CHAPTER 05
THE MAN WHO BREAKS MY HEART
Dapat maganda ang umaga ko pero dahil nakita ko na naman ang pagmumukha niya na nakangisi ngayon habang papalapit ako sa upuan ay umagang-umaga pa lang ay sira na ang mundo ko.
Yes… mundo ko mismo.
"Tingin-tingin mo dyan?" tanong ko habang nakataas ang kilay ko.
"Bawal na bang tumingin sa magandang dilag?" balik na tanong n'ya sa akin.
"Ikaw ha, may atraso ka pa sa akin!" giit ko.
"Whoaa… ano naman yon at baka ikaw ang may atraso sa akin?
"Ako? Anong ginawa mo sa akin kahapon, ha? You kissed me and… and?" Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nagsisi pasukan na ang mga kaklase namin sa loob ng classroom.
"And what binibining, Corpez?" ngiting-aso niya na tanong.
Hindi ko na naman masabi sa kanya ang sasabihin ko dahil may professor na kami ngayon para magsimula ang klase. Kaya hindi ko na muna siya aawayin at baka ilandakan niya sa buong klase at marami pang nakarinig na hinalikan niya ako.
Hanggang ngayon hindi pa rin maalis-alis sa utak ko na hinalikan niya ako kahapon, hindi lang isang beses nangyari dahil inulit niya, gago talaga tong kumag na ito na nasa harapan ko lang nakaupo. Ang sarap sabunutan yang buhok niyang emo style ang dating, akala niya siguro bagay siya sa buhok na yan. May pa bandana pang nalalaman.
Ano siya si Dao Ming So?
Habang nagsusulat ako ay may kamay na bigla na lang napunta kung saan ako nagsusulat sa may desk kaya tuloy nagkaroon ng line ang papel ko. Matalim ko siyang binalingan kahit nakatalikod ito sa akin.
Ano naman itong binigay niya sa akin na nakalukot ang papel?
Binuksan ko ito at binasa.
Ang sarap pala ng mga labi mo. Pwede ba kitang ligawan?
"No way!"
"Yes, Miss Corpez? Why you said, no?" tanong ng professor namin.
"Po?" bigla akong tumayo dahil sa tawag ni sir Domaso sa akin.
Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Bakit no way ang sagot mo sa topic natin ngayon?"
"Po? Ano..ahmm…I mean.. ano po sir. A-ano po pala topic natin sir?" kanina bungisngis lang ang pagtawa nila pero ngayon malakas pa sa bagyo ang mga tawa ng mga kaklase ko at para hindi mapahiya ay ngumisi rin ako.
"Seems like nasa ibang destination ang utak natin ngayon, Miss Corpez. Anyone? Of course about sa topic natin kanina."
Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan na nangyari ngayong umaga. Imagine umaga pa lang.
At ang may kasalanan sa lahat ng kamalasan ko ngayon, simula pa yata kahapon ay ang taong nasa harapan ko lang at nakatalikod.
Agad niyang inangat ang ulo niya habang nakatayo pa ako sa may likuran ng kumag na ito. Nakatingala siya habang ako ay nakadungaw. Tinaasan ko siya ng kilay, ganun din ang ginawa niya habang nakangisi, samantalang ako ay nakabusangot.
Dahil hindi na nakatingin ang guro namin kaya pinikot ko ang matangos niyang ilong.
"Ouch! Mapanakit ka ganda!" tawa n'ya.
"Eh sa kumag kang gag–"
"Ryker Sullivaño and Aubree Corpez! Kung naghaharutan lang kayong dalawa sa klase ko then the door is open." hindi ko na talaga alam kung saan ako tatago dahil sa kahihiyan.
"Sorry sir!" sabay namin na sabi. Napailing na lang ang titser at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Dahil sunod-sunod na ang kahihiyan ang nangyari sa akin ngayong umaga at ang dahilan lang nito ay si Sullivaño na 'to. Sinisi ko talaga lahat sa kanya kaya hindi ko na siya kinakausap pa hanggang maglunch na kami.
"Nakakaloka ka kanina bruha, anong nangyari sayo at lutang ang utak natin?" tanong ni Rowela sa akin habang nasa canteen kami ngayon at kumakain ng tanghalian. Nasa pinaka dulo kami nakaupo o 'yong hindi na masyadong napupuntahan ng mga ibang estudyante.
Kahit na alam kong hindi naman alam ng ibang estudyante kung ano ang nangyari sa akin kanina pero everytime na lumilingon sila sa gawi ko ay pakiramdam ko, pinagtawanan nila ako tulad kanina sa room.
Hinanap ko sa mga estudyante ang mukha ng kumag na yon at mabuti na lang at wala siya sa canteen o hindi yata sila kasama ang mga gangs nya kumain dito.
Nung may naghanap sa kanya kahapon ay sino kaya ang mga 'yon? Saang department kaya sila at pinaghahanap si Ryker. Hmm… may nagawa kaya siyang kasalanan? Hindi kaya…
Pero bago pa ako nakatayo sa inupuan ko para hanapin siya ay ang pagpasok ng mga gangs na pinamunuan ni Ryker sa loob ng canteen.
"Omg, nandyan na sila," anunsyo ni Cora na may crush sa kumag na yan. Binalik ko ang tingin sa kanila na kung saan kinausap ng kasamahan niya ang estudyante na nakaupo medyo malayo sa amin. Hindi ko na sana papansinin pero hindi ko lang nagustuhan ang pinapakita nila.
Hinawakan ni Rolando, kaklase namin ang kwelyo ng estudyante at walang pasabing sinuntok sa mukha kaya nagtilian ang mga estudyante na malapit sa kanila.
Bigla yatang umusok itong ilong ko sa nakikita lalo at ang kumag na naman ang aamba na gustong sumuntok.
"Hoy bruha! Saan ka pupunta?"
"Sandali lang, may titirisin lang ako na lamok," ani ko at umalis na sa lamesa kung nasaan kami.
Susuntukin na sana ni Ryker ang estudyante pero agad akong humarang sa harapan niya.
Sobrang bilis ng takbo ng puso ko dahil akala ko babagsak na ang kamao niya sa mukha ko knowing na malakas itong sumuntok.
"Anong ginagawa nyo ha! Wala na ba kayong ibang magagawa na kahit ibang estudyante ay pinapatulan niyo?" bulyaw ko sa kanilang lima. Tatlong kaklase namin at ang dalawa ay nasa ibang kurso. "Malapit na tayong tumuntong sa stage para makatanggap ng diploma tapos kayo, basag-bolero pa rin ang laman ng utak niyo!" saad ko at wala ng pakialam sa mga nakakarinig dahil totoo naman talaga.
Tumayo ng tuwid si Ryker at matalim ang tingin sa akin. "Why? Alam mo ba ang nangyayari, binibining Corpez?" tanong niya habang nakapamewang.
"Ano?"
"Tsk. Bago ka muna makialam ay inalam mo muna kung bakit namin sila pinarusahan ng ganyan," naniningkit ang mga mata ko na nakatitig sa kanya.
"Well… kung may mali man siyang ginawa sa inyo bakit hindi mo na lang pina guidance office? Bakit kailangan pa na ipakita nyo pa ang mga katarantaduhan nyo ha!" pero ang gago tinawanan lang ang sinabi ko.
Naputol lang ang pagtawa niya na may sumulpot na guro sa gawi namin.
"Ryker, Corpez and the rest of you who are involved sa kaguluhan dito sa canteen ay pumunta ng guidance office," napapikit na lang ako dahil sa narinig. Nasama pa ako.
Bakit pa ba ako sumali sa kaguluhan na to? Baka akala na lang sa mga nakakita na kasama ako sa mga nakipag-away, hays. Malas yata ako ngayong araw sa school.
Pagkarating namin sa guidance office ay kanya-kanya na kaming tanong at explain kung anong nangyari and then ako naman ay wala namang maraming sinasabi dahil ipinagtanggol ko lang ang estudyante na sinuntok kanina.
Dahil narinig nila ang side ko kaya pinauna na akong pinalabas ng office at naiwan sila na involved kanina. "Hay naku kailan pa kaya maging matino itong mga estudyante na ito. Magtatapos na lang sila sa paaralan na ito, may iniwan pang hindi magandang imahe–"
"Well, tama ka diyan."
"Kaya nga, di ba tama ak–ahh ako." s**t lang. Bakit hindi ko namalayan na narito sa harapan ko ang crush ko na si Sebastian paglabas ko ng pinto. "H-hi! Kanina ka pa diyan?" nauutal ko na tanong. Si Sebastian ang kaklase ko noong highschool na crush ko pero hindi niya alam at noong nag college na kami ay ibang kurso ang kinuha niya, ako kasi tungkol sa business at siya naman ay engineer.
"Nope, I guess nasa nine minutes pa lang. Nadiyan pa rin ba sila sa loob?" Tukoy niya sa mga nasa office faculty na estudyante especially sa kumag na yon, si Ryker na kaibigan niya. Magbabarkada sila noong high school pa kami pero same kami na kinuha ni Ryker na kurso.
"Oo–" sagot ko at saka naman bumukas ang pinto. Hindi pa ba tapos ang away nila at matalim makatingin itong lalaki sa akin? Sa akin nga?
"Ano na naman yang kaguluhan pare at na guidance office ka?" narinig kong tanong ni Sebastian sa kumag.
"Tsk. Wala lang yon! Let's go!" hindi ko alam kung bakit hindi pa ako umalis sa harapan nila. Hindi naman ako kasali.
"What are you doing there? May balak ka pang pumasok sa loob at magsumbong tungkol sa akin?" tanong niya sa akin. Yeah.. sa akin nga.
"Hindi ah! Kapal ng mukha nito. Masyadong advanced."
Sumunod ako sa kanila dahil pinapasunod ako. Hindi pa nakuntento ang kumag at tumigil pa talaga siya sa paglalakad at kinuha ang kamay ko.
"What? Bitawan mo nga?" ani ko.
"Kakain pa tayo?"
"What? Hindi ako buso–" naputol ang sasabihin ko na hindi ako busog na biglang tumunog ang tiyan ko. Langya lang, parang sinasabi ng tiyan ko na hindi wag akong sinungaling. "I guess so, gutom pa ang mga bituka ko. Bitawan mo nga ako," ani ko pero ayaw talaga. Mas hinawakan niya pa ako lalo. Nakakahiya sa crush ko na si Sebastian na mas nauna lang sa aming dalawa maglakad.
"Bitawan mo nga! Susunod naman talaga ako sa canteen dahil andun ang bag ko." Inis ko na sabi habang pumipiglas pa rin sa pagkahawak sa kanya. Nakukuryente ako eh.
"Sali naman ako," saad ni Sebastian at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Sa kabila naman si Ryker, pinagitnaan nila ako habang naglalakad kami patungo sa canteen.
The heck.
High school days lang.