Muntik nang maluwaan si Ricky ng kinakain ni Lyka na tinapay. Mabuti na lang at umiwas ito agad. Umagang-umaga, ang ganda ng bungad ng malapad na papel na iyon sa kanya. Halos malukot na ang papel kung hindi lang siya niyugyog ni Ricky.
"'Te, ano'ng drama? Kung tao lang 'yang diyaryo, malamang natanggal na anit n'yan. 'Kaloka, ano ka ba? Hindi ba maganda ang headline natin? May sunog ba? Giyera? Ninakawan ba ng gintong alahas ang kompanya n'yo? Ano na, bes? Magsalita ka nga!" Patuloy lang ito sa pagyugyog sa balikat niya.
Sa wakas ay naluwangan niya rin ang pagkakahawak sa diyaryo. Agad siyang nanlambot at napatulala. She's doomed!
'Di pa man nakalapag sa mesa ay hinablot na ni Ricky ang diyaryo mula sa kanya at binasa iyon.
"CHRIS ANTHONY CARBONEL, NAKIPAGHALIKAN SA IBANG BRIDE!" Ricky simply made a look of a yeah-what-a-revelation face. "Infairness naman sa kanya ah." Naningkit ang mga mata ng kanyang kaibigan. "Hey, isn't this Chris the loser groom kahapon?"
Chris Anthony Carbonel, the heir to the throne of Lorenzo Carbonel, is seen kissing an unknown bride on Paghacian Bridge. A source informed us that the young Carbonel escaped his own wedding to meet another bride. The question is... who is this unknown bride?
Oh no! How could I be so careless? Isang sampal ang ginawad ni Lyka sa kanyang mukha sa isip-isip. She should have been more careful. Dahil sa kawalan niya ng ideya ay lalo tuloy siyang napasubo nang dahil sa paghalik niya kay Chris.
Napasinghap naman si Ricky at agad siyang hinarap. "Oh my gosh! Baklita ka talaga, Lyka! Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin na sikat pala si Fafa Chris?!"
Napapantastikuhan niya agad ang sinabi ng kaibigan. "Great! Ang laki na nga ng problema ko rito nagawa mo pang magbiro! Tingnan mo nga nang mabuti ang babae d'yan sa picture!" galit na utos niya kay Ricky at gano'n naman ang ginawa nito.
"Lyka! Nilandi mo si Fafa Chris?!"
"What?!"
"Well, as I can see it, ikaw ang humatak sa kanya para humalik, 'di ba? Obvious naman, Lukaret!"
She huffed one tired breath and faced Ricky. "Fine! Ito ang nangyari..." pagsisimula niya. "Nasa biyahe na ako palabas ng Gracia del Fuente when I saw this depressed guy. It was Chris. Then, biglang dumating si Paul. Nag-panic ako kaya wala akong choice kundi gamitin si Chris. I didn't know that he's a celeb businessman. Kung alam ko lang, sana umalis na 'ko kaagad para hindi mahuli ni Paul. Ang tanga-tanga ko!" aniya habang ginugulo ang buhok.
"Ang haba ng hair mo, Lyka, ah? Infairness naman sa 'yong baklita ka! Baka ito na ang chance to win a man's heart. Ayokong tumanda kang madre! Charot! Pero kidding aside, sigurado akong hindi ka titigilan ng mga reporters nʼyan. Trust me, hindi pa tapos ang charade na 'to, I tell you," panghuhula nito.
"Huwag ka sanang magdilang-anghel, bruha, at baka mamatay ako nang 'di oras." Napaismid siya at saka uminom ng kape.
Ang hirap talaga sa mga Pinoy, mahilig sa intriga. Hindi niya akalaing instant celebrity na agad siya dahil sa pagkakadaupang-palad nila ni Chris? Pero ang tanong: sino nga ba talaga si Chris?
Wala talaga siyang idea kung sino ito. Kung sikat man ang binata, bakit hindi niya ito nakilala agad? O baka naman ginu-good time lang siya ng diyaryo?
"Hoy, gising! Nagkakape pero mukhang hindi naman tumatalab sa 'yo 'yan," puna naman ni Ricky nang mapansin ang pananahimik niya at kinalabit siya.
