Prologue
“Bang!” Nahinto sa akmang paghakbang ang aking mga paa at natulos ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang isang malakas na putok ng baril.
Ang marahas na pagbuga ng aking hininga ay sumasabay sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. Halos pigil ko na ang aking hininga at tanging pintig ng puso ko lang ang nangingibabaw ng mga sandaling ito.
“Subukan mong tumakbo at sisiguraduhin ko na mamamatay ang lalaking ito, you know me, Steffany!” Mariin ngunit seryosong saad ni kuya Hades, ramdam mo sa tinig nito ang matinding panganib para sa kaligtasan ng aking kaibigan.
Nagsimulang manginig ang buong katawan ko ng hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan, binalot ng matinding takot ang puso ko at butil-butil na pawis ang lumalabas sa aking noo.
“Come here, Princess.” Seryosong utos niya sa akin, nakalahad ang isang kamay nito sa ere habang sa kabilang kamay ay hawak niya ang isang baril.
Tila may sariling utak ang aking mga paa dahil kusa itong kumilos at parang robot na humakbang paharap sa direksyon ni Hades.
Habang humahakbang ay hindi ako nangahas na mag-angat ng mukha dahil natatakot ako na makita ang nanlilisik sa galit nitong mga mata.
“Steffany! Huwag! Huwag kang lumapit, tumakbo ka na!” Nakikiusap na sigaw ng kaibigan kong si Alfred, kahit nahihirapan na ito dahil sa bugbog na tinamo nito mula sa mga tauhan ni Hades.
Natauhan lang ako ng maramdaman ko ang isang matigas na braso na pumulupot sa aking baywang, mahigpit akong niyakap nito at halos hindi na ako makahinga.
Ibinaon niya ang mukha sa pagitan ng aking leeg, at naramdaman ko ng tila isang droga ang aking balat kung singhutin nito.
Idiniin niya ng husto ang sarili sa aking katawan at napangiwi ang aking mukha nang kagatin niya ang balat ko sa leeg. Para itong isang bampira kung umakto, ngunit makikita mo sa kanyang kilos ang matinding pananabik niya para sa akin.
“I miss you so much, my Princess, sisiguraduhin ko na kailanman ay hindi na tayo magkakahiwalay pa.” Parang wala sa sarili na pahayag nito habang mahigpit na nakayakap sa aking katawan. Nag-angat siya ng mukha at tumitig sa aking mga mata bago mapusok na hinalikan nito ang aking mga labi.
Wala itong pakialam sa mga tauhan niya na nagkalat sa paligid. Dahil ng mga sandaling ito ay tanging ako lang ang nakikita ng kanyang mga mata.
Kahit nasasaktan na ako sa paraan ng halik nito sa akin ay hindi ako naglakas loob na magprotesta dahil natatakot ako na baka magalit itong muli at mapahamak ang kaibigan ko.
Hinihingal na pinutol nito ang halik bago muling tumitig sa aking mukha.
“Let’s go home, hinihintay na tayo ng ating anak.” Nakangiti niyang wika na may halong kasiyahan ang tinig nito, naglaho na ang galit sa kanyang mukha. Hinila ako nito patungo sa kotse habang nanatiling nakayakap ng mahigpit ang kanang braso niya sa aking baywang.
“ No! Steffany! Huwag kang sumama sa siraulong ‘yan! Ahk!” Bigla akong lumingon sa direksyon ng aking kaibigan at nagsimula na akong magpanic ng bugbugin ito ng tauhan ni Hades.
“H-huwag! Hades, nakikiusap ako awatin mo sila! Baka mapatay nila si Alfred!” Pagsusumamo ko sa kanya at nagsimula na akong umiyak dahil sa labis na pagkahabag para sa aking kaibigan, ngunit parang wala itong narinig at patuloy lang na nakatitig sa aking mukha.
Napansin ko ang pagbabago ng expression ng mukha nito, nagbabaga sa galit ang mga bagâng at madilim din ang awra ng kan’yang mukha. Wari mo ay mas lalo itong nagalit dahil sa ginawa kong pagmamakaawa.
“P-pangako h-hindi na ako aalis, susundin ko na ang lahat ng gusto mo,” sabi ko sa nakikiusap na tono habang hawak ng mahigpit ang damit nito sa tapat ng kanyang dibdib.
Ngunit wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kanya, nataranta ako ng makita ko na walang awang sinipa ng mga tauhan nito ang kaibigan ko na kasalukuyang naka lugmok na sa kalsada.
Naalala kong bigla kung paano ko ito suyuin noong bata pa ako.
Huminga ako ng malalim at sinikap na kalmahin ang aking sarili, nanginginig ang mga kamay na niyakap ko ang katawan ni Hades bago ibinaon ang aking mukha sa malapad na dibdib nito.
Buong pagsuyo na hinigpitan ko ang pagkakayakap sa malaki niyang katawan, at nang maglapat ang aming mga katawan ay may kung anong kuryente ang nanulay mula sa aking mga kalamnan. Marahang hinahaplos ang kan’yang likod bago isinandig ang aking ulo sa malapad niyang dibdib.
“H-huwag ka ng magalit sa akin, s-sorry na please.” Sinikap kong maging malambing ang boses ko upang ipadama sa kanya na hindi ito isang pagpapanggap lamang.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na gumalaw ang kanang kamay niya at narinig ko na huminto sa pambubogbog ang mga tauhan nito sa aking kaibigan. Nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi pa rin ako umaalis sa aking posisyon at nanatili pa rin ang mukha ko sa dibdib nito.
Kilala ko si Hades, kapag sinubukan kong lumingon ay siguradong sasabog na naman ito sa galit.
Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay may epekto pa rin pala sa kanya ang ganitong klaseng panunuyo ko.
“U-umuwi na tayo.” Pakiusap ko sa kanya, ilang sandali pa ay naramdaman ko na yumuko ito, at tulad ng dating ginagawa niya sa akin ay binuhat ako nito ng pabridal style kaya naman niyakap ko ito sa leeg bago ibinaon ang aking mukha sa pagitan ng kanyang leeg.
“Steffany!” Narinig kong sigaw ni Alfred ngunit hindi ko na ito nilingon pa, dahil sa mga oras na ito ay higit na mahalaga ang buhay nito.
“Ito na ang huling pagkakataon na makikita kitang umiyak ng dahil sa ibang lalaki Steffany, dahil sa susunod ay papatayin ko ang lahat ng tao sa paligid mo.” Mariing banta niya sa akin,
Imbes na sumagot ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg nito, kaya naman narinig ko ang mahinang ungol na nanggaling sa bibig niya mismo.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin bago ako hinalikan nito sa pisngi.
Marahil ay ito talaga ang kapalaran ko ang manatiling bilanggo sa piling ni Hades, at mabuhay ng walang kalayaan.
Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha at nagsimula na naman itong pumatak kaya nabasa ng luha ko ang balikat ni Hades.
Nakaupo na kami sa loob ng sasakyan ngunit nanatili pa rin ako sa kandungan nito.
“Sshhhh... tahan na, Princess, everything is fine, don’t worry, I’m here.” Anya sa malambing na tinig na para bang wala lang sa kanya ang mga nangyari. Hinigpitan pa niya ang yakap sa akin habang nakadikit ang ulo nito sa ulo ko ay nakapikit naman ang mga mata nito at patuloy na hinihimas ng kanyang malaking palad ang aking likod.”