Naging iritable ang unang kinse minutos ng biyahe nina Chris at Lyka mula sa Paghacian bridge. Pinaghalong amoy ng palengke at usok ang sumasayad sa ilong ng binata habang pinipigilan ang panlalabo ng kanyang mga mata mula sa nagbabadyang luha. Pasado alas onse na rin nang umaga at nararamdaman na niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Sa sobrang excitement kasi niya ay nakalimutan niyang kumain. Iyon pala, mauuwi lang sa wala ang lahat.
Ang natatandaan lang ni Chris sa mga oras na iyon ay ang papel na nagpabago ng pananaw niya sa pag-ibig. Inakala niyang tanggap na ni Jasmine ang kasal nilang dalawa. Maybe he was too happy that he didn't even see the signs through her eyes. Hindi niya naisip na iindyanin siya nito sa mismong araw ng kasal nila. Hindi niya matanggap na ang nagpakita na lang sa kanya ay ang isang sobre na may lamang singsing at sorry.
Halos magdilim ang paningin niya nang mabasa iyon. Hindi niya pinansin pa si Tim, ang best friend ni Jasmine, na nagdala ng sulat at agad na lumabas ng simbahan at umalis gamit ang sasakyan papuntang airport. Ngunit nang tumirik ito malapit sa Paghacian bridge ay pinagpasyahan niyang maglakad.
I'm sorry, Chris. I can't marry you.
-Jasmine
Paulit-ulit na sumasagi iyon sa isipan ng binata hanggang sa marahas niyang itinapon ang sobre sa tulay. Kalaunan ay nagsisi siya sa naging pasya. Kahit alam niyang delikado ay sinubukan pa rin niyang kunin ang itinapong sobre, ngunit isang di-kilalang babae ang biglang sumulpot at hinila siya palayo sa bakod ng tulay.
Namangha siya sa babae. Binago ng isang estranghera ang takbo ng buhay niya, ang plano at ang dapat na kalagyan niya sa mga oras na iyon.
Para siyang tanga. Nasaktan siya nang sabihan siya nitong duwag. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Nagpakaduwag siya nang dahil kay Jasmine dahil iniwan siya nito sa dambana. Sana noon pa man ay sinabi na hindi siya nito kayang mahalin. Wala naman kasi siyang naririnig mula sa babae. Iyon pala ay plano na nitong iwan siya sa simbahan at ipahiya. Hindi niya alam ang gagawin. Susundan niya sana ang babae sa airport pero nasiraan siya ng kotse.
Naduwag siya, iyon ang totoo.
Habang nasa biyahe, sumagi ulit sa isipan niya ang nangyari matapos niyon. Nakita niya ang pagdating ng isang lalaki na gustong kunin si Lyka. Nakita niya kung gaano ito kagalit. Paul ang pangalan nito ayon sa kanyang pagkakatanda na tawag ni Lyka roon.
He was possessive. Kung siya rin naman ang nasa katayuan ng lalaki ay magiging possessive na rin siya lalo na't ang katulad ni Lyka ang pinag-uusapan. Makikipagpatayan talaga siya. She's worth dying for.
Weird mang isipin, ngunit nalimutan niya saglit ang lahat ng sakit. Inaamin niyang nag-enjoy siya sa suntukan kanina na dahilan pa yata ng pagkahimasmas niya mula sa hinagpis na hindi niya malubayan dahil sa hindi pagsipot ni Jasmine kanina sa cathedral.
Tandang-tanda niya ang masisigla't mani-ningning na mga ngiti ng kanyang mga bisita. Nakita niya ang walang katumbas na halakhak ng kanyang mama at papa at mga magulang ni Jasmine. Halos lahat ng naroon ay nagpahiwatig sa kanya na tuloy na tuloy na ang kasal. Sa sobrang haba ng preparations nila ay alam niyang seryoso silang dalawa sa pinasok na aspeto ng buhay-ang buhay mag-asawa. Sobrang ironic nga lang na sa hinaba-haba man ng prosisyon, ang sorry ni Jasmine lang ang tumapos sa masasaya niyang pantasya sa loob ng simbahang iyon.
Pantasya nga sigurong maituturing ang pag-asam na maikasal sa kanyang kababata.
Jasmine Pacheco was his childhood friend. He liked her ever since, at sa pagkakaalam niya'y ganoon din ang babae sa kanya. She was an avid fan of the sports cars. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na drag racer din ang kasintahan kung kaya't madali silang nagkahulugan ng loob, even though the purpose of the marriage was for business. He was certain that what he and Jasmine had was far more than just a business.
He loved her. He well deserved his wait for her kiss when their parents planned for their engagement party. He well deserved her "yes" when she spoke through the microphone. But he doesn't know if he deserved her disappearance right now. How could she leave him in front of the altar?
Ang sakit magmahal. Paano pa kaya siya haharap sa mga magulang niya gayong walang Jasmine ang dadalo sa kasal? His father must be fuming mad at this very moment. Hindi lang kasi ang dangal at pagmamahal niya ang nasayang kundi ang merging ng Carbonel & Quirino Group of Companies, ang kompanya ng pamilya niya at ang Rose Diversity Incorporated, ang kompanya ng pamilya ni Jasmine. Paniguradong magkakagulo sa loob ng kompanya nila. Siguradong naghihintay na ang mga board of directors sa sasabihin niya. Ano naman ang expectations ng mga ito? Could he be less hurt than what he really was feeling? He couldn't even badmouth about Jasmine. He just couldn't.
"Saan ka nga pala pupunta ngayon?" pagbasag niya sa namumuong katahimikan sa pagitan nila ni Lyka kahit maingay ang scooter at ang mga nakakasabayang kotse sa biyahe.
"Ummm... Pasensya na. Ite-text ko pa friend ko, ah?" Kumalas ito saglit sa pagkakayakap sa kanya. Kung hindi lang siya nakahawak sa manibela ay baka ipinakawit niya ulit sa dalaga ang mga braso nito pabalik sa baywang niya. Pero bakit niya naman gagawin iyon? Ano naman siya nito?
Dang! You must be crazy...
Maya-maya may tumatawag na kay Lyka mula sa cellphone at sinagot iyon. Matapos ng tawag ay na-receive na nito ang text ng kaibigan at ipinakita sa kanya. "'Know this place?"
He smiled. "Yeah, I can get you there in 30 minutes." Sa Felissa Village ang nakasaad sa address. Kabisado niya ito kaya hindi sila mahihirapan.
"Talaga? Salamat, ah. Buti na lang talaga at nakita kita sa daan. Malaki ang maitutulong mo sa 'kin," anito.
"Ano ka? May bayad kaya 'to..." pagbibiro niya.
"Ha? Grabe ha. Scooter ko na nga ginamit mo, magbabayad pa rin ako? Hustisya, earth! Ang daya naman!" pagmamaktol ng babae.
"Hey, you're forgetting something..."
"What?"
"You used me without my permission to get away from your groom, right? You even kissed me," he reminded her.
Natahimik ito saglit at tumikhim. "S-sorry..."
"Stop saying sorry..." kasi naiinsulto ako... gusto niya sanang idugtong pero pinigilan niya ang sarili. He should not act like this in front of a stranger, not likely in front of a runaway bride, an example of his heartache.
"Eh kasi nadamay ka pa sa kabulastugan ko. Wala na kasi akong makitang paraan para itaboy si Paul. I had to use you," malungkot na sabi nito. Hindi man nakatingin ay ramdam niya ang pag-aalala nito sa kanya gawi nang makita siya nitong nanghihina sa may tulay. He suddenly felt guilty for joking around. Si Lyka ay pinaghalong innocence at naivety at hindi niya dapat iyon ginagamit na dahilan para asarin ito.
Wala naman kasi talaga siyang balak na singilin ito. Somehow, he just loved thinking about the kiss...
"Hey, nangyari na ang nangyari. Ang mas mabuti pa, pagbigyan mo na lang ako. Total, ito lang naman ang hinihiling ko kapalit sa pagtulong ko sa 'yo." He glanced at her and smiled. Ngayon lang niya na-realize na nakakatuliro ang ganting ngiting dalaga. Inaamin niyang nakadaragdag ng kagaanan ng loob ang magkabila nitong pisngi na humuhulma sa mabilog nitong mukha. Hindi man perpekto ang mga ngipin nitong hindi pantay ay nakadaragdag pa rin ng appeal sa dalaga. Isama pa ang mga mata nitong sumasabay sa pagngiti. Ibinalik na lang ni Chris ang mga mata sa kalsada at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
"Pag-usapan na lang natin ang p*****t mamaya sa bahay. T-thanks..." she finally said.
No, thank you... You are my escape.
***
Isang batok ang ibinigay ni Ricky sa kaibigang si Lyka. Agad siyang nagprotesta sa sakit. "Bakit mo ginawa 'yon?" Kararating lang kasi nila Chris sa apartment niya. Nang makatanggap ng batok ay halos lumipat na sa ulo niya ang lahat ng sakit at pangangalay na naramdaman niya mula pa noong nasa biyahe siya. Inaamin niyang hindi siya komportable sa pag-upo lalo pa't naka-gown siya.
Galit na tumitig ang kaibigan sa kanya. "Nakakainis ka, ah! Ang tagal ko kayang nakatanga rito sa apartment mong bulok! Hindi ka na naawa sa 'kin! Ano'ng klase kang best friend?!"
She rolled her eyes. Tawagin ba namang bulok ang apartment na pinili nito? 'Kaloka. Hindi na niya ito pinansin at kinilatis na lang ang kabuuan ng apartment.
Isa itong grey studio-type apartment. Kasalukuyan silang nakatambay sa salas. Napakaganda nitong tingnan sa simplicity na approach sa sinumang tao na makakakita.
Naroon ang simpleng floral-designed sofa bed at isang flat screen TV na nakapatong sa isang brown na mesita na may dalawang drawer. Sa isang brown knitted chair nakaupo ang kasama niyang binata, at tulad niya ay abala rin ito sa paglilibot ng paningin.
Nginitian niya lang si Ricky. "Mahal na mahal talaga ako ng best friend ko. I love you, Ricky!" Humaba ang nguso niya at umarte na hahalikan ang kaibigan pero agad nitong iniharap ang kamay at nandidiring umiwas sa kanya.
"Lumayo ka sa 'kin, impakta! Hindi tayo talo!" maktol nito. Alam ni Lyka ano'ng dahilan ng pagngawa ng kanyang best friend, dahil may bisita siyang dala. At hindi lang basta bisita kundi gorgeous na bisita.
Gorgeous. Ganyan niya isalarawan si Chris at ganyan din siya ka-affected sa loob-loob niya. Bakit kasi ito pa ang nakita niya kanina? Hindi sana siya natutuliro nang ganito! Minsan ay para na siyang timang katitingin sa bawat expression ng binata habang nakasakay sila ng motor. Well built ang pangangatawan nito at maputi. Naaalala tuloy niya ang last K-Drama na napanood niya na kahawig ni Chris. Sa mata pa lang nito ay halatang may lahing tsekwa o koro-koro.
Tumikhim si Ricky at nakataas pa ang kilay. "Paki-explain ang nakikita ko, Lyka. Ang alam ko kasi tumakas ka sa sarili mong kasal, then magpapakalayu-layo na. What in the heavens are you thinking para magdala rito ng fafa groom ng ibang kasal? Seriously, ano ang nakain mo at nagdala ka ng ulam dito-este-ng groom? Para kayong nanggaling sa kanya-kanya n'yong mga kasal at nagsipagtanan! Paki-explain, Lyka Myel Castillo!" Napahalukipkip na ang kaibigan at tinaasan pa siya ng kilay. "Kukuha muna ako ng maiinom ninyo. 'Nga pala, labyu."
Chris bursted to laughter. Siya naman ay pinamumulahan sa ideyang iyon ni Ricky. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa kay Ricky na kulang na lang ay mag-impersonate bilang si Donya Ina?
Nakitawa na rin siya pagkakuwan. "Pagpasensyahan mo na ang mama ko, ah? Red alert niya kasi ngayon," pagbibiro niya.
Natawa naman si Chris. "I didn't know na dito pala nakatira ang idol ko na si Donya Ina." He chuckled.
"Patawa talaga iyon si Ricky. Best friend ko siya at saka siya rin ang tumulong sa akin na makahanap ng matitirhan pansamantala. Siya lang ang nag-ayos ng lahat sa apartment ko ngayon. Mahal kasi ako no'n eh," kuwento niya.
"I see. Kaya pala hindi mo kabisado ang address dito."
She cleared her throat. "Oo nga pala, bakit nga pala alam mo ang lugar dito?" pag-iiba niya ng usapan.
"Hmmm. Secret..." he smiled mischievously.
Umirap siya at hindi na lang pinansin ang binata. Umupo siya sa upuan. She tried to relax pero hindi niya kaya. Hindi naman sa distracted siya kay Chris, kahit ang totoo ay mas malaking porsyento iyon ng kanyang pagkabalisa, kundi dahil na rin sa mga nangyari sa kanya. Hindi niya na magawang mag-relax. Narito sa puso niya ang pangamba na baka hanapin siya ng kanyang mga magulang at ipilit pa rin kay Paul. Kilala niya kasi ang mga ito. Hindi iyon ang mga tipo na basta na lang susuko sa isang bagay na gusto ng mga ito. Noon pa naman niya nakikita na selfish ang mga ito para lang sa kapakanan ng Castillo & Sons. Lalo lang siyang nagngingitngit kapag naaalala niya ang dahilan ng arranged marriage na iyon. Sa isang banda, hindi niya rin maiwasang kabahan para sa mga magulang. Baka magkasakit ang mga ito nang dahil sa kanya. Hindi niya maaatim na makitang nagdurusa ang mga ito samantalang siya ay nagpapakakampante sa pagtakas. Napakasama na niyang anak kung hindi niya aalagaan ang mga ito.
Tatlo silang magkakapatid sa pamilya: sina Kuya Larux at Kreigh, at siya bilang bunso. Lahat ng kapatid niya ay mga suwail. Lahat kasi sila ay dumanas ng ganoong kahirap na sitwasyon. Lahat ng kanyang kuya ay na-disown bilang mga Castillo.
Like her, they were forced to marry for the business. But what did they do? Umalis at nakipagtanan sa kani-kanilang mga girlfriend. Lahat ng mga ito ay tinanggalan ng mana. Siya na lang ang naiwan, at ni minsa'y hindi siya nagreklamo sa lahat ng desisyon ng mga magulang. But what is happening with her? She became like her brothers, too. Pero hindi kasing suwail ng dalawa na makipagtanan. Wala naman kasi siyang boyfriend. NBSB o No Boyfriend Since Birth siyang maituturing, kumbaga.
Matapos niyang makapagpalit ng damit ay nawindang siya sa nakalatag sa mesa sa kusina. May maruya at pineapple juice. Napasinghap siya sa bango na nanggagaling sa cooking area. Naroon si Ricky na kumakanta-kanta pa!
Hindi na bago sa kanya ang nangyayari dahil hilig talaga ni Ricky ang pagluluto. Kapag kasama niya ito ay palagi siyang busog. Iba si Ricky sa mga malalambot na lalaki na nakilala niya. Ito kasi iyong tipo na hindi palagala. Chef si Ricky sa pagmamay-ari nitong restaurant. Ayaw na ayaw nitong kumain sa hindi trusted na restaurant. Ganoon ito kaarte. Mapipilit lang gumala kapag mamimili ito ng ingredients sa grocery store. Minsan nga ay nagdududa na si Lyka kung bakla ba talaga ang best friend niya. Buti na lang ay may malaking katibayan. Fashionista kasi ito at maraming boyfriend. Hindi nagpapahaba ng buhok at pumoporma lang ng tight jeans at floral-printed polo shirts.
Natalo pa siya kasi wala siyang time sa ganoon. Puro aral ang inaatupag niya. As in puro kain, tulog, nood ng TV, tambay, etc. Nag-aaral naman talaga siya nang maayos. Minsan lang ay nakaka-frustrate. Nagseryoso na lang siya noong malapit na siyang gumradweyt sa college sa kursong Bachelor of Science in Operations Management. Siya na kasi ang susunod na magmamana ng Castillo and Sons Corporation.
"Ang bango naman nʼyan, Ricky!" puri niya sa ginagawa ng kaibigan. Hinainan na sila nito sa hapag. Naglagay pa ito ng napkin sa lap ni Chris.
"Ako?" Itinuro niya pa ang sarili.
Umirap ito. "Huwag na, 'no! Hindi ka naman siguro bisita sa sarili mong bahay. At isa pa, may atraso ka pa sa 'kin!" Mataray na tumalikod sa kanya si Ricky. Napanguso naman siya at natawa naman si Chris.
"Bakit, ano'ng nakakatawa, ha?" tanong niya sa binata nang sipatin niya ito ng tingin.
"You're so cute. Pa'no pa kaya kapag kumain ka na?" natatawang turan nito.
Pinamulahan tuloy siya, pero thank God he had to look at his plate bago pa nito makita ang pamumula ng mga pisngi ng dalaga. Laking pasasalamat din niya na nakapagpalit na siya ng damit dahil kakat'wa naman kung kakain siyang nakatrahe de boda tapos nakabarong tagalog pa ang bisita? Para lang silang kumain sa reception ng iisang kasal!
"Ha-ha-ha. Patawa ka," sarcastic naman niyang turan upang pagtakpan ang pagkapahiya. Buong araw silang nagkuwentuhan at nagtawanan dahil sa mga kuwelang jokes ni Ricky.
"Uuwi ka na?" Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Lyka nang makitang tumayo si Chris sa kalagitnaan ng panonood nila ng movie na isinalang ni Ricky sa player.
Tumango lang ito. Ngayon lang din niya napansin na madilim na sa labas. Napahaba yata ang kuwentuhan nilang tatlo at hindi na napansing gumagabi na.
Mukhang nahulaan ni Chris ang nasa isip niya kaya kaagad itong ngumiti. "Don't worry. Hindi ako magpapakatiwakal, Lyka. Thanks to you. Sige, aalis na 'ko." Tumalikod na ito at sinundan niya hanggang sa labas.
"Salamat nga pala sa paghatid dito kanina, Chris. S-salamat din kasi iniligtas mo ako kay Paul..." Sumagi ulit sa isip niya ang "kissing scene" nilang dalawa kanina. Kakaimbyerna!
He smiled. "Kahit sino gagawin 'yon. You're worth saving." Tumalikod ito at may tinawagan sa cellphone. Matapos niyon ay humarap ang binata sa kanya. "I'm going then..." Tila may nahihimigan siyang iba sa ikinikilos ng binata. Parang ayaw pa nitong umalis, na nalulungkot ito dahil walang karamay, o baka guni-guni niya lang iyon?
Umalis na ang binata at hinatid na lang ng tingin hanggang sa labas.
Napabuntonghininga siya. Bakit ba nagkakaganito siya? Para siyang nagi-guilty kahit hindi naman siya ang nagkasala kay Chris. Siguro dala lang iyon ng pagka-guilty niya kay Paul. Napangiti na lang siyang bumalik sa bago niyang bahay.
Hanggang sa pagtulog ay dinadalaw siya ng mga nangyari kamakailan. Sa pag-aayos sa bahay, sa pagtakas sa simbahan, hanggang sa makasama ang lalaking nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan.
Chris, magkikita pa kaya tayo?