It was you. "Megs, hindi ka pa puwedeng magtrabaho. Huwag matigas ang ulo. Magpahinga ka muna kahit isang buwan lang." "Hayaan mo na ako, Megs. I'm perfectly fine. Wala naman akong ibang ginagawa dito kundi ang tumunganga. Lalo lang akong nagkakasakit. Isa pa, kayang-kaya ko naman ang sarili ko. Salamat na lang sa pag-alala." "Pero Megs, isang linggo ka pa lang nakalabas ng ospital. You should be resting for atleast a month bago magtrabaho." "Megs, walang mangyayari sa'kin kung tutunganga lang ako rito buong araw. Kailangan kong makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon. Ayoko namang umasa na lang sa'yo at sa mga magulang mo. Alam mo namang hindi ako komportable sa gano'ng set up. Isa pa, maghahanap pa lang naman ako ng trabaho. So, habang nagpapahinga puwede naman siguro akong l