CHAPTER 03:
THE MAN WHO BREAKS MY HEART
Nasa labas pa lang kami ng bar nakatambay ay maririnig na ang sound system na pinapatugtog sa banda namin.
Pagkatapos magbayad sa driver ay agad na kaming nagtungo muna sa mini mart na katabi lang ng bar para bumili ng candy, at iba pa.
Hindi na kami nag-atubiling magbihis dahil magcecelebrate lang naman kami ng birthday ng kaibigan, tinanggal lang namin ang blazer namin para hindi naman kamalan na magtatrabaho pa talaga kami dito sa bar dis oras na gabi.
Tanging black skirt at white polo long sleeve ang sinuot na lang namin. Kanina ay simpleng make-up lang kami habang nasa trabaho pero ngayon ay dinagdagan ng mga kaibigan ko ang make-up nila para may dating naman, lalo dagdag pampaakit sa mga boys.
Kaya natawa na lang ako sa effort na ginagawa nila, samantalang ako basta alam ko sa sarili ko na normal pa ako ay doon ang paniniwalaan ko.
"Wow! Ang ganda naman pala dito girl, paano mo ito nahanap?" tanong ni Lanie kay Lorna.
"Yung pinsan namin ang nag recommend sa akin nito kaya dito na lang ang naisip ko na lugar na puntahan natin. Same prize lang naman na kung saan kami nagbabar ng kapatid ko na si Annaliza. Yes, Lorna at Annaliza ay magkapatid, twin exactly, pero hindi naman kami nalilito kung sino-sino sila dahil si Annaliza straight ang buhok at Lorna naman ay medyo makulot kaya madali naman silang makilala.
Pareho silang natanggap sa company nung nag-apply sila, administrative assistant at nasa three years na silang naninilbihan. Si Lanie naman at ako ay the same kami na nakapasa sa interview nito lang. Mga mababait naman sila sa akin kaya agad kaming nagkakasundo.
"Omg guys! Guess what?" tili ni Lorna. Siya kasi ang pumunta sa counter para magtanong daw ng drinks, hmm… habang naghihintay kami sa round table na may paikot din na sofa tapos ito na siya pagbalik sa amin na parang nakakita ng artista ang babaeng ito.
"Guess what… " sabay namin na sabi. Bigla nyang binagsak ang katawan niya sa pag-upo sa sofa at kinikilig pa.
"Gagi! Alam niyo ba na magpeperform daw mamaya ang Elizcalde band dito mismo sa bar bandang ten ng gabi hanggang twelve, oh my gosh. Isa sila sa mga favorite ko na banda noong highschool ako, crush na crush ko sila lahat. Omg lang, talaga!" hindi ko alam kung tatawa na ba ako ng malakas dahil sa reaksyon niya na kahit wala pa sa harapan ang iniidolo niya ay ganito na siya kasaya, paano pa kaya kung face to face pa niya mismo itong makita baka mahimatay ito bigla.
"Yes! Timing naman pala ang punta natin dito, best birthday gift ito sa akin dahil mga favorite ko rin sila na banda, sobrang crush ko rin sila nung nag-aaral nga sila ng highschool sobrang gwapo na, what more pa kaya ngayon. Woahh!. Basta makita ko lang sila ay masaya na ako." saad ni Lanie. Dahil sa nakikita ko ngayon ay malabong magkasabay kami nitong makauwi mamaya.
Baka mga ilang shot ay mauuna na ako sa kanila dahil gabi na masyado, baka mamaya may gising pa sa kambal at ayoko naman na dahil sa akin kaya hindi na nasusunod ang sleeping hours nila.
Kwentuhan about sa works, lovelife nila at kung ano pa ang naisip ng mga kasamahan ko habang umiinom ng wine ngayon. Minsan may pa dare dare pang nalalaman at ako naman ay dakilang KJ kaya hindi ako pumapatol sa mga pa games nila, at hindi naman sila namimilit dahil alam nila na may anak na ako . Baka mamaya niyan may nakakilala sa akin at isumbong pa ako sa pamilya ko.
Wala naman problema sa akin kung magsasayaw sa gitna ng dance floor dahil maalam naman ako. Basta huwag lang sa mga dare na yan.
Dahil diyan kasi nasira ang buhay ko, no… hindi pala nasira kundi nagbago lang ang buhay ko. Pero yung pagbabago na yon ay nagbigay sa akin ng tibay ng loob at lakas na kaya ko kahit papano ang mga pagsubok na naranasan ko.
Higit sa lahat ay marahil bless lang ako na may mga magulang ako na mahal na mahal ako, nung akala ko na itatakwil nila ako noong nalaman nila na pinagbubuntis ko ang mga kambal ay bagkos niyakap nila ako ng mahigpit, hindi ko sinabi sa kanila kung sino ang ama dahil ayoko ng mabanggit ang pangalan ng tao na 'yon.
Tinulungan ako ng mga magulang ko na makabangon galing sa pagkadapa ng buhay ko.
Lalo na nung isinilang ko na ang mga kambal ko, mas lalo akong tumibay at naging malakas, mas lalo ko pang naramdaman na kumpleto ulit ako.
Sa bawat ngiti, tawa at haplos ng mga maliliit nila na mga daliri ay umaapaw ang kagalakan ko at pag-asa na gusto ko pang mabuhay para alagaan ang mundo ko. Sina Freya Mae at Maynard.
"Omg! Nandiyan na raw ang Elizcalde band sa private room. Gosh I can't wait na magperform sila sa stage at makita sila ng personal!" mahinang tili ni Lorna. Updated lagi ang bruha ah. Kaya pala hindi mapakali ang mga mata, minsan tumayo pa talaga para makichismiss sa ibang tao na pumupunta dito sa bar na kung saan na ang idolo nila.
Kaya pala may mga staff na busy sa mini stage para sa mga gagamitin ng mga banda na instrumento para mamaya.
Sinilip ko ang oras sa cellphone ko at nine-thirty na ng gabi kaya magpapaalam na ako nito.
Konting inom lang para gising pa ang diwa ko pagkauwi lalo at magcocommute lang ako.
Hanggang…
"Gosh! Times up na talaga ako, mauuna na ako sa inyo," Malungkot ko na sabi, kailangan ko na talagang umalis habang hindi pa magpeperform ang mga banda dahil katulad sa mga ka officemate ko at kaibigan ay mahilig din ako sa banda na Elizcalde. Crush ko pa nga doon si Zyro Dwaye.
"Ahay! Hindi ka na talaga magpapapigil, girl?" tanong sa akin ni Annaliza na ngayon ay kanina pa badtrip dahil hindi raw siya tinatawagan ng nobyo niya.
Ganun din ang dalawa, malungkot ang mga mukha na marinig nila na uuwi na ako. Nginitian ko sila, "'wag kayong mag-alala dahil kung nakapag paalam lang ako sa mga anak ko ng maayos sa susunod ay magtatagal talaga ako hanggang malasing kayo. Okay? Thanks a lot and happy birthday Lanie," saad ko bago hinagkan siya sa pisngi at nagpaalam na kanilang tatlo.
Nag-suggest na sasamahan nila ako sa labas hanggang makasakay ako sa taxi saka pa lang sila papasok sa loob pero hindi nga lang nangyari dahil nung lumabas na ang bandang Elizcalde galing sa dresser room ay, "malaki kana Aubree Lynn kayang-kaya mo na, di ba? Sige day mag-ingat ka sa pag-uwi, okay? Text mo kami kung nakarating kana sa inyo!" medyo malakas na sabi ni Lorna para magkarinigan kami dahil may mga tumitili na na mga fans at itong mga kasamahan ko ay hindi na alam kung ano ang gagawin dahil palipat-lipat na ang mga mata sa stage na kung saan dino-double check ng mga banda ang ang mga instrumento, and yes napangiti na lang ako na sa wakas nakita ko na rin ang crush ko na si Zyro Dwaye pero hanggang dito na lang ang pagsulyap ko sa kanya dahil mas kailangan ako ng mga anak ko.
Nakabusangot kunwari akong nakatingin sa tatlo. Mga kaibigan ko ba talaga ang mga ito?
"Langya kayo ha! Akala ko na naman ihahatid niyo ako kahit dyan lang sa exit. Sige na nga lang, basta mag-enjoy kayo dito at 'wag magpaka lasing at pagkatapos magpatugtog ng banda ay uwi agad, okay? Text niyo rin ako, don't forget," paalala ko sa kanila.
Nag thumbs-up naman ang mga ito at dahil busy na talaga sila na makatingin sa may stage kaya humakbang na ako palayo sa kanila.
Bago ako dumaan sa exit ay pumunta muna ako ng restroom. Para naman pag-uwi ng bahay hindi naman ako sobrang mabaho, at baka may gising pa ang isa sa mga anak ko at masermunan pa ako.
At ng makuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng restroom.
Sa tingin ko limang minuto na akong naghihintay ng taxi dito sa kinatatayuan ko sa labas ng bar. Kung may taxi man ay may pasahero naman o may nakauna sa akin.
Oh no… mga alien sa kalawakan pasundo naman ako dito. Hays bahit ibang nilalang ang nasa isip ko, medyo nahihilo na ako dahil nakainom ako kanina pero konti lang naman yon, sa tingin ko kaya ko pa naman. Sana nga.
