Chapter 2

1055 Words
Pagkakamali. I'm sorry, but your baby didn't make it. Parang bangungot na umuukilkil sa isip ko ang mga salitang iyon. Sa bilis ng mga pangyayari ay pakiramdam ko nasa loob lang ako ng panaginip-- isang masamang panaginip. Oo nga't hindi ko ginusto iyon sa simula dahil sa hindi pa ako handa, ngunit hindi ko rin ginustong umabot sa ganito. Hindi ko ginustong may mangyari masama sa kanya. Kung kailan na nagsisimula na akong tanggapin siya nang buong-buo sa buhay ko ay saka naman niya ako iniwan. Hindi pa niya nasisilayan ang mundo. Hindi ko pa naiparamdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ina. "Tahan na, Megs. Baka mabinat ka sa kaiiyak mo." Saway sa 'kin na Armhaine. Nasa loob pa rin kami ng hospital room. "Kasalanan ko lahat. Sana hinintay na lang kita. Sana hindi ako nagmadaling umalis para makausap si Red. Hindi sana ako nadulas. Hindi sana siya mawawala. Kasalanan ko talaga, Megs..." "Shh. Wala na tayong magagawa, Megs. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor, 'di ba? Hindi pa masyadong malakas ang kapit ng baby kaya hindi niya kinaya ang nangyari. Wala kang kasalanan at hindi mo iyon ginusto." That's it. Hindi ko ginusto. But it didn't change the fact that once I've wished that, that baby didn't exist. Pakiramdam ko sinampal ako ng katotohanang isa akong napakawalang kuwentang ina. Pagbaliktarin ko man ang pangyayari, ako pa rin ang may kasalanan. At habang buhay ko iyong pagsisihan. "Napakawala kong kuwenta." "Huwag mong sabihin 'yan, ang kulit mo naman, Megs. Lalo kang tatagal dito sa ospital sa ginagawa mo." Tahimik akong naghinagpis sa kaloob-looban ko. They're right, a mistake cannot be corrected by another mistake. Ang akala ko makakapagsimula ulit ako ng panibagaong buhay, pero bakit bigla naman naman akong hintak paibaba kahit hindi pa naman ako tuluyang nakatayo? It seems like I've disappointed the entire universe. "I'm sorry..." mahinang bulong ko. "Tama na, Megs. Tinawagan ko na si fafa Red mo, andito na 'yon mamaya-maya," aniya. Hindi pa man ako nakasagot nang biglang bumukas ang pinto ng hospital room. Kumalabog ang aking dibdib nang magtagpo ang aming mga mata. Parang tumatagos sa aking kaluluwa ang kanyang paningin. I can see the mighty Skeet Mijares in his eyes. Parang kaharap ko lang ang batang version ng kanyang ama. Gustong-gusto kong sumbatan si Armhaine kung bakit niya ito pinapunta nang walang pahintulot ko. I am not prepared for this. Pero wala na akong magagawa, I need to face him, now or never. "A-ano..." I struggled to utter my words. Bigla na lang umurong ang aking dila. I lost words to say. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng aking puso. "Mabuti't nandito ka na," pagbabasag ni Armhaine sa katahimikan. Tiningnan ko siya para humingi ng tulong ngunit agad siyang nagbawi ng tingin mula sa 'kin. "Megs.." awat ko sa kanya. "O siya, mukhang kailangan niyong mag-usap na dalawa. Lalayas muna ako at maghahanap ng malalafang. Kanina pa ako nagugutom. Hoy, Pula! Ingatan mo 'tong bestfriend ko, kundi gagawin kitang violet. Nagkakaintindihan ba tayo?" mataray niyang sabi. Isang tango ang itinugon sa kanya ng isa. Kagat-labing umiwas ako ng tingin nang tuluyang nagpaalam si Armhaine. I gasped in my mind. His stares... they were blank. "I'm s-sorry..." My eyes started to pool with tears. Narinig ko siyang suminghap... iyong mapang-uyam. "W-wala na siya, h-hindi ko sinasadya. I am sorry... Sorry. Sorry." "Sorry for what, Astrid? Sorry kasi sinadya mo? The last time checked you condemn our child. Hindi mo siya gusto kaya pinatay mo siya!" "Hindi ko siya pinatay!" Tuluyan na akong napabangon. His eyes are raging with anger. Tumataas-baba ang kanyang dibdib. "You did, Astrid! Ano, masaya ka na ba kasi malaya ka na?! Masaya ka na kasi wala ka nang PROBLEMA? You're selfish! Sarili mo lang ang iniisip mo. You're disgusting!" Umawang ang aking mga bibig. My chest tightened in pain. Tila paulit-ulit akong sinasaksak sa dibdib. Hindi ko inakalang maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. He's hurt and fuming mad at the same time. Gone is the gentle Dark Red I knew. Tila nandidiri pa siya habang nakatingin sa 'kin. "Red, hindi ko 'yon sinasadya, maniwala ka. Tanggap ko na siya pero hindi niya kinaya ang nangyari. Makinig ka naman sa'kin, oh..." Pilit akong bumaba mula sa kama ngunit umatras siya ng isang hakbang. Natigilan ako. "I have heard and seen enough, Astrid. And you know what? I disgust myself for dreaming about you, bearing my child..." malamig niyang sabi. Saganang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata. Am I losing him too? "Red, makinig ka naman sa'kin. Mahal ko siya kahit hindi ko pa siya nakikita--" "Stop!" he commanded with authority. Ngayon ko lamang siyang nakita na ganito. At hindi ako sanay. "Red, please..." I begged, but he made another step backward. "You will pay for this, Astrid. Uubusin ko ang lahat sa 'yo, lahat-lahat..." mariin niyang sabi bago tuluyang lumabas ng pinto. Napapiksi pa ako nang pabalibag niya itong isinara. "No..." Nanginig ang aking mga tuhod sa kaba. Hindi ko kayang gakit siya sa'kin. Hindi maaari. Siya na lang meron ako sa ngayon. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay ipagtatabuyan ako. "Red..." Inipon ko ang aking lakas saka dahan-dahang tumayo. Hahabulin ko siya at hihingi ng tawad sa kanya. He needs to hear me out. Mahal ko si baby at hindi ko iyon ginusto. "Red, please wait!" Tarantang kinalas ko ang IV na nakakabit aking kamay. I can't let him go. "Red, huwag naman ganito. Mag-usap tayo!" But I didn't see any trace of his back. Bigla na lang siyang nawala. Oh God! Could there be any worse than this? "Red!" desperadang sigaw ko. "Megs?! Bakit nandito ka sa labas? Di ba sabi kong magpagaling ka muna?" Nagpatianod ako nang hinila ako ni Armhain papasok sa loob ng hospital room. "Ano ba'ng nangyayari sa'yong babae ka? At nasaan na ang dyowa mong mayaman pero masungit?" "Aaahhh!" I shouted in desperation. "Kira Astrid, tumahimik ka nga! Ano ba ang nangyayari?" You will pay for this, Astrid! Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang kanyang huling sinabi. Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang ikot ng aking mundo. Maybe I am fated to be non-existent. I love Red more than anything else but now, I am left with no choice but to bear his wrath... ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD