Kabanata 7 Mabilis pa sa alas kuwatro ng nakarating kami ng The Royal Hawaiian kung saan naka-check in pala ang destiny ko. Kabaliwan nga ang sumama sa kanya pero parang may nagtutulak talaga sa akin na sumama ako sa taong ngayon ko lang nakita. Hindi sa landi o ano pa man pero ang gaan ng pakiramdam ko habang kasama ko s'ya kahit pa nasusungitan n'ya ako. Maybe dahil pareho kaming Filipino kaya siguro ganun. Bahala na kung ano man ang mangyari ngayon basta ibig ko lang s'yang makasama. Ngayon lang ako naging ganito sa isang lalaki at lulubusin ko na. Wala nang ayawan 'to. Agad nitong hinubad ang manipis n'yang puting shirts. Napalunok ako ng tumambad sa paningin ko ang makapigil-hiningang katawan nito. s**t! Kahit araw-araw akong nakakakita ng may six pack abs na mga co-models ko a