Chapter 5

1215 Words
Steffany’s Point of view “Pagkatapos umawit ay mabilis akong lumapit kay Ate Ailyn at masayang nakipag kwentuhan sa kanya. Makikita sa aking mukha ang matinding pananabik sa kausap dahil ito ang unang pagkakataon na makikipag-usap ako sa ibang tao. “Masaya ako dahil mayroon na rin akong matatawag na Ate, welcome sa family namin, Ate Ailyn.” Masaya kong wika bago mabilis na inabot ang kanyang mga kamay, para akong bata na sabik sa kanyang kalaro. “Salamat sa magandang pagtanggap mo sa akin, Steffany. Nakakatuwang isipin na ngayon lang tayo nagkakilala ngunit naging komportable ka na kaagad sa aking presensya.” Masayang pahayag nito bago pinisi ng bahagya ang aking palad. Mukha siyang mabait kaya kaagad ko itong nagustuhan, nagulat ito ng yakapin ko siyang bigla ngunit kalaunan ay gumanti rin siya ng yakap sa akin. “Kwentuhan mo naman ako, paano kayo nagkakilala ni kuya Hades?” Tanong ko sa masiglang tinig, nakangiti naman siya sa akin ngunit kapansin-pansin na naging malikot ang mga mata nito na wari mo ay nahihirapan siyang sagutin ang tanong ko. “Steffany, go to your room, now.” Biglang sabat ni kuya Hades, sa sobrang excited ko na maka-kwentuhan si ate Ailyn ay nakalimutan ko na ang presensya ni kuya Hades. Paglingon ko sa direksyon nito ay sumalubong sa akin ang galit niyang mukha. Nagtataka ako kung bakit biglang nagbago ang awra nito dahil kanina lang ay masaya pa ito ng bumitaw sa akin, pero ngayon ay madilim na ang expression ng kanyang mukha. “But, kuya, Gusto ko pang makipag kwentuhan kay ate Ailyn.” Reklamo ko sa kanya, nais ba niyang ipagdamot sa akin ang babaeng mapapangasawa? Dahil sa isiping iyon ay parang sumama yata ang loob ko. “Did you hear me, right? In your room, now!” Anya sa mataas na tinig at halos sabay pa kaming napaigtad si ate Ailyn mula sa aming kinauupuan halatang maging ito ay nagulat din sa pagsigaw ni kuya Hades. Imbes na sumunod ay isang matalim na tingin ang naging tugon ko sa kanya. “Look, I’m not a kid anymore, so don’t treat me like a kid’s specially in front of the other people.” Naiinis kong sagot, kasi pakiramdam ko ay napahiya ako sa harap ni ate Ailyn. Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay mabilis itong lumapit sa aming kinauupuan at hinablot ang mga kamay ko mula sa mga kamay ni ate Ailyn. Pwersahan niya akong itinayo kaya bahagya akong nasaktan sa ginawa nito. Parang gusto ko ng umiyak ng mga ora ba ito ngunit sinikap ko pa rin na pigilan ang aking mga luha. Mukhang nahalata yata ito ni ate Ailyn kaya bigla siyang tumayo upang pumagitna sa aming dalawa. “Hades, ano ba, nasasaktan na si Steffany.” Awat ni Ate Ailyn at sinikap na agawin ako mula sa mga kamay ni kuya Hades. “Don’t you dare to touch her.” Mariin, ngunit may halong banta na sabi ni kuya Hades kay ate Ailyn ng akma nitong hahawakan ako sa braso. Natigilan kaming lahat sa tinuran nito dahil sa tono ng kanyang pananalita ay parang ayaw niyang pahawakan sa ibang tao ang pagmamay-ari nito. Nakita ko na hinawakan ni daddy sa balikat si ate Ailyn kaya nakakaunawang ibinaba nito ang mga kamay at hinayaan na kaming makalayo. Pumulupot ang kanang braso ni kuya Hades sa aking baywang hanggang sa wala na akong nagawa ng hilahin ako nito patungong hagdan. Masama ang loob na sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng aking kwarto ngunit nanatili lang akong walang imik. “Stop crying, Princess, I’m sorry.” Ani nito sa malambing na tinig saka ako niyakap ng mahigpit, hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Yumakap ang dalawang braso ko sa kanyang baywang habang nakabaon ang aking mukha sa malapad niyang dibdib. “I hate you, kuya.” Ani ko na bahagya pang pumiyok ang boses ko habang patuloy na umiiyak. “Sshhh... I know, I’m sorry but please huwag mo ng uulitin na yakapin ang ibang tao kung ayaw mong magalit ulit ako.” Malumanay na wika nito. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang tinuran kaya nag-angat ako ng mukha ngunit mabilis na lumapat ang bibig nito sa aking noo. “Maligo ka na, at amoy araw ka na.” Nakangiti niyang saad kaya nalukot ang mukha ko. May pagkakataon talaga na hindi ko maunawaan ang ugali ni Kuya Hades. Minsan ay bigla na lang itong nagagalit ng walang dahilan ngunit kalaunan ay para na itong isang maamong tupa na kung titingnan mo ay parang hindi marunong magalit. Madalas kong masaksihan ang ganyang klaseng ugali ng aking kapatid, kung hindi ko lang siya kilala marahil ay iisipin ko na baliw ang kuya Hades ko. “Kuya, bakit ka ba nagagalit sa akin?” Lakas loob kong tanong sa kanya, nakita ko na lumambot ang expression ng mukha nito habang nakatitig sa aking mga mata. “Listen, Princess, kung ayaw mong magalit ako dapat sa akin lang ang atensyon mo, wala kang ibang kakausapin at yayakapin kundi ako lang, naiintindihan mo ba?” Malambing niyang wika, naiintindihan ko ang lahat ng kanyang mga sinasabi ngunit ang hindi ko lubos na maunawaan ay kung bakit? Napakahirap unawain ng ugali nito ngunit isa lang ang alam ko, ayoko na makita siyang nagagalit kaya kung ano ang kanyang nais ay susundin ko. Wala sa loob na napatango na lang ako kaya sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Kay ganda ng ngiti nito na tanging ako lang ang nakakakita kaya pakiramdam ko ay hinihigop ng kanyang mga titig ang lahat ng aking lakas. Natauhan lang ako ng bigla niya akong halikan sa labi, saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatulala sa kan’yang mukha. Halos magmukhang kamatis na ang buong mukha ko dahil sa matinding kahihiyan. “You are stunning while you're blushing, Sweetie.” Anya na tila tuwang-tuwa, isang mariin na halik ang iginawad niya sa akin bago nito kinalas ang pagkakayakap sa akin. “Maligo ka na at matulog ng maaga, huwag ka ng lalabas ng kwarto mo, hm?” Ani nito ng hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. “O-okay...” bahagya pa akong nautal sa pagsagot kaya lalong lumapad ang kanyang ngiti, isang magaan na halik sa noo ang iginawad niya sa akin bago ito tuluyang lumabas ng aking kwarto. Sa edad na desi nuebe ay tinatrato pa rin niya akong bata, kaya labis na nagpupuyos ang aking kalooban dahil sa edad kong ito dapat ay nagsisimula na akong mag-explore upang may mapatunayan sa aking sa sarili. Pero hanggang ngayon ay nanatili pa rin ako na umaasa sa kanya, at ni hindi man lang ako nito nabigyan ng pagkakataon na lumabas ng bahay para ienjoy ang aking kabataan. Nakakalabas lang kasi ako kapag kasama siya pero never kong maranasan ang lumabas kasama ng mga kaibigan ko, ni wala nga akong matatawag na kaibigan dahil tanging siya lang ang laging nakakasalumuha ko. Malungkot na tinungo ang banyo upang maligo, ang dibdib ko ay kasing bigat ng mga paa ko. Lagi namang ganito ang takbo ng buhay ko walang kalayaan. Tanging sa mga utos at desisyon lang ni Hades nakabase ang buhay ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD