Pagkatapos naming mag usap, magplano at mag isip ng mga dapat gawin dumaretcho na kami nina Mama at Papa sa isang sikat at kilalang restaurant.
Sabi nila masarap daw ang pagkain dito at kilalang kilala sa mga masasarap at dekalidad na International cuisine.
Maganda rin ang ambience sa loob, very romantic and solemn. Narerelax ang pagod kung isip at katawan.
"Kamusta na pala ang negosyo mo sa France?" tanong ni Mama habang tumitingin kami sa menu. Pricey ang pagkain pero siguro naman worth ang bawat sentimo.
"Excellent Mom!" nakangiti kong sagot. Kumuha ako ng Business Management dahil narin sa hiling ng parents ko para sa family business namin pagkatapos kong magawa ang gusto nila ay hinayaan na nila akong mag aral ng Fashion Designer na talagang passion ko sa buhay. Nakapagtayo narin akong boutique sa France. "Maganda naman po ang pagtanggap nila sa clothing line ko, we are trying to make new design every month at malaking tulong din sakin si Megan,"
"I'm so proud of you," hinawakan ni Papa ang aking kamay. "Mabuti nalang talaga at kasama mo si Megan para may katulong katulong ka sa negosyo mo sa France,"
"Good evening,"
Lahat kami napatingin sa taong nakatayo sa aming harapan at napakalaki ng pagkakangiti nito sakin.
"Alexandra Monteralba!?" halos mapasigaw ako nang makilala ko ito. Hindi ako mapaniwala na magkikita kami dito sa Pilipinas. Former college classmates kami ni Alex sa France, naging close friend kami dahil naging ex girlfriend nya si Megan na pinsan ko. Tumayo ako at niyakap si Alex. "Oh my gosh. It's been a long time Alex!"
"Yeah, it's been a years. How are you Sam?" magiliw na tanong nito. Hindi parin sya nagbabago, napakajolly, pleasant ng kanyang personalidad at lalo syang gumanda. "Ang tagal kong walang balita sayo simula ng umuwi ako dito,"
"Well, first Alex, this is my Mom," itinuro ko si Mama na nakamashid lang samin. "And my Dad," pakilala ko sa aking magulang. Magalang naman silang kinamayan at binati ni Alex. "This is Alex, a dear friend,"
"Nice to meet you," sabay ng sabi ng parents ko.
"And I'm great Alex, I just got here from France," pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. "You have really changed!" nakasuot sya ng slack, black long sleeves na talagang bagay na bagay sakanya. "Anyway, what are you doing here?"
"I personally came here to offer our main dish for tonight," sinenyasan ni Alex ang waiter na nasa kanyang tabi. Tumalima naman agad ito at inilapag ang malamig at mamahaling red wine sa aming lamesa."Chateau Lafite 1865," napasinghap ako. Ang mahal ng red wine na yan. "For appetizers, we have.." binuksan ng isang waiter ang dala nitong tray. Kinuha ni Alex ang mga plato. "Shrimp appetizer tray with avocado and tomato,"
"Wait," awat ko kay Alex pero hindi nya ako pinansin. "Ikaw ba ang manager dito?" nagtataka na tanong ko sakanya.
Ngumiti si Alex habang nilalapag ang pagkain sa harapan ni Mama. "The Almas caviar for you Madame,"
"Oh my. This is look delicious!" halos lumuwa ang mga mata ni Mama.
Uminom si Papa ng mamahaling red wine na inihain ni Alex para samin. "Oo nga Iha, Ikaw ba ang manager dito? Hayaan mo na irecommend kita sa boss mo para mapromote ka because you are really doing great!"
Napatawa ng mahina si Alex na hindi parin natatanggal ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ba sya napapagod ngumiti?
"Thank you Sir," matuwid na tumayo si Alex. "I'm actually the owner of this restaurant," napanganga kaming tatlo. Wow. Hindi ko akalain na business woman na ang kaibigan ko. Pero kahit ang layo na ng narating nya wala akong makita at maramdaman na yabang sa kanyang katawan. Very down to earth parin sya. "Sagot ko na ang dinner nyo for tonight, think of it as a complimentary meal,"
"Wow, thank you," masayang sabi ni Mama na nagniningning ang mga mata habang nakatingin kay Alex. Sino nga ba ang makakatanggi sa free food lalo na at sobrang sasarap ng mga pagkain nila. "Siguradong babalik kami dito, lalo na at magkakilala pala kayo ni Sam,"
"You are welcome Madame," may kinuha si Alex sakanyang bulsa at inabot sakin ang maliit na papel. "This is my calling card Sam, just in case you need anything or just a simple talk,"
"I will definetly call you one of these day Alex," paninigurado ko sakanya.
Tumango si Alex. "So pano po," tumingin sya sa parents ko. "Enjoy the food," at sakin. "I have to go Sam," at bago umalis si Alex ay inutasan nito ang kasama nyang waiter na ilagay ang iba pang pagkain sa aming lamesa gaya ng Chicken braised with tomatoes, onion, white wine, peperoncino, topped with fresh basil, parsley and pecorino cheese, Grilled Salmon With Spicy Korean Chili Pepper Sauce at Chateaubriand steak with Béarnaise sauce. Syempre may dessert pa na Gulab Jamon na napakasarap.
Grabe sobrang saya at busog namin at halos maubos lahat ng pagkain na pinahanda ni Alex. Gusto ko sana magpasalamat sakanya pero hindi ko na ulit sya nakita, tinanong ko sya waiter pero umalis na raw ito. Maybe next time magkikita at magkakausap ulit kami.
Hindi ko na nagawang mag palit ng damit pang tulog dahil sa sobrang pagod sa 14 hours and 30 minutes flight time ko from Paris, France to Manila. At bukas maaga pa akong gigising dahil maguumpisa na ako magimbestiga sa kumpanya. Sana maging successful ang lahat para matapos na ang problema na ito at makabalik na ako sa France.
Pumarada ako sa harap ng building ng kumpanya namin at bago bumaba ay isinuot ko muna ang walang grado ko na salamin sa mata, nag iba rin ako ng style ng pananamit from very fancy and girly dresses ngayon ay slack, pantalon, long sleeves at tshirt ang magiging style ko kapag nandito ako sa kumpanya.
Huminga muna ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Binati ako ng guard na titig na titig sa aking mukha pero binalewala ko lamang ito at nagtuloy ako sa loob ng elevator. Iilan iilan lang kami sa loob.
"Alam mo bang narinig ko na umuwi daw ang nag iisang anak ni Boss from France? Sobrang ganda daw," anang ng lalaki na nasa aking harapan habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Nasa bandang likuran ako kaya hindi ako napapansin.
"Talaga? Kailan daw dumating?" interesadong tanong ng isa sa mga lalaki.
"Kahapon. Nagpunta nga daw dito at napakaraming body guard!"
Grabe ang OA namam magkwento ng isa na to. Si Peter lang kaya ang kasama ko.
"Sayang at hindi ko sya nakita. Baka pwede kong maligawan,"
Nagtawanan ang mga lalaki. Napaikot nalang ang mga mata ko. This is why I don't like boys well yes my parents knew na lesbian ako at okay lang naman daw sakanila basta masaya ako.
"Alam mo pare hindi ka non magugustuhan kasi sa buhok mo palang matatakot na yon," naiiling na sabi ng bangka sa kwentuhan.
"Lemme through," bulong ko sa mga tanong nasa aking harapan dahil nasa 18th floor na ako. Inayos ko ang aking salamin nang makalabas ako ng elevator.
Pag gusto nyo makichismis sa buhay ng may buhay, tumambay lang kayo sa elevator ng mga kumpanya nyo.
Lahat ng tao nakatingin sakin na parang galing ako sa ibang dimensyon ng mundo. Teka. San ba ako pupunta. Sabi sakin ni Papa na hanapin ko daw si Grace at sya daw ang bahala sakin. Lumapit ako sa babaeng kumakain ng pandesal. "Hmm excuse me,"
Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. "Yes?" sagot nya habang ngumunguya.
"San ko makikita si Grace?"
Nabulunan ang babae at nagmamadaling uminom ng mainit na kape na sya namang ikinapaso ng kanyang dila. "Aah-ray!" pinapaypayan nito ang kanyang dila. Napakamot nalang ako sa aking ulo at naghintay hanggang sa makarecover na sya. "Bakit mo sya hinahanap?"
"I just need to talk her," matipid ko na sagot.
Nagkatinginan ang tatlong babae sa aking harapan na parang iniisip nila na nasisiraan na ako ng bait. "Alam mo ba ang pinapasok mo dito? Marami ka namang pwedeng pasukan na trabaho wag lang dito,"
Nagtaka ako sa sinasabi nito, bakit ano bang meron dito at ayaw nila akong magtrabaho dito? "What do you mean?"
"Ignore her," salita ng isa sa tatlong babae. "If you are looking for Grace, punta ka don sa unang office," at itinuro nito ang dalawang cubicle.
Tumango tango ako. "Thanks,"
"Good luck," napangiwi na sabi ng unang babae ng nakausap ko. "I hope you will survive,"
"Weirdo," bulong ko sa aking sarili bago magpunta sa cubicle kung nasaan yung Grace. Kumatok muna ako bago pumasok, sobrang lamig ng opisina, para akong nasa Finland kulang nalang ay mga snow at reindeer.
"Good Morning," bati ko kahit yung upuan ay nakatalikod sakin at hindi ko makita kung sino ang kinakausap ko. "I came here to see Ms. Grace,"
Gumalaw ang upuan at dahan dahan itong umikot. Napanganga nalang ako ng tuluyang masilayan ang taong nasa aking harapan. Noong una ko syang makita ay sobra na akong nagandahan sakanya ano pa kaya ngayong nakaface to face sya.
Si Ms. Agustin na nakasabay ko sa elevator na pinaguusapan ng kanyang mga katrabaho kahapon at Grace ay iisa lang pala.
Ibinababa nito ang kanyang hawak na folder at tinitignan ako. "So you are my new secretary,"
Actually hindi nya ako tinatanong, it's more like she stated and is really expecting me today.
"Yeah, I mean yes," hindi man lang sinabi ni Papa na secretary pala ang magiging trabaho ko, sana man lang nakapag ayos ayos ako ng kaonti. "I'm Samantha Imp- Concepcion," at nakangiti ko pang nilahad ang kamay ko pero walang nangyaring hand shake.
"You are really familiar to me, have we met before?" may pagtataka sa boses ni Grace.
Napaiwas ako ng tingin at umiling. "No Maam," pagsisinungaling ko.
Masyadong matalino si Grace para maniwala sa kasinungaling ko pero hindi nalang nya ito pinagtuunan ng pansin. "Okay. Your table is there," at itinuro nito ang maliit na lamesa na may laptop at nakatambak na kung ano ano. "Magtrabaho ka na dahil ayaw ko ng babagal bagal,"
Grabe napakasungit naman ng babae na ito. Hindi ba pwedeng konting introduction at coffee muna bago trabaho?
"Ano pang itinatayo mo dyan?"
Nagmamadali akong pumunta sa lamesa na para sakin at inilagay ang aking bag. Palihim akong sumulyap kay Grace na seryosong seryoso sa pagbabasa ng papeles sakanyang harapan.
Kung hindi lang para sa parents ko at kumpanya, hindi ko talaga gagawin ito. Hindi ko hahayaan na sungit sungitan ako ng babae na ito. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Relax Sam. Matatapos din ang lahat ng ito. Kailangan mo ng maraming pasensya dahil umpisa palang ito.
Biglang bumukas ang pintuan ang pumasok si Papa. "Ms. Agustin we have a meeting," at tumingin ito sakin at agad akong niyakap. "How are you? Okay ba ang unang araw mo?"
"Dad, I'm not your daughter here," mahinang bulong ko kay Papa na tila nakalimutan ang totoong misyon ko sa kumpanya na ito.
Tumayo si Grace. "Yes sir I'll be there," lumapit ito na puno ng pagtataka kung bakit ako niyakap ng kanilang presidente. "Magkakilala kayo Sir?"
Biglang napa ayos ng kurbata si Papa at namumula ang mukha. "Hmm yeah. She is my.." lumunok si Papa. "My colleagues's daughter,"
Hindi kumibo si Grace at nakatingin lang samin, marami syang tanong sa kanyang mga mata at habang abala sila sa pag uusap sa kung ano anong bagay ay nagkaroon naman ako ng chance na pagmasdan sya mula ulo hanggang paa. Sobrang kinis ng kanyang binti at hita dahil nakasuot sya ng skirt at blazer. Neat na neat ang pagkakatali ng kanyang mahabang buhok, wala syang ni anong make up sa mukha pero umaangat parin sya sa lahat.
"Are you done looking?" medyo galit ang tinig ni Grace na nakatayo na sa aking harapan. Hindi ko man lang namalayan na umalis na si Papa.
Namumula ang aking mukha na umiwas ng tingin. "Sorry,"
"Hindi poket malapit ka sa presidente ay pwede mo ng gawin ang gusto mo dito. Hindi ito playground,"
Napanganga nalang ako. Wala naman akong ibang ginagawa at sinasabi para pagtarayan nya. Hindi na ako nakapangatwiran ng umalis na ito para pumunta sa meeting.
"Great!" inis na bulong ko sa aking sarili at napasandal sa upuan. "This is going to be a long and hard undercover job for me,"