Chapter 4

2077 Words
Steffany’s Point of view “Steffany Silvia!” Kasabay ng isang musika na pumailanlang sa buong paligid ay ang pagtawag sa aking pangalan. Nakangiti akong tumayo at mabilis na lumingon sa direksyon ni kuya Hades. Ang kaninang seryoso nitong mukha ay biglang nagliwanag ng magpanagpo ang aming mga mata. Alam ko na mainiping tao ang aking kapatid, dahil lang sa akin kaya natitiis nitong maghintay. Mabilis akong tumayo at masayang lumapit sa kanya, kaagad naman siyang tumayo saka kinuha ang kanang kamay ko. Magkahawak kamay na umakyat kami sa entablado upang tanggapin ang mga karangalan na aking nakamit. Kasalukuyang ginaganap ang aming graduation day at masaya ako na magtatapos ako sa kursong Bachelor of fine arts bilang Summa c*m laude. Habang naglalakad kaming magkapatid ay inaanunsyo naman ang mga karangalan na tatanggapin ko. “I’m so proud of you Princess.” Ani ni kuya Hades sa tapat ng aking tainga na siyang ikinalapad ng ngiti ko ngunit nagulat naman ako ng bigla niya akong hapitîn sa baywang. Bata pa lang ako ay open na ako sa kanya at madalas niyang ginagawa ito sa akin ngunit nakapagtataka na imbes na masanay ako ay bakit kakaiba ang dating nito sa akin na para bang hindi ako kumportable at may estrangherong damdamin ang umuusbong mula sa kaibuturan ng puso ko. Napakahirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ng mga oras na ito at parang gusto ko ng dumistansya sa kan’ya. Kung noon ay okay lang na halikan niya ako sa labi o di kaya ay yakapin tulad ng ginagawa niya ngayon, pakiramdam ko ay parang may mali. Hindi na kasi inosente ang isip ko sa lahat ng bagay at alam ko ang limitasyon ng isang magkapatid. Natauhan lang ako ng isabit ni kuya Hades sa leeg ko ang maraming medalya na aking natanggap. Kasunod noon ay ang paglapat ng mga labi niya sa bibig ko kaya napansin ko na natigilan ang lahat ng tao sa paligid at nagsimula na ang mga bulong-bulungan. Ngunit parang balewala lang ito kay kuya Hades, nakangiti pa nga ito na hinapit ang baywang ko. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang makahulugang tingin ng mga guro sa ‘min ni kuya Hades kaya nakadama ako ng labis na pagkailang. Alam sa buong kampus na magkapatid kami ni Hades kaya marahil ay hindi nila nagustuhan ang ikinikilos ni kuya Hades sa harap ng maraming tao. “Hades, pwede bang maiwan muna ako dito, may selebrasyon kasing magaganap para sa lahat ng mga studyante.” Paalam ko sa kanya kahit alam ko naman na hindi ako nito papayagan ay nagbabakasakali pa rin ako. “No, Princess, we need to go home dahil may surpresa akong inihanda para sayo.” Nakangiti niyang sagot, nakadama ako ng lungkot ngunit hindi ko ito ipinakita sa kanya bagkus ay isang matamis na ngiti ang binigay ko rito bago inabot ang kanang braso nito. Mahal ko si kuya Hades dahil buong buhay niya ay ginugol niya sa akin, sa edad na twenty nine hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nag-aasawa ng dahil sa akin. Hangga't maaari ay ayoko na madissapoint siya sa akin kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod ko kahit sa totoo lang ay hindi na ako masaya. “Ang galing naman ng Prinsesa ko, so ngayong graduated ka na, anong plano mo?” Nakangiti niyang tanong sa akin habang nakaakbay ang kaliwang braso nito sa aking balikat. Nakasandig ang ulo ko sa malapad niyang dibdib kaya dinig ko ang bawat pintig ng puso nito. Marahil ang sinumang makakita sa amin sa ganitong ayos ay iisipin na boyfriend ko si Kuya Hades dahil ang sweet naming tingnan. “Nais ko sanang mag-aral ng Business Management, para naman matulungan kita sa pagpapatakbo ng mga negosyo. Naisip ko kasi ng dahil sa akin ay nawawalan ka na ng panahon sa iyong sarili kaya hanggang ngayon binata ka pa rin.” Turan ko sa seryosong tinig bago ako nagtaas ng tingin at tumitig sa kanyang mga mata. Malapad itong ngumiti habang diretsong nakatitig sa aking mga mata. “You don’t need to think of me Sweetie, just do what you want and I will support you at kapag natapos mo na ang pag-aaral mo saka pa lang ako magpapakasal.” Nakangiti niyang sagot sa akin, nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa sinabi nito. “Wow, really kuya? So it means you have a girlfriend? Ang daya mo kuya, bakit wala kang ipinapakilala sa akin?” May hinampo na tanong ko sa kanya, nakasimangot na ibinaling ko ang aking tingin sa unahan ng sasakyan. Narinig ko na tumawa ito ng malakas bago kinabig ang aking ulo at dinala sa kanyang dibdib saka mahigpit na niyakap ako nito. “Makikilala mo rin siya kapag natapos mo ang isang course na kukunin mo.” Masaya niyang sagot sa akin, kinalas ko ang mga braso nitong nakayakap sa akin bago humarap sa kanya. “Promise?” Anya dito, hindi siya sumagot at labis kong ikinagulat ang naging tugon nito. Dahil sa unang pagkakataon ay ginawaran niya ako ng isang kakaibang halik na ngayon lang niya ginawa. Lumapat ang mga labi nito sa bibig ko ngunit hindi na ito tulad ng madalas naming gawin, hindi ito basta dampi lamang kundi isang malalim at mapusok na halik na labis kong ikinabigla. Imbes na itulak ito ay nakapagtataka na kusang pumikit ang aking mga mata dahil nadadala na ako sa kakaibang sarap na dulot ng mga halik nito. Kusang gumalaw ang aking mga labi at marahang sinusundan ang bawat galaw ng labi nito. “Hmmmm...” isang mabining ungol ang narinig ko at hindi ako makapaniwala na sa akin ito mismo nanggaling. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng napagtanto ko ang mga nangyayari sa pagitan namin ng aking kapatid. Natataranta na bigla akong lumayo kay kuya Hades at narinig ko pa ang ungol nito na tila tutol siya sa aking ginawa. “K-kuya, pasensya na pero, mali ito.” Nagugulumihanan kong saad, nakita ko na nagdilim ang mukha nito at bigla ang pagdaan ng matinding takot sa puso ko. Ngunit kalaunan ay naglaho rin iyon at lumambot ang expression ng kanyang mukha. “Sorry, hindi ko sinasadya,” hinging paumanhin niya sa akin, ngunit halos mabingi naman ako dahil sa lakas ng kabog nang dibdib ko. Kinabig ako nito at dinala sa kanyang dibdib saka mahigpit na niyakap kaya dinig ko ang malakas na t***k ng puso nito na tulad ng sa akin na sinundan ng isang malalim na buntong hininga. “It doesn’t matter, Sweetie, huwag mong masyadong pansinin ang mga nangyari, remember for almost decades ay tayong dalawa na ang magkasama at magkatuwang sa lahat ng oras. Ikaw at ako lang ang lubos na nakakaunawa ng mga nararamdaman nating dalawa.” Makahulugan niyang pahayag habang hinahaplos ang aking likod. Tama siya, Sa ilang taon na nagdaan ay tanging siya lang ang naging katuwang ko, sa tuwing nadadapa ako ay laging siya ang sumasalo sa akin. Si Hades na naging ama’t ina para sa akin at the same time ay mapagmahal na kapatid. Kaya bakit ko pag-iisipan ng masama ang kapatid ko gayong wala siyang ibang ipinakita sa akin kundi pawang kabutihan. Nakadama ako ng konsensya kaya mahigpit na niyakap ko ang malaking katawan nito. “I’m so sorry, kuya.” Malambing kong saad, naramdaman ko na hinaplos niya ang mahaba kong buhok na sinundan ng isang mabining halik sa ulo. Hindi na ito nagsalita pa at nanatili na lamang kaming magkayakap hanggang sa makarating kami sa bahay. “Congratulations, Princess.” Bati sa akin ni Daddy habang inaabot niya sa akin ang isang maliit na regalo. “Wow! Thank you so much, Dad!” Masigla kong wika bago humalik sa pisngi nito, mabilis na binuksan ang regalo at tumambad sa aking paningin ang isang mamahaling kwintas. Kaagad ko itong inilabas mula sa kahon, kinuha naman ito ni daddy at isinuot sa aking leeg. “Ang ganda, Dad! Thank you!” Pasasalamat ko sa kanya bago ito niyakap. “Your welcome, Iha, ipinagmayabang sa akin ni Hades na halos hakutin mo raw ang lahat ng medalya, hahaha! Hindi halatang sobrang proud ang kapatid mo sayo.” Nakangiti niyang saad kaya natawa na rin ako, bumaling ako sa direksyon ni Hades na kasalukuyang nakaupo sa harap ng counter ng bar. Kumindat muna ito bago itinaas ang maliit na baso na mayroong lamang alak, habang matamis na nakangiti sa akin, ang mga ngiti nito na tanging ako lang ang nakakakita. Kasalukuyan na nandito kami ngayon sa entertainment room at nag cecelebrate, tulad ng dati ay tanging kaming tatlo lang ang narito. Bigla akong napalingon sa may pintuan ng pumasok ang isang magandang babae. Kay hinhin ng bawat kilos nito at mula sa mamahaling kasuotan ay hindi maikakaila na galing ito sa isang buena familia. “I’m so sorry, na late ako ng dating.” Hinging paumanhin nito bago matamis na ngumiti. Namamangha akong tumitig sa maganda niyang mukha, nagtatanong ang aking mga mata na bumaling kay Daddy. Tila naunawaan naman nito kung ano ang tumatakbo sa isip ko. “Princess, I want you to meet Ailyn Gonzalez, She’s Hade’s fiance.” Nakangiting pakilala ni Daddy sa babae. Literal na umawang ang aking bibig dahil sa labis na pagkabigla, isa ba ito sa surpresa sa akin ni Hades? “Oh my, seriously? Finally my Ate na ako!” Naibulalas ko saka mabilis na lumingon sa direksyon ni Hades, wala man lang akong makitang expression sa mukha nito at tila walang pakialam sa mga nangyayari na patuloy lang ito sa pag-inom ng alak. Nagmamadali na lumapit ako sa kanya at niyakap ko ito. “Congratulations, kuya!” Masaya kong bati, nanatili lang siyang tahimik ngunit mahigpit naman akong niyakap nito bago mabilis na dinampian ng halik ang labi ko kaya nalasahan ko pa ang mapait na likido mula sa kanyang bibig. “Princess, I want to hear your voice. Can you sing a song for me?” Ani nito na tila naglalambing ni hindi man lang pinapansin ang fiancee nito na si Ailyn. “Sure!” Masigla kong sagot bago lumapit sa center table na nasa tapat ng malaking flat screen na tv. Dinampot ko ang remote at hinanap ang paboritong kanta ni Hades na madalas niyang ipakanta sa akin noong bata pa ako hanggang ngayon. Ilang sandali lang ay pumailanlang sa loob ng apat na sulok ng kwarto ang isang magandang musika na kay sarap pakinggan. Nakangiti na sumenyas ako kay Ate Ailyn at pinapaupo ko ito sa aking tabi. Lumapit ito sa akin ng hindi tinatanggal ang mga mata nitong nakatitig sa aking mukha na wari mo ay namamangha. Inalis ko muna ang bara sa aking lalamunan bago sinimulang awitin ang kantang “Sa aking puso” by Saturno ... Uulit-ulitin ko sa 'yo Ang nadarama ng aking puso Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo Kahit kailanma'y hindi magbabago ... Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa... Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ni Hades na kinakanta ko ang awiting ito para sa kanya, at sa tuwing kinakanta ko ito ay muli kong nakikita sa kanyang mga mata ang isang damdamin na tila kay hirap pangalanan. Nang matapos ang kanta ay tulad ng madalas kong gawin at humarap ako sa nakangiting si Hades at ng makita ko na bumuka ang dalawang braso nito ay kaagad akong lumapit sa kanya. Mahigpit akong niyakap nito saka mahinang bumulong sa tapat ng aking tainga, “I love you, Princess.” Malambing niyang wika na pakiramdam ko ay tagos sa puso ang bawat pagbigkas nito. “I love you too, Hades.” Malumanay kong sagot na tanging kaming dalawa lang ang nakakarinig. Bata pa lang ako ay sinanay na niya ako na gawin ito sa tuwing aawitin ko sa kanya ang kantang iyon. Labis akong naguguluhan sa kanyang inaakto ngunit nakikita ko sa mukha niya kung gaano ito kahalaga sa kanya kaya bukal sa loob na sinusunod ko ito.” Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa na kanina pa sila pinagmamasdan ni Ailyn at ng daddy nilang si Luis. Si Ailyn na hindi makapaniwala sa lahat ng nasaksihan mula sa magkapatid na para sa kanya ay parang may mali sa mga nangyayari. Si Luis na sa simula’t sapul ay alam niya ang mga nangyayari ngunit mas pinili na lang na manahimik para sa kaligayahan ng nag-iisa niyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD