Chapter 1

2443 Words
Nakalayo na si Lyka mula sa Gracia del Fuente Village, kung saan siya nanggaling, mga tatlong kilometro ang layo mula sa kinaroroonan niya at ilang kanto na lang sa Paghacian Bridge. Pagkatapos ng Paghacian ay isang kilometro ulit para sa bago niyang apartment na si Ricky ang nag-asikaso.   Napadaan siya sa pulang tulay nang maisipan niyang huminto. Nalimutan niyang itanong ang eksaktong address ng bago niyang tirahan! Agad niyang pinalo ang helmet na suot sa sobrang pagkayamot. Nag-usap na sila kanina ni Ricky at hindi niya pa naisipang itanong ang address ng sariling apartment. Palibhasa ay ngayon lang siya nagkaisip na sumuway sa mga magulang at hindi kinasanayan ang pagtakas.   Bilib na ako sa katangahan mo, Lyka! sabi niya sa sarili.   Well, at least nakalayo na ako, 'di ba? pagpapalubag-loob naman ng isang bahagi ng kanyang isipan. Hindi naman kasi siya sanay sa paglalayas. Ni paglakwatsa nga ay hindi pa nagagawa ng kanyang twenty-three years young na sarili dahil sa kahigpitan ng Mama at Popsy niya. Isang beses pa lang ang natatandaan niyang pumuslit siya at dahil iyon sa best friend niyang si Carmelli. Simula pagkabata ay sunud-sunuran lang siya sa mga magulang. Lahat ng bagay sa buhay niya: gamit, kurso, trabaho at kaibigan ay ang mga ito ang pumipili para sa kanya.   Bachelor of Science in Operations Management ang natapos niya at two years ago lang siya gumradweyt sa isang university. Kapapasok niya lang din bilang Operations Manager sa pawnshop na sangay ng kompanya nila Popsy, ang Castillo and Sons Corporation. Nabigla na lamang siya sa pag-anunsyo ng ama tungkol sa pagpapakasal niya kay Paul Marcelino, ang anak ng isang Mining Magnate sa Pilipinas. Buong akala niya talaga ay matutuldukan na ang pagmamanipula ng ama mula pa sa kanyang dalawang kuya na sina Larux at Kreigh, ngunit nagkamali siya.   Palinga-linga si Lyka sa paligid nang may mamataan siyang tao sa di-kalayuan. Nasa may gilid ito ng tulay at akmang itataas ang isang binti sa may bakod na bakal.   Oh no. Don't tell me...   "Huwag mo ituloy 'yan!" sigaw ni Lyka sa lalaking nasa tabi ng tulay. Agad niyang pinaharurot ang scooter bike patungo sa lalaki. Nang makalapit ay agad niya itong hinatak mula sa delikadong bakod na ang nasa paanan ay ang ilog ng Paghacian.   Sa tanang buhay ng dalaga, ngayon lang siya kinabahan nang husto. Sa sobrang takot ay halos maiyak na siya sa mga sandaling iyon.   Agad na napansin ni Lyka ang namumulang mga mata ng lalaki. She knew right at that moment that the stranger was bewildered and confused. The sorrow in his eyes began to rush in her mind, like the cold snow during winter in America that she remembered. It has something to do with her guilt, perhaps. She's not a mind reader, but seeing the man and his transparency made her feel uneasy and weak.   Nakasuot ng mamahaling kulay kremang barong-tagalog ang lalaki. Nagusot na lang ito nang kaunti dahil sa nangyaring hatakan kanina.   "Sadyang baluktot na ba utak mo?! Bakit ka magpapakamatay?" hinihingal na sermon niya sa lalaki.   Hindi siya nito pinansin sa halip ay humikbi at lumuha lang nang tahimik habang nagpupumiglas. Nahirapan naman siya sa pagpigil sa lalaki.   "Ano ba? Nakakapagod ka na, ah! Huwag ka magpakamatay, please. Kung anuman ang problema mo, masosolusyunan 'yan. Hindi ito ang solusyon sa problema mo. Pakiusap, huwag ka magpakamatay!"   "Huwag ka makialam sa 'kin! Pabayaan mo ako!" asik ng lalaki.   "Hindi pwede. Hindi ka tatalon kaya magtigil ka!"   "Bitiwan mo 'ko!" tugon ng lalaki habang nakikipagmatigasan. Patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas. Hindi tuloy maiwasan na maglapit ang mga mukha nila. Napagtanto niyang may hitsura ang lalaki. Sa maputing kutis nitong halatang hindi sanay sa tirik ng mapagparusang araw hanggang sa matipuno nitong pangangatawan. Hindi niya rin maiwasang mailing sa tinuran ng lalaki. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking guwapo nga, ang sarap namang murahin sa sobrang kahinaan na ipinapakita.   Napagdesisyunan niyang ibigay ang kalayaan ng lalaki. Humarap ito sa kanya at bakas sa mukha ang pagtataka. "Hala sige, magpakamatay ka! 'Yan ang gusto mo, 'di ba? Ituloy mo! Ni wala ka ngang pakialam kung may naghihintay sa 'yo na umuwi ka. Kung may problema ka, sige, 'yan ang pinaka magandang solusyon! Parang sinabi mo na rin na naduduwag kang humarap sa buhay! Kalalaki mong tao pero naduduwag ka! Umamin ka nga, bakla ka, 'no?!" asik ni Lyka sa estranghero. She swore, namumula na sa galit ang lalaki. Unti-unting nabuo sa isipan niya ang isang konklusyon.   "She left me..." biglang sabi nito at napaupo sa may pavement sa tulay.   "Ha?"   "Jasmine... my supposed-to-be bride."   Napaawang ang mga labi ng dalaga sa narinig. Nakaramdam siya bigla ng awa habang dama ang mapipinong kurot sa puso. Kinilabutan siya. Paano kung gawin din iyon ni Paul—ang magpatiwakal? Lalo na't kasalukuyan nang nagkakagulo sa mga oras na iyon sa simbahan dahil sa hindi niya pagsipot.   Erase, erase. Hindi gano'n si Paul. I doubt it kung may gano'ng mangyayari, salansa niya sa sarili. Besides, pareho naman silang biktima ng arrangement at alam niyang pareho silang walang nararamdaman sa isa't isa. They both agreed in a convenient marriage para sa business.   Her father is a Jewelry Magnate at kilala sa bawat sulok ng Pilipinas, at bilang isang Castillo at tanging kinikilala na tagapagmana ng Castillo and Sons Corporation, kinakailangan nila ang alyansa sa pagitan ng mga Marcelino na kilala bilang maimpluwensyang pamilya pagdating sa Mining Industry. Pagmamay-ari ng mga ito ang isa sa minahan sa Zambales. Innovation ang dahilan ng marriage niya kay Paul, at kahit labag sa kalooban ay pumayag siya sa pamamanhikan ng binatang Marcelino. Hanggang sa parang bombang sumabog ang katotohanan, dahil bago pa siya nakilala ni Paul ay minahal na pala ito ng kanyang best friend na si Carmelli.   Pero, heto siya at tumatakas para maipagpatuloy ng mga ito ang naudlot na pag-iibigan. Kung masama man siya sa paningin ng iba, hindi na niya mababago iyon. Atleast hindi siya magdurusa nang tuluyan sa piling ng lalaking hindi niya kayang mahalin.   But this guy in front of her, parang kinokonsensya siya nito. What if katulad ng estrangherong ito si Paul? Hindi kakayanin ng konsensya niyang makita at malaman na nagpakamatay si Paul dahil sa kanya. Habang buhay niya itong pagsisisihan. Uusigin siya ng kanyang konsensya.   "Ang sabi niya, hindi raw niya ako kayang mahalin," pagpapatuloy ng lalaki. "Pinilit lang daw siya ng mga magulang niya at ng mga magulang ko na pakasal sa 'kin. Ganito ba talaga ako kamalas? Lahat na lang yata ng gusto ko ayaw naman sa 'kin. Alam kong arranged marriage lang ang sa amin, pero matagal ko na rin siyang mahal kahit pa noong mga bata kami. Alam ko namang matututuhan niya rin akong mahalin, eh. But I just can't believe she ditched me. I can't live without her. Mahal na mahal ko si Jasmine," anito.   Napabuntonghininga siya. Wala siyang maapuhap na sabihin sa estranghero dahil kalahi lang niya iyong babaeng tinutukoy niya, nang-iiwan.   "Tell me, gano'n mo ba kamahal ang babaeng nang-iwan sa 'yo? Bakit mo sinasayang ang oras at buhay mo sa walang kuwentang katulad niya?" sa wakas ay lakas-loob niyang tanong.   "Would it be silly kung sasabihin kong siya ang buhay ko?"   She rolled her eyes. "Susmemaria! Siya ang buhay mo? Hindi niyan matutumbasan ang buhay natin, t'so. Bakit, siya na lang ba ang natitirang babae sa mundo? Ang O.A. mo, ah! Magtigil ka nga d'yan. 'Di uso ang martyr ngayon!" paninermon niya sa lalaki.   "And who are you to tell me these things as if you know my personal life?"   Malakas na tumikhim ang dalaga at naglahad ng kamay. "I'm Lyka Myel Castillo...and you?"   "Chris..." tugon nito saka nakipagkamay sa kanya ang lalaki. Dito niya mas nakilatis ang mga mata nitong singkit na medyo maga sa kaiiyak. Maganda tingnan ang kakaunting bigote na tumubo sa palibot ng labi nito. Pati na ang well-shaved na pagkakaayos ng patilya na nakadagdag ng angas sa hugis-puso nitong mukha ay kanya ring napansin. Those kissable lips that firmly defined his tempting mouth...teka wait. Stop it, Lyka. Hindi ito ang tamang panahon para humanga sa isang groom na iniwan din ng bride! saway niya sa kanyang isip. Masyado siyang naging abala sa pagbati sa bawat parte ng mukha ng lalaki.   "Apilyedo mo, sir?" pag-iiba niya habang sinisikap na tanggalin sa sistema ang bawat anggulo ng mukhang binata. Sayang ka, Kuya. Nakaka-turn-off ang epic fail mong pagpapakamatay...   "No need. Hindi na rin naman tayo magkikita." Tumayo na ang estranghero at nagpagpag ng damit sa bandang puwitan. "Thanks for changing my mind, Miss Lyka." He smiled. "Oh, by the way, bilisan mo at baka ma-late ka na sa kasal mo," he added while looking at her from head to toe. Saka lang niya naalalang naka-wedding gown nga pala siya noong umalis at mukhang tanga sa gitna ng daan. Napagtanto niya ang awkward na sitwasyon kung saan ang isang bride ay nakikipaghatakan sa isang groom sa Paghacian bridge.   What a concept, Lyka. What a concept!   Hindi na lang siya nagsalita pa. Baka magbago pa ang isip ng lalaki at magpakamatay ulit dahil sa depresyon. Maya-maya ay biglang may dumating na itim na sports car. Iyong sasakyan na huli niyang hihilingin na makita. Ang kotse ni Paul!   Hindi pa man nakakaalis si Chris ay tumakbo si Lyka papalapit sa lalaki at hinatak ang braso nito. Narinig niya ang pagprotesta nito ngunit sumubsob na siya sa matipunong dibdib nito. Bahagya siyang sumilip mula sa kilikili ni Chris at nakitang nakalabas na ng sasakyan si Paul. She had no other escape plan. She can't try to fool Paul dahil obvious namang nakikilala nito ang suot niyang wedding gown. He personally picked this for her. She had no other choice. She pulled Chris on the neck and instantly closed her eyes to wait on his surface to meet hers.   She kissed Chris.   To clarify things, walang stopping motion sa paligid ang nagaganap. Tsinacharot lang ang karamihan sa paniniwala nila sa mga K-Drama sa TV. Heck, this was totally her first kiss and she didn't even know if she's doing it right. She obviously just touched his expert lips to hers in trembling and sensible muscles. Totoo na rin siguro ang sinasabi ng iba sa init na nararamdaman kapag hinahalikan na tila kinakapos ng hininga, because that's making her knees quiver and jerk. If that's electricity, this must be frying up her cells to death—but this made her even more alive.   The fantasy suddenly halted, and the next thing Lyka knew, Chris was thrashed to the ground. Napasigaw siya sa gulat. Sinugod pa ito ng galit na galit na si Paul ng malalakas na suntok. Si Chris naman ay lumalaban pero takang-taka sa nangyayari sa paligid.   "Paul, tama na, please! Paul, tama na!" sigaw niya. Sinubukan niyang umawat sa dalawa ngunit mukha gustung-gusto ng mga ito ang ginagawa.   "That's for kissing my fiancé! Inagaw mo sa 'kin si Lyka!" sigaw ni Paul kay Chris, sabay sinapak na naman nito sa panga ang huli.   Napapunas naman ang binata sa bibig na may dugo at napangisi.   Naiiyak na napapikit si Lyka dahil sa pagod. Hapung-hapo ang katawan niya kahit umaga pa lang dahil sa kaiisip kung paano malulusutan ang kasal nila ni Paul. Feeling niya'y naubos ang kanyang energy sa kakahatak kay Chris na huwag magpakamatay, not to mention how she kissed him. Hindi niya maipagkakailang mas naubos ang lakas niya nang dahil sa halik na iyon. Ganoon pala ang pakiramdaman niyon.   Napaupo siya sa gilid ng kalsada. "Umalis ka na rito, Paul. Hindi ko kayang pakasal sa 'yo! Hindi kita puwedeng pakasalan dahil hindi natin mahal ang isa't isa!" nanghihina niyang sabi kay Paul na napatigil sa pagsugod kay Chris.   "No, you're coming with me!" Marahas nitong hinablot ang braso niya at puwersahang isinakay sa kotse. But before she could get there, Paul was punched again. That was the time na nakalayo ulit siya mula roon.   "Kung ayaw niyang sumama sa 'yo, huwag mong pilitin," ani Chris na nagdidilim ang mukha. "Alam mo naman siguro kung kanino siya sasama, 'di ba? She doesn't like you nor she's never getting married to a bastard like you!" saka sinapak ulit nang malakas si Paul sa mukha.   Napasigaw na naman siya.   Sumuko na rin si Paul at dinuro si Chris. "We're not through yet. Magsama kayo sa impyerno!" Tumalikod na ito at sumakay sa kotse. Agad nito iyong pinaharurot paalis.   Nanlalambot na napasandal ang dalaga sa isang poste. Nanlumo siya sa mga nangyari. Ang saya ng araw niya. Napakaraming first-times. First time maglayas, makakita at pumigil ng isang lalaking magpapakamatay at manghalik ng isang estranghero sa harap ng lalaking tinatakasan.   Ang gusto niya lang naman ay makalayo sa kanyang mga magulang at mamuhay nang normal. Iyong hindi pinipilit sa mga dapat gawin sa buhay. Ayaw niyang pakasal kay Paul! Hindi mapigilang napahagulgol na lang siya ng iyak at sumubsob sa dalawang palad.   "I'm completely sorry for that, Lyka..." Nakita niya ang bulto ng katawan ni Chris na tumabi sa kanya.   Napaharap siya rito. "Why are you saying that? Ako ang naglagay sa 'yo sa alanganin. Dapat ako ang nagsasabi ng sorry! Ang tanga-tanga ko kasi. Hindi ko na talaga alam ano'ng gagawin ko. I'm not ready yet to get married."   "Well, it's okay for me. Parang nakikita ko na kasi ang magiging reaksyon ni Jasmine," anito na nagkibit-balikat. Pain was evident in his eyes at lukob niyon ay ang pagdusahin siya sa katotohanan na nakokonsensya siya. Sobra siyang nakokonsensya na may isang tao na naaalala ang kanilang pighati nang dahil sa katangahang ginawa niya.   "I'm so sorry, Chris. Dapat hindi na lang kita hinila at—" Hindi na niya naituloy ang pagsasalita dahil biglang naglakad si Chris palayo at nilapitan ang scooter niyang nakahiga pala sa may gilid ng daan. The next thing he did was to sit there and started the engine. Napanganga siya. "W-what do you think you're doing?"   "Tara, ihahatid na kita kung saan ka man balak magtago," paanyaya ng lalaki.   Tumalima na lang siya at umangkas sa scooter. Nahihiya siyang kumapit sa likuran ni Chris pero no choice siya. Masikip ang espasyo ng scooter niya at idagdag pa ang awkward na angkas-babaeng upo ng isang naka-bridal gown na tulad niya. So she wrapped her arms around him. It felt warm, cozy and comfortable.   May isa pang nakakahiya: hindi pa niya alam kung saan talaga siya papunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD