Hades Point of View
“Princess, open this door!” Malakas kong sigaw habang malakas na kumakatok sa pintuan ng kwarto nito.
“Go away! Kuya! I hate you!” Ganting sigaw nito sa akin kaya mas lalo akong naging pursigido na makapasok sa kwarto nito.
Nangako kasi ako sa kanya na ipapasyal ko siya ngayong araw ngunit nalate ako ng uwi dahil nagkaroon ng aberya sa opisina hanggang sa nakalimutan ko na ang pangako ko sa kanya.
“Princess, please, huwag ka ng magalit, I’m sorry, okay?” Malumanay kong saad, saka bumaling sa katulong na nakatayo sa gilid ko.
“Where’s the key?” Anya dito na mabilis namang inabot nito sa akin ang susi.
Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang nakatalukbong na si Steffany.
Napangiti ako dahil hindi pa rin ito nagbabago, sa tuwing nagagalit siya sa akin ay ito ang madalas niyang gawin.
Kinalas ko ang aking kurbata at hinagis na lang ito sa ibabaw ng kama, hindi pa ako nakapag bihis ng damit pambahay at dito kaagad ako dumeritso. Tulad ng inaasahan ko ay galit nga ito sa akin dahil matagal siyang naghihintay sa pag-uwi ko, pagkatapos ay hindi naman pala ako tutupad sa aking pangako.
Umupo ako sa gilid ng kama nito bago hinila ang kumot, kaya tumambad sa aking paningin ang likod nito. Nakasuot siya ng isang light brown na blusa na hapit sa kanyang katawan kaya lalong tumingkad ang kaputian ng balat nito.
Sa totoo lang ay iba na ang nararamdaman ko para kay Steffany hindi bilang kapatid kundi bilang isang lalaki.
Noon ay hindi ko pa lubos na maunawaan kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa kanya hanggang isang araw ay nagising ako na sa kanya na umiikot ang mundo ko.
Pagdating sa kanya ay nakokontrol ko ang aking sarili, at kaya kong maghintay sa kanya gaano man ito katagal. Ganun ko kamahal si Steffany.
Humiga ako sa tabi nito at naipikit ko ng mariin ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mainit niyang katawan.
Pumulupot ang kaliwa kong braso sa ilalim ng dibdib nito saka mahigpit na niyakap ito bago ibinaon ang aking mukha sa pagitan ng kanyang leeg at sinamyo ang mabangong amoy ng dalaga.
Para akong siraulo na pinipigilan na huwag sumabog ang matinding apoy mula sa aking katawan kaya tatlong beses akong huminga ng malalim at sinikap na kalmahin ang aking sarili.
“Sweetheart, sorry na, huwag ka ng magalit sa akin, nagkaroon kasi ng problema sa kumpanya kaya hindi ako agad nakauwi.” Malambing kong saad, ngunit nanatili pa ring tahimik ito at ni hindi man lang gumagalaw.
“Fine, ipapasyal kita ngayon para hindi ka na magalit.” Napipilitan kong saad, dahil sa narinig nito ay bigla siyang humarap sa akin, para akong nawala sa aking sarili at halos hindi na kumukurap ang aking mga mata mula sa matagal na pagkakatitig sa maganda niyang mukha.
“Totoo ba ‘yang sinasabi mo? Ani nito na parang bata bago ako tinapunan nito ng isang nagdududang tingin.
Imbes na sumagot ay isang matamis na halik ang iginawad ko sa kanya, natigilan ito at ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan. Lalo na ng hapitin ko ito sa baywang at idiniin sa aking sarili.
Lihim akong napangiti ng makita ko na pumikit ang kanyang mga mata na wari mo ay inaantok, at ilang segundo lang ay kusang gumalaw ang mga labi nito kaya tuluyang napatid ang aking pagtitimpi.
Naging mapusok ang halik na aming pinagsaluhan, hanggang sa pumatong na ako sa ibabaw ng kanyang katawan at mariin na idiniin ang sarili sa malambot niyang katawan.
“K-kuya?” Tawag niya sa akin ng lubayan ko ang mapupula niyang mga labi. Isa pa ito sa ikinaiinis ko, ang pagtawag niya sa akin ng kuya. Makailang beses ko itong tinuruan na tawagin ako sa aking pangalan ngunit sa tuwina ay kuya pa rin ang tawag niya sa akin.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan na siyang tumama sa mukha nito kaya kita ko ang pagpikit ng kanyang mga mata.
“Sweetie, ayusin mo na ang sarili mo at lalabas tayo ngayon.” Malambing kong utos sa kanya, dahan-dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata at wala sa sarili na tumango ito sa akin.
Mabilis na akong umalis sa ibabaw nito at nagmamadaling lumabas ng kanyang kwarto.
Kapag nagtagal pa kasi ako sa tabi nito baka tuluyan ko ng hindi makontrol ang aking sarili.
Umabot na ako sa edad bente nuebe ni minsan ay hindi ko hinayaan na masayaran ng iba ang mga labi ko, tanging si Steffany lang ang hinalikan ko buong buhay ko. Tanging siya lang ang pinangarap ko sa lahat, noong una’y binalewala ko ang aking nararamdaman para sa kanya dahil akala ko ay naghahanap lang ako ng karamay ngunit ng tumuntong ako sa hustong gulang, saka ko lang natuklasan na malala na pala ang pagkahumaling ko kay Steffany.
Dumating pa sa punto na ayaw kong pahawakan ito sa iba ni ipakiusap dahil ang gusto ko ay ako lang ang tao sa buhay nito, sa akin lang dapat ang kanyang atensyon.
“I’m ready!” Excited na wika nito nang nasa pintuan na siya ng kanyang kwarto, hindi na ito tulad kanina na nakasimangot. Lalo siyang gumanda sa aking paningin dahil sa kanyang mga ngiti.
Parang bata na lumapit siya sa akin at tulad ng aming nakagawian ay yumakap sa aking baywang ang kaliwang braso nito habang ang aking kanang braso ay nakayakap sa kanyang balikat.
“Hades, bagay ba ito sa akin?” Malambing na tanong ni Steffany, napangiti ako dahil sa tuwing may gusto ito ay saka lang ako nito tinatawag ng Hades ng walang kuya.
“Yup, bagay sa Princess ko,” tila kinikilig na binigay niya sa sales lady ang duster na pink pati ang mga bagong sapatos na may mataas na takong.
Halos hindi maalis ang ngiti ko sa labi habang nakamasid kay Steffany na abala sa pagpili pa ng mga ilang gamit.
Kasalukuyang nandito kami ngayon sa isang Shopping Mall upang mamili ng mga kailangan ni Steffany. Naagaw ang atensyon ko ng nag-iingay kong cellphone at halos hindi tumitigil ang pagtawag ng makulit na caller.
Naiinis na dinukot ang cellphone mula sa aking bulsa at galit na sinagot ang tawag.”
“What now, Ailyn? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong tatawagan!” Galit na sita niya sa dalaga.
Habang nakikipag-usap si Hades sa cellphone ay hindi na niya napansin ang dalawang lalaki na sinadyang lumapit sa pwesto ni Steffany. Labis silang namamangha sa magandang dalaga kaya naglakas loob sila na lapitan ito dahil sa pag-aakalang wala siyang kasama.
Sa pag-atras ng dalaga ay bumangga siya sa malapad na dibdib ng isang lalaki kaya nagulat si Steffany at nagmamadaling humarap sa nabanggang lalaki upang humingi ng paumanhin.
“N-naku, pasensya na po hindi ko sinasadya, natataranta na wika ng dalaga habang panay ang yuko nito.
“It’s okay, Miss, hindi naman masakit.” Nakangiting saad ng lalaki habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga.
“By the way, I’m Tristan,” anya bago inilahad ang kanang kamay nito, para makabawi ay tinanggap niya ang palad ng binata.
“Steffany po, kuya.” Magalang na sagot ni Steffany.
Pagkatapos patayin ni Hades ang tawag ay kaagad na hinanap ng mga mata nito ang dalaga. Mariing naikuyom niya ang mga kamay at nagdilim ang kanyang paningin ng makitang hawak ng lalaki ang kamay ng dalaga. “s**t!” Ang tanging naibulalas nito, mabigat ang mga hakbang na lumapit sa kinaroroonan ni Steffany at ng lalaking kausap nito.
Sa isang iglap ay nagulantang ang lahat ng biglang sumulpot sa pagitan ng dalawa si Hades at walang awa niyang sinuntok sa mukha ang lalaki na siyang ikinabagsak nito sa sahig.
“How dare you to touch her, Fuckers! Hpm! Hpm!” Ito ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ni Hades habang patuloy na sinusuntok sa mukha ang lalaking nakahandusay sa sahig.
Hindi makagalaw si Steffany mula sa kanyang kinatatayuan dahil sa labis na pagkabigla.
“Hades! Tama na, awatin ninyo sila! pakiusap!” Natatarantang wika ng dalaga habang umiiyak ngunit ang mga bodyguard ng binata ay hindi man lang gumagalaw sa kanilang kinatatayuan na wari mo ay sanay na sa ugali ng kanilang boss.
Sinubukang tulungan ng isang lalaki ang kasamahan nito ngunit maging siya ay hindi nakaligtas sa galit ni Hades, tila wala na sa sarili ang binata at patuloy paring pinagsusuntok ang dalawang lalaki na halos hindi na makilala ang mga mukha.
Umiiyak na lumapit si Steffany at mahigpit na niyakap sa likod ang nagwawalang binata wala na siyang pakialam kahit saktan pa siya nito.
“Hades, H-huwag ka ng magalit, s-sorry na please.” Pakiusap ng dalaga habang mahigpit na nakayakap ito ay masuyong hinahaplos ng mainit niyang palad ang bandang dibdib nito.
Hinihingal na tumigil ang binata ngunit dama pa rin ni Steffany ang matinding tensyon sa katawan nito. Kusang kumilos ang mga kamay ni Steffany at ikinulong sa kanyang mga palad ang mukha ni Hades. Ginawaran niya ito ng isang malalim na halik. Biglang natigilan ang binata na wari mo ay nagising mula sa isang bangungot at tinugon nito ang halik ni Steffany.
Huminto si Steffany at tumitig sa mukha ng kan’yang stepbrother hindi alintana ang mga tao sa kanilang paligid.
“Please, tama na huwag ka ng magalit, hm?” Malambing na saad ng dalaga. Sa isang iglap ay biglang natauhan ang binata at mahigpit na niyakap si Steffany bago humingi ng tawad. “ I’m so sorry Princess.” Malumanay na wika nito.
“Umuwi na tayo.” Malambing na wika niya kay Hades, parang walang nangyari na sumunod ito sa dalaga habang ang assistant ng binata ay tinatawagan ang abogado nito upang siyang umayos ng iniwang kalat ng binata.