Invitation. "Hindi ka man lang ba muna kakain? Ang aga-aga mo naman, anak." "Hindi na, Ma. Marami pa akong gagawin sa opisina." "Pero, sayang naman itong niluto ko. Magbaon ka na lang kaya?" "Sige po, Ma." Napilitan akong kunin ang ipinapadala ni Mama kahit na wala naman talaga akong ganang kumain. Hindi ko alam kung bakit pero mula pagkauwi ko kahapon ay hindi na ako mapalagay. Hanggang sa panaginip ko ay ang mukha ni Dark Red ang nakikita ko. Sa tuwing sumasagi sa isip ko 'yung distansya ng aming mga mukha kahapon ay kinikilabutan ang puso ko. Bumibilis ang pagbayo. "At saka ang haggard mo, anak. Mukhang inaantok ka, hindi ka natulog kagabi?" Hindi agad ako nakakibo kay Mama. Napasuklay ako ng sariling buhok gamit ang aking kamay. "Wala, Ma. Ayos lang po." "Sigurado ka ba?" "O