CHAPTER 02

2151 Words
CHAPTER 02 THE MAN WHO BREAKS MY HEART "Yun ang sabi?" narinig kong tanong ni Lanie, isang staff manager. Nasa kilalang fast food kami kumakain, tapat lang ng building kung saan kami nagtatrabaho. Lunch time kaya dito ang na isip namin na kumain, alternate lang naman ang ginagawa namin na lugar kung saan ang gusto namin na tumambay, dahil sa maraming restaurant o kilalang fast food ang nakapalibot sa lugar na ito, hindi lang naman ang mga tao na nasa building namin ang kumakain kundi marami pa. Kaya bukas, hindi ko alam kung saan na naman ang plano nila na kumain, sumasabay lang ako sa kanila. Minsan nagpapaiwan ako sa building at doon na lang sa office table ko kumakain depende sa ulam ko. May isang beses kasi na doon ako kumain sa office at pritong tilapia ang ulam ko at may kasama pang pinakbet na may kasamang konting bagoong kaya ayon may dumating na bisita at nagpaparinig na may amoy mabaho daw, nakapag spray naman ako pagkatapos pero hindi talaga maiwasan na may mga ilong na sensitive at kahit hindi naman mabaho ay mabaho na para sa kanila. "So ibig sabihin may papalit na kay Mr. Abad bilang CEO at ang papalit ay anak sa matalik niya na kaibigan o inaanak ni Mr. Abad, ganun ba yon? Dahil nga di ba, siya ay magpapagamot sa ibang bansa dahil sa sakit niya na kidney cancer." si Analiza. ''Yep, bachelor playboy dati, bad boy na ngayon!" natatawa na sabi ni Loren. "Pero hindi ko pa alam kung sino ha! Yan lang ang nakalap ko na business chismiss for today's interview niyo mga day." dagdag pa niya. "Anong ma say mo, Aubree Lynn?" binaling ko ang tingin kay Lanie. "Ako?" tanong ko na parang hindi alam kung ano ang topic ngayon. "Yes, dahil di ba. Nasanay ka na kay Mr. Abad, dahil mabait na tao at sa kanyang mga employees, eh ikaw for sure ang magiging secretary ng bagong CEO, unless kung sasabihin niya na you're fired dahil hindi niya nagustuhan ang trabaho mo or ikaw, you know…I mean. Tigre daw ang magiging boss natin." pabulong niya na sabi dahil baka makarinig ang ibang nasa table. Baka masesanti kami na wala sa oras dahil pinag-uusapan lang na naman namin ang bagong boss sa company na ito. Nagkibit balikat ako, hindi ko rin alam kung magtatagal ba ako nito gayong kakabago ko pa lang natanggap bilang secretary tapos ganito pa ang mangyayari. Maghahanap ulit ng pagkakakitaan, saan naman? Hays… "Well, gagawin ko ang lahat para maging maayos ang trabaho ko pero kung na bigo ko siya sa trabaho na binigay niya sa akin ay magmamakaawa ulit ako para bigyan niya ako ng second chance dahil di ba kailangan ng kailangan ko talaga ng pera? Sa tingin niyo?" malungkot ko na sabi at tanong sa kanila. Alam nila na may anak ako hindi lang isa kundi dalawa pa, yan lang ang alam nila kaya ito ang dahilan kung bakit ayoko na sanang maghanap pa ng ibang trabaho lalo at malaki naman ang magpasahod dito. I know na meron pang malalaking magpasahod na company pero saan ko naman hahanapin? Qualified ba ang ganda ko? Hays.. Di bale na lang, hangga't maganda pa ang performance ko dito ay mananatili ako sa bagong company na ito. Sana nga lang. "Miss Corpez! May business meeting ako at what time?" tanong ni Mr. Abad sa akin. "Yes sir? Let me check first, uhmm yes at three o'clock in the afternoon, Mr. Abad with Mr. and Mrs. Solomon." sagot ko. "And after that, wala ng iba?" "Wala na po, sir!" "Good to hear that, thank you Miss Corpuz. You may go now." Tatalikuran ko na sana siya pero, "Wait! Miss Corpuz. I have something to tell you," bumalik ako sa kinatatayuan ko kung saan ang office table ni Mr. Abad. "Yes sir!" "One of these days, I have to leave this company, right?" tumango ako. "Ang papalit sa akin ay the same age mo lang na nasa 20's. Hindi ko man siya sinisiraan pero sasabihin ko na sa'yo na his kind of a person na may short temper, kind of rude man, sana makayanan mo. Don't worry, dahil sa nakita ko na performance mo ay hindi ko hahayaan na ma kick out ka sa company na ito, just do your job very well Miss Corpuz, so that we don't have any problem with that," aniya. Ngumiti ako dahil sa sinabi n'ya. Sana kagaya niya na ugali ang magiging kapalit niya dahil magkakasundo lang ang lahat. Mabait sa mga employees, minsan nanglilibre pa. Kung masama ang bagong boss, baka magbabago na yun kung lilipat na siya sa building na ito. Hindi pinaalam ni Mr. Abad ang buong detalye about sa bagong boss na kahit pangalan ay ayaw daw ipag paalam, tsk. Ano gusto niya kami pa ang maghuhula tungkol sa kanya, penoy henyo lang ba ito, ano siya artista at sobrang sikat na sikat na pati pangalan ay ayaw sa amin ipagsabi. Like duh… "Thank you sir!" sagot ko at agad akong bumalik sa office table ko na nakangiti dahil sa sinabi ni sir na gagawa siya ng way para hindi ako mawalan ng trabaho. Bago ako uuwi ngayong hapon ay tinapos ko ang lahat na dapat tapusin sa araw na ito, from filing some documents, answering phone calls for Mr. Abad. Some appointments na dapat naka record at nakasulat, and so on. Beyond Empire building ang pangalan ng company na ito. At sa mahigit isang buwan na pagtatrabaho bilang secretary ni Mr. Abad ay so far maayos ko nga na nagawa ang trabaho ko. And next month we will have a new boss, gosh magawa ko ba kaya ang trabaho sa bagong boss ko? Baka mamaya niyan, kakalapag ko pa lang ng mga files o documents na pepermahan niya ay inangat niya ang ulo niya at ang sama niyang makatitig sa akin tapos biglang binalibag ang mga papel tapos tatayo siya bigla at dinuduro ako pagkatapos sasabihin niya you're fired! Get out in my office! Gosh! What if kung ganyan ang maging boss ko, okay lang kung ganun lang ang gagawin paano kung pati ako ako ay kasama sa ibalibag, paano na lang ako? Hay naku bakit ba ang negatibo minsan ng utak ko. Di ba dapat magdasal kapa ng maayos Lynn na hindi ka talaga agad ma expel sa kompanya na ito. "Hoy! Anong iniisip mo? Ang lalim ah!" nagulat ako dahil sa paghampas ni Lanie sa office table ko. "Kaya nga!" si Annaliza. "Huh? Kanina pa kayo diyan?" nagtatakang tanong ko, bakit hindi ko napansin na nasa harapan ko sila. "Oo day, umabot na kami ng leap year sa kakatayo dito. Anong iniisip mo at tulala ka?" tanong ni Annaliza habang inaabot sa akin ang mga files from other departments at iaabot ko ito kay Mr. Abad mamaya. "Wala naman!" "Sus! Wala daw, for sure meron. Hulaan ko. About yan sa bagong boss natin, ano?" aniya. Kunwari nagulat ako dahil sa sinabi niya. "Aww, sidekick mo ba ang pagiging manghuhula sa Quiapo ano? Bakit tama ka?" "Oh diba! Ang galing ko na talaga, nanghuhula lang naman ako. Malay ko ba totoo, pero kung totoo then let's talk about it later sa bar, 9 am sharp o after ng work para maaga tayong makauwi. Let's go? Don't say no bruha dahil ilang beses mo na kaming nirereject." si Lanie. "Pero hindi ako umiinom, awww! Bakit may kasamang batok?" tanong ko kay Lanie. "Gagi! Hindi ka talaga umiinom? Anong tawag mo sa water at juice? Ulam? Dessert? Solid? Ibalik kita diyan sa grade 2 eh," pang-aasar niya. Ngumuso ako kahit natatawa na, " alak kasi ang tinutukoy ko." "Eh! Ano nga ang purpose ng tubig at juice? Inday kung ayaw mong uminom ng wine then doon tayo sa pwede mo lang inumin, basta samahan mo lang kami. Para naman meron sanang mag tawag ng taxi sa amin kapag lupaypay na kami sa kalasingan, okay ba plan A namin? Aww! Ouch— gumaganti si Inday," paano kasi binatokan ko si Lanie. "Gagawin niyo lang pala ako na isang Yaya eh, pero sige pagbigyan ko kayo dahil bukas wala naman tayong pasok dahil Saturday." dahil sa sinabi ko ay ang lapad ng mga ngiti abot hanggang dapadapa dahil sa narinig galing sa akin. "Yasss!!! Pwede ikaw na rin maglibr—waaah takbo girl Lanie," babatukin ko na sana na nagmamadali naman silang umalis sa office table ko. Napapailing na lang ako, mga baliw. Dahil wala na ang mga makukulit ko na kaibigan ay nagmamadali na akong tapusin talaga itong trabaho ko dahil gusto ko na bago umuwi ay maaliwalas na ang table ko at wala na akong poproblemahin na mga papeles dahil natapos ko na itong mai files at para bukas iba naman ang tutupagin ko. Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko na nasa bag, kaya kinuha ko ito at sinilip kung sino ang tumatawag. Napangiti ako na makita na si nanay ang tumatawag. "Hello na–" "Mama! Mama ko, I love you." wika sa kabilang linya. Tapos bigla itong pinatay. Akala siguro ni Freya na busy pa ako ngayon o maraming ginagawa kaya pinatay na agad ang tawag, kapag ganitong hapon na kasi ay tatawag sila para sabihin na nakauwi na sila ng bahay. At their age kasi ay nag-aaral na sila ng kinder. Gusto nila, kaya pinayagan ko na. I don't want to pressure them pero kung gusto nila at hindi naman masama ay nandoon lang ako at mga magulang ko para suportahan sila. I know na, walang mga magulang na perpekto, nakakagawa din ng hindi maganda sa kanilang mga anak lalo na how to discipline their children. Basta alam ko sa sarili ko na maganda ang pagpapalaki ko sa kanila dahil nakikita ko mismo how they grow up na mabait at may takot sa Diyos. I'm really proud of them. Super. Tumawag ako sa bahay para ipaalam sa mga bata na hindi na busy si mama, "Hi mama ko!" ang sarap sa pakiramdam na marinig ko ang boses ng aking mga anak, pagod ako sa kakatype at pagsusulat ng mga dokumento pero biglang nawala ng marinig ko ang mga bata. "Wala na po work, si mama?" tanong nito sa malambing na boses. " Meron pa po–" "Di muna call si Freya?" malungkot niya na tanong, awww my angel. "Pwede na po!" bigla kong nailayo ang cellphone ko sa tenga dahil sa biglaang pagtili ni Freya upang tawagin si Maynard. Nilagay ko sa video call para makita sila. "Hi mama! How are you, po?" masiglang tanong ni Maynard. Tumabi sa pag-upo si Freya sa sofa habang naroon si mama at busy sa pagtutupi ng mga natuyo na, na mga damit habang nanonood ng tv. Nag-usap kami ng mga bata habang tinatapos ko pa rin ang pagpafiles at dahil walang ng tumatawag para sa appointment ng mga meeting ni sir Abad kaya napanatag na ako. "Okay lang ba sa inyo baby na sasama ako together with my friends?" sinabi ko kasi sa kanila na gabi na akong makauwi dahil nagyaya ang mga friends ko, sa katunayan kasi birthday ni Lanie ngayon kaya gusto niya na sa bar pumunta para mag celebrate, umiinom naman ako ng alak pero sa kaya lang dahil mahina ako sa mga ganyan, kaya nga ako nagkaroon ng kambal dahil sa pagkakamali na may kinalaman sa alak. "Yes mama, just spend time with your friends muna and then tomorrow me and my twin naman ang magpaplay with you po," magiliw na sabi ni Freya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko, hindi dahil pinayagan nila ako kundi naiintindihan nila ako. Thank you Lord God for giving me wonderful gifts. Thank you Lord. Nagpaalam na ako sa kanila dahil mag-aaral pa ang mga bata at ako naman ay ganadong-ganado na tapusin ang trabaho ko dahil sa energy na ibinigay ng mga anak ko sa akin. Hanggang natapos ko nga ang trabaho for today ng maaga. "Let's go!" excited pa si Loren na makapunta kami sa bar kaysa kay birthday girl. "Remind ko lang mga day na sayaw, iinom at kain lang ang gagawin natin doon ha, baka mamaya niyan magdadala na kayo ng bebetime niyo sa bahay." parinig ko, may single pa o di kaya may nobyo na ang mga ito. "Di mo sure!" sabay nila na sabi. Matalim ko silang nilingon habang sakay kami ng taxi papuntang bar na tinutukoy nila dito lang sa Ortigas. "Subukan niyo lang at iiwan ko na talaga kayong mag-isa at para makauwi na ako." "Ito naman…hindi na ma biro, gusto mo hanapan pa kita ng oppa o di kaya afam," taas-kilay na sabi ni Lanie. Dahil magkatabi lang kami sa likuran ng taxi at si Annaliza ang nasa unahan. Kinurot ko tuloy ng mahina si Lanie sa kanyang tagiliran dahil kung ano-ano na lang ang pinagsasabi nito. Masaya na ako sa mga bata, bakit pa ako maghahanap ng iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD