Sobrang bilis ng t***k ng puso ko hindi dahil sa Marathon kundi sa ilang segundong pagtitinginan namin ni Grace. Agh. Si Grace na sobrang bilis tumakbo, hindi ko na alam kung saan sya nagpunta. E para saan pa at isinama nya ako dito kung iiwanan nya rin ako.
Kanina ko pa rin sinusubukan hanapin si Gwen pero kahit anino nya hindi ko makita, baka kumakain lang yun sa tabi tabi o di kaya nakasunod kay Paulo.
"Maam!"
Hindi ako lumilingon, malay ko ba kung ako yung tinatawag o hindi.
"Teka Maam sandali!" at sa pagkakataon na ito biglang sumulpot sa aking harapan ang dalawa kong body guards.
"Anong ginagawa nyo dito!" nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila, take note nakasuot din sila ng damit pang Marathon. "Saka wag nyo na akong tatawaging Maam, Sam nalang," baka kung ano pang isipin ng mga tao sa paligid ko kapag narinig nila na tinatawag akong Maam ng dalawang lalaking ito.
Napakamot sa ulo ang isa na medyo malaki ang katawan at brusko ang dating. "Eh tinakasan nyo po kami kanina," at inabot nito ang water bottle sakin. "Ako pala si Ben,"
"Baste," singit ng isa.
Tumango tango ako habang binubuksan ang bote ng tubig. "Pero diba nagkasundo na tayong tatlo? 10 feet away from me,"
"Oo, kaya lang nagiisa ka baka gusto mo ng makakausap," nakangiting tugon ni Ben. "Baste ilabas mo nga yung bitbit mong bimpo para kay Sam,"
"No, it's okay," awat ko kay Baste ng dinudukot na nito ang bimpo sakanyang bag. "Para sa mga body guards e kayo ang masyadong mitikuloso,"
Napatawa ang mga ito. Kung titignan mo sina Ben at Baste ay matatakot ka sa laki at tangkad nila. Isang siko lang ay siguradong lilipad ka. Ganon nga ata ang mga body guard.
"Sam!!"
Parang yumanig ang lupa ng marinig ko ang boses ni Grace na tinatawag ang aking pangalan. Nakatayo ito ilang metro mula sa akin.
"Umalis na kayo" bulong ko sakanila bago pa makahalata si Grace. Agad namang silang tumakbo ng kaonti palayo sakin.
"Bye Miss Sam!" natatawang sabi nina Ben at Baste at kumakaway pa talaga.
"Ingat B1 at B2;" pilit ngiting paalam ko sakanila. Humanda kayo mamaya sakin.
"Kanina pa kita hinahanap!" reklamo ni Grace ng tuluyan akong makalapit sakanya. "Akala ko nasa likod lang kita yun pala wala ka na,"
"Takbo ka kasi ng takbo," mahina kong bulong.
"Ano?" nakataas ang kilay na tanong ni Grace.
Kanina, okay ang mood nya ngayon e kulang nalang kalbuhin nya ako. Siguro bipolar ang babae na ito o hindi kaya may Multiple Personality Disorder sya.
"Nothing," naiiling kong sabi. "Tapos na ang Marathon baka pwedeng magpahinga naman tayo," nagkunwari akong pagod at hingal na hingal. Minsan naiisip ko bakit hindi nalang ako mag artista dahil sa galing kong umarte.
Tumango lang ang isinagot ni Grace at naglakad na ito palayo. Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod na parang aso sakanya. Huminto kami sa tapat ng aking sasakyan, nilabas ko ang mga pagkain na baon ko and of course may sandwich para kay Grace, no meat or anything dahil alam kong vegetarian sya.
"Thanks," pasasalamat ni Grace ng inabot ko sakanya ang pagkain.
Naupo kami sa bench na natatakpan ng mga puno kaya fresh at malamig ang hangin. Tahimik kaming kumain habang pinanunuod ang mga taong abala sa kani kanilang mga ginagawa.
"Gaanong katagal ka ng nagtatrabaho sa kumpanya?" hindi ko napigilan itanong yung mga bagay na gusto kong magkaroon ng kasagutan. Syempre hindi ko pwedeng makalimutan ang totoong rason kung bakit ako umuwi dito sa Pilipinas.
"5 or 6 years,"
"If you don't mind, how old are you?"
"Hmm 26," at tumingin sya sakin. Hindi ko alam kung anong meron sakanyang tingin na kayang magpanginig sa mga tuhod ko. "I bet hindi nagkakalayo ang edad natin,"
"I'm 25 but going 26 this September," sang ayon ko. Inubos ko ang natitira kong sandwich at uminom ng tubig. "So after this pwede ng umuwi?"
Tumayo si Grace. "Oo pwede na pero ihatid mo nalang ako sa office dahil may kukuhain akong papeles na nakalimutan ko kahapon,"
Papeles o may gagawin kang milagro..
"Sure,"
Maingat kong inihinto ang aking kotse sa tapat ng aming building. Kami lang ata ang tao dito at ang guard.
Binuksan ni Grace ang pintuan ng aking sasakyan. "Thanks!"
"Wait," nagmamadali akong lumabas ng kotse at sumunod sakanya. Pagkakataon ko na to para makapag imbestiga. "Samahan na kita, baka mapano ka e,"
Hindi na ito sumagot basta hinayaan nya lang ako sumunod sakanya. Medyo nakakapanibago dahil ang tahimik ng elevator, dahil sa una at dalawang araw ko pa lamang dito ay puro chismisan na ang inabutan ko.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa reflection namin ni Grace sa salamin ng elevator. Malaya kong syang pinagmasdan habang abala sya sa pag tingin ng kanyang cellphone pero bigla akong napaiwas ng tingin ng magtama ang aming mata.
Magsasalita sana si Grace pero bumukas na ang pintuan ng elevator at nagmamadali akong lumabas. Sigurado akong sesermunan nanaman nya ako kung nagkataon.
Para akong nasa horror movie, walang katao tao sa opisina, madilim at yung imahenasyon mo walang ginawa kundi takutin ka.
"Ano bang tinatayo tayo mo dyan?" muntik na akong mapatalon sa takot ng biglang bumulong si Grace sa tenga ko, pakiramdam ko ay sinadya nya ito para takutin ako. "Nakaharang ka sa daanan," dumaretcho kami sa kanyang opisina, samantalang ako ay nagmamashid. Tila may hinahanap si Grace sakanyang lamesa pero hindi nya ito makita. "Wait me here," usal nito bago lumabas at iwanan akong nagiisa.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at binuksan ko ang drawer na nasa ilalim ng kanyang lamesa. Halos maduling ako sa dami ng folder. Ano ba dito ang dapat kung kuhain. Inisa isa ko ang mga folder, may mga level naman. At may isang nakalagay na Confidential.
"Sam," umalingawngaw ang boses ni Grace sa loob ng opisina.
Sa pagkagulat ay hindi ko sinasadyang mauntog ang ulo ko sa lamesa. "Aray.." impit ko habang isinasara ang drawer.
"Anong ginagawa mo dyan?" nagtatakang tanong ni Grace habang nakatingin sakin. Punong puno ng katanungan at pagdududa ang kanyang mga mata.
"Yung- yung hikaw ko kasi nalaglag sa ilalim," pagsisinungaling ko mabuti nalang mabilis ang utak ko gumawa ng mga dahilan o kasinungalingan.
Lalong kumunot ang noo ni Grace. "Wala ka namang suot na hikaw Sam,"
Pinagpawisan ako ng malamig. Bakit ang daming tanong ng babae na to. "Tinanggal ko na kasi yung natitira kong hikaw baka mawala pa," tumayo ako at lumayo sa lamesa ni Grace. Napansin ko na may hawak syang folder. "So tara na," kinuha ko ang aking bag. Wala ng nagawa si Grace kundi sumunod sakin at lumabas kami ng building.
"Oh hey," bungad ni Paulo samin pagkalabas nito sa kanyang sasakyan. Nakasuot parin ito ng pang Marathon. "What are you girls doing here?"
"May nakalimutan akong papeles," sagot ni Grace. "Ikaw?"
Lumapit si Paulo kay Grace at hinawakan ang bewang nito. "May inutos si Boss sakin," hindi ko alam kung bakit wala akong katiwa tiwala sa lalaking ito, nakakaduda. Siguro kakausapin ko nalang si Papa tungkol kay Paulo. Dahil para sakin, lahat ay suspect.
Inilalayo ni Grace ang kanyang mukha kay Paulo. "Hmm. Can you please get off me," pakiusap ni Grace pero hindi ito pinakinggan ng lalaki at lalong humigpit ang kapit nito sakanyang bewang.