Galing dito sa labas ay maririnig na ang mga banda na nagsimula ng magpatugtog. May mga tao pa rin mapa babae o lalaki na lumalabas o pumapasok sa bar. Kaya hindi naman ako natatakot.
May paparating na isang taxi sa gawi ko kaya agad ko itong pinara. Mabuti na lang at naka jackpot ako, bumaba lang ang pasahero at ako naman ang sasakay.
Binuksan ko ang pinto at dinungaw muna ang driver para magtanong at baka hindi ako ihahatid doon mismo sa kalye namin, sinabi ko sa kanya ang address at dahil doon ang ruta niya kaya sasakay na ako. Buti na lang.
"Nagmamadali ka? Nasa labas na nga ako ng bar, gago, sorry–" saad ng lalaki, timing kasi na pagtayo ko ng tuwid pagkatapos kausapin si kuya driver ay may naglalakad din na kuya sa gawi ko kaya nakabanggan kami habang nakatalikod ako.
Hindi ko na lang pinansin at agad pumasok sa loob ng sasakyan pero natigilan ako ng naging familiar ang kanyang boses, bigla akong kinabahan. Tumalikod ako para makita sa likuran ko kung tama ba ako pero wala ng tao sa labas kung saan ang taxi nakaparada.
"Okay na po ma'am?" tanong ni kuya. Ngumiti ako at nagsabi na rin na okay na.
Habang nasa byahe ay pinilig ko ang ulo ko, no… baka same voice lang or baka dahil naisip ko lang siya kanina kaya kung ano-ano na lang na ang naririnig ko gaya na lang ngayon.
Nakaraan na siya at wala na siya dapat sa kasalukuyan.
Pagkarating ko sa bahay ay laking pasasalamat ko na tulog na ang mga bata, para naman makapag ligo muna ako bago tabihan sila sa pagtulog. Nagising lang si mama at papa nung dumating ako. Nagmano ako sa kanila at nagpasalamat saka pa ako pumanhik sa banyo namin.
"Thank you mama! Pretty na po si Freya!" ngumiti ako habang nakatitig sa anak ko na kakatapos ko lang bihisan.
"Walang anuman po," sabi ko at hinalikan nila ako sa pisngi. "Puntahan niyo na sina lolo at lola kung ready na ba sila, ligpit ko lang itong mga gamit. Okay?" sabi ko.
With her light purple bag and lavender dress short sleeve habang ang buhok niya ay ginawa kong buns ang style like mine at ganun na rin ang color ng dress ko na may white pero may purple pa rin, and also to Maynard na purple polo shirt and pants na bagay na bagay sa kanya.
I'll make sure na everytime na bibili ako ng mga damit ay terno ang binibili ko. Pupunta kami ng moa kasama ang mga magulang ko at doon na rin kakain ng lunch.
Nag-eenjoy ang mga bata na kahit ang laki ng mall ng moa ay hindi sila nag pakarga sa amin dahil big na daw sila pareho kaya napangiti na lang ako, so cute.
Kahit ang ibang tao ay hindi mapigilan na bumaling sa amin lalo na sa mga bata, nasisiyahan kung gaano sila masigla at masaya na makapag pasyal ulit kasama kaming mga nagmamahal sa kanila.
"Wait lang po kuya ha! Kukunin ko lang po sa isang store yung naiwan namin na pinamili, sayang naman." pakiusap ko kay kuya driver. Pauwi na kasi kami ng bahay dahil napagod na ang mga bata, kaso may naiwan ako kaya babalikan ko lang. Kalong ni tatay si Maynard kaya ako na lang ang pupunta, kaya si Freya na tulog rin ay na kay mama.
"Okay lang po ma'am," aniya. Nagpasalamat ako at agad akong pumasok pabalik sa mall at naghanap ng escalator pa aakyat.
Mabuti na lang at naalala ako ng sales lady doon at nakuha ko rin ang binili ko na items, mabuti na lang at nasa akin ang resibo. Sabi ko kasi babalikan lang namin kamuntikan ko lang makalimutan, mabuti na lang alisto si tatay at siya ang nagpaalala sa akin bago pa kami nakarating sa bahay.
Gumamit ulit ako ng escalator pababa dahil medyo mabigat ang box na bitbit ko. Habang pababa ng escalator ay naging familiar naman sa akin ang tao na matagal ko ng ayaw makita na paakyat sa second floor gamit din ang escalator habang nakapulupot sa bewang niya ang kamay ng isang babae.
Nagkatinginan kami, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
No way.
Iniwas ko ang tingin ko at nagmamadaling bumaba ng escalator.
Ang mga anak ko.