CHAPTER 04
THE MAN WHO BREAKS MY HEART
"Mama! Papa! Aalis na po ako! Nandito na po ang sundo ko!" sigaw ko sa likod bahay. Nasa labas kasi si mama at naglalaba habang si papa naman ay naliligo sa poso dahil aalis siya para pumunta ng trabaho.
Isang magsasaka si papa ng palayan na pagmamay-ari ng mga Sullivaño na kung saan sila ang pinaka mayaman na pamilya dito sa baryo namin sa Davao.
"Sige anak! Mag-ingat ka. Nariyan na ba si Rowela?" Tukoy niya sa kaibigan ko at kaklase.
"Opo, mama. Naghihintay na lang po sa tricycle at hindi na bumaba, tinamad ang bruha!" sagot ko at natawa si mama dahil sa tawag ko sa aking kaibigan.
"Sige ingat, umuwi ng maaga!" pahabol pa ni papa habang naglalakad na ako patungo sa tricycle hindi kalayuan kung saan ang bahay namin.
"Hello, bruha!" tawag ng kaibigan ko habang kumakaway pa ito sa akin. Pati tatay niya na tricycle driver ay natatawa lagi kapag ganito ang tawagan namin ng kaklase ko.
Ganito ang routine namin every morning na dinadaanan nila ako sa bahay para sabay na kami ni Rowela na pumunta ng school at maaga pa lang nasa biyahe na kami dahil medyo malayo ang university na pinapasukan namin.
"Okay na ba ang project natin o need pa nating I double check?" tanong niya sa akin pagkaupo ko sa tricycle.
Tiningnan ko ang hawak ko na envelope na naroon ang projects na ipapasa namin mamaya kay professor. "Yes, okay na ito. Pero double check na lang natin baka mamaya hindi ko pala nailista ang pangalan mo." natatawa kong sabi kaya nakatikim ako ng hampas sa braso.
"Bruha ka talaga, pababain kita dyan. Nagsayang din kaya ako ng eyebags sa project na yan." aniya na nanggigigil na naman sa pisngi ko. Sinestretch ba naman.
"Nandito ka na nga, klarong-klaro ang pangalan mo kaya 'wag kang ano diyan," sambit ko. Nagkukwentuhan muna kami habang nasa biyahe at ilang minuto na lang ay makakarating na rin sa University kung saan kami nag-aaral.
Pagkatapos naming magpasalamat sa tatay ni Rowela ay sabay kaming pumasok sa gate. Kaklase ko siya simula highschool hanggang ngayon, the same din sa akin ang kinuha niya na kurso, gusto niya ring ma experience yung pagiging secretary in the future same as mine at talagang magkasama kaming dalawa. Walang iwanan kung sa baga.
"Balita ko may laro mamaya ang taga engineering students, ano pupunta tayo mamaya sa gym bago umuwi?" tanong ni Rowela sa akin.
Nag-iisip pa ako kung pupunta ba ako pero dahil for sure naroon ang crush ko na si Sebastian ay, "oo ba! Ipaalala mo lang sa akin at baka makalimutan ko," wika ko sa kanya at ang bruha makatingin sa akin parang nakagawa ako ng crime of the scene.
"Sige na nga, pasalamat ka at ang cute mo kapag naglambing," natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan banda naman ako cute.
Habang naglalakad kami patungo sa loob ng room ay kamuntikan na akong matalisod dahil hinarang na naman ang sapatos ng kumag na ito kung saan ako tutungo.
I flipped my hair bago ko siya hinarap habang ang kumag na ito ay ang tamad kung makaupo sa ayos niya na yan.
"Kung hindi mo tanggalin yan, ilalagari ko yang mga paa mo!" bulyaw ko sa kanya habang may libro ako na yakap.
Tumaas lang ang kanyang kanang kilay at labi na nagpipigil matawa. Aba akala siguro nag jojoke lang ako sa lagari na yan, sige lang.
"Ayoko nga…''
" Ahh ganun–"
"Ouch, ouch! Yeah! Mapanakit ka ha!"
" Eh, sa wala akong lagari! Kaya ayan na lang muna ang para sayo. Tse.. " irap ko. Paano ba naman kasi sinipa ko ang paa niyang nakaharang sa daan. Magsasalita pa sana siya pero dahil dumating na ang titser namin ay na tahimik siya pero ang talim makatingin sa akin sa likuran dahil doon ako nakaupo. Paki ko sayong Ryker ka. Bagay yan sa sa'yo na playboy at badboy dito sa campus na ito. Akala mo lang ha.