Walang pagdadalawang isip akong pumagitna sa pagitan nina Grace at Paulo. "Bitawan mo nga sya,"
Tinignan ako ni Paulo mula ulo hanggang paa sabay ngumiti sakin. "Relax Sammy,"
"Don't call me Sammy!"
Nagkibit balikat si Paulo at muling itinuon ang pansin kay Grace. "See yah tomorrow," bago ito pumasok sa loob ng buildig.
Hinarap ko si Grace at hinaplos ang kanyang mukha. "Are you okay?" ewan ko kung bakit alalang alala ako sakanya kahit na wala syang ginawa kundi sungitan at tarayan ako.
Nagulat man sa aking ikinilos ay agad inalis ni Grace ang aking kamay sakanyang mukha. "Don't touch me," at umiwas ito ng tingin. "Umuwi ka na," sabay talikod nito sakin.
Nakalimutan ko na untouchable si Grace.
Hindi na ako lumingon at daretso na agad ako sa kotse. Bago ako umalis ay nakita ko sina B1 at B2 hindi kalayuan sakin. Para silang mga CCTV na laging nakamashid sa lahat ng ginagawa ko.
Umuwi ako sa bahay at nagpahinga. Wala sina Mama at Papa dahil nag out of town sila. Okay rin naman dahil kailagan din nilang mag relax at hindi puro trabaho.
Inabala ko nalang ang aking sarili sa pag reresearch tungkol kay Paulo, mabuti nalang at f*******: friends sila ni Grace kaya hindi na ako nahirapang hanapin sya. Hindi narin ako nagulat na mayaman sya dahil galing pala ito sa prominenteng pamilya.
May mga kamay na biglang tumakip sa aking mga mata. At kahit hindi ko ito makita ay sa amoy palang kilalang kilala ko na.
"Megan, what are you doing here?"
"Aghh..." agad na inalis ni Megan ang kanyang kamay sa aking mata sabay yakap nito sakin. "Bakit alam na alam mo na ako to?"
Natatawang sinulyupan ko ang aking magandang pinsan. Sumisikat na si Megan sa kanyang pag momodel sa Paris kaya hindi ko alam kung bakit sya umuwi dito sa Pilipinas. "I just knew it," syempre hindi ko sasabihin na dahil ito sakanyang pabango. "Anyway. Bakit ka nandito? Sinong nag aasikaso sa shop?"
Naupo si Megan sa aking tabi. "Wag kang mag alala sa shop dahil nandon si Maica,"
"Kailan ka pa dumating?" tanong ko nang mapansin ko na nakasauot na sya ng pambahay.
"Oh.. like five hours ago but when I came here, wala kayong lahat pero sabi naman ng katulong nyo umuwi ka daw ng 6 or 7 pm," isinandal ni Megan ang kanyang ulo sa balikat ko. "Anyway, kailan ka ba babalik ng france? Kailangan kita doon. Sikat na sikat na ang clothing line mo. May mga fashion magazine na gusto kang interviewhin,"
"Talaga? Wow!" napakalaki ng aking ngiti ng marinig ang balita ni Megan. Finally, nagbunga narin ang dugo at pawis ko sa pagdedesign. "Hayaan mo at susubukan kong tapusin ang lahat dito para makauwi ako agad,"
"Wait, who is that?" itinuro ni Megan ang babaeng nasa f*******:. "Your new chick?"
Isinarado ko na ang hawak kong laptop at isinantabi ito. "New chick?" natatawa kong sabi. "Hey, wag mo akong itulad sayo na parang nagpapalit ka lang ng damit araw araw,"
"Ouch," napahawak si Megan sakanyang dibdib na kunwaring nasaktan sa aking sinabi. "Sisihin mo si Alex dahil ayaw nya ng makipagbalikan sakin,"
Nahiga ako sa aking kama. "Well speaking of Alex, I saw her two days ago. Napakaganda nya Megan, I'm sure na lalo kang hindi makakamove on kapag nakita mo sya,"
Kahit na matagal na silang hiwalay ay alam kong mahal parin ni Megan si Alex. Kung hindi lang talaga siraulo itong si Megan edi sana sila parin ni Alex. Katulad nga ng kasabihan, malalaman mo lang na mahal mo talaga ang isang tao kapag nawala na ito sa buhay mo.
Malungkot na nahiga sa aking tabi si Megan. "Well, too bad, she is already engaged," huminga ito ng malalim. "At ayaw ko na syang guluhin pa dahil akam kong masaya na sya," biglang naupo si Megan at hinampas ako ng unan sa mukha. "Don't tell me tutunganga lang tayo ngayong gabi. Come on let's go out !"
Hindi ako tinitigilan ni Megan hanggat hindi ako pumapayag. Punong puno ang bar na napuntahan namin, halos nilalakad na ako ng mga tao. Pero walang paki alam si Megan kung may mabangga sya sakanyang paggiling at pagsasayaw. At gaya ng nakaugalian ay hindi ako masyadong nagpakalasing dahil kailangan kong mag drive pauwi dahil hindi ko pwedeng asahan si Megan. She is a party animal.
Sinusulit ko narin ang pagkakataon na ito dahil bukas puro stress nanaman ang aabutin ko sa trabaho kaya giling dito, giling doon ang ginawa namin pero napatigil kami sa pag sayaw ng may biglang bumangga sa likod ni Megan at muntik na sya mapasubsob sakin.
"Hey! What the.." pero naumid ang dila nito ng makita ang napakagandang babae na nakatayo sakanyang harapan.
"I'm sorry hindi ko sinasadya," paumanhin ng babae at titig na titig sa mukha ni Megan.
"I'm Megan.." inilahad ng pinsan ko ang kanyang kamay. Talagang hindi na sya nag aksaya ng oras para makilala ang napakagandang babae na ito. "And you are?"
"I'm Color Benitez," sagot ng babae.
"You have a.." agad na kinuha ang kamay ni Megan.
"A very weird name," dagdag ni Color.
Okay fine. I'm done. Baka hindi ko dito mahahanap ang poreber ko. Kusa na akong umalis para magpahiga dahil sobrang pagod narin ng mga paa ko.
"Oh gosh yes," ungol ko ng sa wakas ay makaupo ako. Agad na may lumapit sa aking lalaki pero hindi pa man sya nakakapagsalita ay sinenyasan ko na agad ito na umalis na.
"Bitawan mo nga ako!" inis na sabi ng babaeng dumaan sa aking harapan at hindi ako pwedeng magkamali na si Grace ang nakikita ko. May babaeng nakasunod sakanya at pilit sya nitong hinahawakan.
"Pakinggan mo naman ako," pakiusap nito at ng tinangka nitong hawakan si Grace. "I'm sorry, I still love you Grace!"
Wait, what? Grace is a lesbian? Akala ko ba boyfriend ang meron sya dati? Chismis talaga.
"I can't Jean," sobrang lungkot ng mukha ni Grace. Pero mas nalungkot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. "So please..."
"Grace please.." hinablot ng babae ang braso ni Grace. Ang higpit ng kanyang pagkakahawak.
"Nasasaktan ako Jean,"
"Let her go," utos ko sa babae. "Bingi ka ba? Nasasaktan na sya!" nanlaki ang mata ni Grace ng makita at makilala ako. Ilang beses ko ba dapat iligtas tong si Grace sa mga taong gustong syang saktan at harasin.
"Ano bang pakialam mo? Saka sino ka ba?" galit na tanong ng babae sa akin.
"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako pero sana marunong kang rumespeto sa babae," naramdaman ko ang kamay ni Grace sa braso ko hindi ko alam kung para pigilan ako o ano. "Ang babae pinahahalagahan, minamahal at hindi niloloko,"
"Wala kang alam!" sigaw ng babae sakin pero hindi ako nasindak sakanya.
Pero bago pa ako makapagsalita ay biglang sumulpot si Megan at kasama ang babaeng nakilala nya.
"What is happening?" nagtatakang tanong ni Megan habang palipat lipat ang tingin nito sakin at kay Grace. "Wait you are-" tinakpan ko ang bibig ni Megan para pigilan kung ano man ang sasabihin nito. Ayaw kong sirain nya ang mga plano ko.
"Umalis ka na Jean," pakiusap ni Grace. Hindi na nakipagtalo ang babae at umalis narin ito. Tinignan ako ni Grace mula ulo hanggang paa. Siguro nagtataka sya kung bakit ibang iba ang pananamit ko ngayong gabi. "Thank you," pasasalamat nito bago umalis at humalo sa mga tao.