IBINAGSAK ni Zoey ang sarili sa sofa ng apartment na tinutuluyan sa Singapore ng makapasok siya sa loob. Pagkatapos niyon ay inilapag niya ang shoulder bag na hawak sa ibabaw ng sofa. Pakiramdam niya sa sandaling iyon ay pagod na pagod siya kahit na wala naman siyang gaanong ginawa sa hotel. Her mind was exhausted. Siguro dahil sa kakaisip niya kung bakit pakiramdam niya ay exhausted siya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay isinandal niya ang likod sa headrest ng sofa at saka niya ipinikit ang mga mata. Isang linggo na ang lumipas matapos ang bakasyon ni Zoey sa Pilipinas. And now she was back in Singapore and she’s back for work. Sa totoo lang ay may dalawang araw pang natitira sa bakasyon niya sa Pilipinas pero pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Gr