Chapter 5

2490 Words
NAKAPIKIT pa din ang mga mata ni Zoey ng kapain niya ang cellphone sa ibabaw ng bedside table niya. Kanina pa kasi tunog nang tunog iyon. Naiistorbo tuloy ang pagtulog niya. Ayaw sana niya iyong sagutin at hahayaan na lang niya iyon pero mukhang walang balak tumigil kung sino man anv tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Nang makapa ay kinuha niya ang cellphone. Binuksan niya ang isang mata para silipin kung sino ang tumatawag. At nakita at nabasa niya na si Samantha. “Uh, yes?” Groogy ang boses na wika niya ng sagutin niya ang tawag nito. Her eyes half close, inaantok pa talaga siya. Napuyat kasi siya kagabi dahil halos ala una na sila nakauwi galing bar at halos alas dos na din siya nakatulog. Hindi kasi siya agad nakatulog, may iniisip kasi siya. “Zoey!” Nakangiwing inilayo niya ang cellphone sa tainga ng sumigaw si Samantha mula sa kabilang linya. Nasira yata ang eardrum niya sa sigaw nito at ginising na din nito ang diwa niya. “Ang aga-aga ang hyper muna, Sam.” Sabi niya ng ibalik niya ang cellphone sa tapat ng tainga niya. Hindi din niya napigilana ng pag-ikot ng mga mata. Ganoon ang kaibigan kapag excited ito o hindi kaya ay kapag kinikilig ito. Pero saan naman ito excited? Saan ito kinikilig? “You can’t believe this, Zoey.” Wika ni Samantha. Kung nasa harap niya ito ay alam niyang nanlalaki ang mga mata nito sa sandaling iyon. “What?” tanong naman niya dito. “Jackson called me this morning,” pagbibigay alam nito sa kanya. “And he asked me your number.” Muli niyang ipinikit ang mga mata habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap mula sa kabilang linya. Napahikab din siya. Inaantok ulit siya. Iyon lang pala ang sasabihin nito sa kanya, may pasigaw-sigaw pa itong nalalaman. “At alam mo ba kung sino ang nagpapakuha ng number mo? "Muli nitong tanong. Hindi naman siya sumagot, wala naman siyang ideya kung sino ang nagpapakuha sa number niya." Si Greyson lang naman.” Ito na din ang sumagot sa sariling tanong nito Sa pagkakakataong iyon ay iminulat ni Zoey ang mga mata. Tama ba ang pangalan na narinig niya? “Sinong nagpapakuha?” Ulit na tanong niya. Ewan niya pero nakaramdam ng kakaiba ang puso niya sa sandaling iyon. Bigla ding nabuhay ang diwa niya. Nawala ang nararamdamang antok niya. She heard her chuckle over the phone. “Si Greyson,” ulit nito sa sinabi nito kanina. “With the capital G.R.E.Y.S.O.N,” spell pa nito sa pangalan ng lalaki. “Ang haba ng hair mo, ha. Mukhang nabighani mo ang isang Greyson Galvez sa first sight lang,” dagdag na wika nito sa kinikilig na boses. Napanguso naman si Zoey sa sinabi ng kaibigan. “Kinuha lang niya number ko, nabighani na agad? Hindi ba pwedeng may gusto lang siyang sabihin sa akin?” sabi niya kay Samantha. Pero deep inside her ay kinikilig siya. Siyempre, hindi niya iyon sasabihin dito dahil tutuksuhin siya nito. Kilala pa naman niya ang kaibigan niya. She's a tease. Tumawa na naman ito. "Yeah. May gusto siyang sabihin sa `yo. Gusto niyang sabihin na gusto ka niya,” wika nito na ikinangiti niya. “But seriously, Zoey. I think Greyson like you. Ganoon din ang napansin ni Jackson," wika nito sa napansin nito kagabi. "At hindi mo ba napapansin? " mayamaya ay tanong nito sa kanya pero ito na din ang sumagot sa sarili nitong tanong ng magpatuloy ito sa pagsasalita. "Lagi siyang nakatitig sa `yo.” Zoey pursed her lips. Akala niya ay siya lang ang nakakapansin niyon. Pati pala ang dalawang kasama nila sa Bar. No’ng bumalik nga sila sa mesa nila pagkatapos nilang sumayaw na dalawa ay ramdam na niya ang paninitig ni Greyson sa kanya. Kung yelo lang siya ay baka natunaw na siya sa init ng titig nito sa kanya sa sandaling iyon. Halos hindi nga nito alisin ang titig sa kanya. Kung hindi lang siya nahihiya ay sinabihan na niya ito na huwag itong tumitig sa kanya. Lihim na lang napangiti si Zoey dahil sa naisip. "If ever na magbigay sa ng motibo sa 'yo, huwag mo siyang sungitan, ha?" wika nito sa kanya. Napailing lang naman siya. May pagkakataon kasi na nagsusungit siya kapag may lalaking nagbibigay motibo sa kanya. Ilang minuto din silang nag-usap na dalawa ni Samantha hanggang sa nagpaalam ito sa kanya. Tuluyan na rin naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Ginagawa na rin niya ang morning rituals niya. Nang matapos ay lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Light breakfast lang naman ang kinain ni Zoey. At dahil wala naman siyang plano na lumabas ng araw na iyon ay nanatili siya sa loob ng bahay. At para hindi ma-bored ay nanuod siya ng movie series. Majilig din kasi siyang manuod. Kapag free time niya ay iyon lagi ang ginagawa niya. Abala si Zoey sa panunuod ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng center table para tingnan kung sino ang nagtext sa kanya. It was unknown number. Zoey? Basa niya sa message na natanggap niya. Kinagat ni Zoey ang ibabang labi. May ideya siya kung sino ang nagpadala ng message na iyon pero gusto pa rin niyang makasiguro. She typed her reply. Who is this? Sa halip naman na makatanggap siya ng reply ay tumunong ang ringtone ng phone niya tanda ng may tumatawag. At ang unknown number ang tumatawag. Tumikhim siya bago niya sinagot ang tawag. “Uhm, hello?” Wika niya ng sagutin niya ang tawag. Ilang segundo din bago nagsalita ang nasa kabilang linya. “Zoey,” anang baritonong boses. “Greyson?” Banggit naman niya sa pangalan nito. Saglit na naman na hindi ito nagsalita mula sa kabilang linya. “Yeah. It’s me,” wika nito. “Paano mo nalaman na ako ang tumawag sa `yo.” Lumabi siya. “Because of your voice,” sagot niya. Mahirap kalimutan ang ganyang boses. “At saka nasabi na rin sa akin ni Samantha kanina na pinakuha mo daw ang number ko kay Jackson,” dagdag niya, hindi pa din nawawala ang ngiti sa kanyang labi. “Yeah. Hindi ko kasi nakuha number mo last night. So, I asked Jackson.” Tumango-tango naman siya bilang sagot. May ngiti din sa labi. Para nga siyang teenager dahil kinikilig pa rin siya. “Uhm, bakit mo pala kinuha number ko?” Tanong niya dito mayamaya. She heard Greyson sighed. “Well, I just want to ask you, "wika nito sa kanya. “Ask me what? tanong naman niya. “I just want to ask you if you are free on sunday,” sabi nito sa kanya. Inisip naman niya kung may gagawin siya sa araw na iyon. “Wala naman. Bakit mo naitanong?” Matagal bago sumagot si Greyson. “I just want to ask you if you could be my date that day,” yaya nito sa kanya. Sinabi din ni Greyson na may aattend-nan itong party. Zoey suppresed her smile. Kinikilig na naman siya. “Uhm, well, kung okay lang naman sa `yo. " “It’s okay with me,” she cut him off. To be honest, she wanted to see him again. So, bakit pa siya magpapakipot pa? “You what?” Narinig niyang tanong. She made a low laugh. “Okay lang sa akin na ako ang ka-date mo sa araw na iyon,” ulit na wika niya, dinadahan-dahan pa niya ang pagkakasabi. “Oh, that’s great. Thank you.” She smiled. “Just text me the details para alam ko,” mayamaya ay wika niya. “Sure, sure. Just text me your address para masundo kita,” sabi naman ni Greyson. “Okay,” sagot niya. Mayamaya ay nagpaalam na rin si Greyson sa kanya. “Thank you again, Zoey. And it’s nice to hear your voice again,” he said and husky voice before he cut the line. Hindi naman napigilan ni Zoey ang mapangiti. Damn, pero kinikilig siya. *** UMIINOM si Zoey ng tubig ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Hawak pa din niya ang baso na lumapit siya kitchen counter kung saan nakapatong ang cellphone niya. Kinuha niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. At hindi naman niya napigilan ang mapabuntong-hininga nang makita niya kung sino ang caller niya. It was her father. Nagpakawala ulit siya ng malalim na buntong-hininga bago niya sinagot ang naturang tawag. "Hello Papa," wika niya ng sagutin niya ang tawag nito. "Zoey, hija. Kamusta?" tanong ng Papa niya sa kanya mula sa kabilang linya. Hindi naman naiwasan ni Zoey ang tumaas ang isang kilay. Simula noong bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon ay ngayon lang siya kinamusta ng Papa niya. "Okay lang naman po," sagot naman niya dito. "Kayo po, kamusta?" tanong din niya. "Okay lang din naman," sagot ng Papa ni Zoey sa kanya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay isinandal niya ang katawan sa kitchen counter habang kausap ang Papa niya. "Napatawag po pala kayo?" tanong niya dito. Hindi naman tatawag ang Papa niya kung wala itong kailangan sa kanya. "Well, kinausap ako ni Tita Mina mo na dito ka na lang mag-dinner sa mansion mamaya. Magluluto daw siya." Kinagat naman ni Zoey ang ibabang labi. Kahit na matagal na niyang alam na parang wala nang pakialam ang Papa niya sa kanya ay hindi pa din niya maiwasan ang makaramdam ng sakit sa puso niya sa sandaling iyon. Kung hindi siguro kinausap ng Tita Mina ang Papa niya ay hindi siya nito yayain na mag-dinner sa mansion. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita ng unahan siya ng Papa niya. "We will wait you here, Zoey," wika nito bago ito nagpaalam sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Inilapag na din niya ang hawak na cellphone sa kitchen counter. At inisang inom niya ang hawak na baso na naglalaman ng tubig. Ilang minuto din siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa napag-pasyahan niyang lumabas ng kusina at dumiretso siya sa kwarto niya. Pagkatapos niyon ay tinanggal niya lahat ng saplot niya sa katawan at hiyaan niya iyong malaglag sa sahig at pumasok siya sa banyo para maligo. Halos isang oras din siya na nasa loob ng banyo hanggang sa kinuha niya ang isang tuwalyang nakasabit at itinapi niya iyon sa katawan. Kinuha din niya ang isa at ginamit naman niya iyon para ipulupot iyon sa basang buhok at saka siya lumabas ng banyo. Dere-derestso siyang naglakad patungo sa walk in closet niya para kumuha ng damit at do'n na din siya nagbihis. Pagkatapos niyang nagbihis ay dinampot niya ang mga damit na nasa sahig at inilagay niya iyon sa lalagyan ng maruming damit. Pinagtuunan naman ni Zoey ang basang buhok. Kinuha niya ang blower niya at blinower ang mahabang buhok hanggang sa matuyo iyon. At nang makitang malapit nang mag-ala sais ng gabi ay umalis na siya sa condo niya para magpunta sa mansion nila. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din siya sa mansion nila. Pagkapark niya ng kotse ay agad siyang lumabas do'n at naglakad na siya papasok sa mansion. "Zoey, hija." Nag-angat naman si Zoey ng tingin patungo sa grand staircase ng marinig niya ang boses na iyon ni Tita Mina niya. Nakita niya na nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Nagpatuloy ito sa pagbaba hanggang sa makalapit ito sa kanya. Hinalikan pa siya nito sa pisngi. "Tamang-tama ang dating mo. The dinner is ready," wika nito sa kanya. Isang ngiti lang naman ang isinagot niya dito. Hinawakan naman siya ni Tita Mina sa braso at inakay na siya nito papunta sa dining table. Pagdating nila do'n ay nadatnan niya ang Papa niya at si Monica na nakaupo na sa harap ng mesa at masayang nag-uusap. Napatigil naman ang mga ito nang mapansin ang presensiya nila. Napansin ni Zoey ang pag-ngiti ng Papa niya nang makita siya. At si Monica naman ay nakita niyang sumimangot ito, inismiran pa siya ng mapasulyap siya dito. Iiling na lang si Zoey. Matanda na ito pero para pa din itong bata kung mag-isip at kumilos. "Zoey, anak," wika ng Papa niya nang makita siya nito. Lumapit naman siya sa Papa niya para magmano. "Good evening, Papa," bati niya. Pagkatapos niyon ay binalingan din niya si Monica para batiin. Ngumiti naman ito sa kanya pero alam niyang pakitang tao lang iyon dahil nakatingin din ang Papa niya dito. "Good evening, Zoey. How are you?" "I'm fine," simpleng sagot naman niya. Darn. Ayaw niyang makipag-plastikan dito pero no choice siya. "Oh, siya, siya. Maupo na kayo para makakain na," mayamaya ay wika ni Tita Mina. "Maupo ka na, Zoey," wika nito sa kanya. Tumango naman siya bago siya umupo sa tabi ni Monica. Si Tita Mina na din ang nag-lead ng prayer at pagkatapos niyon ay nagsimula na silang kumain. "Kumain ka ng marami, Zoey," wika sa kanya ng Papa niya. "Opo," sabi naman niya. "Papa, kumain din po kayo para maging malakas kayo," mayamaya ay narinig na wika ni Monica sa Papa niya. Papa na din ang tawag nito sa ama niya. "Try this one. It's Mama specialty," dagdag pa nito. Mula naman sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya na nilagyan pa nito ng ulam ang plato ng Papa niya. Hindi naman niya napigilan ang pag-ikot ng mga mata. Kaya gustong-gusto ito ng Papa niya dahil kapag nakaharap ito sa Papa niya ay parang ang bait-bait nito. Pero hindi alam ng Papa niya na pakitang tao lang iyon. Na kapag nakatalikod ito ay lumalabas talaga ang sungay nito. "Kumain ka na din, Monica," wika naman Papa Zairo niya dito. "Kamusta pala ang trabaho mo sa Singapore, Zoey?" mayamaya ay tanong ng Papa niya ng sulyapan siya nito. "Okay lang naman, Papa," sagot niya. "Ano na ulit work mo do'n, Zoey?" mayamaya ay tanong ni Monica sa kanya. Nang balingan niya ito ay napansin niya na nakataas ang isang kilay nito sa kanya. "Cook,' di ba?" "I'm a chef," pagtatama naman niya dito. "Oh, sorry," sambit naman nito pero alam niyang labas sa ilong iyon. Hindi na lang niya ito pinansin, sa halip ay pinagtuunan niya ng atensiyon ang pagkain. "Anyway, Papa," mayamaya ay narinig na naman niyang wika ni Monica. "Thank you po pala do'n sa brand new car na gift niyo sa akin noong birthday ko. I love it really," masayang wika ni Monica dito. Natigilan naman si Zoey sa sumunod na narinig na sinabi ni Monica sa Papa niya. Hindi din niya napigilan ang paghigpit sa hawak niyang kutsara at tinidor. Mabuti pa ito, nire-regaluhan ng Papa niya. Samantalang siya noong birthday niya wala man lang siyang natanggap na regalo. Hindi man lang siya nito naalala na batiin. Kinagat naman ni Zoey ang ibabang labi para pigilan ang emosyon sa sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD