CHAPTER 06

2047 Words
CHAPTER 06 THE MAN WHO BREAKS MY HEART "Anak may naghahanap ng trabaho sa Maynila. Doon sa kakilala ko. Pwede kitang I recommend doon lalo at kakilala ko naman ang may-ari," mungkahi ni mama. Naghahanda kami ng pagkain ng lunch para dalhin ko kay papa sa palayan. Kapag walang pasok ay ako ang nagdadala ng pagkain sa kanya. Pwede naman magbaon ng pagkain si papa pero minsan gusto niyang laging mainit ang kanin kapag kumakain kahit malamig yung ulam. Carry lang. Basta 'wag lang daw puro malamig. "Try ko po mama, may nag-alok din po sa akin ng trabaho yung ang kaklase ko po, isang kompanya sa Maynila bilang secretary. Tingnan ko po kung saan sa kanila maganda ang benepisyo at doon po ako mag-aapply," saad ko. Nilagay ko na ang adobong manok sa tupperware at pritong isda habang si mama naman ay inaasikaso ang basket na paglalagyan ng mga pagkain. Plano ko na rin na doon kumain at sumabay kay papa at si mama naman ay maiiwan sa bahay. "Mabuti naman na hindi kana mahihirapan niyan maghanap ng trabaho dahil sila na mismo ang nag-alok sayo, at ang tanging gawin mo na lang ay ang mag-apply at gawin ng maayos ang trabaho kapag natanggap ka," natuwa naman ako dahil sa sinabi ni mama which is true, hindi na ako mahihirapan na maghanap at kusa na ang trabaho ang lumalapit sa akin. "Kaya po mama! Kaya maraming salamat po sa inyo ni papa dahil po sa inyo kaya narating ko po itong kurso na meron ako at tada malapit ko na pong makuha ang diploma ko." pagmamalaki ko at sobrang excited na sa araw na hinihintay namin. "Anak! Wala talaga kami na maibigay ng papa mo ng ibang bagay o maiiwan sa'yo kundi ang pag-aaral mo. Hindi kami namimilit kung mag-aaral ka na ba o hindi pero dahil gusto mo kaya kami nagsusumikap para sayo at lagi lang kaming gumagabay kapag kailangan mo kami, nandito lang kami palagi ng papa mo. Kapag nakikita mo man kaming nag-aaway ay normal lang yon bilang mag-asawa, wag mo na lang pansinin. Basta ang masasabi ko sa'yo, mahal kita… mahal ka ng papa mo." "Mama-" namumula na ang mga mata ko dahil sa sari-saring emosyon. Niyakap ko ng mahigpit ang mama ko. Ang swerte ko sa mga magulang. Sobrang swerte. "I love, mama!" "Mas mahal kita anak. Sobrang mahal ka ng mama. Na hala… dalhin mo na ito sa papa mo ang mga pagkain at baka gutom na 'yon. Sabihin mo kamo kapag sobrang mainit na ang panahon ay mag pasilong muna," paalala ni mama kaya napangiti rin ako. Love na love talaga ni mama ang papa. "Sige ma… " "Sige…Mag-iingat ka palagi, anak," Tinanggap ko ang nasa basket na inabot ni mama para dalhin kay papa ang pagkain niya. Tiningnan ko ang damit ko at okay naman ang suot ko na v-neck black t-shirt at pajama. Nasa twenty minutes ang lalakarin ko para makarating kay papa. Hindi naman sobrang mabigat itong basket kaya ayos lang. Ang palayan na kung saan nagtatrabaho ang mga magulang ko ay pagmamay-ari ng mga Sullivaño. In short yung kumag ko na kaklase na playboy s***h badboy ay ang isa sa tagapagmana ng kanilang malawak na palayan. Walang iba kundi si Ryker Matt Sullivaño. Tsk…bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon, lalo at hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang ginawa niya sa akin. Ang manghalik na lang bigla-bigla. At dahil iniisip ko siya habang naglalakad ako ay papalit ng papalapit din ang imahe niya na kung saan nakasakay ito ng kabayo patungo sa direction ko. Agad akong tumabi dahil dadaan siya at baka mapatid pa ako ng kabayo. Hirap na…gusto ko pang tumuntong sa college bilang pagtatapos, ayoko pang ma dead lang dahil sa hindi ako nakaiwas sa kabayo. "Whoa… whoa…" narinig kong sinabihan niya ang kabayo na huminto. Ewan ko kung tama ang hula ko. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad at baka dito talaga na area na ito ang sadya niya. "Hello binibini! Saan ang punta natin?" "Natin!" Walang pasok ngayon dahil Saturday pero ng makita ko na naman siya ay araw-araw yata akong minamalas. "To the… Jupiter, sasama ka?" "Of course, yeah!" aniya at tumawa. "Baliw! Paano naman namin yon mapupuntahan na kahit ubusin pa niya buong kayamanan nila ay kulang pa rin papuntang ibang planeta lalo kung tatambay ka lang doon ng ilang oras. "I hear you… " "Eh.. di wow.." saad ko at patuloy pa rin sa paglalakad habang siya naman ay nakasakay pa rin sa kanyang kabayo na kulay white at sumusunod sa akin. Babalik lang sa paroroonan? Baliw na 'to. "Ang sungit naman.. meron yata sa'yo, ano?" Huminto ako sa paglalakad at agad ko siyang binalingan at matalim akong tumingin sa kanya. "And so… paano kung sabihin ko sayo na wala pa?" hamon ko. "Wee… patingin… " "Yeah! Ikaw ha! Anong patingin diyan? Hoy…kung meron man akong tao na gusto kong ipakita ito ay walang iba kundi ang crush ko na si Sebastian lamang, kaya 'wag kang ano diyan-" wika ko at bigla niyang tinigil ang kabayo sa pagsunod sa akin. Bahala siya… Nagpatuloy ako sa paglalakad at baka naghihintay na si papa sa kanyang pagkain. "Sumakay ka na!" bigla na lang akong nagulat, na kasunod na naman pala siya. "Wag na, mabigat itong dala ko at baka hindi kayanan ng kabayo,'' concern citizen lang ako. Hayop man sila pero nakaramdam din sila ng pagod at sakit sa katawan lalo kapag maraming nakasakay. "Then ako ang bababa at maglakad at ikaw ang sasakay?" suggestion niya. Konti na lang ay mapa oo na ako lalo't masakit na itong mga paa ko sa kakalakad lalo at medyo lubak itong dinadaanan namin na daan. "Sige na binibini at nakakahiya naman na makita ng karamihan na ako ang nakasakay habang ang tulad mo ay pinapalakad ko lamang," pinagsasabi nito. Kailan pa ito naging makata magsalita. Huminto ako sa paglakad at nag-isip at kalaunan ay pumayag na rin dahil nga masakit na talaga ang mga paa ko. "Paano kung mahulog ako? Alam mo naman na first time kong sumakay ng kabayo," wika ko. "Nandito ako at handa naman kitang saluhin. 'Wag kang mag-alala," aniya. Bumaba siya sa kabayo para mag swap kaming dalawa. Wala akong tiwala sa lalaking ito pero sa ngayon ay magbaba kasakali na lang ako na hindi niya nga ako iiwan na mag-isa at baka bigla na lang tumakbo ang kabayo niya. Baka itapon na lang ako sa mga kakahuyan o di kaya sa bangin. Tsk ano ba itong iniisip ko. "Trust me!" dahil na convince niya ako sa sinasabi niya kaya sige na nga lang. Binaba ko muna ang basket na bitbit at inapak na ang paa sa saddle. Tinulungan niya akong makaakyat at salamat naman ay nagawa ko naman ng maayos. Pero langya na kabayo na ito ayaw tumayo ng tuwid at mas pina bent niya pa ang paa niya sa harapan. Nagkatinginan kami ni Ryker dahil hindi ko pala alam kung para saan 'tong ginagawa ng kabayo niya na si Maro ang pangalan. "I think.. he wants me to join you, Binibini." "Sure ka?" "Yeah, hindi naman ikaila na naiintindihan ko siya kasi na kasama ko na siya simula pagka baby hanggang ngayon kaya alam ko na ito ang gusto niya," pagmamayabang niya. Ah ganun pala 'yon. Yabang din. Masubukan ngang mag-alaga ng ipis sa bahay at ng malaman ko kung effective pa ang pakikiusap sa kanila at maintindihan ako. Para mapabilis at wala ng maraming kwento kaya sumampa rin siya sa kanyang alaga at lokong-loko talaga ay tama nga ang sinabi niya na siya na lang ang hinihintay at ngayon sinimulan na ng kabayo ang maglakad. Ayaw niyang palakarin na mag-isa ang amo niya, awww…so sweet naman nitong kabayo na ito. "Ahhh… Ryker! Baka mahulog tayong dalawa!" sigaw ko habang hawak ng maigi ang bridle para doon kumuha ng suporta. Paano ba kasi medyo na pabilis ng kabayo ang lakad niya. Di kaya sa paghawak ko ng tali niya. Akala niya siguro na minamadali ko siya? At hindi ko alam kung paano huminga ng sabay-sabay dahil sa ginagawa ng lalaking ito sa akin. Nawindang ba naman ang kaluluwa ko ngayon. Pinalupot niya kasi ang isang braso niya sa bewang ko habang nasa kanya pa ang basket na pananghalian namin ni tatay. "Stay and focus ka lang dapat at 'wag kang matakot o maging malikot kung ayaw mong mahulog sa kabayo, at isa pa huwag kang mag-alala, narito nga ako di ba?"' mahinang sabi niya malapit sa aking tenga. "O-o naman, baka lang k-kasi," nauutal ko na sagot. "Hindi ka mahuhulog kailan man sa lupa, dapat mahulog ka lang sa akin. Hindi sa lupa, hindi kahit kanino, got it binibini?" aniya at napaisip ako. Saan aabot ang pinag-usapan namin ngayon? Hindi ko alam kung nag jojoke time ba siya palagi o seryoso ang sinasabi. Tapos ngayon, kapag narinig ko ang mga salitang binitawan niya ay nalilito ako kung para saan ba ang mga iyon. Pinakalma ko ang sarili ko dahil malapit na kami sa palayan kung saan si papa pero dahil naisip ko ang kalagayan naming dalawa at baka ano pa ang masasabi ni papa na sumakay ako sa anak ng amo niya. I mean sa kabayo… "Bababa na ako dito!" "Huh? Why?" "Baka makita ako ni papa na kasama kita at baka tadtadan ako ng mga tanong," paliwanag ko. "Okay! Whoaa.. stop… Maro… " namangha naman ako dahil sa sumunod naman ang kanyang kabayo na huminto. Bumaba si Ryker sa kanyang kabayo at bababa na sana ako pero pinigilan niya ako. "Bakit?" "Bakit sa tingin mo ba hahayaan kang maglakad, samantalang ako ang nakasakay diyan? Ano na lang sasabihin ng papa mo? "Ha? Of course wala silang masasabi kasi normal lang naman yon, dahil amo ka namin. "Tsk.." tanging irap niya. Hindi niya talaga ako pinababa, gina guide niya lang ako paano hawakan ng maayos ang tali ni Maro para hindi kumaripas ng takbo. At si Ryker Matt Sullivaño na anak ng haciendero ay ito…naglalakad at naging alalay ko. What a life? Ang sarap naman sa feeling na ganito na para kang isang prinsesa. "Papa–" sigaw ko kay papa na matanaw ko na siya kasama ang mga kasamahan niya sa trabaho sa ilalim ng malaking puno at may kubo. Kumaway ulit ako habang nakangiti kay papa. "Anak! Kasama mo pala si sir, good noon sir," aniya sa kasama ko pagkarating namin. "Hello po… " si Ryker. Tinulungan niya akong bumaba sa kabayo. He spread his two arms para sa kanya ako kakapit para makababa at sinunod ko naman. Dahil tanghalian na ang dating namin ay kanya-kanya ng inilabas nila ang mga baon nila. "Kumain ka na ba iho? Kung hindi pa ay sabayan mo na kami," alok ng kasamahan nila. Nilapitan ko siya at ibinigay ang paper plate. "Kumakain ka ba ng adobong manok? And isdang pinirito?" tanong ko sa kanya. Hindi naman daw siya sumama sa akin para tingnan ang palayan nila kundi para lang ilakbay ang kanyang alagang kabayo. "Huh? Wag na lang. Sa bahay na lang ako kakain," aniya pero natawa na lang kami pareho na tumunog ang mga bulate niya sa tiyan. Kaya wala na siyang choice kundi ang sumabay na talaga sa akin. "Isa o dalawang buwan ay pwede na itong ma harvest ang mga palayan natin at… " habang kumakain kami ay nagkwentuhan sina papa at Ryker about sa palay lang naman ang topic nila. Habang ako ay kumakain at nakikinig lang sa kanilang nag-uusap. Busy rin ang ibang kasamahan ni papa sa trabaho na kumakain ngayon. Nag shashare kami ng mga ulam dahil sa nakasanayan na rin. Habang nag-uusap pa rin silang dalawa ay panay naman dagdag ko ng pagkain kay Ryker at ganado namang kumain. Akala ko puro lang bulakboy ang ginagawa o alam ng lalaking ito sa school at hindi siya aware sa mga katulad nito na nagka interest na siya about sa palay at ibang business. Good for him at matuwa naman ang mga magulang niya kaysa puro lang away at guidance office ang patutunguhan niya. Pero ganun pa man.. Kahit gaano pa siya kabait ngayon ay hindi ko parin maiwasan na mainis sa kanya. Dahil siya ba naman ang pinakaunang humalik sa akin. Dapat si Sebastian 'yon eh. Hindi si Ryker Matt Sullivaño. Haizt…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD