"OMG! Ano ba 'yan, beshy? Nagchuchurvahan na kayo d'yan. Mahiya naman kayo!" Agad na napabalikwas ng bangon si Lyka nang marinig ang matinis na boses ni Ricky na nasa bungad na ng pintuan ng VIP room. Hanggang ngayon kasi ay nakadagan sa kanya ang walang malay na si Chris. "Stop yelling and help me here!" Tumayo na siya at hinawakan si Chris sa ilalim ng kilikili nito. Agad namang tumalima ang kaibigan at tinulungan siyang iakay ang binata papunta sa sasakyan na dala ni Ricky. Isinakay nila si Chris sa backseat habang siya ang nakaalalay rito. Si Ricky naman ay ang magmamaneho. Habang nasa biyahe, napapitlag siya nang mapahilig na ng ulo ng binata sa kanyang balikat. Hindi tuloy niya mapigilan na pagmasdan ang mukha ng natutulog na si Chris. Inalala niya ang mga sinabi nito sa