"Paano 'to, Ricky? Siguradong dodoble na ang kahihiyan na idudulot ko kina Mama at Popsy." Naguguluhan siyang tumingin sa kaibigan.
"Hello? Kasalanan ko ba na hindi mo type si Fafa Paul? At kasalanan ko ba na sa dinami-rami ng pwede mong maging alibi ay si Fafa Chris pa hinatak mo?"
"Eh wala na rin naman akong choice no'n. Or the least I could say...nagipit ako at 'yon lang ang naisip kong paraan, ang gamitin si Chris—okay! Okay! Kasalanan ko na lahat, okay? Oh ano, masaya ka na?" Napairap siya sa kanyang best friend nang pandilatan siya nito.
"Maldita ka kasi. Ngayon ka pa nagrebelde. Ayan tuloy at hindi ka sanay sa gawain ng mga rebelde. Kawawa ka tuloy," then he made a face.
Sumapit ang tanghali at naghanda na siyang kumain sa hapag. Si Ricky pa rin ang kasama niya sa bahay. Ayaw na nitong umuwi dahil gustong makichika tungkol kay Chris.
Halos lamunin na siya ng upuan sa kahihiyang dulot ng pagkakadawit niya sa isang sikat na businessman. Isa lang siyang hamak na manager ng isang pawnshop. Hindi siya nagpapakita sa public, not even on her parents' business affairs. She's too aloof for cameras and people. She just enjoyed her isolation for more than two decades of her miserable life. Paanong napunta siya sa headline at ikinabit sa isang Chris Anthony Carbonel?
Maya-maya, may narinig silang katok mula sa pinto. Napataas ang kilay niya. "Ricky, may nakakaalam ba ng bahay ko rito?" nananantiyang tanong niya.
"Wala, ah! Baka si Misis Land Lady lang 'yan. Hindi ka pa raw kasi niya nami-meet. Baka dumadalaw lang," patay-malisyang sagot nito. Tumayo na lang siya at binuksan ang pinto. Isang posibilidad na nakaligtaan ang biglang rumagasa sa kanyang isipan nang bumungad sa kanyang harap ang isang taong dahilan ng kanyang pagkakadawit ngayon.
"Hey, I'm really sorry if I have to show up again like this, but you have to help me with this," bungad ng binata sabay abot nito sa diyaryo.
She sighed. "Alam ko na 'to." Ito na ang kanyang kinatatakutan. Isang panibagong problema na sanhi ng walang katapusang pagmamanipula. Media naman ngayon ang kalaban niya.
"Hindi mo ba ako papapasukin?" Chris asked. Halos malaglag panga ng dalaga sa pagkakita sa humahangos nitong hitsura. His cheeks streaked drops of sweat as his chest moved up and down.
She slapped her forehead. "Oh! Sorry. Come in..." aniya at niluwangan ang pagbukas ng gate saka pinapasok si Chris.
Sa loob, nagkukumahog na si Ricky sa sala para harapin ang bisita. "Fafa Chris! Napadaan ka?" malanding tanong ni Ricky. Napairap naman si Lyka sa tinuran ng kaibigan.
"Sorry kung huli na masyado para magtanong pero...sino ka ba talaga? Bakit tayo ang headline sa diyaryo?" tanong niya.
Huminga ang binata nang malalim. "Well, not like the celebrity thing, pero parang gano'n na rin. Kilala kasi ang kompanya namin sa buong Pilipinas at maimpluwensya ang pamilya na pinanggalingan ko," he confessed. "I'm a Carbonel at sa estado ng pamilya namin, hindi malayong mapadpad ang talambuhay ko sa pinaka unang pahina ng diyaryo na 'yan."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Nagtanong ka ba?" sarkastikong tugon nito.
Ouch! Umirap siya. "Eh ano ba plano mo ngayon? Nadamay pa 'ko." Kung alam lang niyang magkakaganito, hinayaan na lang sana niyang mahulog mula sa tulay ang binata. Pero hindi naman siya patatahimikin ng kanyang konsensya.
"Hey, baka nakakalimutan mo na ikaw ang gumawa ng eksena at dinamay mo lang ako," he reminded her.
"Eh pa'no na nga ngayon? Pa'no pa 'ko makakapagtago kung nasa diyaryo ako? Malamang matutunton na nila ako rito lalong-lalo na ng mga parents ko," nag-aalalang saad niya. This is what barking at a wrong tree looked like. Buong akala talaga niya isa lang si Chris sa libo-libong depressed na tao na naga-attempt na magpakamatay sa tulay ng Paghacian. He appeared to be more than what she assumed he was. She thought he was a weakling handsome guy who gave her a headache yesterday. It's beginning to break on her face that what she actually dealt with was another unbearable pain in her life. It sounded unlikely her win this time.
"Well... We'll give them what they want to see," sagot nito na nagpanganga sa kanya.
***
Naiiling na napagpantastikuhan ni Jaime ang pagkakita sa pasa ni Chris sa mukha. Chris couldn't believe what just happened to him. Sa lahat pa ng matatamaan ay iyong mukha niya pa ang pinagdiskitahan!
"Damn, 'tol! Ngayon lang ako sinapak sa mukha ng isang babae!" angil niya sa pinsan niyang si Jaime habang nilalagyan ng cold compress ang namumulang pisngi malapit sa ibabang labi.
"Seriously, you're an idiot," sabi naman ni Jaime.
"What? Ako pa ngayon ang idiot, eh ako na nga ang nakaladkad ang pangalan at nabangasan!" nagtatampong sabi niya.
"I'm just being true, man. Kung bakit kasi sasabit ka na nga lang doon pa sa maling tao? Palpak na nga kasal mo, nag-eskandalo ka pa sa daan at makikipaghalikan sa kung sinong bride!"
"I told you it was an accident."
"Whoa! Nananaginip ba 'ko, 'tol? Ikaw? Naniniwala na ngayon sa accident?" Sinalat nito ang noo niya. "May sakit ka ba? Ano'ng tinira mo? O baka naman namatanda ka sa beauty ni Lyka?"
"Gago!" Binatukan niya ito. The last smile Lyka gave her on their ride the other night suddenly appeared on his mind.
Jaime chuckled. "Ang weird mo kasi. Ano ba nangyayari sa 'yo?" Nagkibit-balikat lang siya. "That's what you get for being a fat ass. Balak mo pa gawing gamit 'yong babae para lang gamutin ang nasugatan mong pride," pailing-iling na sabi nito.
"This is not about my pride, okay? It's about my jammed wedding. Ano na lang sasabihin ng mga investors? The board will probably blame me for not marrying Rose Diversity! The future CEO na tinakbuhan ng sariling bride. How unlucky of me..." How unlucky can he be? Hindi niya maiwasang maalala ang palpak na proposal niya kay Lyka kahapon...
Natitilihang napapikit si Lyka nang marinig ang sinabi ni Chris. That didn't quite go well, he guessed. Nagkuyom ng palad ang dalaga at tinitigan siya nang masama.
"I-it's an exchange, right? I told you, you have to pay me back." Hindi na niya nadagdagan pa ang sasabihin dahil nakalapit na si Lyka na parang sinaniban ng masamang espiritu.
She hit him real hard on the face!
"What the hell is your problem?!" asik niya habang sapo ang mukha.
"That's how I say no to certain people. Now, get the hell out of here. Alis! Get out of my apartment, now!" sigaw nito at pinagsusuntok siya sa dibdib.
"Hey! Calm down, will you?" awat niya naman habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. "I know it sounds crazy, but we both know right now that we absolutely don't have any choice. Trust me. I have my reasons for doing this, okay? Ayokong mapahiya ang buong kompanya namin sa investors nang dahil sa eskandalong ginawa ng fiancé ko sa araw ng kasal namin. Ayoko pang mamatay ang mama ko sa sobrang depresyon, and I know you'll be needing this charade para itayo rin ang sarili mo. You ran away, remember? Malalaman at malalaman din nila kung nasaan ka ngayon, at matutunton ka rin ng fianceé mong hilaw. You can't hide forever. That's why I'm here offering my help and needing yours as well, to achieve one goal, and that's claiming back our pride," mahaba niyang eksplanasyon.
"No worries. Nothing's gonna change between us. No strings attached. We'll just have to play a couple in public, that's all. Off cam and privately, we will stay as we are right now."
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Parang pinapalabas din natin na may relasyon tayo at sinira natin ang buhay ng mga taong nakatakda nating pakasalan. Aani pa rin tayo ng masasakit na paratang. It will still make us miserable. And you know what? Your plan sucks! I'd rather cave myself in my apartment than to be with you!"
Napailing na lang siya. "Okay. Since, I can't make you agree at this moment, at least pag-isipan mo muna. Sa ngayon, wala ka nang ibang pagpipilian. Nandito na 'to. Hindi magtatagal ay guguluhin ng media ang buhay nating dalawa. Kaya pag-isipan mong mabuti, Lyka," saka siya tumalikod at umalis...
Biglang may reporters na dumagsa sa paligid ng binata nang lumapag siya sa lobby ng Carbonel & Quirino Building. Bahagyang nag-panic ang mga mata niya dahil sa nakaiiritang tanong ng mga ito. Tinawagan kasi siya ng kanyang papa na may emergency meeting ang board of directors. Mabuti na lang at nasa likod niya si Kevin, ang personal bodyguard niya, at hinarangan ang reporters. Ito ang nagsalita sa mga makukulit na taga-media at agad siyang iginiya patungo sa VIP elevator patungo sa 17th floor kung saan idaraos ang meeting.
Pumasok siya sa conference room kasama si Kevin. It's as if he's the only person they're waiting for, saka lang nasimulan ang meeting. Just two of the chairpersons and his father. As expected, about sa merge ang pinag-uusapan ng mga ito. Panaka-naka lang ang komento niya dahil kahit pilitin ng mga ito ay hindi pa niya gustong pag-usapan ang tungkol sa kahit anong kaugnay kay Jasmine. He doesn't like the idea na ipagduldulan pa ang sarili sa babaeng ayaw sa kanya.
"One more thing we should tackle is about the headline today about the future CEO of C & Q. Baka masira ang reputasyon ng C & Q dahil doon," panimula ng chairperson na si Ferdie.
"What should we do?" tanong ni Domi, chairperson din.
Ang ama naman niya ay tumingin lang sa kanya na parang nanghihingi ng sagot. His dad is not that close to him and they barely talkto each other. The old Carbonel often spoke with very brief words. "I suppose this matter should be set aside in the meeting. As the father, I am responsible for taking appropriate actions in our own personal ways, since it's also a personal issue," sagot ng papa niya sa mga ito na ikinagulat niya.
Nakahinga na rin siya nang maluwag kahit papaano. His personal life will not be served in a hot pan for now.
Natapos na ang meeting at nagpaiwan siya at ang kanyang ama sa loob ng conference room.
"Tell me about this girl, Chris. Do you know her?" simula nitong tanong at may iniabot na picture. Picture ni Lyka.
"She's my friend," after the incident... gusto niya sanang idagdag.
"And the news?" Chris licked his lower lip and never uttered a word. The old Carbonel sighed. Kumuha ito ng panyo mula sa bulsa upang punasan ang pawis sa mukha. "Then tell me about her..."
"Her name is Lyka Myel Castillo, daughter of a Jewelry Magnate sa Tagaytay. Their company is called 'Castillo and Sons Corporation'. Hindi man 'sing lago ng C & Q pero sapat na para sabihing kapantay lang natin sila. I've checked on their line of business. They're one of the most outstanding jewelry company in the country na pinaka pinagtitiwalaan ng maraming malalaking personalidad." He checked on Lyka's life after the incident where their lines met.
Patango-tango naman ang matanda. "I see. I've also heard that she ran away from her own wedding at pinaghahanap na ngayon ng mga magulang niya," he grimaced. Pati ang binata ay lumungkot ang mukha. "Find her, Chris..." he said, not a statement but rather an order.
Chris looked at him in disbelief and was half-amused.