TUMAAS ang isang kilay ni Zoey ng paglabas niya sa cubicle sa kinaroroonang CR ay nakita niya si Monica. Nakasandal ito sa may sink habang nakatingin ito sa kanya. Mukhang hinihintay nito ang paglabas niya. Mukha din noong nagpaalam siya kay Greyson na pupunta saglit sa restroom ay sinundan siya nito.
“Can we talk?” wika nito sa kanya sa seryosong boses.
Naglakad naman siya patungo sa may sink. Binuksan niya ang faucet para maghugas ng kamay. “Anong gusto mong pag-usapan?” tanong niya ng matapos siyang maghugas ng kamay.
“Ano ang relasyon niyo ni Greyson?” tanong nito sa kanya sa seryosong boses. Hindi lang sa boses mababakasan ng kaseryosohan, pati na din sa mukha nito.
Hindi napigilan ni Zoey ang pagtaas ng isang kilay. Base sa ekspresyon ng mukha nito at sa paraan ng pagtatanong nito ay mukhang may gusto ito kay Greyson. Kaya din siguro para itong galit nang makita siya nitong kasama si Greyson. “Why sudden interested? Do you like him?” tanong naman niya dito.
“Yes,” walang pag-aalinlangan na pag-amin nito. O, tama siya. Kaya pala matalim ang tinging pinupukol nito sa kanya no’ng makita nito na kasama niya si Greyson. May gusto talaga ito sa lalaki. “So, stay away from him.” mariing wika nito sa kanya.
Hindi niya ito pinapatulan noon sa tuwing inaaway siya nito dahil ayaw niyang mapagalitan ng ama pero iba ngayon. Wala naman ang ama niya do'n para pagalitan siya kung sakaling sagutin niya ito. “You know what? Hindi mo dapat sabihin sa akin iyan. Kay Greyson mo dapat sabihin ang mga bagay na iyan. Dahil sa aming dalawa ay siya ang lumalapit sa akin. Hindi ako, " honest na wika niya. Hindi na niya ito hinintay na makapagsalita pa dahil tinalikuran na niya ito. Pero bago siya lumabas ng restroom ay nilingon niya ito. “Oh, by the way, Monica. I like him, too,” sabi niya sa totoong naramdaman. Nasagot din niya ang katanungan sa sarili kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman para kay Greyson. Gusto pala niya ito.
Binigyan pa ni Zoey si Monica ng matamis na ngiti sa labi saka siya tuluyang lumabas ng restroom.
She smiled wickedly. She was proud of herself. Hindi na siya gaya ng dati na tatahimik lang, ngayon ay marunong na siyang sumagot ng pabalang dito. Paminsan-minsan ay kailanga din niya itong sagutin para manahimik din.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad pabalik sa pwestong pinag-iwanan niya kay Greyson no’ng magpaalam siyang pupunta siya ng restroom.
Kumibot ang labi niya nang makitang may kausap itong mga lalaki. Mukhang kakilala nito ang mga iyon. At dahil ayaw niyang istorbohin ito ay nanatili na lang siya sa kinatatayuan.
Hihintayin na lang niyang matapos ito sa pagku-kwentuhan bago niya ito lapitan.
Iginila ni Zoey ang tingin sa paligid hanggang mapadako ang tingin niya sa isang lalaki na nakatayo ilang metro ang layo sa kanya.
Nakatingin ito sa kanya at nang magtama ang mga mata nila ay nginitian siya nito. Bahagya pa nitong itinaas ang hawak na wine glass. Kiming nginitian niya ang lalaki at saka niya inalis ang tingin rito.
At mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang lalaki na naglakad palapit sa kanya hanggang sa huminto ito sa harap niya.
“Hi!” Bati nito. Isang ngiti lang naman ang iginanti niya rito.
“Drinks?” Alok nito sa hawak nitong isang wine glass.
“No, thanks,” tanggi naman niya.
“Alone?” Mayamaya ay tanong nito.
Akmang sasagot siya ng mapatigil siya nang may magsalita sa likod niya. “No. I’m with her.”
Sabay silang napalingon ng lalaki sa kanilang likod ng may nagsalita.
Paglingon ay nakita niya si Greyson. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ito sa likod niya. Kanina lang kasi ay may kausap ito sa `di kalayuan. Napansin din niya na salubong ang mga kilay nito habang nakatingin ito sa lalaking nakikipag-usap sa kanya. He look so mad right at the moment.
“Your with her pala, Greyson.” Wika ng lalaki, mukhang kakilala din nito si Greyson.
“Yes,” sagot ni Greyson sa seryosong boses. Pagkatapos ay lumapit sa tabi niya si Greyson. Kinagat niya ang ibabang labi ng akbayan siya nito. Nag-iba na naman ang t***k ng puso niya.
Mayamaya ay napatingin sila ni Greyson sa lalaki ng magpaalam na ito. Mukhang naisip nitong wala itong mapapala sa kanya. Tinanguhan lang naman ito ni Greyson bago ibinalik ang tingin sa kanya.
“Are you bored?” mayamaya ay tanong nito sa kanya ng binalingan siya nito.
“Hindi naman masyado,” sagot niya rito.
“Do you want to go somewhere?” He asked her.
Kumibot naman ang labi niya. “Pero paano iyong party?” Wika niya. Hindi pa kasi nag-uumpisa ang party at aalis sila.
“Don’t worry. Matutuloy naman ang party kahit wala tayo,” sabi sa kanya ni Greyson na sinabayan pa nito ng pagkibit-balikat.
Pagkatapos niyon ay inilahad nito ang isang kamay sa harap niya. Napatitig naman siya sa kamay nitong nakalahad. “So, let’s go?” yakag na nito paalis.
Inalis niya ang tingin sa kamay nito at inilipat niya iyon sa mukha nito. At nang magtama ang mga mata nila ay bahagya itong ngumiti sa kanya.
God! Lalo lang itong gumwapo sa paningin niya sa ngiti nitong iyon. She smiled back at him.
“Okay.” sabi niya bago niya inabot ang kamay nito. And the moment their hand touch, he automatically intertwined it. May naramdaman siyang kakaiba pero hindi na lang niya iyon pinagtuonan ng pansin. Medyo nasasanay na din naman kasi siya a maramdaman iyon kapag nagdidikit ang mga kamay nila.
“Let’s go,” sabi nito na may ngiti sa labi.
Marahan na rin siya nitong hinila palabas ng venue. At habang naglalakad silang dalawa ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa kanyang gilid nang maramdaman na may nakatingin sa kanila. At nakita niya si Monica na masama ang tinging ipinupukol sa kanya. Mukhang selos na selos na ito sa kanya.
Hindi na lang niya ito pinansin. Inalis na lang niya ang tingin rito. Bahala na itong mag-ngitngit ng inis sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama dito.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa harap ng kotse nito. Pinagbuksan na naman siya nito ng pinto at inalalayan na pumasok siya do'n. At nang masiguro nitong nakasakay na siya ay maingat nitong isinara ang pinto at humakbang ito patungo sa driver seat. Pagkasakay nito ay agad nitong pinaandar ang kotse paalis sa lugar. Hindi naman niya alam kung saan sila pupunta na dalawa. Hindi na din naman siya nagtanong pa.
Mayamaya ay hininto nito ang minamaneho sa isang parke na hindi kalayuan sa hotel. Mabilis itong lumabas ng kotse para pagbuksan siya ng pinto. May kinuha pa ito mula sa loob ng kotse at nang tingnan niya iyon ay nakita niyang may hawak itong canned beer.
Pumuwesto silang dalawa sa hood ng kotse nito. Binuksan nito ang isang canned beer na hawak nito at inabot nito iyon sa kanya. “Here, "wika nito sa husky na boses.
“Thanks,” wika niya ng kunin niya iyon.
Sumandal din siya sa hood ng kotse nito.
Binuksan din nito ang canned beer na hawak din nito. At mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang uminom ito ro’n.
Saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. “Stepsister mo pala si Monica,” basag ni Greyson sa katahimikang namayani sa kanila. Noong sinabi kasi niya iyon dito kanina ay hindi na ito muling nagtanong pa.
Sumulyap naman siya rito at napansin niyang nakatitig ito sa kanya. “Yeah,” sagot niya. “Uhm, matagal mo na ba siyang kakilala?” Tanong naman niya rito.
“Not really,” maikling sagot din nito.
Tumango-tango naman siya. Namayani na naman ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Iginalaw-galaw naman ni Zoey ang mga paa para ma-relax iyon. Medyo sumasakit na rin kasi ang mga paa niy. She was wearing a four inches stilleto at kanina pa siya nakatayo. No wonder, kumikirot na ang paa niya ngayon. At sandaling iyon ay gusto na niyang maupo at tanggalin niya ang suot niya sa paa para makapag-relax ang mga iyon.
“Are you okay?” Narinig niyang tanong ni Greyson, may nabakasan siyang pag-alala sa boses nito.
Nakangusong sumulyap naman siya rito. “Medyo kumikirot kasi ang paa ko,” pag-amin niya rito ng totoong nararamdaman.
“Oh,” wika ni Greyson bago bumaba ang tingin nito sa paa niya. “Do you want to sit here?” Tanong ni Greyson sabay tapik sa hood ng kotse nito.
“Okay lang?” Sabi naman niya rito.
Nakangiting tumango naman ito. “I give you a lift,” wika nito. Ipinatong nito ang hawak na canned beer sa ibabaw ng hood at saka ito pumuwesto sa harap niya. Hinawakan siya nito sa gilid ng baywang saka siya nito binuhat para makaupo sa ibabaw ng hood.
“Thanks-- "
Napahinto si Zoey sa pagsasalita nang makitang nakayuko si Greyson. At nang yumuko din siya ay hindi niya napigilan ang pamumula ng magkabilang pisngi niya nang makitang nakatitig ito sa legs niyang nakalantad sa mga mata nito sa sandaling iyon. Lumihis kasi ang suot niyang dress ng buhatin siya nito paupo sa hood ng kotse.
Mabilis naman niyang inayos ang nakalihis na dress. Kinagat niya ang ibabang labi nang makita ang biglang pamumula ng pisngi nito nang mag-angat ito ng mukha, pati tainga nito ay namumula din. And damn, he really look so cute.
“Sorry.” hingi nito ng paunmanhin sa kanya. Hindi naman siya sumagot. Sa halip ay uminom siya sa hawak na canned beer. Umalis naman si Greyson sa harap niya at pumuwesto ito sa gilid niya. Sumandal ito sa hood.
Mayamaya ay napayakap si Zoey sa sarili ng umihip ang hangin. At mukhang napansin iyon ni Greyson dahil mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang tinanggal nito ang suot nitong tuxedo
“Here, wear this.” Wika nito, pumuwesto na naman ito sa harap niya. Hindi na siya naka-protesta ng ipatong nito ang coat sa katawan niya.
Kagat ni Zoey ang ibabang labi habang nakatitig siya sa mukha ni Greyson habang inaayos nito ang coat sa katawan niya.
Tumingin naman ito sa mukha niya hanggang sa bumaba ang tingin nito sa labi niya.
Napansin niya ang paggalaw ng adams apple nito. His eyes become darker as he looked at her. Palipat-lipat din ito ng tingin sa labi niya at sa mata niya. Hanggang sa tumigil iyon sa labi niya.
Napakurap-kurap siya ng mga mata ng dahan-dahang inilalapit ni Greyson ang mukha sa kanya. At bago pa tuluyang magdikit ang mga labi nilang dalawa ay tinakpan niya iyon gamit ang kamay.
Napatigil naman si Greyson. May nabakasan din siyang disappointment sa mga mata nito. At hindi niya maipaliwang pero nakaramdam siya ng bahagyang guilt. “I’m sorry-- "
Hindi na natapos ni Greyson ang iba pa nitong sasabihin ng hawakan niya ang necktie na suot nito at hinila niya ito palapit sa kanya. At habang may lakas pa siya ng loob ay pikit ang mga matang idinampi niya ang labi sa labi nito. At nang magdikit ang mga labi nila ay parang may fire works siyang nakita. Pakiramdam din niya ay parang may paro-paro na naglalaro sa kanyang tiyan sa sandaling iyon.
Saglit na magkalapat ang mga labi nila hanggang sa naramdaman niya na unti-unting gumagalaw ang labi ni Greyson sa ibabaw ng labi niya. Naramdaman din niyang kinagat-kagat nito ang ibabang labi niya na para bang tinutukso siya. Natukso naman agad si Zoey dahil ibinuka niya ang bibig para gantihan din ng halik si Greyson. Itinaas din niya ang kamay patungo sa batok nito.
Banayad lang no’ng una ang halikan nila hanggang sa naging mapusok iyon. Ipinasok nga nito ang dila sa loob ng bibig niya. And their tongue battled in unison.
At hindi mapigilan ni Zoey ang mapaungol sa loob ng bibig nito ng maramdaman niya ang kamay nito na humahaplos at pumipisil sa nakalantad niyang hita pataas.