Pinasa muna namin ang project na pinagawa ng titser sa amin at ngayong umaga may long quest na naman ang professor, ngayong malapit na kaming mag graduate ay marami ng pinapagawa ang titser namin. Hindi kami magkatabi ni Rowela kasi nasa kabilang side siya umupo, yung tipong nasa harapan mismo.
Samantalang ako, mas gusto ko dito sa likuran nakaupo pero yun nga lang may kaklase ako dito na ayaw kong makita ang mukha na kahit paglanghap ng kanyang pabango ay ayoko sa kanya walang iba si Ryker Matt Sullivaño. Binansagang playboy at bad boy at the same time, paano kaya yon?
Playboy siya sa ibang babae at bad boy siya sa mga lalaki ganun ba 'yon, parehong business ang kinuha namin ni Rowela at ganun din ang lalaking ito.
(Pay me for this, Corpuz)
Basa ko sa papel na nilukot niya at lihim na inabot sa akin. Imbes na lukutin ay sinulatan ko rin ng bagong notes ang papel at ibinigay sa kanya. Nilingon niya ako pagkatapos at nakatitig sa mukha ko especially sa aking mga labi. Mas tinaasan ko lang siya ng kilay. Bakit ba nakasulat lang naman sa papel ay in your dreams, 100 sampal gusto mo? Ewan ko ba at ayoko talagang magpa paapi lalo sa lalaking ito.
Kahit ang mga magulang niya pa ang may-ari ng mga palayan sa amin kung saan nagtatrabaho si papa ay wala talaga akong paki sa lalaking ito na matutulog na naman habang naglelecture ang professor.
Kaya agad humaba ang kamay ko para iangat ang ulo niya para hindi matulog.
Kaya natawa siya at napalingon ang professor sa amin.
''May nakakatawa ba sa lesson natin ngayon Sullivaño?" tanong ng guro sa kanya. Agad akong umupo ng tuwid at nagkunwari na nagsusulat.
"No sir–" sagot niya. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin kahit alam kong panay silip niya sa akin. Magsawa ka sa beauty ko, loko ka.
Maaga pa lang pero babad na ang utak namin sa kaalaman, ilang buwan na lang at makatungtong din kami o ako ng stage para abutin ang diploma sa pagtatapos ng pag-aaral. Ito ay nagawa ko dahil sa tulong ng mga magulang ko sa akin. Kung hindi marahil sa kanila ay hindi ko narating itong pag-aaral ng kolehiyo at balang araw ay magiging businesswoman din ako at itaguyod ko ang mga magulang ko sa kahirapan, pangako ko yan sa sarili ko, matagal na.
Hanggang sa lunch ay magkasama kami ni Rowela sa canteen at iba pang mga kaklase.
"Bago matapos ang graduation natin, dapat may farewell party tayo." suggestion ni Marissa.
"Oo ba! Tayo lang ba? Dapat lahat ng ka batch natin kasama ang mga ibang courses ay invited para mas masaya." ani naman ni Sandra.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil wala naman akong sasabihin, sumusunod lang ako sa mga plano nila at game naman akong pumunta kung sakali saan man yan.
Hanggang natapos ang lunch ay hindi pa rin sila tapos na magmungkahi o magplano kung saan ba ang farewell party na yan hanggang naka rescheduled na naman ang meeting na yan dahil why not na umpisahan na nilang planuhin kaya tatapusin na din lalo at excited naman ang lahat kasama na ako, for sure naman papayagan ako ng mga magulang ko dahil last na namin ito sa college at hindi namin alam kung magkikita pa ba kami nito after ng graduation.
Sa susunod namin na klase sa hapon ay smooth lang ang pagtuturo ng professor namin. Hanggang masaya ang lahat na walang quest na mangyari pero bukas daw ay tatadtarin kami ng maraming long test na ika reklamo ng karamihan, pero ako.. ito nasa sulok lang at matalim na naman ang tingin ko sa lalaking nakaharap sa akin nakatingin. Iniisip nito?
"Maganda ako kaya tama na ang paninitig!" dahil sa sinabi ko ay napalakas ang pagtawa niya kaya nagtaka ang professor bago lumabas ng room at ibang mga kaklase namin. Langya talaga itong lalaking ito nakakainis.
Ginawa lang comedy itong sinasabi ko sa kanya. Nakakainis talaga.
"Bilis at nasa pinakamataas na naman tayo nito makaupo sa bleacher dahil sa bagal mong kumilos!" pagmamadali ko kay Rowela na nagbibihis ng kanyang uniform.
Wala ng pasok at manonood kami ngayon ng larong basketball sa gym ng school namin.
"Sus! Ang sabihin mo ay mahuhuli ka na para makita si Sebastian na crush mo, wag ako girl. Minsan style mo walang kabago-bago, ouch—" marami pang sinabi kaya hinampas ko tuloy sa balikat.
"Basta bilisan mo diyan, wag ng magsalita na kung ano pa at same lang naman tayo kung bakit pupunta tayo ng gym ngayon, wag akong bruha ka!" ani ko at tumawa lamang ang kaibigan. Aside sa akin na patay na patay kay Sebastian ay itong kaibigan ko rin ay crush niya daw yung kamahan ni Sebastian sa basketball at kaklase.
Pagkarating sa gym ay may humihiyaw na ng mga estudyante dahil may mga players na naroon na at nag-eensayo. Wala lang…I mean.. papawis lang daw kaya sila mag babasketball bago umuwi, ay hindi pala may competition pala sila sa ibang school kaya ito kahit magaling naman sila ay gusto pa rin nilang matoto.
"Go Raul! Ang pogi mo! I love you!" sigaw ni Rowela. Ay aba hindi rin ako nagpahuli.
"Go Sebastian!" sigaw ko. Hindi ko na dinagdagan, sasabihin ko na lang sa personal ang totoong sabihin ko sa kanya na crush ko siya.
Ang kalaban nila ay mga taga Agriculture hanggang kalaunan nanalo ang team ng crush ko kaya mas nag-ingay pa kaming mga estudyante na nanood at ng kaibigan ko. Kami lang talaga ang maingay at nasanay naman sila sa amin. Lalo at napadaan lang sa gym ay mga first or third year students na gustong manood, yung iba ay nagpahinga lang bago umuwi.
Nagpaalam ako kay Rowela para pumunta ng girls toilet. Naiihi na ako sa kakasigaw simula hanggang 4th quarter ba naman ang laro at pagsisigaw ko eh. Hindi pa tapos pero bathroom is life kung hindi sasabog itong fallopian tube ko.
Himala na at walang katao-tao ang cr dito sa gym banda. Pumasok ako sa loob at naghanap ng malinis na cubicle.
"Salamat!" sambit ko sa sarili ko dahil sa wakas.
Naghugas ng kamay sa gripo at inayos muna ang buhok ko sa harapan ng salamin, kinuha ko sa bag ko ang lipstick na konting kembot na lang ay mauubos ko na at mag-iipon na naman ako ng pera para makabili ulit nitong lipstick. Though may naipon na ako dahil sa allowance na binibigay ng mga magulang ko sa akin pero magdagdag ulit ako para makabili rin ng pang-eyebrow at face powder, kasi you know dalaga na si Aubree Lynn Corpez.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lalabas na ako ng cr pero nagulat na lang ako bigla na may humawak sa akin at pinabalik ako sa loob ng cr at dinala sa cubicle na walang katao-tao.
The heck…
"Sshhh…"
Sisigaw na sana ako kung sinong manyak itong bigla na lang humablot sa akin at ng malaman ko kung sino siya ay nagtataka ako.
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko. "At bakit mo ako dinala rito, don't say may gagawin kang masama sa akin waasksksnsks—" bigla niyang tinakpan ang bibig ko kaya nakagat ko ang palad niya.
"f**k! What the–" magsasalita na sana ako pero may bigla na lang pumasok sa loob ng cr.
"Nasaan na yung gago na yon? Kailangan nating mahanap si Ryker! Ngayon na agad!" rinig kong may nagsasalita sa labas ng cr.
Sasabihin ko na sanang nandito siya na agad naman akong hinawakan sa batok ni Ryker at inilapit ang mukha ko sa kanya at walang pasabing sinakop ang mga labi ko.
Sa sobrang gulat hindi man lang nakapikit ang mga mata ko at nakatitig lamang sa kanya na titig na titig din sa akin habang magkadikit pa rin ang mga labi namin.
"Oo! dapat natin siyang makita para ibigay kay bossing at para bugbugin. Pero parang wala yata dito… halika na sa labas mga pare at baka mapagalitan pa tayo ng mga girls kung maabutan nila tayo dito." saad ng isang tauhan na nag-uusap sa labas.
Pagkalabas ng mga lalaki ay saka pa lumayo sa akin si Ryker, ramdam ko pa rin ang malambot niyang mga labi sa labi ko, labi ko? No.. no.. way..ang..oh no…my virgin lips!
"You!"
"What, fuc—" isang malakas na suntok ang ginawad ko sa kanya.