Chapter 1
TINANGGAL ni Zoey ang suot na rayban shades ng makalabas siya ng sinasakyang kotse. Pagkatapos niyon ay tumingala siya sa malaking building na nasa harap niya.
Galvez Empire.
Basa ni Zoey sa nakasulat sa itaas ng building. Napapikit siya ng mga mata. Galvez. It was her surname before.
Zoey Arceo-Galvez.
Isang taon din niyang dala-dala ang apilyidong iyon hanggang sa bumalik sa Arceo ang apilyido niya matapos nilang ma-annul ng dating asawa.
Iminulat ni Zoey ang mga mata at marahang ipinilig ang ulo. May iba siyang agenda kung bakit siya naro’n at hindi para mag-reminisce ng past niya.
Nagpakawala si Zoey ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya papasok sa loob ng building.
“I have an appointment with, Mr. Galvez.” wika ni Zoey sa receptionist ng lapitan niya ito. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang appointment sa lalaki. Sinabi lang niya na mayro’n para papasukin na siya nito. Tumango naman ito. Pagkatapos ay hiningan siya nito ng ID.
“Fifth floor, Ma’am.” wika sa kanya ng receptionist ng ibalik nito sa kanya ang ID niya.
“Thank you.” pasasalamat niya bago siya tumalikod at dumiretso patungo sa kinaroonan ng elevator.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin si Zoey sa fifth floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Greyson.
Lumapit si Zoey sa babaeng naroon. Mukhang sekretarya ito ni Greyson.
“Good morning,” bati niya rito.
“Good morning, Ma’am. How may I help you?” Magalang na tanong nito sa kanya.
“Uhm, nandiyan ba sa loob si Grey—what I mean, Mr. Galvez. Can I talk to him?”
“May appointment po ba kayo, Ma’am?”
Kagat ang ibabang labi na umiling siya. Akmang bubuka ang bibig nito para sana magsalita ng unahan niya ito. “This is important matter, Miss. And beside...he knows me.”
I’m his ex-wife, gusto sana niyang idugtong pero pinigilan niya ang sarili.
Sinalubong ni Zoey ang titig ng babae. “Okay, Ma’am.” Lihim siyang napangiti. “Pero maupo muna kayo do’n,” dagdag nito sabay turo sa isang mahabang sofa. “May kausap pa po kasi si Sir.”
“Okay,” sabi niya. Pagkatapos niyon ay naglakad siya palapit sa sofa na itinuro nito.
At habang naghihintay si Zoey ay nag-iisip siya ng sasabihin niya kapag nagkaharap na sila ng dating asawa. Sa totoo lang, dahil sa mga nangyari ay ayaw na sana niyang makaharap ito. Pero dahil sa last will ng Papa niya ay kinakailangan niyang harapin si Greyson para kausapin at hingan na rin ng tulong.
Isang buwan na ang lumipas simula no’ng makatanggap si Zoey ng masamang balita. Na-aksidente daw ang ama at ang stepmother niya. Sakay ang mga ito ng kotse pauwi ng mabangga ng rumaragasang truck ang kotseng minamaneho ng ama. Dead on arrival ang mga ito ng dalhin sa ospital. No’ng mabalitaan nga niya iyon ay parang tumigil ang ikot ng mundo niya. Kahit na maraming pagkukulang ang ama sa kanya ay mahal na mahal niya ito. Hindi iyon maalis sa puso niya. At no’ng malaman niya iyon ay dali-dali siyang nagpa-book ng flight pabalik sa Pilipinas para makita ang ama at ang stepmother sa huling sandali nito.
At pagkatapos ilibing ang mga ito ay kinausap sila ng abogado ng ama para basahin ang last will na iniwan nito.
Nakalagay sa last will ng Papa niya na mapupunta lang sa kanya ang Mansion kung makikipagbalikan siya kay Greyson. At kung hindi, mapupunta daw ang Mansion kay Monica—ang stepsister niya.
Mayroon namang choice si Zoey na hindi sundin ang kondisyon ng ama dahil siya ang tunay na anak pero ikinontest iyon ni Monica. Isa din daw itong Arceo dahil legal itong inampon ng ama niya no’ng pinakasalan ng ama ang ina ni Monica, menor de edad pa silang dalawa ni Monica noon. May karapatan din daw ito sa mansion dahil iyon din daw ang nakasaad sa last will ng ama. Lalo na at hindi niya sinunod ang kondisyon na binigay ng ama dito. Ipaglalaban din daw ni Monica iyon sa korte mapunta lang din daw dito ang mansion.
At ayaw naman ni Zoey na magkaroon ng chance o mapunta ang pinakamamahal na Mansion kay Monica. Kilala kasi niya ito. Alam niya na kapag napunta ang Mansion rito ay pababayaan nito iyon. Or worse, ay baka ibenta pa nito ang Mansion.
Marami kasing magagandang memories si Zoey sa Mansion. Memories na kasama ang pamilya—pati na rin ang ina. Kaya kahit mahirap sa parte niya, nagdesisyon siya na kausapin si Greyson para humingi ng tulong rito. She was willing to sacrifice her freedom again with him para lang mapunta sa kanya ang Mansion.
Mayamaya ay umayos ng pagkakaupo si Zoey ng bumukas ang pinto ng opisina ni Greyson. At may pamilyar na mukha ng lalaki ang lumabas do’n. Namilog ang mga mata ni Zoey nang makilala niya ito.
Si Jackson—pinsan ni Greyson.
At mukhang naramdaman ni Jackson na may nakatitig rito dahil huminto ito sa paglalakad at tumingin sa gawi niya. Napansin niya ang pag-awang ng labi nito nang makita siya. Mukhang nakilala siya nito.
“Zoey?” Banggit nito sa pangalan niya.
Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo niya. Pagkatapos niyon ay lumapit siya rito. “J-jackson,” banggit niya sa pangalan nito.
Napansin niya ang pagliwanag ng mukha nito. “Ikaw nga, Zoey.” Malakas na banggit nito sa pangalan niya.
“Who are you talking to, Jackson?” Kumalabog ang t***k ng puso ni Zoey ng marinig niya ang baritonong boses na iyon. It was Greyson voice. Apat na taon na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang epekto ng boses ni Greyson sa kanya.
A sexy grinned form on Jackson lips. At nagulat na lang si Zoey ng bigla nitong hawakan ang kamay niya at hinila. Itinulak nito pabukas ang nakaawang na pinto. “I’m talking to your ex-wife, Greyson,” sagot ni Jackson.
Kagat naman ang ibabang labi na nag-angat ng tingin si Zoey patungo sa lalaking nasa loob ng opisina.
And sitting right there was none other than...Greyson.
At hindi napigilan ni Zoey ang pagtibok ng puso ng mabilis ng magtama ang mga mata nilang dalawa ni Greyson. He still the same, he is still handsome as ever.
And he was looking at her intently now. And his eyes were cold like an ice.
Kagat ang ibabang labi na napayuko siya. “Uhm, mukhang marami kayong importanteng pag-uusapan. I’m leaving now,” mayamaya ay paalam na ni Jackson. “It’s nice seeing you again, Zoey.” Wika nito sa kanya bago ito lumabas ng pinto. Ito na rin ang nagsarado niyon.
Saglit namang namayani ang katahimikan sa loob ng opisina. Gusto niyang ibuka ang bibig pero wala naman salitang gustong lumabas do’n. Naramdaman din niya ang pamamawis ng kanyang kamay. Ngayon lang din siya nakaramdam ng kaba.
“Why are you here?” Basag na tanong ni Greyson sa katahimikan namayani sa kanila. Pati boses ay mababakasan ng kalamigan.
Saglit namang ipinikit ni Zoey ang mga mata bago siya nag-angat ng tingin patungo kay Greyson. Nakita niyang nakasandal na ito sa swivel chair nito. Naka-krus na ang dalawang kamay nito sa ibabaw ng dibdib nito at malamig ang mata nito na nakatitig sa kanya.
Hindi naman siya agad nakasagot.Sa halip ay nakatitig lang siya rito. Tinaasan naman siya nito ng isang kilay. “Are you just here to look at me all day?”
She took a deep breath. Kaya mo ito, Zoey. Tell her what you want. Pilit na sinasalubong ni Zoey ang lamig ng titig nito. “I need your help Greyson,” sabi niya rito, hindi na siya nagpaligoy-ligoy. Tumaas naman ang isang kilay nito sa sinabi niya. Nagpakawala pa siya ng malalim na buntong-hininga. At habang may lakas pa siya ng loob ay sinabi na niya rito ang pakay niya. Sinabi niya rito ang tungkol sa last will ng Papa niya. At kung ano ang hinihinging kondisyon ng Papa niya para mapunta sa kanya ang mana. Sinabi din niya kay Greyson na huwag itong mag-alala na baka matali ito sa kanya habang buhay. Sinabi niya na kapag nalipat na sa pangalan niya ang Mansion ay maghihiwalay agad sila.
“And do you think I will help you?” Wika nito pagkatapos niyang magsalita. “Do you think I will marry you again?” May talim sa boses na dagdag na wika nito.
Kinagat ni Zoey ang ibabang labi. Nakaramdam ng bahagyang kirot ang puso niya sa sinabi nitong iyon. “I’m... j-just trying my luck here.” tumikhim siya para maalis ang bara sa kanyang lalamunan. Kumurap-kurap din siya para pigilan ang luha na gustong pumatak sa mata niya. “You see? I don’t want to lose the Mansion. Maraming magagandang alaala ang naro’n sa Mansion. Even my mother’s memories kaya ayokong mawala iyon sa akin. K-kaya nga ako nagpunta dito, k-kaya ko nga kinapalan ang mukha ko p-para kausapin ka para sabihin iyong kondisyon ni Papa sa last will niya.”
Hindi naman nagsalita si Greyson. Sa halip ay tumitig lang ito sa kanya. Wala siyang makita na anumang emosyon sa mga mata nito. Nagpakawala ulit siya ng malalim na buntong-hininga. Mukhang wala siyang mapapala kay Greyson. “It’s look like you don’t want to help me,” sabi niya, pilit niya itong nginitian. “Aalis na siguro ako.”
Maghahanap na lang si Zoey ng ibang paraan para mapunta ang Mansion sa kanya. Baka may iba pang paraan. Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Bagsak ang balikat na tumalikod siya rito. Akmang pipihitin niya ang seradura ng pinto ng mapatigil siya ng magsalita si Greyson.
“I will help you,” sabi nito. Nanatili naman siyang nakatalikod rito. “I will marry you again gaya ng sinabi mo.” Sa pagkakataong iyon ay do’n lang siya lumingon kay Greyson.
“Pero sa isang kondisyon.” wika nito sa kanya habang titig na titig sa kanya.
“What...condition?”
A naughty smile formed on Greyson lips. “I want you to...pleasure me.” Sadya pa nitong ibinitin ang huling sinabi.
Nanlaki ang mga mata ni Zoey. The hell?! “Are you serious?”
“I’m serious my dear ex-wife. That’s my condition to marry you again.” He said in raspy voice. “I.want.you.to.pleasure.me.” pagdidiin pa nito sa huling salitang sinabi nito.