Three years ago...
“HEY, Zoey. Drink this.”
Napatingin si Zoey sa baso ng alak na inilapag ni Samantha sa harap ng mesa niya.
Nasa Serenade Bar silang dalawa sa sandaling iyon. Niyaya kasi siya nito na mag bar hopping na pinaunlakan naman agad niya. Matagal-tagal na din kasi no’ng huli silang mag-night out na magkasama. Huli na no’ng nagbakasyon siya sa Pilipinas at two years ago pa iyon.
Nagta-trabaho kasi si Zoey sa kilalang Hotel sa Singapore. Isa siyang chef ro’n. At bihira lang siya umuwi ng Pilipinas para magbakasyon. Kapag naisipan lang niyang magbakasyon ay saka lang siya magbabakasyon. Nakatutok kasi ang atensiyon niya sa trabaho. She's workaholic person.
Sa totoo lang ay walang balak na mag-trabaho si Zoey sa ibang bansa. Wala din nga sa isip niya na umalis ng Pilipinas noo . Pero nagbago ang lahat ng iyon no’ng muling mag-asawa ang Papa niya.
Nasa senior high si Zoey nang mamatay ang ina niya dahil sa malubhang sakit. At makalipas ang tatlong taon simula noong mawala ang Mama niya ay nag-asawang muli ang Papa niya. At ito ay si Tita Mina. Hiwalay ito sa asawa at may isa ding anak. Si Monica at ka-edad lang niya ito. Matanda kang siya dito ng dalawang buwan. Mabait naman si Tita Mina sa kanya pero hindi niya kasundo ang anak nito na si Monica. Maldita kasi ito at may attitude.
At simula no’ng tumira ito sa bahay nila ay para ito kung sino. Feeling nito ay ito ang bagong may-ari ng bahay nila. Lagi niya itong nakikita na binubulyawan at pinapagalitan ang kasama nila sa bahay. Simpleng bagay ay nagagalit na ito.
One time nga, nilapitan ni Zoey ito para sana pagsabihan na tigilan na nito ang pagbulyaw sa mga kasambahay nila dahil wala namang ginagawa ang mga ito na masama. Na tigilan na din nitonang pagmumura at panglalait sa mga kasambahay nila. Pero hindi siya nito pinakinggan. Tinataasan nga lang siya nito ng kilay.
At sa ginawa niya na pagkausap dito ay siya pa ang lumabas na masama sa Papa niya. Isinumbong pa siya nito sa Papa niya na inaaway daw niya ito kahit na hindi naman, na nagmamaldita daw siya. Napagalitan at napagsabihan pa siya ng Papa niya dahil do’n. At kahit na anong depensa niya sa sarili ay siya pa ang nagmukhang masama sa paningin ng Papa niya. Mas naniwala at mas kinampihan pa nito si Monica kaysa sariling nitong anak at kadugo. Monica was a good liar.
At simula noong dumating ang mga ito sa buhay ng Papa niya ay pakiramdam din ni Zoey na lumayo ang loob ng Papa niya sa kanya. Mas pinapaboran pa nito si Monica kaysa kanya. Mas naging tunay pa na anak si Monica kaysa kanya. Para nga siyang outsider sa bahay. Lagi pa nga nitong pinupuri si Monica kapag magkaharap silang apat.
Nasasaktan naman si Zoey, pero hindi niya iyon pinapahalata sa Papa niya. Kasi kapag pinahalata niya iyon ay pagtatawanan lang siya ni Monica.
At dahil din do’n ay napagpasyahan na lang ni Zoey na tumira sa kapatid ng Mama niya na naninirahan sa Singapore. No’ng sabihin nga niya ang desisyon sa ama ay hindi man lang siya nito pinigilan. Hindi ito komontra gaya ng inaakala niya. Akala kasi niya ay hindi siya nito papayagan. Pero mukhang okay lang rito na mahiwalay siya rito. Well ano pang aasahan niya dito, mukhang may pumalit na sa kanya sa puso nito. Grabe din siyang nasaktan dahil do'n. Naalala nga niya halos magdamag siyang umiyak do'n. Mas lalo kasi niyang napatunayan na wala ng pagmamahal ang Papa niya sa kanya. She was hurt big time.
Kaya itinuloy na lang ni Zoey ang naging desisyon, at nang makahanap siya ng trabaho ro’n ay bumukod na rin siya. Namuhay siyang mag-isa at paminsan-minsan ay dinadalaw din siya ng Tita at mga pinsan niya sa maliit na apartment na inuupahan niya sa Singapore. Mabuti pa nga ang pamilya ng Tita niya ay tinanggap siya mga ito ng buo at hindi niya naramdaman na outsider siya noong tumira siya sa mga ito.
Nagpakawala si Zoey ng malalim na buntong-hininga. Ipinilig din niya ang ulo. She’s here to have fun, hindi para mag-isip ng ikalalungkot niya. Dinampot niya ang wine glass na bigay ni Samantha. Pagkatapos ay inisang lagok niya iyon.
“Oh! Jackson!” Nagpatingin siya kay Samantha nang marinig niyang sumigaw ito. Nakita pa niyang may kinawayan ito mula sa kung saan. Mayamaya ay may lumapit sa kanila. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang isang gwapo at matangkad na lalaki na nakatayo sa harap nila.
“Oh, Sam!” Wika ng lalaki na tinawag ni Sam na Jackson. Tumayo naman ang kaibigan niya para makipagbeso rito. “Kamusta?” Tanong ng lalaki sa kaibigan.
Ngumiti naman si Samantha dito. "Okay lang naman. Mag-isa ka lang?” Tanong naman ni Samantha rito.
“Nope. I’m with my cousin,” sagot nito sa kaibigan niya.
Tumango-tango naman si Samantha. “Oh, by the way. I want you to meet my friend,” mayamaya ay wika ni Samantha. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa gawi niya. “She’s Zoey Arceo,” pagpapakilala nito sa kanya.
Tumingin naman sa kanya si Jackson. Inilahad nito ang isang kamay sa kanya na agad naman niyang tinanggap. “I’m Jackson. Nice meeting you,” nakangiting wika nito sa kanya.
Nginitian din naman ito ni Zoey. He seems nice. “Same here,” sagot din niya.
“Mind if we join you here?” Tanong ni Jackson sa kanila mayamaya.
“It’s okay with me.” sagot niya ng sulyapan siya nito, binigyan din niya ito ng isang ngiti para i-assure ito na okay lang. Mukhang mapagkakatiwalaan din kasi ito kasi kilala ito ni Samantha. At gaya ng sinabi niya ay mukhang mabait ito.
“Okay lang din sa akin,” sagot din ni Samantha. “Mas marami mas maganda nga, eh.” Dagdag pa na wika nito.
Ngumiti naman ng simpatiko ang lalaki. “Oh, that’s great,” bulalas ni Jackson. Mayamaya ay umupo ito sa couch na tabi ni Samantha. “Greyson, here!” Mula sa gilid ng kanyang mata ay napansin niyang may kinawayan din ito. Mukhang ang kinawayan nito ay ang tinutukoy nitong pinsan na kasama nito do'n.
“I’ve been looking for you.” anang isang baritonong boses mayamaya. Nag-angat naman si Zoey ng mukha patungo sa pinanggalingan ng boses. And standing right in front of her is a guy who is good looking. Kahit na magkasalubong ang mga kilay nito ay gwapo pa rin ito sa paningin niya. Matangkad din ito.
“Sorry,” sagot naman ni Jackson rito. “Oh, by the way, Greyson. I want you to meet my friend, Samantha.” Pagpapakilala ni Jackson kay Samantha. “And this is Zoey Arceo. Samantha’s friend, "pagpapakilala din nito sa kanya.
Sa pagkakataong iyon ay do’n lang sumulyap sa kanya si Greyson. At parang may sumipa sa tiyan niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. His charcoal eyes were staring at her intently.
She smiled at her. “Hi,” bati niya rito, itinaas pa niya ang isang kamay para kawayan ito.
Isang tango lang naman ang isinagot ni Greyson sa kanya pero titig na titig naman ito sa mukha niya.
Inalis na ni Zoey ang tingin rito at inilipat niya iyon sa wine glass na nasa harap niya. Hindi kasi niya makayanan ang klase ng titig na ipinagkakaloob nito sa kanya. Mula naman sa gilid ng kanyang mata ay napansin pa rin niya ang mainit na titig ni Greyson. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng bahagyang pagkailang.
“By the way, I ask Sam and Zoey if we can join them. Pumayag naman sila kaya dito na tayo maupo sa mesa nila.” narinig niyang wika ni Jackson kay Greyson. “Diyan ka na lang maupo sa tabi ni Zoey,” suhestiyon pa nito.
Umayos naman siya ng pagkakaupo ng marinig niya ang suhestiyon na iyon ni Jackson. Bigla siyang hindi mapakali.
“Is it okay with you, Zoey?” Greyson asked her in husky voice.
Isang ngiti lang naman ang isinagot niya rito ng sulyapan niya ito. Umusog din siya bahagya para makaupo ito sa tabi niya.
Greyson sat beside her. Kinagat niya ang ibabang labi ng makaramdam siya ng kakaibang pakiramdam ng magdikit ang mga balikat nila no’ng umupo ito sa tabi niya. Nakasuot kasi siya ng sleeveless. Nakaramdam kasi siya ng boltahe ng kuryente na dumaloy sa buo niyang katawan sa pagdidikit ng katawan nilang dalawa.
And god, he smells so good, too. Naghalo ang panlalaking amoy nito at ang mabangong pabango nito sa ilong niya. Sa katunayan, ang sarap iyon amuyin. Hindi kasi masyadong matapang ang amoy ng pabango nito.
Mayamaya ay tinawag ni Jackson ang isang waiter na umiikot para um-order ng drinks, um-order din ito para sa kanila.
Mayamaya ay napatingin si Zoey sa cellphone niya na nakalapag sa mesa ng tumunog ang ringtone niyon.
“Excuse me. I’ll just take this call,” paalam niya sa mga kasama niya sa mesa. Pagkatapos ay tumayo din siya mula sa pagkakaupo niya. “Uhm, excuse me,” sabi niya kay Greyson. Nakaharang kasi ito sa dadaanan niya. Pero sa halip na tumayo ito para makadaan siya ay sumandal lang ito sa coach na kinauupuan nito. Napanguso naman siya ng dumaan siya sa pagitan ng mesa at sa binti nito.
At hindi inaasahan ni Zoey ang sumunod na nangyari. Nasagi kasi niya ang binti ni Greyson dahilan para mawalan siya ng balanse. At nanlaki ang mga mata niya ng mapaupo siya sa kandungan nito sa sandaling
And her cheeks suddenly heat up when she felt his bulging crotch poking her behind.
Nanlalaki ang matang napatingin siya dito at hindi niya napigilan ang mapasinghap nang mapansing na ang lapit-lapit lang ang mukha nito sa mukha niya. At nang medyo nahismasmasan ay bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kandungan nito.
"S-sorry," halos pabulong lang na wika niya dahil sa hiyang nararamdaman. Hindi na din niya hinintay na magsalita ito. Naglakad na siya paalis do'n habang ang puso ay tumitibok ng mabilis.
*****
“WHAT are you still doing here?”
Napaigtad si Zoey ng marinig niya ang pamilyar at baritonong boses na iyon mula sa gilid niya. Mabilis din ang ginawang niyang pagbaling sa kanyang gilid. And her mouth parted a bit when she saw Greyson standing near her.
Napalunok ng makailang ulit si Zoey. Umalis din siya mula sa pagkakasandal niya sa hamba ng kotse. “G-greyson,” banggit niya sa pangalan nito. Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal.
"Ano pa ang ginagawa mo dito?" Ulit na tanong nito sa kanya ng hindi pa niya sinasagot ang unang tanong nito.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. Sinigurado na walang bara sa lalamunan niya. “Uhm, nagpahangin lang ako saglit,” sagot niya rito. Well, alibi lang niya iyon. Sa totoo lang ay nahihiya siya rito pagkatapos ang nangyaring insidente kanina. Iyong aksidenteng napaupo siya sa kandungan nito at iyong naramdaman niyang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito. At hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya iyon sa kanyang pang-upo. At sa tuwing maiisip niya iyon ay nag-iinit ang magkabilang pisngi niya. Hindi naman maintindihan ni Zoey ang nararamdaman niya. Ngayon lang niya ito nakilala pero ganoon na ang nararamdaman niya.
“Hindi ligtas para sa isang babae ang manatili rito ng mag-isa.” wika ni Greyson habang titig na titig sa kanya. Mababakas din sa boses nito ang concern.
Hindi naman niya maipaliwanag pero may kakaibang naramdaman ang puso niya sa concern na ipinapakita nito sa kanya. Para ngang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Binasa niya ang labi gamit ang dila. And it was wrong move dahil bumaba ang tingin ni Greyson sa labi niya. Napansin din niya ang pag-galaw ng adams apple nito. Bigla na naman tuloy siyang nailang sa titig nito. “Uhm, pasok na tayo,” sabi niya rito. Nag-umpisa na siyang naglakad papasok sa loob ng bar.
Huminto siya sa paglalakad ng maramdamang hindi sumusunod sa kanya si Greyson. Lumingon siya sa kanyang likod and she was caught off guard nang makitang nakatitig ito sa kanya.
Mayamaya ay nag-umpisa na itong maglakad. His both hands is on his pocket. He walks slowly towards her like a model. At habang naglalakad ito ay nakatitig ito sa kanya. And she couldn’t explain to herself why she couldn’t take her eyes off him. Para kasing may magnetikong naghihila sa kanya para titigan niya ang lalaki. At ganoon din ito, hindi nito inaalis ang titig sa kanya. At hindi din niya maintindihan ang sarili kung bakit nag-iba ang t***k ng puso niya lalo na no’ng nasa harap na niya si Greyson. Halos trumiple na ang t***k ng puso niya.
“Ay!” Mayamaya ay bulalas niya ng may bumunggo sa likod niya dahilan para ma-out of balance na naman siya. Mabuti na lang nasa harapan niya si Greyson. Mabilis nitong nahawakan ang baywang niya para hindi siya tuluyang mawalan ng balanse, naitukod naman niya ang dalawang kamay sa matitipunong dibdib nito.
“Gothcha!” wika nito sa kanya sa husky na boses.
Dahan-dahan nag-angat ng tingin si Zoey. At bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang lapit-lapit lang ulit ng mukha nito sa kanya. Nakatingala kasi siya rito at nakayuko naman ito sa kanya. And there lips is almost touching. Napalunok siya ng makailang ulit.
“You okay, Zoey?” Tanong nito sa kanya. Gusto naman niyang ipikit ang mga mata ng humaplos ang mabango at mainit na hininga nito sa mukha niya ng magsalita ito. Nalanghap niya ang amoy ng alak at mabangong hininga nito.
“O-okay lang ako. Thank you,” sabi niya. Pagkatapos niyon ay ibinaba niya ang kamay na nakatukod sa dibdib nito at umayos siya ng pagkakatayo. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago ang t***k ng puso niya.
“P-pasok na tayo sa loob,” sabi niya rito. Sabay na silang dalawa na naglakad papasok sa loob.
Malapit na sila sa kinauupuan nila nang makitang tumayo si Samantha at Jackson. Nakita niyang nagpunta ang mga ito sa gitna ng dance floor para magsayaw.
“You want to dance?” Napatingin siya kay Greyson ng marinig niya ang tanong nito sa kanya. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita ng hawakan siya nito sa kamay at marahang hinila patungo sa gitna ng dance floor. Wala na siyang nagawa kundi sumunod sa gusto nito.
Napatingin si Zoey sa kamay nilang magkahawak ng may maramdaman siyang kakaiba do’n.
Saktong pagdating nila sa dance floor ay napalitan ang maharot na tugtugin. Naging malamyos iyon. Tumahimik din ang buong paligid.
“Oh,” sambit naman niya. Napatingin siya kay Greyson at nakita niyang titig na titig na naman ito sa mukha niya. There is something different in his eyes that she couldn’t explain. Grabe itong makatitig, sa totoo lang.
Lumapit si Zoey kay Greyson. Itinaas niya ang kamay patungo sa balikat nito. Nag-alangan pa siya na hawakan ang balikat nito. Pero nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya at ito mismo ang gumiya papulupot sa leeg nito. May naramdaman na naman siyang init na gumapang sa katawan niya sa ginawang paghawak ni Greyson sa kamay niya. Pero hindi na lang niya iyon pinagtuunan ng pansin. Pagkatapos niyon ay naramdaman niya ang kamay nito sa baywang niya. Hinapit siya ni Greyson palapit sa katawan nito.
At habang nagsasayaw sila sa malamyos na tugtugin ay magkatitigan silang dalawa na para bang sila lang ang tao na naroon sa loob ng bar.