The Wedding. "Ma'am Kira, ayos ka lang ba?" Nanginginig ang aking kamay at tuhod kaya nabitawan ko ang invitation. Kinuha iyon ni Jean at binuksan. "J-Jean..." "Bakit po, Ma'am?" Sunod-sunod akong umiling. Hindi ko rin napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga likido mula sa mga mata ko. Pagtingin ko kay Jean ay nanunubig na rin ang kanyang mga mata. "Ma'am naman, magpakatatag ka po," an'ya. "May dinaramdam ka ba, Ma'am?" Umiling ako. "Then, bakit po? Sobrang saya n'yo po ba kasi binigyan kayo ng invitation ni Sir Mijares? Sabagay, kung ako, maiiyak din ako sa tuwa. Ikaw ba naman ang imbitahin ng mayayaman. Panigurado, puro elites lang ang bisita ro'n. Tahan na po..." Umiyak lang ako nang umiyak. Pumainlang sa showroom ang hagulgol ko. Nataranta si Jean. "Ma'am naman... Tahan