"So, kamusta ang first day mo kay Ms. Grace? Kaya mo pa ba?" tanong ng babae nang lumapit ito sakin habang nagxexerox ako ng mga documents.
Inalis ko muna ang aking buhok na nakaharang sa mukha ko bago sumagot. "Well, so far okay naman kahit nakaranas na ako ng hagupit ng katarayan nya," napatawa ako ng mahina. "Bakit ganoon yung amo nyo? Ang sungit!"
Inilapag ng babae ang kanyang hawak na baso ng kape. Kada makikita ko sya lagi syang kumakain. "Hindi ko rin alam. Nauna si Grace sakin dito. At base sa mga kwento na nasagap ko ay nakipaghiwalay daw si Ms. Grace sa dati nyang boyfriend dahil niloloko daw sya nito, kaya simula noon ay naging sing tigas sya ng bato at kasing lamig ng yelo,"
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, kasi lahat naman tayo ay dumadating sa punto na lokohin ka ng taong minahal mo ng sobra sobra. "If that was true that suck," sa ganda ba naman ni Ms. Grace ay hindi na ito mahihirapan maghanap ng kapalit baka ang lalaki pa ang lumapit sakanya. "Wala ba syang ibang mangliligaw?"
Sumandal ito sa pader at itinapik tapik ang kanyang daliri sa kanyang baba. "Actually marami, pero karamihan sakanila sumusuko agad pwera lang kay Paulo,"
Natapos narin ang pagxexerox ko at inayos ko ito isa isa habang nakikipag usap sa new found kachismisan ko dito. Kailangan ko kasing malaman ang lahat lahat sa bawat matataas na empleyado dito. "Sino naman si Paulo?"
"Paulo is the man of my dreams,"
Napasulyap ako sa kausap ko na parang nananaginip habang iniisip yung Paulo na sinasabi nya. "Isa sya sa boss dito sa department natin, kapag nakita mo sya sigiradong malalaglag ang panty mo,"
Hindi ko mapigilan mapaikot ng aking mata, kung alam lang ng kausap ko na ibang putahe ang hanap ko. "Anyway," pagiiba ko sa usapan. "I'm Sam, ikaw anong name mo?"
"Oh.. I'm gwen," at naghand shake kami. "Kanina pa tayo naguusap pero hindi natin alam pangalan ng isa't isa. " natatawang sabi nito sakin. Bigla akong naconcious dahil tinitigan nito ang aking mukha. "Hindi ba masyado kang maganda para maging secretary ni Grace? Pwede kang maging Victoria models, or Fashion model,"
Napakamot nalang ako sa aking ilong. "Thanks," ang tangi kong sambit.
"Saka hindi ka mukhang Pilipino, I mean. There is something different about you,"
"Ms. Concepcion kanina ko hinihintay ang mga pinazerox ko!" inis na salita ni Grace na biglang sumulpot sa aming tabi. "Hindi kayo pinasusuweldo ng kumpanyang ito para magkwentuhan sa oras ng trabaho!"
Agad na umalis si Gwen at iniwanan akong mag isa. "Sorry Grace,"
"Call me Ms. Grace or Ms. Agustin not just Grace!" naguusok ang ilong na pagtatama nito sakin pero imbis na makaramdam ako ng takot ay hindi ko alam kung bakit ako napangiti. "Anong nginingitingiti mo dyan!"
"Wala po Ms. Agustin," naiiling kong sabi. "Ang ganda mo kasing lalo kapag nagtataray ka," mahina kong bulong.
"Anong sabi mo?"
Kinuha ko ang lahat ng xerox copies. "Balik na po ako sa office," at nagmamadali akong lumakad palayo.
"Teka, kinakausap pa kita!" galit na tawag ni Grace sakin pero hindi na ako lumingon. Teka. Ano ba tong napasukan ko na ito.
First day ko palang pero pakiramdam ko ay isang dekada na ako nagtatrabaho dito, idagdag pa ang pagpapahirap ni Grace sakin. Mabuti nalang at nasa meeting ito at tahimik ang loob ng opisina. Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki. Okay, I can't deny that he is good looking at malakas ang s*x appel pero hindi ito tumatalab sakin. Meron akong tinatawag na gay shield.
"Oh, she has a new secretary," nakangiti nito sabi, ewan ko kung sino ang kausap nya. "Hi," lumapit ito sakin at naupo sa aking lamesa kahit may upuan naman. People nowadays. "What is your name? You are so beautiful,"
"Sam," maikli kong sagot at nagkunwaring abala sa pagtatrabaho pero ang totoo nagfafacebook lang ako. "Ms. Agustin is not here in case you are looking for her,"
"I'm Paulo," ngumiti ito sakin. So sya pala ang kinukwento ni Gwen na makalaglag panty. "Babalik nalang ako later," tumayo ito at kumindat pa sakin bago tuluyang umalis.
Lalo akong nilamig kay Paulo kahit siguro ako si Grace hindi ko ito magugustuhan sobrang hangin. Nakita ko ang oras sa cellphone ko. Alas dose na at nagugutom narin ako.
Bumukas ang pinto at pumasok si Grace na may bitbit na pagkain. "Kumain ka na ba?"
Para akong nabingi. "Ha?"
Lumapit si Grace sa aking lamesa at inilalag ang brown paper na pinaglalagyan ng pagkain. "I bought this," at pumunta na ito sakanyang lamesa. "May tumawag ba or may naghanap sakin?"
"Yung Paulo lang po," sagot ko habang titig na titig sa brown paper.
"Don't worry walang lason yan," walang ekspresyon ang mukhang sabi ni Grace. Napakamot ako sa aking kilay. Alam na alam nya ang tumatakbo sa isip ko. May special powers ba sya? "Anyway, bukas maaga kang pumasok dahil kailangan natin pumunta sa isang marathon,"
Binuksan ko ang paper bag na may lamang pagkain. Ayaw ko kasing isipin ni Grace na maarte at maselan pa ako. Mas gusto ko na ganito kami kaysa yung pinagtatatayan nya ako.
"Marathon?" kunot noo ko na tanong habang pinanunuod ko syang kumain. Bawat subo, nguya at lunok. Napakagraceful nya.
"Hobby mo ba talagang titigan ang isang tao?" nakataas kilay na tanong ni Grace. "You know it's rude to stare,"
Namumula ang aking mukha tumungo ako at kumain. Ngayon ko lang napansin na kanin at adobo ang pagkain ko samantalang sandwich lang ang kay Grace. Mabubusog ba sya don?
"Hmm.. Mabubusog ka ba sa sandwich lang?" hindi ko mapigilang itanong.
Pinunasan muna ni Grace ang kanyang labi bago sumagot. "Yeah. I'm vegetarian,"
Now it make sense.
"What time ang Marathon bukas para maaga akong makapasok," anang ko bago uminom ng tubig.
"4 in the morning dapat nandito ka na dahil 6 am ang umpisa," may kinuha si Grace sa ilalim ng lamesa nya. "This is your clothes," tumayo ako at kinuha ang damit. "Hindi ko sure kung fit yan sayo," nagkatitigan lang kami ni Grace at wala ng nsalitang nasabi. "Bu-bumalik ka na sa pagkain dahil marami pa akong ipapagawa sayo," at umiwas ito ng tingin.
Natapos ang araw ay wala akong ginawa kundi maglakad at kumausap ng mga tao. Okay rin naman ang experience dahil nagagamit ko ang PR ko na ginagawa ko rin sa France especially to entertain our customers.
Umuwi ako sa bahay na pagod na pagod. Plakda agad ako sa kama, kahit anong gising at pilit ni Mama na kumain muna ako ay hindi ko na nagawa. Mas gugustuhin kong matulog nalang.
Alas tres palang ay gising na ako at nakapag ayos ng aking sarili. Saktong sakto naman ang suot kong damit para sa Marathon mamaya. At habang naghihintay ako ng oras para umalis ay nagresearch muna ako sa f*******:. Syempre gumawa ako ng panibangong f*******: account at imbis na Sam Imperial ay Sam Concepcion ang aking inilagay pangalan. Wala rin akong masyadong picture at inadd ko ang mga malalapit ko na kaibigan. Hinahanap ko rin ang f*******: ni Alex pero hindi ko ito makita. Kaya yung kay Grace nalang ang sinearch ko at sa awa naman ng diyos ay may nahanap akong isang f*******: account nya. Nakaprivate kaya hindi ko makita ang mga detalye.
"Teka Iaadd ko ba sya o hindi?" tanong ko sa aking sarili habang tinititigan ang profile picture ni Grace na todo todo ang pagkakangiti.
Nagulat ako ng may kumatok sa aking kwarto at aksidenteng napindot ang Add as a friend ng f*******:. Nataranta akong lalo ng makatanggap ako ng notification na Grace accepted my friend request. Wow. That was fast!
"Maam, okay na yung pinahahanda nyong pagkain," salita ng kasambahay mula sa labas ng kwarto.
Nakita ko ang mga pictures ni Grace at sinuri ito isa isa. Hindi ako makapaniwala na ang napakayaman pala ni Grace, marami syang ari ari at kotse base sakanyang mga litrato.
Hindi ko tuloy mapigilang maghinala. Una ang bata nya para magkaroon ng mataas na posisyon sa kumpanya at ngayon eto, napakayaman nya. Saan galing ang lahat ng ito.
Niligpit ko na ang aking gamit at nagmamadali na akong lumabas ng bahay. May pumalibot na mga body guard sakin.
"Teka, anong ginagawa nyo?"
"Marami pong tao sa Marathon kaya pinasasama kami ni Boss," sagot ng isa sa mga body guard.
Binuksan ko ang pintuan ng aking kotse. "Hindi pwede! Makikita kayo ni Grace doon!"
"I'm sorry Maam but this is an instruction," paumanhin ng body guard. "Susunod nalang po kami para hindi masyadong halata at pansinin,"
Tumango ako. "20 feet away from me okay,"
"No, Maam,"
"15?"
Umiling ang dalawang body guard na nasa aking harapan.
"Fine 10,"
At nang magkasundo kaming tatlo ay sumakay na ako sa aking kotse samantalang ang dalawang body guard ay sumunod gamit ang ibang sasakyan.
Inihinto ko ang aking sasakyan sa harap ng building at biglang lumabas ng kanyang kotse si Grace. hindi na ako nakapag react ng pumasok ito sa loob ng aking sasakyan bitbit ang kanyang gamit.
Hindi ko maalis ang aking mga mata sakanya dahil sobrang bagay at sexy nya sa suot nyang damit.
"Where too?" tanong ko at pilit nilabanan na wag tumingin kay Grace. Binuhay ko ulit ang makina ng aking sasakyan.
Sinuot ni Grace ang kanyang jacket. "Sa Pasay,"
Walang ng nagsalita sa pagitan naming dalawa habang bumabyahe.
Binuksan ko ang radio ng aking sasakyan dahil malapit na akong mabaliw sa katahimikan.
Saktong sakto ang kanta ni Charlie puth na We don't talk anymore. Hindi ko mapigilang mapakanta at sayaw habang nagmamaneho.
Don't wanna know
Kind of dress you're wearing tonight
If he's holdin' onto you so tight
The way I did before
I overdosed
Should've known your love was a game
Now I can't get you out of my brain
Oh, it's such a shame
Inihinto ko ang kotse dahil sa red light.
That we don't talk anymore
We don't talk anymore
We don't talk anymore
Like we used to do
We don't laugh anymore
What was all of it for?
Oh, we don't talk anymore
Like we used to do
Napasulyap ako kay Grace na nakangiti at naiiling habang nakikinig sa concert ko. Ang sarap sa pakiramdam na nakita ko syang nakangiti.
"Magaling ka palang kumanta," narinig ko na pasigaw na sabi ni Grace dahil hindi kami magkakarinigan sa lakas ng kanta. Kaya pinatay ko ang radio.
"Oo lalo na kapag sa loob ng banyo," natatawa kong sagot. "Salamat pala sa pag accept mo sa friend request ko sa f*******:,"
"It's nothing," sinuklay ni Grace ang kanyang buhok. "Napapansin mo ba yung sumusunod sating sasakyan?"
Bigla akong napatingin sa salamin. Kita ang mga bodyguard ko na nakasunod sakin. "Hindi bakit?" pagpapatay malisya ko. Binilisan ko nalang pagpapatakbo ng sasakyan.
Mag aalas sais na ng makarating kami sa Pasay. Sobrang dami ng tao. Nagpalista kami ng pangalan at kumuha ng number.
"Sam!"
Napalingon ako at nakita si Gwen. "Hey! Nandito karin pala,"
"Good morning Ms. Grace," bati ni Gwen sa babaeng katabi ko. Tango lang ang isinagot ni Grace. "Lahat tayo ay kasama sa Marathon,"
Tumango tango lang ako. Biglang nagtakbuhan ang mga tao at sinagasaan nila kaming tatlo. Nahilo ako at hindi malaman ang gagawin. "Teka teka!"
Isa pang balya ay muntik na akong matumba. Buti nalang at may humawak sa aking bewang para saluhin ako. Huminto ang aking mundo habang nakatingin sakanyang napakagandang mga mata at ilang pulgada lang ang layo ng aming mga mukha. Napakabango ng kanyang hininga, para akong lumilipad sa langit.
"Gaano mo katagal balak sa ganitong posisyon Sam?"