Ailyn’s Point of view
“Madilim ang mukha na bumaba ng hagdan si Hades, ni hindi man lang ako nito sinulyapan, kilala ko ang ugali nito napaka moody niyang tao.
Katulad ngayon na wala namang dahilan eh bigla na lang itong nagagalit kaya kailangan kong habaan ang aking pasensya dahil kailangan ko siyang pakisamahan.
Dinaanan lang ako nito at dire-diretsong lumabas ng bahay patungo sa nakaparada niyang sasakyan. Ganito ang ugali ng lalaking ito, halos wala siyang pakialam sa akin kaya labis akong namangha ng makita ko kung gaano siya ka-sweet sa kapatid niyang si Steffany. Kahit minsan ay hindi ko man lang nakita ang ganoong side ng pagkatao nito, ayokong mag-isip ng hindi maganda sa magkapatid pero kahit sino naman ang makakita ng mga nasaksihan ko ngayon sa pagitan nilang dalawa ay talagang hindi normal na gawain ng magkapatid.
Mabilis akong tumayo at kaagad na humabol sa kanya bago pa ako maiwan nito. Diretsong sumakay si Hades sa kanyang sasakyan ni hindi man lang ako ipinagbukas nito ng pintuan. Kaya may pagmamadali na binuksan ko ang pintuan ng kotse dahil siguradong iiwanan ako nito. Nang makasakay na ako ay kaagad na pinatakbo ang sasakyan habang sa likuran namin ay nakasunod ang isa pang kotse na lulan ang kanyang mga tauhan.
Sa loob ng mahabang biyahe ay nanatili lang kaming tahimik na parang akala mo ay wala akong kasama. Ilang sandali pa ay humimpil ang sasakyan nito sa tapat ng isang malaking gusali. Walang pakialam na bumaba ng sasakyan si Hades at halos maiwan na ako nito dahil sa laki ng hakbang ng kanyang mga paa.
Sa totoo lang ay nakakaramdam na ako hiya sa mga tauhan nito na nakatingin sa akin dahil sa lantarang panghihiya sa akin ni Hades.
“Who said you came to my house?" Ito kaagad ang tanong sa akin ni Hades ng nakapasok na kami sa loob ng Condo unit nito. Makikita sa mukha nito ang di pagkagusto sa ginawa kong pagpunta sa kanilang tahanan at ramdam ko na anumang oras ay sasabog na ito sa galit.
“Gusto ko lang makilala si Steffany, since na malapit na tayong ikasal naisip ko na dapat ko na ring makilala ang mahalagang tao sa buhay mo.” Malumanay na paliwanag ko sa kanya, ngunit labis akong naguluhan kung bakit lalo pang nagalit si Hades sa naging pahayag ko, gayong wala naman akong nakikitang mali bagkus ay maganda ang aking hangarin.
Nagulat ako ng haklitin ni Hades ang aking braso, saka marahas na hinigit ako nito palapit sa kan’ya.
“Hindi kita pinahihintulutan na lumapit kay Steffany, ni hawakan s’ya, naiintindihan mo ba?” Ani nito sa galit na tinig ngunit may diin ang pagsasalita nito.
“Ano ba, Hades, nasasaktan ako, besides wala namang mali sa ginawa ko, hindi ka ba masaya na magkasundo kami ng kapatid mo?” Naguguluhan kong tanong, napangiwi ang aking mukha ng humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa aking braso.
“Walang kasalang magaganap dahil ako ang masusunod, nandito ka lang para bayaran ang utang ng pamilya mo. Kaya huwag kang mag-ambisyon sa isang bagay na napaka imposibleng mangyari.” Nanggigigil nitong wika, para akong sinampal ng malakas dahil sa sinabi niya sa akin, matinding sakit ang idinulot nito sa puso ko.
Pagkatapos iyong sabihin ay hinila ako nito patungo sa sofa at padaskol na binitiwan nito ang braso ko.
“Strip!” Matigas niyang utos sa akin, kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ay ang pagbagsak ng damit ko sa sahig.
Katulad ng nais niya ay tumalikod ako sa kanya at bahagyang yumuko habang nakahawak sa hamba ng sofa.
Dinig ko ang pagkalansing ng sinturon nito mula sa aking likuran maging ang pagbaba ng kanyang zipper. Ilang sandali pa ay naipikit ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang sandata nito na pumasok sa aking loob.
Ilang taon na rin kaming may relasyon ni Hades pero hindi ito katulad ng ibang relasyon na nagsimula sa pag-ibig dahil ito ay isang relasyon lamang sa isang pirasong papel.
Ako si Ailyn Gonzalez ipinagkasundo ako ng aking mga magulang sa pamilyang Walker upang mabayaran ang pagkakautang ng aming pamilya.
Sa ilang taong lumipas ay hindi ko inaasahan na natutunan ko ring mahalin ang lalaking ito na ginagawa lang akong parausan.
“Hmmmm...” hindi ko na napigilan ang ungol na kumawala sa aking bibig ng marahan itong umuulos mula sa aking likuran.
Ito lang ang nagustuhan ko kay Hades kahit papaano ay hindi niya ako sinasaktan sa tuwing gagamitin niya ang aking katawan. Ngunit naging palaisipan para sa akin kung bakit sa tuwing gagamitin ako nito ay laging patalikod at never niya akong hinalikan.
“Ohhhh... Princess...” parang nagdedeliryo ito habang paulit-ulit na tinatawag niya ang pangalang Princess hanggang sa dahan-dahang bumilis ang bawat kilos nito sa aking loob.
Nakadama ako ng sakit dahil kalaunan ay napagtanto ko na ibang babae ang nasa isip nito habang ginagamit niya ang aking katawan.
Dahil sa matinding ligaya na kumalat sa buong sistema ko ay isinantabi ko muna ang nararamdamang sakit. Tuluyan na akong natangay ng matinding pagnanasa nito kaya walang patid ang mga ungol na lumalabas sa bibig ko.
Hanggang sa yumakap siya ng mahigpit sa aking likuran ngunit laking pagkadismaya ko ng bunutin nito ang kanya, at sa aking likuran ay doon niya inilabas ang lahat ng kanyang katas.
Sa maraming beses na may nangyari sa amin ni minsan ay hindi niya pinaranas sa akin ang labasan siya sa loob ko.
Pagkatapos nitong makaraos ay dinukot niya ang panyo sa bulsa at nilinis ang sarili nito saka inayos ang nakababa niyang pantalon.
“Aalis ka na naman ni hindi mo man lang ba ako sasamahan dito?” Malungkot kong tanong ngunit walang tugon akong narinig mula sa kanya hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng pintuan.
Ilang taon na kaming ganito at hindi ko na matatagalan pa na patuloy niya akong babaliwalain, papansinin lang kapag kailangan niyang mailabas ang init ng kanyang katawan.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha dulot ng matinding sakit na nararamdaman ng puso ko dahil hindi ko matanggap na para akong isang bayarang babae na kailangan pang pumunta sa condo nito kapag kailangan niya ng mapagrarausan.
Nang minsang pinapunta niya ako sa kanyang condo at hindi ko siya sinunod ay mag-asawang sampal ang inabot ko sa harap mismo ng aking mga kaibigan. Si Hades ang isang klase ng taong walang kinatatakutan bagkus ay siya pa ang kinatatakutan ng lahat.
Kaya magmula noon kapag oras na tumawag siya ay aligaga na akong makarating sa kanyang condo.
Kailangan kong malaman kung sino ang babaeng kinababaliwan nito dahil hindi ako papayag na isang araw ay itatapon na lang ako ni Hades na parang isang walang kwentang bagay.
Naiiyak na inayos ang aking sarili bago lumabas ng condo ni Hades, sigurado ako na next week na naman uuwi ang lalaking iyon dito kaya sa aking condo muna ako pansamantalang magtitigil.”