HINDI naghihiwalay ang mga labi nila ni Greyson ng maramdaman ni Zoey ang pagbuhat nito sa kanya mula sa pagkakaupo niya sa bumper sa kotse nito. Awtomatiko namang pumaikot ang binti niya sa baywang nito para kumuha ng suporta. Naramdaman din niyang naglakad ito habang buhat siya. Gamit ang isa nitong kamay ay binuksan nito ang pinto ng passenger seat gamit ang isa nitong kamay at maingat na ideneposito siya nito sa loob niyon. Mabilis naman itong sumunod sa kanya. At dahil masikip ang kotse ay halos dikit na dikit ang katawan nilang dalawa. Halos nakadagan din ito sa kanya at hindi niya alintana ang bigat nito sa sandaling iyon. Hinihingal na napatitig naman siya sa gwapong mukha nito. He was looking at her intently. Ramdam niya ang init ng titig nito sa kanya. May nakita din siyang apo