Kabanata 4
Hindi na napigilang maluha ni Arella matapos ang pag-uusap nila ng kanyang apat na taong gulang na anak na si Sam. Nagkaroon sila ng pagkakataong mag-facetime sa loob ng mahigit kinse minuto.
Masyado na niyang nami-miss ang anak kung kaya at ang kinse minuto na iyon ang parang limang segundo lamang para sa kaniya.
Nasa poder ngayon ng matalik n'yang kaibigan ang anak. Nasa bansang Mexico ito dahil doon rin naman sila namalagi buhat nang ipinanganak n'ya si Sam. Ito ang unang beses na nalayo sila sa isa't-isa kaya hindi n'ya mapigilang maging emosyonal.
"It's alright, Ate. I know you are feeling blue with your distance from Sam. Gusto mo bang ako na lang ang kumuha sa kanya sa Mexico?" Audrey's concern tone caught her attention.
Nasa silid kasi s'ya ng kapatid dahil nakigamit s'ya ng laptop nito kanina. Nasa lanai sila ngayon sa silid ni Audrey at parehong nakaupo sa tag-iisang aluminum chair. Sa harap nila ay ang bilugang lamesa na gawa rin sa aluminum kung saan nakapatong ang laptop at isang basong gatas para sa kanya na ngayo'y malamig na dahil hindi naman n'ya 'to ginalaw.
Napahilot sa kanyang sentido si Arella. Hindi n'ya lubusang maisip na ganito kagulo ang madadatnan n'ya sa pagbabalik bayan.
"It sounds great, Aud pero hesitant pa ako. I still did not make up my mind. Sean...” Napailing si Arella.
"Why don't you take the shortcut, Ate?" Napalingon si Arella sa kapatid dahil hindi n'ya nakuha ang pinupunto nito. "I mean, why don't you tell Kuya Sean about Sam-"
"s**t!" Arella blew a cuss unintentionally. It's not a good idea, as far as she know.
Audrey sighed. "I guess he'll understand if he get to know."
Naikwento na n'ya kay Audrey ang tungkol sa ama ni Sam at tuwang-tuwa pa ito kagabi nang malaman n'ya. Sinabi pa nito kay Arella na talagang kapalaran na nga talaga nila ang maging isa.
"I don't think so, Aud. He clearly stated last night that everything does not matter to him. Like me, parang napipilitan din s'ya sa pagpapakasal sa akin. What more if he learned that he have a child with me. Maniniwala ba siya? There's a possibility na hindi n'ya kilalanin ang anak ko at kung gagawin n'ya 'yun ay baka mapatay ko s'ya. Mayabang siya, Aud."
Malinaw pa sa utak ni Arella ang sinabi sa kanya ni Sean kagabi at hanggang ngayon ay parang pinipiga pa rin ang puso n'ya sa mga salitang binitawan nito.
Sean had a quite big space in her heart. Her son's father. Kahit ilang araw lang n'ya itong nakasama noon sa Hawaii ay malaki ang naging parte nito sa buhay n'ya. Bukod sa s'ya ang ama ng kanyang anak ay si Sean rin lang ang kauna-unahang lalaki na pinag-alayan n'ya ng buo n'yang pagkatao. In short, si Sean lang ang lalaking bumihag sa puso n'ya.
Inisip n'ya noon na katangahan lang iyong isinuko n'ya ang lahat sa taong hindi n'ya pa gaanong kilala pero wala naman s'yang pinagsisisihan lalo pa't biniyayaan s'ya nito ng isang supling na tanging nagbibigay kulay sa mundo n'ya.
"And your plans for ahead?" Umahon s'ya muli sa malalim na pag-iisip ng usisain s'ya ulit ng kapatid.
Napabuga s'ya ng hangin at mahinang umiling. "I ran out of plans, actually. All I want now is to be with Sam as soon as possible." Longing laced in her voice.
"How's that possible when you're about to tie a knot the next month, Ate?"
Iyon ang lalong nagpapasakit ng ulo ni Arella. Kung bakit ba kasi agaran s'yang sumang-ayon sa iminungkahi ng Ina ni Sean.
Ina ni Sean.
An idea came up on her mind.
Tama! She needs to talk to Sean's parents about her concerns.
Bandang alas kuwatro ng hapon ng sunduin s'ya ni Ellize sa bahay nila. Earlier, she texted Ellize if where do she find their parents. Mabuti na lang at nahingi n'ya kagabe ang contact number ng dalaga. Sinabi n'ya kay Ellize na nais n'yang makausap ang mga magulang nito. Imbes na sumagot ay nag-insist ito ng daanan s'ya sa bahay nila para sabay na silang pumunta sa kung nasaan man ang mga taong pakay n'ya.
"I won't get surprise if you will appeal to knock off the wedding.. again." Napalingon s'ya sa magandang dalaga na nagmamaneho.
Hindi alam ni Arella kung anong ekspresyon ang iguguhit n'ya sa kanyang mukha dahil sa sinabi ng kasama.
"I sensed that you dislike my brother." Ellize jested once again.
"Ha?" All she could say.
Dislike?
No, she's apparently not. She loves Sean but she regarded him with dislike now with how that scumbag treated her last night.
"Ayaw mo ba sa kapatid ko, Arella?" Diretsong tanong ni Ellize sa kanya.
Napalunok s'ya sa gulat. Bakit iyon pa ang itinanong sa kanya? Isip n'ya.
Pakiramdam n'ya tuloy ay numipis ang hangin sa loob ng sasakyan ni Ellize.
"Please, Arella. Gusto ko lang naman malaman. Do you find him good? I mean, is there any possibility that you two will be suitable for each other? Though not now, maybe eventually."
"Liz, honestly, sa sitwasyon namin ng kapatid mo parang hindi naman mahalaga ang nararamdaman namin para.. para sa isa't-isa. All we have between us is just a pure trade, nothing beyond that, I supposed." Paliwanag n'ya.
Iyon naman ang totoo. Sa sitwasyon n'ya ay wala s'yang karapatang umasang mabibigyan ng kulay ang magiging buhay nila ni Sean sa hinaharap. Batid naman n'yang walang interes sa kanya si Sean. Ang nangyari sa kanila sa Hawaii ay dala lang ng kayamuan. It was just lust and nothing more.
Nakita ni Arella ang pagtulis ng labi ni Ellize na waring dismayado. "Akala ko pa naman na romantic getaway na iyong nangyari sa inyo noon sa Hawaii. But at least, I'm glad na ikaw ang mapapangasawa ni Kuya Sean."
Minabuti na lamang na ngumiti ni Arella.
Tinungo nila ang daan patungo sa basement ng isang napakataas na gusali. Pamilyar s'ya sa lugar na 'to dahil minsan na s'yang napadpad rito noon kasama ang Daddy n'ya. Ngayon n'ya lang nawari na pagmamay-ari pala ito ng mga Ellison.
After Ellize parked her car, they immediately took their way up. Sa thirtieth floor s'ya dinala ni Ellize.
Bawat empliyadong madaanan nila ay binabati sila. Specifically, Ellize. Tahimik lang silang naglalakad ng ditetso. Wala namang nararamdamang umid si Arella sa mga questionable na tingin na iginagawad sa kanya ng mga empliyado. She expected it, anyway. Bago lang naman ang mukha n'ya sa gusaling ito. But those stares didn't mock her confidence even a bit. Kahit papaano'y may karanasan na s'ya sa ganitong eksena.
She used to ramp up in a famous runway back in Mexico. Iyon ang naging buhay n'ya ng mga panahong iyon pero tumigil s'yang takbuhin ang karerang 'yon ng malaman n'yang nagdadalang-tao na s'ya.
"We're just right on time, katatapos lang yata ng meeting nila Daddy. Mom's here also." Ani Ellize.
They entered inside a lofty frameless glass door. Nadatnan nilang nag-uusap ang mag-asawang Sophia at Desmond sa couch na nasa loob ng malawak na opisina.
They look surprise when they eyed Arella together with their unica hija.
"Hi, Dad, Mom," Ellize greeted her parents and hugged them both.
"Oh Arella, hija. Pleased to see you here. Come on, hija. Take a seat!" Masiglang sabi ng future mother-in-law ni Arella.
Nakangiti s'ya habang papalapit sa nakaupong mag-asawa. She rewarded them a beso before resting herself in a single couch.
"Sa labas na lang po muna ako para makapag-usap kayo. Excuse me." Ellize excused herself.
Nang makalabas na ito ay agad na pinunto ni Arella ang dahilan ng kanyang pagpunta doon.
Sinabi n'ya sa mag-asawa na kung pupwede ay i-postpone na lang muna ang kasal. Imbes sa susunod na buwan ay ganapin na lang ito sa unang buwan sa susunod na taon. Oktubre na ngayon, so kung sasang-ayon sila sa panukala n'ya ay may mahigit tatlong buwan pa s'ya para ayusin ang magiging estado ng kanyang anak.
"I'm sorry po, Tito, Tita, kung medyo magulo ang mga nagiging desisyon ko. Gusto ko lang po sanang ayusin ang lahat sa parte ko bago ko pakasalan ang anak n'yo." Arella stated apologetically.
Hindi naman nagulat ang mag-asawang Desmond at Sophia sa naging desisyon ni Arella. Bagkus ay mas naiintindihan nila ang sitwasyon n'ya kahit pa'y taliwas sa kanilang isipan ang totoong dahilan ni Arella.
"It's okay, hija. I understand if you are having a rough time digesting this sort of bundle. You know what, hija? To tell you honestly, I've been there in exact footing beforehand,"
Malamlam na napatitig si Arella sa nagsasalita. She wanted to plucked any clarification from her Tita Sophia's phrases. Her Tito Desmond, on the other hand was just there, eagerly listening.
"Yes, we were force to a fixed marriage, too back then, kaya alam ko ang pakiramdam na ipinipilit ka sa taong hindi ka rin sigurado kung karapat-dapat ba sa'yo,"
Arella lips parted in surprise. Hindi n'ya akalaing produkto rin pala ang mga magulang ng kanyang mapapangasawa ng isang fixed marriage. Kaya naman pala supurtado ng mga ito ang pagpapakasal ng anak sa kanya.
Her Tito Desmond slightly nodded, confirming of what his wife professed.
"It was pure business happened between us before, hija, tulad ng pamilya mo ay kinailangan din ng mga Montaigne ang tulong mula sa amin kaya si Tita Sophia mo ang naging garantiya kapalit ng tulong na ibibigay namin sa kanilang pamilya." Her Tito Desmond made it clear for her.
Arella's all ears. She didn't feel sympathetic at all of how the couple started. Kita naman n'yang masaya ang mga ito kahit pa sabihing hindi gaanong kaganda ang iginuhit ng kapalaran para sa kanila sa una.
"But, as what you can see- from being forced, now we ended up having a brightest love story. Sa una sadyang mahirap talaga, hija. But I'm telling you, hindi mahirap mahalin ang panganay namin. Sean's a good son and I assure you that he'll be a good husband, too, Arella. Just try to stir up his gentle spot and you will find what we're trying to say."
Matamis s'yang ngumiti sa mag-asawa. "Don't worry, Tita. Gagawin ko po ang lahat para mag-work 'tong tatahakin naming buhay. Hindi ko lang po maipapangakong magiging kasing liwanag ng kapalaran n'yo ang amin."
Iyon ang nararamdaman ni Arella. Hindi naman n'ya gaanong kilala si Sean upang magsalita s'ya ng tapos. Hindi man maayos ang naging pag-uusap nila kagabe ay ngayo'y naisip n'ya na gagawin n'ya ang lahat mag-work lang itong relasyon nila. Hindi lang para sa kanya kundi para rin sa anak.
In time, if she already figured out that Sean is worthy, doon n'ya lang siguro aaminin ang tungkol sa anak nila.
"No, hija. There's no comparison between anyone's fate. Fate exist, I believed, but we're oblige to make the best of it. Kailangan n'yo lang ay ang magtiwala na kakayanin n'yo."
Nagagalak si Arella sa mga payong binibigay ng kanyang future parents-in-law. She's somewhat lucky that she will have such a wonderful people around her in the near future. Hindi hamak na mas magiging mabuting magulang sila para kay Arella kumpara sa madrasta n'yang si Patrice.
Simula pa lang noong pinakasalan ito ng kanilang Ama ay hindi naman nito ginampanan na maging ina nila ni Audrey. Kaya lumaki silang magkapatid na silang dalawa lang ang nagdadamayan.
"By the way, hija. Gusto mo bang kami na lang ang magsabi nito kay Sean?" Her Tito Desmond confided.
Sasagot na sana s'ya ng may biglang sumulpot na boses mula sa kung saan.
"Tell me? Exactly about what?"
Parang nanigas si Arella sa kinauupuan ng marinig ang mahina ngunit maligasgas na boses ni Sean mula sa kanyang likuran.
Fuck.