Chapter 4

1811 Words
Halos naikot na ni Lyka ang buong higaan niya pagkatapos ng mahabang araw. Nakatanga lang siya sa kisame sa loob ng kuwarto. Nag-iisa lang siya sa loob ng apartment. May inasikaso pa kasi si Ricky sa restaurant nito at nag-promise namang babalik nang gabi, pero pasado alas siete ay wala pa rin ang kaibigan.   Hindi pa siya gaanong sanay sa environment sa bagong tirahan. Nasanay siya sa dating kuwarto na masyadong girly. Natatandaan niya na ayaw na ayaw niya iyong pinapalinis sa mga katulong nila sa bahay. Ayaw kasi niyang malaman ng ibang tao ang kanyang pagiging isip-bata pagdating sa mga gamit sa kanyang kuwarto. Halos bansagan na nga itong "Hello Kitty factory" ng kanyang dalawang best friend. Ang mga ito lang ang nakakita sa childish pink bed room niya.   Usually, pagbabasa lamang ng libro ang kanyang ginagawa sa loob ng kanyang kuwarto kapag day-off niya mula sa pawnshop.   Ngayong nasa bagong tirahan siya ay halos 'di na niya alam alin ang uunahing gawin. She's torn between sleeping and reading magazines. She chose none of them and started to wag her feet.   She sighed.   Hindi mawala-wala sa isip niya ang mga napag-usapan nila ni Chris noong nakaraang araw. Gusto niyang matawa sa kanyang sitwasyon. Ang purpose kasi kung bakit siya napunta sa lugar na iyon ay dahil sa pagtakas niya sa arranged wedding na ginawa ng kanyang mga magulang. Gusto niyang makalayo mula kay Paul at para maipagpatuloy na rin nito ang panunuyo sa kanyang best friend na si Carmelli. Pero heto siya at inaalok ulit ng panibagong arranged marriage ni Chris nang dahil sa hindi matigil-tigil na taga-media.   Inaamin naman niyang kanyang kasalanan ang lahat kung kaya nadawit ang binata sa kanyang kahangalan. Hindi naman kasi niya intensyon na idamay ito, pero wala rin siyang choice kundi ang tumakas at gumawa ng alibi para lubayan ni Paul. Hindi naman niya akalain na mas lalong gumulo ang lahat nang dahil sa ginawa niya.   Napapaisip din siya. Paano kung tinanggap niya ang alok ni Chris? Maisasalba talaga kaya nito ang mga pangalan nila kapag sila ang ikinasal?   She shrugged off the idea. Hindi pwede. Paano naman ang element of love? Ganoon na lang ba ito kadali isantabi ng mga taong pera at kapangyarihan lang ang pinahahalagahan? At paano kung mag-suffer siya sa piling ng binata at bumalik lang itong muli sa bride na nais nitong habulin?   You don't care about that, Lyka. Bakit, nage-expect ka ba na mamahalin ka rin niya kapag ikinasal kayo? tanong ng isang bahagi ng kanyang isip.   That's not gonna happen! At saka, na-turn down ko na, 'di ba?   Kunwari ka pa! I know you... nasasayangan ka sa offer! pang-aalaska naman ng bahagi ng kanyang isip.   She can't keep on thinking of Chris. Not right now! Dapat ay naga-apply na siya ngayon ng panibagong trabaho para hindi siya umaasa kay Ricky. She needs to be alone and independent.   Maya-maya ay may narinig siyang kumatok sa pinto mula sa labas ng apartment. Napatayo siya at dumiretso sa sala para pagbuksan ang kumakatok. Alam niyang si Ricky iyon. Malamang sa malamang ay may dala na naman itong lulutuin at gagawin na naman siya nitong baboy sa dami ng dapat niyang kainin.   Agad napaatras ang dalaga at nanlaki ang mga mata. "A-ano'ng ginagawa mo rito?!" natatarantang tanong niya.   Paul smiled deviously. "Bakit? Bawal na ba ako bumisita sa fiancé ko?" He suddenly let himself in.   Nanginginig na napaatras naman siya. Ngayon niya lang nakita si Paul nang ganoon. Ang dating magalang na Paul Marcelino ay biglang naglaho at naging isang hayok na lalaki.   Ricky, help me! Nasaan ka na ba?   "P-paano mo 'ko natunton?" Sinikap niyang magsalita sa kabila ng takot. Paatras pa rin ang kanyang galaw sa loob habang si Paul ay papalapit sa kanya.   "Oh, I have many ways to know, honey. Isa pa, I've missed you!" He laughed. "You know, may mga kaibigan ka pa rin namang tanga."   "No! Ano'ng ginawa mo kay Ricky?!" Napailing lang siya hanggang sa wala nang maatrasan. Tuluyan na siyang napasandal sa pader. Ramdam niya ang pagragasa ng kanyang dugo paakyat sa mukha. Sumisikip na rin ang daluyan ng kanyang hininga. Hindi niya maaatim na may masamang mangyari sa kaibigang si Ricky.   Mabilis na hinarang ni Paul ang mga braso nito sa kanya. "Okay lang naman sa 'kin na takbuhan mo 'ko sa kasal natin. But you're not going to marry another man. Not that f*****g Carbonel!" he said, then he started to press on her hard. He kissed her lips. She felt as though she's kissing the wall. Nasasaktan na siya at nagsimulang magpumiglas. Pakiramdam niya ay pinapalo siya ng kahoy sa mukha sa paraan ng paghalik nito.   "No, Paul! Stop!" she said between his violent kisses. She tried to push him but he was too strong as he held her tight like breaking her bones. "Stop it! Ano ba?!" Nanlalaban pa rin siya pero gumapang na ang mga halik nito patungo sa pisngi hanggang sa leeg. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak at panginigan ng buong katawan.   Naramdaman na lang niya na tinatanggalan na siya nito ng butones sa blouse. She protested again and tried to hit him but he just slapped her hand and smiled deviously.   Kinakapos na siya ng hininga. Unti-unting dumidilim ang paningin niya. The last thing she remembered was a voice calling her name.   "Lyka!"   ***   CHRIS breathed deeply as he looked at Lyka lying down the hospital bed in a private room. Heck, it was the scariest thing he has seen. He almost killed a person earlier. At kung natuluyan man iyon ay hinding-hindi niya pagsisisihan.   It almost took his sanity when he saw Paul unbuttoned Lyka's blouse. Nagtagis ang mga bagang niya at sinugod ng suntok ang lalaking nagtangkang gahasain ang dalaga. Halos hindi siya nakapagpigil na suntukin ang lalaki lalo noong hinimatay si Lyka. He swore, he would kill him. Kung hindi nga lang dumating si Ricky at pinigilan siyang durugin sa suntok ang mukha ni Paul ay baka pinaglalamayan na ito ngayon.   Mabuti na lang talaga naisip niyang dumaan sa apartment ng dalaga. Supposedly, kukumustahin lang sana niya si Lyka kung pumayag na ito sa plano niyang naisip. Bukod sa kapit-bahay niya lang ito sa Felissa Village ay talagang nakaka-miss din ang dalaga. Kahit pa sinapak siya nito sa mukha, kakalimutan niya iyon dahil hindi niya kayang magalit sa dalaga nang matagal.   Unconscious pa rin ang dalaga pero ayon sa doktor ay stable na ang lagay nito. Na-trauma lang ito dahil sa nangyari.   Parang gusto niyang balikan ang Paul na iyon sa presinto at patayin sa sakal dahil sa ginawa nito kay Lyka.   Napailing siya at napabuntonghininga. He's acting the hero again and he hated that idea. Pero hindi niya maiwasan. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag may balak na gumahasa sa isang kaibigan? Anyone would be in hysteria witnessing that scene.   Maya-maya ay may kumatok sa pinto at iniluwa niyon si Kevin.   "Ano'ng balita?"   "Nakapagpiyansa si Mr.Paul Marcelino, sir. Fifteen minutes ago," pagbabalita nito.   Napatiim-bagang siya. "Tsk. Tinawagan mo na ba si Atty. Galleposo?" Ang kaibigang abogado ng kanyang papa ang tinutukoy niya.   "Yes, sir. Any minute by now ay darating siya para kausapin si Miss Castillo at nang masampahan ng kaso si Mr. Marcelino." Tango lang ang naisagot niya at muling pinagmasdan ang natutulog na si Lyka.   Naaawa siya rito. She should be doing her usual things but instead muntik pang magahasa. Looking at her made him think of the first day he met her on the bridge.   Lyka has this Filipina features she carries in her most cheerful way. Seryoso kasi ang mukha ng dalaga noong makita niya ito. Kung sa ibang pagkakataon pa ay nakita niya ang magandang ngiti nito. Now that he's looking at her peaceful face, he couldn't resist not to smile and understand Paul's eagerness to catch her again. She's worth a dime and time. She's someone to get serious with. Kung sa ibang pagkakataon na nakilala niya nang mas maaga si Lyka ay baka nahulog na ang loob niya sa dalaga. But things are different between the two of them.   Lyka is someone who doesn't want to risk love over money, but he is someone who can take advantage of wealth and selfish love.   Yes, selfish love it is. Siya lang naman kasi ang nagmamahal. Iyon ang kanyang napagtanto sa relasyon nila ni Jasmine. Jasmine was his everything. She was his great love. But what can he do? Malinaw na ayaw na nito.   Unti-unti ay nagmulat ng mga mata ang dalaga at in-adjust ang paningin sa paligid. Nakahinga siya nang maluwag at ginagap ang kamay nito.   "N-nasaan ako?" tanong ng dalaga at napatingin sa kanya. Ramdam niya ang biglang pagkasuklam sa anyo ni Lyka at winaksi ang kamay niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"   "Lyka..."   "Nasaan si Ricky?" maluha-luhang tanong nito. Sa mga sandaling iyon ay gustung-gusto na niya itong sugurin ng yakap. Magsasalita na sana siya pero may biglang pumasok sa loob at mukhang humahangos. Kasama roon si Ricky.   "Lyka, anak ko!" Sumugod ng yakap ang babaeng nasa mid-40's at maluha-luhang kinabig ang dalaga. "Oh my God! What happened?" nag-aalalang tanong nito sa dalaga.   "I'm okay, Mama. Don't worry," nakangiting sagot ni Lyka.   "Where's that scumbag?! Mapapatay ko ang Paul na 'yon sa ginawa niya sa anak ko!" sigaw naman ng lalaki na katabi ni Ricky. He pressumed it's Lyka's father. Nakaka-intimidate ang lalaki na tila mas intimidating pa kaysa kanyang ama. Napalunok tuloy siya. Kahit may katandaan na ay matipuno pa rin ang pangangatawan nito.   Tumayo siya sa kinauupuan at sumingit sa usapan. "Dinala po namin siya sa police station pero wala pang bente kuwatro oras ay nagpiyansa na siya agad."   Napalingon naman ang Papa ni Lyka sa kanya. "It's all your fault! Kung hindi dahil sa 'yo, hindi mapapahamak ang anak ko! I know you. Ikaw ang lalaking pinampalit ni Lyka kay Paul sa araw ng kasal nila! How dare you show up your face in here?! Lumayas ka!"   Napatanga siya sa tinuran nito.   "Popsy, tama na! 'Wag mong pagsalitaan nang ganyan si Chris dahil siya ang nagligtas sa 'kin mula kay Paul!" sita naman ni Lyka.   His jaw tensed again. Hinarap niya muli ang Papa ni Lyka. "With all due respect, sir, hindi ako nandito para guluhin ang pamilya n'yo. I came here to make sure that your daughter is safe. But I guess, she's already better and I'm not needed here anymore." Sinulyapan niya saglit si Lyka. Halata sa hitsura nito ang pagkalito at pagkaipit sa sitwasyon. Matapos niyon ay saka siya umalis ng kwarto kasama si Kevin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD