Ilang beses nang tinawagan ni Lyka si Ricky na nasa labas ng Barracuda pero hindi ito sumasagot. Hindi rin niya kayang iwanan si Chris sa loob ng VIP room dahil wala na itong kasama at nahihiya siyang hanapin pang muli si Dreik na lumabas na ng kwarto matapos itong magpaalam na may aasikasuhin na client sa ibang VIP rooms. Napakagat-labi siyang nilapitan ang binata mula sa upuan nito. Hindi pa rin ito maayos. Nakaupo lang ito habang nakatungo roon. "Umm... C-Chris? Kaya mo bang tumayo?" Of course, he can't, idiot! Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Ano ba ang kanyang gagawin sa binata? Natatakot kasi siya. Natatakot siya na baka magkamali siya sa gagawin. Sa panahong ganito pa napili lumabas ng unsociable self niya. Gusto niyang batukan ang sarili sa pagkainis. "Lyka?" His ho