Sabi nila masakit ang matuklaw ng ahas, hindi pala. Nakakapanghina. In an instant I've found myself paralyzed. Naririnig ko 'yung daing ng sahig habang kasalukuyang itong sinasaksak ng takong ng sapatos ko. Ang tawanan ng kisame at pader ay umaalingangaw sa aking balintataw. I suddenly realized that it took four years for my heart to beat this way again. Nakakabingi at nakakalito. Isang tikhim mula kay Richard ang nagpabalik sa akin sa realidad. Bago ko pa man kunin ang nakalahad na kamay ng kliyente ay ibinaba na niya ito saka bumaling kay Boss Coby. "Red Mijares." "Coby Damasco." They shook hands as if they just both met each other. Hindi nga lang lumagpas sa paningin ko ang matiim nilang titigan. Namuo ang tensyon at lalong sumisikip ang paligid. Ibinuka ko ang aking bibig nguni