PAGKALABAS ni Zoey sa banyo ay agad niyang nakita si Greyson na nakaupo sa swivel chair nito at may kausap ito sa cellphone. At nang mapansin siya nito ay nag-angat ito ng tingin patungo sa gawi niya. At hindi na nito inalis ang titig sa kanya habang nakikipag-usap ito sa kausap mula sa cellphone nito.
“Yes, yes. We’ll be there in less than hour,” wika nito sa kausap. Nang matapos itong makipag-usap kung sinumang kausap nito ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo nito. Pagkatapos ay kinuha nito ang coat nito na nakasabit sa racks stand.
“We’re leaving,” wika nito ng isuot nito ang coat sa katawan.
Sabi nito mag-uusap sila.Pero bakit aalis sila?At saan sila pupunta?
Akmang bubuka ang bibig niya para tanungin ito kung saan sila pupunta na dalawa ng mapahinto siya ng tumalikod na ito at lumabas ng opisina.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay sinundan niya ito.
“Cancel all my appointments today, Marie.” Narinig niyang wika ni Greyson sa secretary nito. Hindi na nito hinintay na magsalita ang secretary nito. Tumalikod na ito at naglakad patungo sa elevator.
Tumingin si Greyson sa gawi niya ng hindi pa siya sumusunod rito. Nang mapansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito ay mabilis pa sa alas kwatrong lumapit siya rito. Nang tuluyan siyang makalapit ay pinindot nito ang G button ng elevator. Nang bumukas iyon ay pumasok ito. Sumunod naman siya.
At habang pababa ang kinasasakyang nilang elevator ay tumunog ang ringtone ng cellphone ni Greyson.
“Is everything okay?” wika ni Greyson ng sagutin nito ang tawag. “Yes. We’re on our way,” pagpapatuloy na wika nito.
Saktong bumukas ang pinto ng elevator ng matapos si Greyson na makipag-usap sa kausap nito sa cellphone.
“Let’s go,” wika nito sa kanya. Mabilis naman siyang umagapay rito ng lumabas ito sa elevator.
Mayamaya ay nakalabas na sila ng Galvez building at nasa tapat na sila ng isang magarang sasakyan.
Binuksan nito ang pinto ng passenger seat. “Hop in,” wika nito. Nang makasakay siya ay umibis naman ito sa driver seat. And he started the engine.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Greyson.
“Akala ko ba mag-uusap tayo? Pero saan tayo pupunta?” Basag niya sa katahimikan sa kanilang dalawa.
Saglit siya nitong sinulyapan bago nito ibinalik ang tingin sa harap ng kalsada. “We’re going to solve your problem.” wika nito sa halip na sagutin siya nito ng derekta.
Bumuka-sara naman ang labi ni Zoey. Gusto niyang magsalita pero walang salitang gustong lumabas sa labi niya.
Hindi naman nagtagal ay hininto ni Greyson ang minamaneho nitong kotse sa isang kilalang restaurant. Pinatay nito ang makina ng kotse at lumabas ito ro’n.
Mabilis naman niyang tinanggal ang suot na seatbelt at mabilis din na lumabas ng kotse. Napahinto ito sa akmang paglapit sa kanya nang makita siya nitong nakalabas na ng kotse.
“Let’s go,” yakag na nito sa kanya. Naglakad na silang dalawa patungo sa loob ng restaurant.
Agad naman silang nilapitan ng staff para tanungin kung may reservation sila. Si Greyson naman ang sumagot rito.
“This way, Sir, Ma’am.” magalang na wika nito ng sagutin ito ni Greyson. Pagkatapos ay iginiya sila nito sa isang kwarto. Binuksan nito ang pinto. Nang pumasok sila ro’n ay may nakita siyang dalawang lalaki. Ang isang lalaki ay nasa mid-fifties siguro at ang isa naman ay parang ka-edad lang ni Greyson.
Hinawakan siya ni Greyson sa likod ng siko at iginiya palapit sa mga ito. Tumayo naman ang mga ito ng tuluyan silang makalapit.
“Siya ba iyong sinasabi mo, Greyson?” Tanong no’ng lalaki na ka edad ni Greyson.
“Yes,” maikling sagot ni Greyson. Pagkatapos niyon ay ipinakilala siya nito sa dalawang lalaki. Trevor pala ang pangalan ng lalaking ka-edad ni Greyson. Kaibigan nito si Trevor at Alfonso naman ang pangalan ng lalaking may edad na at isa itong Judge.
“So, let’s start the ceremony, Greyson?” Wika ni Judge Alfonso.
Namilog naman ang mga matang tumingin siya kay Greyson. At mukhang naramdaman nito na nakatingin siya rito dahil sumulyap ito sa kanya.
“Yes. Let’s start.” sagot nito kay Judge Alfonso habang nakatitig sa kanya. Sa bilis ng mga pangyayari ay naging sunod-sunuran na lang si Zoey. May sinasabi si Judge Alfonso pero hindi niya iyon naiintindihan dahil lumulutang ang isip niya sa mga nangyayari. May mga pinapirmahan din sa kanya at pirma naman siya nang pirma.
“Greyson and Zoey, by the power invested in me, I now pronounce you husband and wife.” Sa pagkakataong iyon ay do’n lang natauhan si Zoey. “Greyson you may now kiss your wife.”
Napatingin si Zoey kay Greyson. Nakagat niya ang ibabang labi nang makitang titig na titig ito sa kanya. Wala siyang makitang kahit na anumang emosyon sa mukha nito sa sandaling iyon.
Napalunok siya ng umangat ang isang kamay nito patungo sa mukha niya. At hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. Inipit nito iyon sa likod ng tainga niya. Hindi naman niya magawang i-alis ang titig rito. Hindi din niya maikurap ang mga mata. Pagkatapos niyon ay hinawakan nito ang baba niya saka nito dahan-dahang ibinaba ang mukha para halikan siya sa labi.
At nang maglapat ang labi nila ay do’n lang nag-sink in lahat kay Zoey.
She was now Zoey Arceo-Galvez...again.