Prologue
Pinangarap ni Lyka noong maliit pa siya na maikasal sa loob ng isang malaking simbahan at magsusuot siya ng napakagarang gown. Gusto niya, nandoon ang lahat ng mga kaibigan niya at mga kamag-anak.
Pinangarap niyang magsimula ng isang magandang buhay kasama ang kanyang magiging kabiyak. Magkakaroon sila ng mga supling at mamahalin ang mga ito nang walang humpay.
Pero, ang mga iyon ay tila mawawala na. Simula nang mag-anunsyo ang kanyang Popsy na ipakakasal na siya sa isang lalaking ni kailanman ay hindi pa niya nakikilala sa tanang buhay niya.
Simula nang maglayas ang dalawa niyang kuya na sina Larux at Kreigh nang dahil sa arranged marriage ay wala na siyang nagawa kundi ang saluhin ang lahat ng kamalasang ipinataw sa kanya ng tadhana…
Suot ang wedding gown at make-up ay maingat na lumipot si Lyka sa bakuran. Dinaanan niya ang alagang Japanese Pitch na si Honey na matamlay na nakatunghay sa dog food nito.
Kailangan niyang tumakas bago pa siya maabutan ng mga kamag-anak niya na ipipilit na naman ang mga gusto sa kanya. Tila isang batang bihasa na sa pagtakas mula sa tahanan ay lumipot ang dalaga roon. Tinanggal niya ang stilettos niyang terno sa mahaba at magarbo niyang trahe de boda at pinalitan ito ng white sneekers na inihanda niya malapit sa kanyang puting scooter bike. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit dahil alam niyang matatagalan pa siya bago siya tuluyang makatakas. Ito na ang magandang pagkakataon upang sumalisi sa mga nagbabantay sa kanya.
Though, alam naman ni Lyka na hindi siya paghihinalaan ng mga kamag-anak niya dahil ang alam ng mga ito ay isa siyang masunuring anak sa kanyang mga magulang. Ito lang ang masasabi niyang kauna-unahang pagkakataong lilisanin niya ang buong Paghacian dahil sa isang tao na gusto niyang lumigaya, ang kanyang best friend na si Carmelli Ruj Fiasco.
Isang tawag mula sa kanyang android phone ang nagpatigil sa kanya. "Lyks, saan ka na? Nakahanda na 'yong apartment mo rito. Kailan ka ba aalis d'yan? Huwag mo sabihin na magpapakita ka pa kay Paul sa simbahan?" Hindi pa man nakababati ay nakarinig na agad si Lyka ng sermon mula kay Ricky na nasa kabilang linya. Isa ito sa matalik niyang kaibigan mula pa noong hayskul.
Napabuntonghininga si Lyka. "Wait lang, bakla, at tiyumitiyempo pa ako dito. Excited masyado?"
"Lukaret! I'm just making sure na hindi ka aatras sa sarili mong desisyon na indyanin ang groom mo! Ang hirap kaya sumakay sa trip mo, 'no! Ako pa inabala mong maghanap ng apartment. Pati paglilinis at pagbili ng mga gamit, ako pa rin pinaasikaso mo!" pagrereklamo nito. Nai-imagine tuloy niya ang pagtataas ng kilay at paghawi ng "invisible hair" ng kaibigan.
"Oh, thank you very much, my dearest BFF! Thank you dahil mahal na mahal mo talaga ako, 'di ba?" panlalambing niya sa kaibigan habang mag-isang nakangiti sa kawalan. Kaunting pang-uuto lang ang katapat ng kaibigan niya at bibigay kaagad ito sa kanya. Alam kasi niya na likas na maawain at matulungin ang kaibigang si Ricky. Sina Ricky at Carmelli ang dalawang long-time best friends ni Lyka, at sa dalawa'y mas close siya kay Ricky.
"Oh siya! Siya! Bolahin ba naman ako. Dalian mo, a? Naiinip na ako rito, eh." Anito sabay nagpatay ng cellphone.
Hindi na masyadong nagtagal ang pag-uusap nilang dalawa at sinimulan na niyang dahan-dahaning itulak ang puting scooter bike upang hindi makalikha ng anumang ingay na madidinig mula sa loob ng bahay.
Nang makalabas ay pinagmasdan muna niya sa huling pagkakataon ang kanilang bahay. Alas siyete na nang umaga at nakikita na ni Lyka ang matingkad na kulay ng sikat ng araw na tumatama sa pangalawang palapag ng kanilang tahanan. Sa mga oras na iyon ay aligagang-aligaga pa ang lahat ng kamag-anak niya sa loob. She finally hopped on the white scooter bike and drove away without looking back.
Kinakabahan siya sa mga mangyayari pero wala na siyang magagawa. Nakapagdesisyon na siyang lumayo para sa kapakanan ng kanyang best friend.
Gustuhin man niyang labanan ang kanyang mga magulang ay hindi niya magagawa. Natatakot siyang makita na nasasaktan ang Mama at Popsy niya nang dahil sa kanyang desisyon.
She knew it’s a selfless and stupidest thing to do, but she doesn’t have any choice. Kailangan niyang gawin ang nararapat para sa ikatatahimik ng kanyang konsensya.
Isa pa, wala naman siyang nararamdamang kakaiba o espesyal para sa kanyang mapapangawa. Tatlong beses pa lang niya itong Nakita magmula nang ianunsyo ng kanyang Popsy ang kanilang nalalapit na kasal. It would be best if she runaway from all of them. Pakiramdam kasi niya’y niloloko lang niya ang kanyang sarili at ang mga tao sa kanyang paligid, that she has to pretend that she liked the idea of getting married to a stranger.
Paalam sa’yo, Paul... Sorry sa desisyon kong 'to, but I can't marry you. Alam mo naman na ayaw ko sa arrangement na 'to, 'di ba? I hope that someday you’ll understand me. Ginawa ko lang ang alam kong tama at makabubuti sa inyong dalawa ni Carmelli.
Paalam din sa inyo, Mama at Popsy… Sorry kung for the first time akong susuway sa inyo. In time you'll understand me. Alam kong walang kapatawaran ang ginagawa kong ito pero wala na akong balak umatras. Mahal na mahal ko kayo pero tama sina Kuya Larux at Kuya Kreigh. Mahalagang alam ko rin ang kahalagahan ng sarili ko bago ko makita ang kahalagahan ng isang bagay o sitwasyon.
Carmelli, sorry. Alam kong walang pahintulot ang pagtakas kong ito para sa’yo, pero ito lang ang alam kong tanging paraan para maipakita ko sa’yo na mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin at ang kaligayahan mo kaysa ang takot nab aka bumagsak ang negosyo naming kung hindi naming itutuloy ang kasal naming ni Paul. Hindi na ako magpapakita sa'yo. Alam kong magiging masaya ka sa naging desisyon kong 'to.
Paalam na sa buhay ko bilang isang Castillo, ang natatanging tagapagmana ng C and S Corp. Paalam na sa marangyang buhay ko. Paalam sa mga alaalang nabuo ko mula sa loob ng aming tahanan.
Sana may kabuluhan ang pag-alis ko. At sana tama ito.