Simula
NANGINGINIG ang aking mga kamay habang inaabot sa kanya ang tatlong pregnancy test. Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi. Bagama’t nagulat ay nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata ni Dark Red.
His eyes glistened with happiness. Nanikip ang aking dibdib nang hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, na tila manghang-mangha siya sa kaalamang nagbunga ang nangyari sa amin. Kabaliktaran sa nararamdaman ko.
Takot at kaba. I didn’t expect this child to arrive too soon. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak kay Dark Red, pero hindi ito ang tamang panahon.
“You’re pregnant!”
Finally, he was able to utter some words. Sa nakikita ko’y nasa ibabaw pa rin siya ng mga ulap sa sobrang tuwa dahil sa kanyang nalaman. Titig na titig siya sa aking tiyan. Nang akmang hahaplusin niya iyon ay agad akong umiwas.
Umawang siya’t hindi makapaniwalang tiningnan ako.
“What’s wrong, Love?”
Dahan-dahan akong umiling habang sinusupil ang hikbing gustong kumawala sa aking lalamunan.
“We cannot have this child, Red.” I tried to calm my voice to the best that I can, but I failed.
Saglit siyang natulala at rumihestro ang gulat sa kanyang mga mata. Napaiwas ako ng tingin.
“What do you mean, Astrid? I don’t understand,” naguguluhang untag niya na lalong nagpasikip ng aking dibdib.
“Ayaw ko nito. Hindi pa ako handa, alam mo ‘yon, Red!” hysterical kong sigaw sa kanya pero hindi man lang siya natinag.
“Nandyan na ‘yan, we both enjoyed that night, Astrid. Pareho nating ginusto. I don’t see that baby as a problem, we can get married anytime you want. Besides, pareho na tayong nasa edad,” kaswal niyang sagot na parang isang kapirasong laruan lang aming sitwasyon. Hindi ako makapaniwala.
“You knew I don’t want a shotgun marriage. Gawan natin ito ng paraan, ayaw ko sa batang ito! I’m only 22 for goodness’ sake! Pa’no na lang ang mga pangarap ko? Itatakwil ako ng mga magulang ko!”
Tumulo ang aking mga luha at nanginginig ang aking katawan. Oh, God! Pa’no ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?
“Seriously, Astrid? Wala ka bang tiwala sa ‘kin? I can raise our child and I can provide your needs. I can even help you reach your dreams.”
Umigting ang kanyang panga at parang nagtitimpi lang siya na patulan ako. He doesn’t get it. Ayaw kong marating ang mga pangarap ko dahil lang sa taba ng iba.
Umiling ako.
“I don’t want this c—child. Gawan natin ito ng paraan. Parang awa mo na.” I cried desperately. Pero para akong tatakasan ng kaluluwa nang biglang tumaas ang kanyang boses.
“And what do you want me to do? Abort that child?! You are unbelievable, Astrid! Damn it!”
Napatigalgal ako nang makitang namumula ang kanyang mukha. Kung hindi lang siguro dahil sa sitwasyon ko ay kanina pa niya ako nasuntok.
“You don’t understand, Red!” I yelled back.
“Alin ba ang hindi ko naintindihan?! You are carrying my seed, Astrid! And you will bear that child whether you like it or not,” matigas niyang sabi bago tumalikod.
Napaupo ako sa sahig. What now? Hindi ko puwedeng dalhin ang batang ito. Mapapatay ako ng sarili kong tatay. Paano na ang mga ipinangako kong mgandang buhay sa mga kapatid ko? They need me, my family needs me. Kaya hindi ito maari.
Bahala na. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumayo.
“I’m sorry, Red. . .” mahina kong sabi at unti-unting lumayo sa lugar na iyon. Ngunit sa bawat mabibigat na paghakbang ng aking mga paa ay doble-dobleng kirot ang dulot nito sa aking dibdib.
Nang araw na iyon ay nagdesisyon ako para sa sarili ko, at para sa lahat. Iyon ang palagay ko’y tama—pero hindi pala.
Isang malaking pagkakamali. Yes, it’s all my fault. It’s all my fault why destiny playfully twisted our fate. Now, I’m left alone to fight this losing battle.