her,” ang sagot sa akin ni Sir Dmitri sabay bukas ng ilaw sa kanyang cellphone. Nakayakap na si Honey kay Sir Dmitri. Huminga ako ng malalim. “Dito muna kayo ha at maghahanda lang ako ng hapunan natin,” ang pagkausap ko sa aking mga kapatid. Nagkaroon ng agarang liwanag dahil sa pagbukas ng ilaw nina Paul at Andrew sa kanilang cellphone. Tumalikod ako at nagsimulang magluto ng hapunan. Pero napahinto ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Sir Dmitri. “Here, take this, Gio,” sa aking paglingon sa kanya ay inabot niya sa akin ang kanyang cellphone. “H-Huwag na po, Sir. May cellphone naman po ako —” “I’m not giving my phone to you. I’m just offering it so you can use a light as you took your phone,” pamamahiya niyang sagot sa akin. Walang modo talaga! “S-Sige,” tinanggap ko na lang sa kadahilanang nakatingin ang tatlo kong kapatid sa amin. Sawa na ako na sa hindi nila pagpansin sa akin na parang may malaking kasalanan akong ginawa. “Good,” Sa paglapit ko sa stove ay binuksan ko ang kaldero na pinaglutuan ko kanina ng sinigang na hipon at isda. Napailing ako. Nakalimutan ko na kanina ko pa ito niluto para sa hapunan talaga namin. Ininit ko ulit ang pagkain at hinanda na ang mesa. Sa aking pagmamadali ay hindi ko na hinanap pa ang aking sariling cellphone at ginamit ang na lang ang cellphone ni Sir Dmitri. “Hali na kayo tayo’y maghahapunan na,” panawag ko. Kumuha ako ng dalawang mangkok at nilagyan ito ng sinigang na hipon at isda. Nilapag ko ito sa la mesa na gawa sa kahoy kasama na ang sinandok ko na kanin. Napabuntong hininga ako sa pagkadismaya. Ewan ko kung hindi nila ako narinig dahil sa lakas ng buhos ng ulan o dahil galit-galitan pa rin ang mga kapatid ko sa akin dahil sa inapi ko raw si Sir Dmitri. Pumunta ako ulit sa sala at inaya silang lahat. “Handa na ang hapunan. Hali na kayo at kumain, Honey, Paul, Andrew at…” nilunok ko ang aking pride para sa ikagagaan ng loob ng aking mga kapatid. “S-Sir Dimitri. Saluhan ninyo po kami sa hapunan.” Dito, sumilay ang mapang-asar niyang ngisi na wariy pinapahiwatig sa akin na nanalo siya. “You heard your kuya Gio, kids. Now let’s go and eat dinner before it gets cold,” ang kanyang utos. Sabay na tumango ang aking mga kapatid at umupo sa mesa. Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan sila. Hindi ko na namalayan na isang dangkal na lang pa la ang layo ng mukha namin ni Sir Dmitri nang magsalita siya. “The night is young, Gio. There’s more to c*m,” hinipo niya ang pang-upo ko sabay upo sa aking upuan sa mesa. Napakuyom ako ng kamao sa pagkainis at galit. “Buwisit ka Dmitri,” bulong ko sa ere. Sigurado ako na hindi niya maririnig pero nagtama ang mga mata namin. “Gio, sit,” parang aso niyang utos sa akin. Wala akong nagawa at umupo sa upuan na katabi niya at naghapunanan na tahimik na parang estranghero sa sarili kong mga kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD