Stares. "Okay ka lang, Ma'am?" Dark Red Mijares. Kahit ilang beses kong ikurap ang aking mga mata, gano'n pa rin. Hindi nagbabago. Hindi ako namamalikmata. Sinadya ba ito? May ideya ba siya ng kinaruruonan ko? At bakit nabibingi ako sa t***k ng puso ko? "Ma'am Kira?" Hindi maaari. I should not let him affect me, I mean his name. Nakalimutan ko na siya. I have moved on. Wala lang ito-- "Ma'am..." "Ay, butiki!" Muntik ko nang mahampas ng folder si Richard nang bigla niya akong kinalabit. Napatutop ako ng sariling bibig. "Sorry, Ma'am. Pero okay ka lang ba?" aniya. "Ha?" "Namumutla po kasi kayo." "Ha? Ako? O-okay naman. Pasensya na. Nagulat lang ako kasi ang dami mong prospective clients. Ang... ang galing mo talaga!" "Sigurado ka, Ma'am? Mukha ka kasing nakakita ng multo." I bre