“Uughhh...” “ Ahk!” Umuungol sa sakit ang isang lalaki dahil sa bugbog na natamo nito, ngunit hindi pa ito nakakapag adjust sa bugbog na dinanas ay isa pang sipa ang natanggap nito mula sa binata.
“Ganyan ang sasapitin ninyo sa oras na pumalpak kayo sa mga pinapagawa ko!” Galit na sigaw ng binata, nanlilisik ang mga mata nito sa matinding galit, wari mo ay isang leon na anumang oras ay manlalapa ito ng tao. Nanginginig sa takot ang lahat ng kanyang mga tauhan habang nakahilera ang mga ito sa harap ng binata na pawang mga nakayuko. Walang magawa ang mga ito kung hindi ang tahimik na panoorin kung paanong patayin sa bugbog ni Hades ang kawawang lalaki.
Ang ungol ng naghihirap na lalaki at ang galît na tinig ni Hades ang maririnig sa kalagitnaan ng gabi. Maraming beses na nilang nasaksihan ang kalupitan ng binata kaya labis nilang kinatatakutan ang galit nito dahil ni isa sa kanila ay walang lakas ng loob na pakalmahin ito.
Nahigit ng lahat ang kanilang mga hininga ng bunutin ni Hades ang baril mula sa baywang ng kanyang tauhan na nakatayo sa gilid nito.
Nakangising demonyo pa ito nang itutok ang baril sa lalaki na nakahandusay sa lupa, makikita ang determinasyon sa mukha nito na patayin ang kawawang lalaki.
“Hades!” Isang matinis na boses ng batang babae ang bumulabog sa kanilang lahat, kaya naudlot ang sanay pagkalabit ng binata sa gatilyo ng baril at halos sabay-sabay silang napalingon sa may pintuan ng Mansion.
“Princess?” Wari moy nagulat ang binata ng makita si Steffany na nakatayo sa may bungad ng pintuan bitbit ang stuff toy’s nito na kasing laki ng unan. Nakasuot ito ng isang bulaklaking pajama habang sa likod nito ay nakatayo ang kanyang Yaya.
Isang matalim na tingin ang ipinukol ng binata sa Yaya ng dalagita kaya mabilis itong nagyuko ng kanyang ulo, matinding takot ang naramdaman nito dahil sa masamang tingin na natanggap mula sa kanyang amo.
Saka pa lang pinakawalan ng lahat ang pinipigilang hininga ng makita ang dalagita. Naglaho rin ang takot sa kanilang mga mukha, dahil para sa kanila si Steffany ay isang anghel na laging nagliligtas sa kanila mula kay kamatayan.
“Bakit gising ka pa?” Tanong ng binata habang pasimpleng itinago ang baril sa kan’yang likuran saka sumenyas sa mga tauhan. Naunawaan naman ng mga ito ang nais ng kanilang amo kaya mabilis na humilera ang mga ito sa likod ng binata na sinikap na matakpan ang lalaking nakahandusay sa likuran ng binata upang hindi ito makita ni Steffany. Mabilis na kinuha ng tauhan ang baril mula sa kamay ng binata na nakatago sa likod nito, saka pa lang siya lumapit kay Steffany.
“Kanina pa ako naghihintay, hindi kasi ako makatulog, bakit ba ang tagal mong dumating?” Naiinis na pahayag ni Steffany na may halong hinampo. Napangiti si Hades habang nakatitig sa magandang mukha ng dalagita, kung titingnan mo ang expression ng kanyang mukha ay parang walang nangyaring pambubogbog nito kanina sa kanyang tauhan. Nagmukha itong isang maamong tupa na wari mo ay hindi marunong magalit sa harap ng dalagita.
Yumuko ang binata kinuha niya ang stuff toys’s nito saka binuhat si Steffany, yumakap naman ang dalawang braso ng dalagita sa leeg ng binata habang nakapulupot ang dalawang hita nito sa baywang ni Hades.
“Hm, ang bigat na ng baby ko,” malambing na saad ni Hades bago pinatakan ng isang mabining halik sa pisngi si Steffany. Isinandig naman ng dalagita ang ulo sa balikat ng binata saka ipinikit ang kanyang mga mata.
Nang tuluyang makapasok sa loob ng kwarto ang dalawa ay saka pa lamang lumabas mula sa dilim ang ama ni Hades, si Lius. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito habang nakatitig sa naka saradong pintuan ng kwarto nang binata.
Luis point of view
“Sa totoo lang, kailanman ay hindi ko inaasahan na lalaking ganito ang aking anak na si Hades.
Noon pa man ay napapansin ko na ang kakaibang ugali ng aking anak ngunit inakala ko na normal lang sa isang bata ang ganung ugali hanggang sa natuklasan ko na ang aking anak ay dumadaan sa isang karamdaman na kay hirap gamutin at tanging ang sarili lang niya ang makakatulong sa kanya.
Flashback....
“Hades bakit mo ginawa ‘yun?” Tanong ko sa kanya sa mataas na tinig habang sinusuri ko ang reaksyon ng mukha nito. Wala man lang akong makita na kahit katiting na pagsisisi sa mukha nito bagkus ay mukha itong isang inosenteng bata na hindi mo lubos maiisip na magagawa niya ang kalunos-lunos na krimen.
“He deserves that, dad, he calls me a crazy and abandoned child, he told me, my mother left me because I’m crazy.” Seryoso niyang sagot sa akin habang nanatiling kalmado na nakapamulsa ang mga kamay nito.
“Look son, hindi tama ang ginawa mo, kamuntikan mo ng mapatay ang classmate mo.” Malumanay kong paliwanag, sinisikap na ipaunawa sa kanya na mali ang ginawa nito.
“What do you want me to do? Ang hayaan siya na asarin ako? No way! I will never allow the others to mess up with me! Did you hear me? He deserves to die at papatayin ko siya ng paulit-ulit kung kinakailangan!” Ani nito na sa huling tinuran ay malakas itong sumigaw, nagdulot ng matinding kilabot sa aking kalamnan ang mga sinasabi nito.
Wari mo ay hindi nine years old ang aking kaharap para itong isang matandang tao na sinaniban ng masamang espirito.
Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako ngunit habang naglalakad ito paakyat ng hagdan ay patuloy pa rin siya sa pagsasalita ng kung ano-ano na para bang may kausap. Hindi ko na mapigil ang aking sarili at tuluyan na akong napaiyak dahil sa sinapit ng aking anak.
Kaagad akong nagpatawag ng doctor upang masuri ang kalagayan ni Hades at doon ko nalaman na ang aking anak ay dumaranas ng isang mental disorder. At ayon sa doctor ang naging dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip ni Hades ay ang madalas naming pag-aaway ng ina nito na humantong sa hiwalayan. Hindi matanggap ng aking anak na iniwan kami ng kanyang ina.
Kaagad kong ipinasok sa isang psychotherapist ang aking anak, at kahit papaano ay naagapan naman ito ngunit kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito.”
...End of flashback...
Nanumbalik ang ngiti sa labi ni Hades ng dumating sa buhay namin ang mag-inang Marie. Akala ko magiging maayos na ang lahat ngunit hindi rin nagtagal ang pagsasama namin ni Marie at maging ito ay nagdesisyon na iwan ako.
Huli na ng matuklasan ko na bumalik pala ang sakit ni Hades at ngayong malaki na ito ay nahihirapan na akong agapan siya. Ang tanging may kakayahan lang na pakalmahin ang aking anak ay si Steffany.
Sa kanya lang nakikinig ang binata, katulad ngayon kung hindi ko pa inutusan ang yaya nito na dalhin si Steffany dito sa labas marahil ay napatay na niya ang isa sa kanyang tauhan.
“Dalhin ninyo sa hospital ‘yan at ibigay ang lahat ng kanyang mga pangangailangan pati ng kanyang pamilya.” Utos ko sa aking tauhan na kaagad namang tumalima, pinagtulungan nilang buhatin ang lalaking walang malay at sinakay sa sasakyan.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at diretso na umakyat ng hagdan, nahinto ako sa paghakbang ng mapatapat ako sa kwarto ni Hades dahil naririnig ko na naman ang magandang tinig ng aking anak.
Mula noon hanggang ngayon ay kinakantahan pa rin ni Hades si Steffany bago matulog, at ang ipinagtataka ko ay isang kanta lang ang madalas nitong awitin.”
... Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo
Kahit kailanma'y hindi magbabago
... Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa
... 'Di ko nais na mawalay ka
Kahit sandali sa aking piling
Kahit buksan pa ang dibdib ko
Matatagpua'y larawan mo...
“Sumilip ako sa nakaawang na pintuan at napangiti ako ng makita ko ang ayos ng dalawa. Tulad ng nakasanayan nilang dalawa ay nakahambay ang hita ni Steffany sa baywang ng aking anak habang mahinang tinatapik ng kamay ni Hades ang pang-upo ng dalagita na wari mo’y naghehele ng isang sanggol. Alam ko na hindi lang isang kapatid ang pagtingin na ipinupukol ng aking anak kay Steffany at hindi rin naman ako tututol kung sakaling silang dalawa ang magkatuluyan.”