NAPAKURAP-kurap ng mga mata si Zoey ng pagbukas niya ng pinto ng condo niya ay sumalubong sa kanyang mata ang gwapong mukha ni Greyson. He was indeed handsome on his black tuxedo right at the moment. Mas lalong lumutang ang kakisigan nito sa sandaling iyon. Gwapo ito kapag simple lang ang suot nito pero mas lalo itong gumwapo kapag nakasuot nito ng tuxedo. He was oozzing with s*x appeal.
Hindi naman niya napigilan ang pamulahan ng mukha nang makitang pinasadahan din siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. And admiration flickered in his eyes right at the moment as he stared at her. At hindi maintindihan ni Zoey ang nararamdaman ng puso niya. Habang sinasalubong kasi niya ang mainit na titig nito ay nag-iba ang t***k ng puso niya. Tumibok iyon ng mabilis na para bang tumakbo siya ng ilang kilometro. Hindi naman niya maintindihan ang puso, para sa kanya ang estranghero pa ito sa kanya dahil kakakilala lang nilang dalawa. Pero ganoon na agad ang nararamdaman ng puso niya para dito na para bang kilalang-kilala na niya ito noon pa.
Ngayong gabi ang sinasabi ni Greyson na engagement party na dadaluhan nila no’ng unang beses siya nitong tinawagan. Kanina nga, tinawagan ulit siya nito para sabihin na susunduin siya nito nang alas siyete ng gabi. Pero six thirty naman ay ready na siya. Ayaw naman kasi niyang paghintayin ito ng matagal. At gusto niya kapah dumating ito sa sinabi nitong oras ay aalis na silang dalawa.
Right now, Zoey was wearing a sexy trap mini dress. Hanggang hita ang haba niyon, showing her white and flawless legs. V-shape din ang likod niyon kaya kita din ang makinis at maputing likod niya. Pinaresan niya iyon ng kulay itim na stilleto. Nakalugay din ang mahabang buhok niya. Kinulot lang niya iyon sa bandang dulo. At naka-light make up lang din siya. Hindi naman na niya kailangan ng heavy make-up dahil natural naman na mamula-mula ang labi at ang pisngi niya.
“Good evening, Zoey.” he greet her in a deep and baritone voice. Damn! Pero nakakanginig ng tuhod ang baritonong boses nito. Para siyang nakikinig sa isang malamyos na musika.
“Good evening, Greyson,” bati din niya rito na may bahagyang ngiti sa labi.
Greyson smiled at her. At hindi niya mapigilan ang mapatitig sa mukha nito. “So, let’s go?” Mayamaya ay yakag na nito sa kanya. Inangkala din nito ang braso sa harap niya.
Nakangiting tumango naman si Zoey. At bago siya humawak sa braso nito ay isinarado muna niya ang pinto ng condo niya. Pagkatapos niyon ay naglakad na silang dalawa paalis.
Hindi naman nagtagal ay nasa tapat na sila ng isang magarang sasakyan. Kung hindi nagkakamali si Zoey ay latest model iyon ng Audi. And it worth millions. Wow! Halatang napakayaman nito.
He opened the door for her. “Hop in,” sabi nito sa kanya. Inalalayan pa siya ni Greyson na makasakay sa kotse nito. What a perfect gentleman.
Pagkatapos ay umibis ito patungo sa driver side. And then, he start the engine.
Mayamaya ay nakarating na rin sila ni Greyson sa isang kilalang hotel kung saan gaganapin ang nasabing engagement party ng kaibigan nito.
Gaya kanina ay pinagbuksan ulit siya ni Greyson ng pinto. Nakahawak pa rin siya sa braso nito no’ng pumasok sila sa loob hotel.
“Greyson, pare!” Salubong ng isang lalaki kay Greyson ng makarating sila sa nasabing venue.
Bumitiw naman si Zoey sa pagkakahawak sa braso nito ng makipag-fist bum ang lumapit na lalaki kay Greyson. “I thought you’re not going to come. Tiyak na magtatampo sa `yo si Luis,” sabi ng lalaki kay Greyson. At ang Luis na tinutukoy ng lalaki ay ang may party.
“I change my mind.” maikling sagot naman ni Greyson sabay kibit balikat. Napansin niya na malamig itong makipag-usap sa iba. Pero iba naman kapag siya ang kausap nito. He was gentle.
Lihim naman siyang napangiti.
Tumawa naman ang lalaking kausap nito. “Buti na lang at nagbago ang isip mo,” sabi nito sa natatawang boses. Mayamaya ay napasulyap sa kanya ang lalaki. Nangislap ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Napansin din niya ang pagbakas ng paghanga sa mukha nito habang titig na titig ito sa kanya. Nailang naman siya sa klase ng titig na ipinagkakaloob nito sa kanya
“Who’s this lovely lady?” Tanong nito kay Greyson habang ang tingin ay nakatutok sa kanya. Hindi niya napigilan ang pamulahan ng pisngi sa sinabi nito.
She was about to say something when she suddenly stop. Greyson possessively wrapped his hand around on her waist and then pull her closer to his body. Her cheeks turn in crimson red on his gesture again. May kakaiba ding naramdaman ang puso niya. Her heart beats erratically again inside her chest.
“Oh, I got the answer,” natatawang wika nito. “By the way, I’m Chris,” mayamaya ay pagpapakilala nito sa kanya. Inilahad din nito ang kamay sa harap niya.
Saglit naman niyang binalingan si Greyson sa kanyang tabi bago niya inabot ang kamay nitong nakalahad sa kanya. “Zoey,” pagpapakilala din niya sa sarili.
“Nice meeting you, Zoey, " nakangiting wika nito matapos silang magkamay na dalawa.
Isang ngiti lang naman ang isinagot niya rito. Mayamaya ay nagpaalam na sa kanila si Chris, may nakita daw itong pamilyar na mukha kaya lalapitan lang daw nito para kamustahin din.
Pagkaalis nito ay may lumapit sa kanilang isang waiter. In-offer-an sila nito ng alak. Kumuha naman si Greyson ng dalawang wine glass na nakapatong sa tray. Inabot nito sa kanya ang isa. “Thank you,” pasasalamat niya rito ng mag-angat siya ng tingin patungo sa mukha nito.
“Ako dapat ang magpasalamat sa `yo,” sabi sa kanya ni Greyson.
Hindi naman niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay. “Magpasalamat? Para naman saan?” tanong niya dito, wala naman siyang ginawa para pasalamatan siya nito
“Sa pagpayag mo na sumama sa akin.” sagot nito habang titig na titig sa kanya. “Kahit na kakakilala lang natin,” dagdag pa na wika nito.
She smiled at him. “Pumayag ako na sumama sa `yo dahil...” nag-isip siya ng sasabihin rito. “You look harmless naman, eh,” pagpapatuloy na wika niya ng makaisip siya ng sasabihin.
Napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi ni Greyson tanda ng pag-ngiti. And he look so handsome again“I’m look like harmless to you, ha.” balik tanong nito.
Kumibot-kibot naman ang labi niya. Pagkatapos niyon ay tumango-tango din siya. “Yeah,” sabi niya. Iyon naman talaga ang first impression niya kay Greyson. He’s harmless and he’s a gentleman. Iyong bang tipong, hindi nito kayang manakit. Iyong isang tingin lang ay mapagkakatiwalaan mo na agad ito. Hindi dahik may hitsura ito, pero iyon ang nararamdaman niya.
Napansin ni Zoey ang ngisi sa labi ni Greyson bago ito uminom sa hawak nitong wine glass.
Nagkibit-balikat lang naman si Zoey bago din siya uminom sa hawak din niyangwine glass.
“Greyson.” Bahagyang kumunot ang noo ni Zoey ng marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ng lalaki. “You’re here din pala,” dagdag pa na wika ng babae.
Lalong kununot naman ang noo ni Zoey nang makita at makilala niya ang babaeng nagsalita at lumapit sa kanila.
“Yes,” maikling sagot naman ni Greyson rito.
“It’s good to—Zoey?” gulat na wika nito ng mapadako ang tingin nito sa kanya. Napansin din niya ang panlalaki ng mga mata nito
“Monica,” banggit naman niya sa pangalan nito. Hindi niya inaasahan na makikita din niya ang stepsister do'n. Mukhang kakilala din nito ang may party kung bakit ito naroon o hindi kaya ay sinama din ito gaya niya.
Mayamaya ay napalitan ang ekspresyon ng mukha nito. Kumunot na din ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
“What are you doing here?” Tanong nito habang hindi inaalis ang titig sa kanya.
Bubuka sana ang bibig niya para sagutin ito ng mapahinto siya ng sumagot si Greyson para sa kanya. “She’s with me,” sagot nito kay Monica.
Napansin na naman niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata ni Monica ng tumingin ito kay Greyson.
“S-she’s...with you?” Gulat na tanong ni Monica.
“Yes. Zoey is my date.” Sagot nito sa tanong ni Monica. Pagkatapos niyon ay tumingin ang lalaki sa kanya. “You know Monica, Zoey?” Tanong nito sa kanya, mababaka do'n ang kuryusidad. Hindi siguro nito inaasahan na may kakilala din siya do'n bukod dito.
Tumango naman siya. “She’s my sister.” sagot niya rito dahilan para kumunot ang noo nito.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumingkayad siya para bumulong sa tainga nito. Bahagya naman itong yumuko sa kanya. “Stepsister actually,” dagdag na wika niya.
At nang mapadako ang tingin ni Zoey kay Monica ay nakita niyang nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
Nagkibit-balikat lang naman siya. Mukhang ayaw nitong nando'n din siya.