Kabanata 6
Nangangatog ang tuhod ni Arella habang nakasunod kay Nixon patungo sa hospital room na sinabi sa information desk kung saan nakaadmit ang asawa ni Redden. Ramdam na rin ang pamamawis ng mga palad n'ya sa sobrang nerbiyos.
Lubos ang hinagpis n'ya sa sarili sa pagiging careless n'ya. Of all people, pinsan pa ni Sean ang napagsabihan n'ya tungkol sa anak n'ya- nila ni Sean.
Pagkapasok nila sa kuwarto ay nadatnan n'ya ang future parents-in-law sa loob kasama si Ellize at isang mestizong lalaki na wari n'ya ay kasing edad n'ya. Si Tracey nama'y nakapagpahinga na at may nakakabit ring dextrose sa wrist nito. Taka ang mga mukha nito ng makitang magkasama sila ni Nixon.
"Hello po, Tita, Tito Mond." Bati ni Nixon sa mag-asawa. Nanatili pa ring tahimik si Arella. Tila hindi n'ya makapa kung nasaan ang katinuan n'ya.
"Hijo, bakit magkasama kayo ni Arella? Nagkakilala na ba kayo?" Her Tita Sofia asked instead of greeting Nixon back.
She saw how Nixon's brows drew in line and stared at her perplexedly then back to the not-so-old woman. "Kilala n'yo po si Arella, Tita?"
"Absolutely yes, my dear cousin." Si Ellize ang sumagot. "Arella is Sean's fiancée and our soon to be sister-in-law."
Literal na napa-'O' na hugis ang bibig ni Nixon. Bakas sa mukha nito ang gulat nang tinignan muli si Arella.
Isang masayang balita ang dala ng obstetrician ni Tracey nang dumating ito sa kuwarto. Napag-alaman ng lahat na limang linggo na pala itong nagdadalang-tao sa ikalawang anak nila ni Redden. Inasahan na iyon ni Arella. Sa tingin pa lang n'ya sa hugis ng katawan ni Tracey kagabi ay tiyak n'yang buntis nga ito.
Nauna nang umalis ang mag-asawang Sofia at Desmond. Nagkaroon s'ya ng pagkakataong ayaing kausapin si Nixon na hanggang ngayo'y hindi pa rin makapaniwala na s'ya ang fiancée ni Sean.
Si Ellize naman ang naiwan na magbantay kay Tracey at ang Kuya Tyrone ni Tracey na nakilala na rin kanina ni Arella.
Sa hospital chapel napiling mag-usap ng dalawa. Ipinagdadasal ni Arella na sana'y mapapayag n'ya sa Nixon sa ihahain n'yang kahilingan.
"To be honest, I- I don't know how will I react accordingly based on what I have found out." Seryosong sabi ni Nixon.
Napakagat-labi si Arella. Hindi pa rin mabura ang kaba sa puso n'ya at ang takot. Takot na baka sabihin ni Nixon sa mga Ellison ang tungkol sa anak n'ya.
"Nix, about my son-"
"Don't tell me hindi nila alam?"
Umiling si Arella at napayuko. Ngayon ay nakaramdam na rin s'ya ng umid. She is so ashamed of herself for being insensitive and stupid.
"s**t! So you're lying to them." Nixon accused her as he stood up. "I'm sorry but my cousin don't deserve to be treated like this, Arella. I'll tell them."
"Nix, please don't." Pakiusap ni Arella na halos mangiyak-ngiyak na. Mabuti na lang at silang dalawa lang ni Nixon ang tao sa chapel. Pinigilan n'yang umalis ang lalaki. Hindi n'ya hahayaang malaman ni Sean ang katotohanan. Hindi pwede.
"Arella-"
"Stay. I- I have to tell you something about my son." Oo, balak n'yang sabihin kay Nixon ang lahat. "It's about my son's father." And she used that cue for Nixon to remain and listen to her explanation.
Bumalik ito sa pagkakaupo at huminga muna ng malalim si Arella bago ilantad ang malaking pasabog. "S-si Sean ang ama ng anak ko. Naglilihim ako pero hindi ako nagsisinungaling."
"What? Paano?"
I guessed he deserve to hear the whole story.
Arella's POV
Five Years Earlier
Halos isang taon na pala akong nagkukubli mula sa pamilya ko- lalo na kay Daddy at.. at sa taong sana'y mapapangasawa ko last year kung hindi lang ako naglayas.
Palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung ano na kaya ang buhay ko kung sakaling pumayag akong magpakasal sa anak ng kaibigan ni Daddy?
Siguro'y bundat na ako ngayon o hindi kaya ay lusyang na dahil for sure bubuntisin naman ako ng kung sino man ang lalaking mapapangasawa ko. O kaya nama'y maging full time housewife lang ako at aalilain. Ganoon siguro ang buhay ko ngayon. Marahil ay hindi ako makakatungtong sa mahabang entablado at titingalain ng mga tao ngayon kung nanatili lang ako sa Pilipinas.
Malungkot pero kahit papaano'y nakamtan ko naman ang masaya at mabuting resulta ng kagagahan ko. At ngayon nga'y isa na akong makinang at sikat na modelo dito sa Mexico. At ito ang pinakamalaking achievement ko sa buong buhay ko.
Hindi ko rin inakala na dito ako hihilain ng kapalaran ko pero ngayon ay batid ko nang dito pala nakaguhit ang aking kapalaran na noo'y hindi ko talaga malaman kung nasaan.
"So the next site of our pictorial will be in Waikiki beach." Anuns'yo ng officer in charge ng men's and women's intimate apparel company kung saan nakakontrata ako ng isang buwan.
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi sa pagkakarinig sa lugar na iyon. Nasa Cancun Mexico kami ngayon at ito na ang pangalawang site ng aming pictorial. For me to be in these places aren't a call of activity nor work. Dahil para lang kaming nagbabakasyon dito and it is so raring. Not to mention that I do really love my job.
"Yey, surely there'll be a lot of hot folks in there. I am too excited." Mabilis na wika ni Athelia, isa sa mga katrabaho ko sa project na 'to. Nagniningning pa sa galak ang mga mata nito.
Sampu kaming under contract at ako lang ang na-offer-an na hindi American. The rest are all American people, basically from State. Doon kasi naka-base ang Desiderare Lineus kaya mga US decent ang mga katrabaho ko.
Natawa na lamang ako sa reaks'yon ni Athelia. Liberated and their ways of you know- behaving. At aaminin kung medyo unchain na rin ako. Medyo lang naman dahil virgin pa rin naman ako.
Approximately eight hours ang flight namin mula Mexico patungo sa Hawaii. Wala nang sinayang na oras ang production team at dumiretso na kami sa Mailani Tower kung saan kami nag checked in.
"I heard there's a beach party tonight at the Centre. I guess you guys doesn't want to miss it. Let's rock and bitchin' the glamorous Waikiki beach." Masayang pahayag ni Priscilla, ang pinaka-close ko sa lahat.
Nasa pictorial na kami ngayon at nauna nang sumabak ang ibang pares habang ako ay huli sa lahat at ang partner ko na si Glib. This shoot is for the latest trends of Desiderare Lineus na as usual bikinis.
"Count us in!" All of us replied in chorus. Of course I won't say no to that. Lulong na ako sa mga party at kung anu-ano pa mang kaligayahan dito sa abroad. Iyon na lang kasi ang paraan ko upang libangin ang aking sarili.
Nasa kalagitnaan na ako ng pictorial ng medyo nakaramdam ako ng ilang sa kapareha ko. Intimate kasi na pose ang hiningi ng photographer at may pustura pa kaming kailangan pa naming mag-smack- not just a smack but a smooch. Okay sana ako doon pero itong si Glib ay maniac kasi. Ma-potential e.
"Relax, honey. It was just a kiss not a sizzling sex." Natatawang biro nito matapos ang shoot.
Nag-ngising aso lang ako sa kanya at pilyang tinanggal ang kamay n'yang nakadapo pa rin sa bewang ko kahit tapos na naman iyong trabaho.
"Silly! I'm good, Glib. It's just that I'm physically unpleasant having you near me." Ani ko at kinindatan s'ya bago pumasok sa quarter na nagsilbing dressing area namin.
"Obviously Glib wants a casual love affair with you, Arella. Why don't you just give it a fling?" Panunukso sa akin ni Priscilla.
Umirap lang ako sa kanya. "I dislike him. Period."
"Woah! Why not? s**t! For me he's some kind of jerk who has an extensive tail. Oh come on, Easterner!"
"It's still a no. I'd rather slay my lust than to entertain his tail." He's no good for creep's sake.
Tulad ng napagkasunduan ng lahat ay pumunta nga kami sa beach party sa Centre. Hindi naman holiday season ngayon pero napakaraming tourist pa rin ang nandito. Naka scanty bikini ako with a cover up dahil plano kong mag-swimming mamaya.
We all had a blast all through out the party. Partying and drinking is so kicky plus the live band and fire dancers all around. I really love Hawaii and actually this is my third time here.
Lumayo muna ako saglit dahil parang nasusuka na ako dahil sa dami ng nainum ko. Madali kasi akong malasing kapag nagiging magaslaw ako tulad ngayon.
Medyo pagiwang-giwang na ako maglakad at naghahanap ng tamang puwesto kung saan ako magkakalat. Hindi na kasi ako aabot kung maghahanap pa ako ng restroom. Sa pagmamadali ko'y nasagi ko ang bruskong balikat ng isang tao.
"Damn! Watch your way!" Bulyaw nito sa akin. Mabilis akong napaharap sa kanya upang mag-sorry pero bigla na lamang umikot ang paligid ko at aksidenteng natapon sa damit n'ya ang lamang whisky ng shot glass ko.
"Goddammit, Miss. What have you done? s**t! You're so careless." Mas lalong naging malupit ang tono nito. Lalo rin tuloy akong nahilo. Letse! Hindi ko na rin magawang magsalita dahil nasusuka na talaga ako.
Medyo malinaw pa naman ang paningin ko kaya nagawa ko pa rin titigan ang mukha ng taong ibig yata akong kainin sa sobrang inis.
Tila nahimasmasan ako dahil sa nakikita. Oh my fancy-ass! Ang.. ang gwapo. No, it's understatement of his description. Napakagwapo n'ya. Lasing ako, oo pero hindi ako pwedeng lokohin ng aking paningin.
Bahagya akong natulala sa lalaking pinapagpag ang damit n'yang natapunan ko ng alcohol. Hindi ko na nga rin namamalayang nabitawan ko na pala ang dala kong shot glass.
"L-lamento mucho lo que les sucedio." (I'm sorry for what happened to you.) I said using my fluent Spanish accent. "Lo siento." (I am sorry.)
Kumunot ng bongga ang noo nito ngunit hindi naman nababawasan ang kagandahang lalaki nito. May mga bagong tubong beard sa baba nito na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan n'ya. He's too hot. Sheeyt!
"Excuse me? What did you just say? Miss, were you cussing me, huh?"
Ops! So hindi pala s'ya nakakaintindi ng Spanish. Siguro English ang salita nito pero ang cute n'ya magalit e. Aasarin ko na lang muna para makausap ko pa s'ya ng matagal.
"Ya sabes, señor, me gustas. usted es tan guapo." (You know what, mister, I like you. You are so handsome.) Seryoso kong saad para hindi n'ya mahalatang kapilyahan lang ang mga nasasabi ko. Umaariba na talaga ang kalandian ko.
Lord, salamat sa binigay mong pampatanggal ng kalasingan ko. Worth it po. Maglalasing na po ako palagi. Promise.
"Dammit, Miss. Stop speaking extrinsic speeches." Asik nito ulit. Gusto ko talagang matawa sa ekspres'yon ng mukha n'ya. Pero grabe, ang sarap pakinggan ng boses n'ya. Sayang at 'di ko nadala ang cellphone ko para mairecord sana.
"Les quiero a todos, y estoy humildemente agradecida por esta ontactos. (I love you and I'm so grateful for and humbled by this connection.) " Patay-malisya kong sabi ulit.
He shoot me with a deadly glare and shook his head in annoyance. "Baliw! Makaalis na nga! Bwesit!"
Lihim akong nagulat ng magsalita ito ng Filipino. So he.. he is my kababayan. Oh my freaking God! Destiny, hello? Umpisa na ba 'to ng kalibugan- este love story ko? Kung oo ay naku, magpadala ka ng sampung representative mo dito at ililibre ko kayo ng Hawaiian foods o 'di kaya ay Cobra wine.
"He hecho esperar a los, mi destino, mi amor." (Wait for me, my destiny, my love!) Sigaw ko ng nagsimula na itong umalis. Napatakbo na rin ako upang habulin s'ya.
"Huwag mo akong habulin, baliw!" Rinig kong saad nito habang naglalakad pa rin palayo. Todo habol pa rin ako hanggang sa mahigit ko ang sleeve ng summer Polo shirts n'ya.
"What the hell, Miss? Get off my shirt, dammit!" Singhal nito ng hinarap ako.
Nag-puppy eyes naman ako para magpa-cute syempre. Pabirhin pa ba ako e si Adonis na 'tong nasa harapan ko.
"Iré contigo." (I'll go with you.)
Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito. Marahil ay naiirita na talaga s'ya sa kaka-Spanish ko. Pero kasi.. ang cute kasi n'ya.
Madilim nitong sinipat ang kamay kong mahigpit ang pagkakakapit sa sleeve ng damit n'ya. I am still wearing my confusingly staid expression para hindi n'ya mahalatang naiintindihan ko s'ya.
"Why are you fol- Fѷck! Aren't you really understand English language?" Bugnot na tanong nito. Hindi ako nag-react. Gusto ko sanang mag- I love you kaso baka maintindihan n'ya. Common na kasi 'yon.
Napaatras ito at napalagatak pa sa inis. "Maganda sana pero mukhang bobo. English lang hindi pa makaintindi." He murmured pero matalas ang pandinig ko kaya nakarating iyon sa akin.
Okay na sana pero tinawag pa akong bobo! Gago pala 'to e. Pero gwapo, e. Palalampasin ko na lang.
"Sabe usted muy yo en que le seguiremos." (As you know, I'll go with you.) Malambing kong wika.
Nakaramdam ako ng ilang ng seryoso itong tumitig sa akin. Na-conscious tuloy ako sa hitsura ko dahil lasing pa naman ako. Lasing na nasa tamang huwisyo kung mayroon man nun. Hindi ko mapigilang mapakagat sa pang-ibabang labi ko ng nag-landing ang mga mata n'ya doon. s**t! Napakalandi ko na. Ang galing kong mang-seduce. Sana kumagat s'ya sa patibong ko.
"Fѷck that lips! Wala nga yata sa katinuan ang babaeng 'to. Walang kaalam-alam na tumitigas na ako sa ginagawa n'ya." He again murmured and diverted his gaze somewhere else.
Bingo! Napatigas- este napakagat ko s'ya sa paandar ko. Yey, victory!
"Miss, listen. I'd suggest you to stay away from me before I will do something to you that you might regret after." Anito sa matigas at baritonong boses na para bang pilit n'yang pinapaintindi sa akin ang ibig n'yang sabihin.
Tinalikuran na n'ya ako ulit pero isang hakbang pa lang ang nagawa nito ng hilain ko s'ya ulit at walang kaamuk-amok na siniil ko ng halik ang mga labi n'yang kanina ko pa pinagnanasaan.