KABANATA 5

2109 Words
Kabanata 5 "Ano ang dapat kong malaman?" Sean repeated and invited himself in. Pumwesto ito sa mismong likod ni Arella kaya lihim naman s'yang napasinghap. "May napag-usapan lang kami, hijo. Take a seat first para mapag-usapan rin ninyo ng fiancée mo." "You'll going to shut off the wedding.. again." Suspiciously he stated. Pakiramdam ni Arella ay nagsitaasan ang mumunting balahibo n'ya sa kanyang batok dahil sa talim ng boses ni Sean. Galit ito at alam n'ya iyon. Napatitig si Arella sa mag-asawa na para bang inaabisuhan s'ya ng mga ito na huwag mangamba. Mababait nga talaga ang mga ito, walang duda doon si Arella. "We've to go now so you two could talk about Arella's concerns. Let's go, hon." Paalam ng Daddy ni Sean. Yinakap muna si Arella ng future mother-in-law n'ya bago tuluyang umalis. Ilang minuto lang pagkatapos umalis ng mag-asawa ay pumunta sa mismong harap ni Arella si Sean. Nang tumingala s'ya ay sumalubong sa mga mata n'ya ang madilim na aura ni Sean. Napaismid s'ya dahil doon at ang totoo n'ya ay parang natatakot s'ya sa pinapakita sa kanya ng lalaki. He burly pocketed his right hand and looked down to her feared eyes. Ito ang isa sa mga negatibong ugali ni Arella ang hindi marunong magtago ng emosyon ang kanyang mga mata. "So.. your concerns are?" Using his baritone voice, he queried. Pinatiwalag muna ni Arella ang kaba sa dibdib n'ya bago magsalita. "G-gusto ko sanang iurong ang date ng kasal-" "It isn't surprising, by the way." Putol ni Sean sa sasabihin n'ya. "And honestly, I was expecting a worse case than that." "I need enough time, S-sean." "Enough like? Another six years?" He shoot her with a sharp glare. Umalis ito sa harap ni Arella at tumungo sa office table na nandoon at prenteng umupo sa swivel chair. Sinundan naman ito ng tingin ni Arella. Wari n'yang ito ang office ni Sean. Tumayo na rin s'ya at lumapit sa harapan ng kausap. "It wasn't what I mean, S-sean. May kailangan lang akong gawin at ayusin bago ako magpakasal." Paliwanag n'ya. Itinukod ni Sean ang siko sa armchair ng office chair n'ya at ipinatong n'ya ang baba n'ya sa kanyang dalawang daliri. He was trying hard enough to consider Arella's lame proposition. "Tell me, may boyfriend ka bang naiwan sa ibang bansa kaya nagdadalawang-isip kang magpakasal sa akin?" Tanong nito. Nagitla si Arella dahil hindi n'ya inaasahan ang tanong na iyon. Pero- "I-I do have." She lied. Naisip n'yang iyon na lang ang gawin n'yang excuse dahil kung hindi n'ya iyon sabihin ay baka maghinala si Sean na may inililihim nga s'yang napakalaking bagay rito. Napansin ni Arella ang pagtiim ng bagang ni Sean. Umiwas ito ng tingin at may inabot ito sa drawer sa ilalim ng table n'ya. Suddenly, he carelessly threw a brown envelope on top of his table. Napatitig doon si Arella ng may pagtataka. "Ano 'yan?" "A consequential contract that you must have to sign and acknowledge." Malamig na saad nito. Kinuwa ni Arella ang laman nitong papeles at napaawang na lamang ang bibig n'ya dahil isa nga iyong kontrata. "The time span of our marriage of convenience will only lasts for year. One year and the annulment procedure will follow right away. We need to do this kind of s**t for our own sake. You're in love with another man and I do so. To put it simply we will both have the benefits of that contract. Kapag na-annul na tayo ay malaya ka ng magpakasal sa iba." Mapait na pagkakasabi nito. Nanikip ang dibdid ni Arella sa mga salitang binitawan ni Sean. He's in love with another woman? s**t! Nanginginig ang kamay ni Arella habang hawak-hawak pa rin n'ya ang papeles na nagsasaad na wala nga talaga s'yang mapapala sa ama ng kanyang anak. Ibig n'yang maiyak sa puntong iyon ngunit pilit na lamang n'yang nilalabanan ang sakit na iginantimpala sa kanya ni Sean. Nasasaktan s'ya sa katotohanang may mahal na nga itong iba. Dapat ay inasahan na n'ya iyon. "And for your proposition, I'll give you one week to settle down the nuts you left abroad. I'd suggest you to junk away your stupid boyfriend as soon as possible cause I won't have any plan to entertain a third wheel whenever we get married. Understood?" "Pero-" "That is final, Samantha. Take it or leave it?" Mautoridad na litanya nito. "And one more thing, nais kong sa manor house ka na tumira once you'll get back." "What?" Bahagyang nanlaki ang mga mata n'ya. "B-bakit ako titira sa inyo?" "Why not? Sooner or later ay magsasama naman tayo, hindi ba? Yes, what we'll going to have is just pragmatic infer but that doesn't mean na aakto tayong banyaga sa isa't-isa. Isang taon tayong magsasama pero sa loob ng mga panahong iyon ay nais kong maging totoo ang relas'yon natin sa mata ng ibang tao." Nasa bahaging pagtatalo pa rin ang dalawa ng may hindi inaasahang tao ang pumasok. Sabay silang napatingin sa bagong dating. "I'm sorry. Did I interrupted something?" The woman asked smiling and her sight adjusted to Sean. She didn't even bother to took a glimpse at Arella. "Cedrine. What brings you here?" He stood up and met the new comer halfway. Napaawang ang bibig ni Arella ng dinampian si Sean ng halik sa labi ng babaeng kasama rin ni Sean noong pamamanhikan. Lalo sumikip ang dibdib ni Arella sa nasaksihan. Hindi n'ya lubos akalaing gagawin iyon ng dalawa sa harapan n'ya. Alam n'ya na alam rin ng babae na magpapakasal na sila pero bakit ganun lamang kung magharutan ang mga ito sa harapan n'ya? "Silly. Nakalimutan mo na bang pupunta tayo sa birthday party ni Walt?" Tumalikod na lamang si Arella dahil parang sinasaksak ang puso n'ya habang nakatingin sa dalawa. She tried to ignore them. Inabot n'ya ang sign pen na nasa pen holder sa ibabaw ng working table ni Sean at wala sa isip n'yang linagdaan ang kontrata. Pagharap n'ya ay nakatingin na sa kanya ang dalawa. Ang kamay ng babae ay nakapulupot pa rin sa braso ni Sean. Ginawaran n'ya ang mga ito ng blankong ekspres'yon. "Everything is settled then. I need to go now since wala na naman tayong ibang pag-uusapan pa." Aniya at taas noong lumabas sa opisina. Doon lang bumalik sa normal ang kanyang paghinga ng nakapasok na s'ya sa loob ng elevator. Saktong pagkapasok n'ya ang pagbagsak ng ilang butil ng luha sa kanyang pisngi. Lihim s'yang napamura dahil may pumigil sa pagsara ng elevator. Yumuko s'ya at lihim na pinahid ang mga takas na luha. Gumalaw na ang elevator pero laking gulat n'ya ng may lumitaw na panyo sa harapan n'ya. She leisurely lifted her face only to recognize a stranger handing her a handkerchief. Ngumiti ito sa kanya. "I'm sorry but I think you need this more than I do." Manghang inabot iyon ni Arella at ginantihan n'ya rin ito ng ngiti. "S-salamat." "You're a new kid on the block, aren't you? Ngayon lang kasi kita nakita sa building na 'to?" The guy asked being friendly. Well, wala naman sigurong masama kung makikipag-usap s'ya sa lalaki. Bukod sa mukhang mabait naman ito ay hindi maikakailang kaaya-aya rin ang mukha nito sa paningin ni Arella. "Oo. May kinausap lang akong kakilala ko dito." She replied as a matter of factly. The guy extended his hand to her for a formal shake hands. "It's Nixon by the way." "Arella." Malugod n'yang tinanggap ang kamay ni Nixon. "Nice to meet you and thanks for this." Aniya na tinutukoy ang panyo. "It's alright and you can keep it if you wanted to though mumurahin lang iyan." "No, isasauli ko 'to sa'yo kapag makita kita ulit." She said chuckling. Tumawa na rin ang binata. "I'm looking forward to our next intersection, Miss Arella." "Soon to be a missis." Mapakla n'yang saad na ikinagitla ng kausap. "Oh really? Well, congratulations." Anito sabay ang pagbukas ng elevator doors. Nagpaalam na sila sa isa't-isa ng makarating sila sa ground floor. Dumiretso na sa labas si Arella. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang purse upang sana ay tawagan si Ellize pero nakatanggap s'ya ng mensahe mula sa dalaga. From Ellize E: Sorry, Arella. Nauna na ako dahil nagkaroon ng emergency. Call me if you are home. Kinabahan si Arella sa nabasa. Emergency? Ano kayang nangyari? Hindi n'ya mapigilan ang mag-alala. Nakatayo pa rin s'ya sa labas ng company building ng mga Ellison ng may humintong kulay abong sasakyan sa harapan n'ya. Bumaba ang salamin ng bintana nito at dumungaw doon ang lalaking nakilala pa lang n'ya kanina. "Hop in! Ihahatid na kita." Anito at binuksan ang pinto ng passenger seat. "No, I'm good. I'll just take a cab, Nix. Thanks." "I insist. Come on." Pamimilit nito. "Huwag na baka makaabala na ako sa'yo." Tanggi pa rin ni Arella. "Malayo kasi ang bahay ko. Sa Capricorn Subdivision pa." "Sakto. Sa El Dorado naman ako." Anito na ang tinutukoy ay ang kalapit nitong subdivision na hango ang pangalan sa Spanish myth. Wala nang nagawa si Arella kundi ang sumabay na lang din kay Nixon. Naiilang pa rin s'ya dahil kakikilala lamang n'ya sa lalaki. Ganun pa man ay mukhang harmless naman ito kaya pinipilit na lamang n'ya ang sarili na maging komportable. "So gaano na pala kayo katagal na engage ng soon-to-be husband mo?" Usisa ng kanyang kasama. Bigla ay naalala na naman n'ya ang scenario sa opisina kanina ni Sean. Soon-to-be husband pero kung landiin ng iba ay parang hindi ito ikakasal. Ngitngit n'ya sa likod ng kanyang utak. "Since.. last night?!" Patanong n'yang tugon na ikinakunot-noo ng kausap n'ya. "Are you kidding me?" Hindi makapaniwalang sabi nito. She shrugged. Wala naman sigurong masama kung mag-kuwento s'ya kay Nixon. After all mas mabuti nga iyon na nailalabas mo ang gusto mong sabihin sa taong hindi mo pa lubos na kakilala. "Last night lang kasi s'ya namanhikan." Umpisa n'ya. "But actually, six years ago pa dapat kami ikinasal. It's a fixed marriage, for your information." "Damn! How pathetic?" "Pathetic talaga pero iyon lang ang natatanging sagot para masagip ang mga ari-arian ng pamilya ko." "You know you have quite the same story with my cousin." Napalingon naman dito sa Arella. "Good to hear that. Hindi pala ako nag-iisa." Natatawa n'yang saad. Nixon nodded. "Too bad kasi may mahal s'yang iba pero wala s'yang magagawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang n'ya." "Absolutely same here. Sobrang hirap kaya malagay sa sitwasyong iyon. Lalo na at hindi ka pa talaga handa sa malaking pagbabago sa buhay. Lahat ng bagay sa buhay mo ay apektado." "Mukhang against ka talaga sa napipinto mong kasal, no?" He teased out and they both chuckled. "So may career ka bang igigive-up once you get tied?" "Hindi lang career kung hindi ay pati ang anak ko." Malungkot n'yang saad. "Anak? May anak ka na?" Shock is written all over Nixon's face. Alam n'ya na dapat ay isang lihim lamang iyon pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam n'ya nang naibahagi man lang n'ya sa iba ang bagay na nagpapabigat ng kanyang kalooban. Sasagot na sana si Arella ng tumunog ang cellphone ni Nixon na nasa dashboard. Huminto muna sila sa gilid ng kalsada bago nito sagutin ang tawag. "On my way home. Why?- What?" Napatitig si Arella kay Nixon ng tumaas ang tono ng boses nito. "s**t! Okay, okay. Papunta na ako d'yan." "Nix, what's wrong?" Balisa ang mukha nito ng lingunin si Arella. "Nagkaroon ng emergency. My cousin's wife rushed in the hospital. Can you go with me?" "O-oo, sige. Bilisan mo na." Nataranta na rin si Arella. Mabilis na namang pinaandar ni Nixon ang sasakyan. "Ano daw ba ang nangyari sa asawa ng pinsan mo?" Usisa ni Arella. Wala naman sa dugo n'ya ang maging tsismosa pero hindi n'ya talaga mapigilang mag-usisa. "Nahimatay daw si Tracey, m." Tracey? Napatitig ng diretso si Arella sa lalaking abala sa pagmamaneho. Hindi kaya si Tracey na sister in law ni Sean ang tinutukoy n'ya? Pero napakarami namang Tracey sa mundo para maging s'ya ang tinutukoy ni Nixon. Tama, hindi s'ya iyon. Nagtatalo na ang isip ni Arella at nagsimula nang umusbong ang kaba sa sistema n'ya. "Unfortunately, out of town ngayon si Redden for some business matter." Redden? Tracey? Parang nanigas si Arella sa upuan at batid n'yang unti-unti na ngayong tinatakasan ng kulay ang mukha n'ya. There's no fѷvking way! "Hey, ayos ka lang ba?" Untag sa kanya ng kasama dahil napansin nito ang pananahimik n'ya. "B-by any means, si.. si Redden Ellison ba ang tinutukoy mo?" Utal-utal n'yang tanong. "Exactly. Pinsan ko s'ya sa mother side. But wait, how did you get to know about him?" Goddammit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD